Palagi nalang kayo! (Ang POV ni Sumire)

Disclaimer: Ang character ni Sumire at ang Gakuen alice ay hindi akin.


Sumire. Isang napakagandang pangalan, hindi ba? Kasing ganda ko! Siyampre dahil pangalan ko iyon! Kahit na hindi ko pangaan iyon, maganda pa rin ako! Kung si Mikan "cute", ako maganda! Bwahahah! Pang tuta at kuting lang ang cute. Oh, wait…. Yung alice ko nga pala. Dog-cat. So ibig sabihin nun, maganda at cute ako! Wow! Ang talino ko talaga! I'm cute, preety and smart in one package! O ano? May laban ba kayo? Ahahaha!

For your information, ako yata ang president eng Natsume/Ruka fanclub! Ano me angal ka? Karapat-dapat lang naman ako dun! Ang gwapings, japorms at talino nilang dalawa! (squeals, swoons and faints. Recovered after 2 mins.) Pero kahit na gunun… ayaw paring nila akong kausapin! At dahil lang iyon kay Mikan! Excuse me! Anong klaseng pangalan iyon? Tapos no star lang siya! Hmmph! At ang nakakainis pa doon: kapartner niya si Natsume! Argh! Kailangan mawala sa landas ko ang babaing iyon! Naalala ko tuloy nung nagpalit sila ng katawan ni Natsume! Gahh! Nakakabanas! Kung hindi lang kasi masisira ang image ko, matagal nang disappear yang sadistang iyan kahil na meron pa siyang nullification alice! Haha! In her and your faces!

Akala mo kung sino! Plagi nalang nagpapa-cute! Una, si Iincho yung biniktima, tapos ngayon, pinagtritripan sina Natsume at Ruka! Wala na talaga sigurong dignidan ang babaing iyon! Grrr… Kainis!

Teka nga lang, bakit ba siya pinag-uusapan natin? Di kaya… nahawa ako sa virus niya! Oh, man, please no! Kitams! Pinapaikot niya lang kaming lahat! Tapos linalandi pa yung senior na may shadow manipulation! Huh! Just as I expected from a low star class like her! Fu!

Pero, bakit ba ganoon, ha! Magaling ako sa Math, Science, Language, PE, etcetera, etcetera. So what kung bagsak ako sa THE! So what kung bagsak ako ng tatlong taon sa Anger Management class! Di naman ibig sabihin nun na wala akong pag-asa, di ba? Right? RIGHT? Good.

Anyway, in conclusion, ako lang talaga ang best choice para sa dalawang prince charming ko! Pero sino sa kanila ang pipiliin ko! Argh! Puno na yata ng problema tong buhay ko!

A, may bigla akong naalala! May nakapagsabi sa akin na kung nag-fusion daw kami ni Mikan kamukha raw namin yung kapatid ni Natsume. As if makikipag- fusion ako with a klutz like her! Mabasag pa ilong ko! Tsu! KYAAHHH! Parating na ang dalawang prince charming ko! Sige babay na! At kung sasabihin ninyo ang mga sinabi ko sa ibang tao at napahamak ako, tandaan ninyo lang ito: I can hunt you down and kill ang I won't hesitate to do so… Toodles! (hinabol sina Natsume at Ruka….)


a/n: Pasensya na wala lang kasi talaga ako magawa habang bilang na ang masasayang days of summer! June 5! WAAAAHHH! Kung gusto o ayaw ninyo mag-review, ayos lang sa akin iyon… (nasira yung computer dahil sa bagyo ng luha ng author/ess)