"Ano ba 'yang pinapatugtog mo?"
"Si Yiruma 'yan. Korean pianist. Bakit? Pangit ba?"
"Hindi naman, maganda nga eh. Gawan mo nga ako ng copy niyan. Dali!"
"Bukas nalang"
"Bakit kailangan bukas pa? Bakit hindi pa ngayon?"
Panaginip. Panaginip lang. Dahan-dahang naalimpungatan ako sa aking mahimbing na pagtulog . Nakatulog pala ako sa aking biyahe pauwi ng Iloilo. Sinandal ko ang aking ulo malapit sa bintana at tumingin sa labas ng eroplano. Natanaw ko ang malawak at bughaw na kalangitan na napapaligiran ng maputi at nagku-kumpulang mga ulap na nagmistulang napakapayapa ng tanawin. It could have been a nice day kung hindi lang dahil sa pagkamatay ni Tito Darius.
"Sino nga ulit si Tito Darius?" malambing na tanong ni Jarvan, ang aking manliligaw sa akin.
"He was my bestfriend's dad," maikli kong tugon.
"Ezreal huh, the one who died six years ago."
