SUMMARY: KYOUYA/OC. Isang maling pagkakataon. Isang nakakawindang na pagkikita. Isang kwento ng pagmamahalan? What the heck--!
Disclaimer: Sa inyong palagay, Pilipino ba si Kyouya? Itext ang boto sa 6193 for Globe and Talk 'n Text subscribers.
Nota ng Awtor: (Shet! Tama ba to?) Dahil umusbong na naman ang kagaguhan ni mylife'sboat, (mylife'sboat: Oi!) eto na naman siya. Pagpasensyahan n'yo na, kulang sa kape. Nahawa na ata sa salitaan sa Zorro...(scratches head) Er, go Richard! Hindi na-beta. Ipagpaumanhin. (nosebleed!!!)
Dedicated to PurpleSkye.
Panimula
(Prologue)
Nabalot ng malakas na tunog ng batingaw ang buong palengke at iyon ang hudyat ng pagtatapos ng misa. Nagdagsaan ang mga tao sa labas ng simbahan at nagpakalat-kalat sa daan, nagtatangkang makapara ng sasakyan upang makauwi na sa kanikanilang pamamahay at magsiluto ng tanghalian sa mga nagugutom na anak.
Pero ang ating kwento ngayong araw ay walang konek sa mga taong nakakalat sa labas ng simbahan. Dadako pa tayo ngayon sa kaloob-looban ng palengke--yung tinatawag ng mga sosyal na walang ibang ginawa kundi marelax sa harapan ng computer na--wet market.
Malakas na mga sigaw ng mga tindera na nag-a-advertise ng kanikanilang produkto ang umaalingasaw sa loob ng buong lugar. At huwag nating kalimutan ang malansang amoy ng mga produktong karne at isda here and there.
Nakaupo ang ating bida, si Antoinette, sa isang maliit na bangko sa tabi ni Aling Nena--ang dakilang tindera ng bangus, tilapia, lapulapu at iba pang lamang-dagat. Helper ni Aling Nena si Antoinette--Toni kung sa gusto niyang itawag sa kaniya at kasalukuyang nakikitira ang ating bida sa bahay nila dahil pamangkin din niya ito. At dahil bakasyon naman, at papasok na ng kolehiyo ang pamangkin niya sa susunod na buwan, pinatuloy na niya ito sa kanilang mumunting tahanan. Taga probinsya kasi si Toni Nueva Ecija, at nagbabakasyon siya sa mga kamag-anak.
Kaiba sa loob ng malapit niyang kaibigan na si Ross--Rosalinda daw sa gabi--na nasapian daw ng masamang ispiritu ng pagkababae, ito namang si Toni 'e tigasin. Maton ba. Kilala niya lahat ng tao sa buong barangay at palakaibigan siya. Minsan naman, natututong pa siyang manghamon ng away sa mga bastos na tambay sa kalye habang eto namang si Ross, 'e nagpapakabakla lang. Nagpalit ata ng kasarian itong dalawang ito eh. Honestly, they've been acting like...ahem. Paumanhin.
"Hoy shokla," sambit ni Ross habang kumekembot papalapit sa matalik nitong kaibigan. "Bongga ka ah."
Tinitigan ng matagal ni Toni si Ross na parang sinasabing, 'Layas!' dahil badtrip ito simula umaga. Ito kasing si Kokoy, pagkatanda-tanda 'e parang umaarteng retarded. Ang aga-aga, binabasag ang katahimikan sa nakakarinding boses sa banyo.
"Ano na namang kailangan mo?" pasigaw na tanong ni Toni sa kaibigan.
"Wow, easy girl. May maganda akong balita."
"Siguraduhin mo lang na magandang balita yan kundi, papalipitin ko'ng baga mo," galit na sagot nito.
Ross recoiled, habang naalala ang mga panahon pag talagang badtrip ang loka. Nakakatakot, indeed.
"May Santacruzan tayo ngayon! Kukunin ka daw na Reyna Elena!" masayang ibinalita ng bakla habang tinatapik tapik ang balikat ng pissed off na si Toni. "Bongga, 'di ba? Antoinette Fernadez...Reyna Elena. O, 'di ba?"
Nag-shoot ng death glares and babaeng maton sa binabae habang isisnisigaw na, "Hindi ako interesado sa mga bagay na ganiyan!!!"
At patakbong umexit and bading dahil sa takot.
"Toni, ke-aga-aga, sinisigawan mo kaibigan mo ah," puna ni Aling Nena habang binubulahaw ang mga langaw sa mga panidang isda. Kanina pa niya pinagmamasdan ang dalaga at tila wala talaga ito sa mood ngayong araw. "Kung gusto mo, eh, umuwi ka na muna't magpahinga."
"Ayos lang po ako tiya."
"'Yaan mo't pagsasabihan ko tong si Kokoy. Pasaway talaga eh. Kahit ako'y kinokonsume sa pagkanta sa banyo."
Paano naman kasing hindi, eh ang pangit ng boses. Nang magbuhos ata ng magandang boses ang Panginoon, hindi napagkalooban.
Mabuting magpinsan ang dalawa. Sa tuwing luluwas ng Maynila sina Toni, lagi silang maglalarong ni Kokoy. Michelangelo ang tunay na pangalan nito, at si Toni ang nagbansag sa kaniya ng mabantot na nickname. Napakasusyal daw kasi ng pangalan niya kaya kailangan din nitong mabahiran ng kabaduyan.
"Eh Toni," tawag bigla ni Aling Nena sa pamangkin at dali-daling lumipat ito sa tabi. "Pwede bang dalhin mo ireng bandehadong ito kay Toyang?" Itinuro niya ang isang malaking lalagyan na puno ng tilapiang medyo lumulukso-lukso pa.
"Kay Aling Toyang ho?" paniguradong tanong ng dalaga habang binubuhat ang bandehado ng isda sa pamamagitan ng mga braso.
"Oo, anak. May handaan sila ngayon kaya kailangan nila. Kunin mo na lang yung bayad, ano?"
'Puro isda?' tanong ni Toni sa sarili habang naglalakad na papalayo. "Oho!"
---
"Oi, Toni! San punta mo?" sigaw ni Mang Ambrosio habang abala sa pagmamajhong kasama ang iba niyang tropa na ngumiti sa dalaga.
"Kina Aling Toyang ho!" pabalik na sigaw niya. "Pinapadeliver lang!"
Ibinalik ni Toni ang ngiti ng mga matatanda at nagpatuloy sa paglalakad.
Isang magarang sasakyan ang nakaparke sa gilid ng kalsada, na halos sinasakop na ang kalahati nito. 'Wow, mayaman.'
Hindi tumitingin si Toni sa kaniyang dinadaanan at bigla siyang napahinto nang may mabanga na siya. Nawala sa balanse ang bandehado ng isda sa braso ni Toni at nahulog ang mga masigla pang lumuluksong isda sa gitna ng daan.
Nagmistulang nanigas si Toni sa pagkasindak when her eyes landed on the visible brownish stain on the dress suit of the stranger in front of her. Binulong niya ang walang-katapusang paumanhin habang yumuko siya upang kuhanin ang mga nahulog na isda at ibalik sa bandehada. Pati ang shiny black shoes ng lalaking estranghero, nadungisan ng malansang tubig.
Isang pares ng grey na mga mata ang nagla-laser-glare sa kaniya the whole time. Tumayo si Toni pagkatapos ilagay ang pinakahuling isda at bumulong ng isa pang paumanhin na may kasamang yuko.
"Do you know how much this suit costs?" wika ng estranghero habang itinuturo ang mantsa sa kaniyang polo.
"Sorry."
"Can your sorry replace this suit--?"
"Kyouya!" Natigilan ang estranghero nang isang boses ng babae ang umentrada sa scene. "San ka ba nagsususuot, ha?"
Tinitigan ni Toni ang bagong dating na babae at pinuna niya ang pagkakahawig ng dalawa. Itim na buhok, grey na mata. Ngunit imbes na straight, kulot sa bandang ibaba ang buhok ng babae.
"Kanina pa kita--" Napatigil ang babae nang makita niya ang horror-struck na si Toni. "Ah!"
Nagulat ang dalaga at akala niya, totoong katapusan na niya at hindi na siya makakakitkim kailanman ng pinakamasarap na kape ng *Starbuko.
"Ang cute mo," sigaw ng babae na may mahabang kulot na buhok habang sinuri niyang maigi ang mukha ni Toni.
"Ate Fuyumi," banta ng tinatawag na Kyouya at ang nasabing ate shot him a huwag-mo-'okng-istorbohin look. And sa wakas, napansin ni Fuyumi anng dumi sa damit ng kapatid, "Kyouya, san mo galing yan?"
"A--"
"Huwag kang mag-alala," tinuloy ni Fuyumi kay Toni habang hindi pinapansin si Kyouya. "Aayusan kita! Ikaw ang magiging Barbie doll ko ngayon!"
"Teka--" Toni cut off, in an attempt to get rid of these two strangers in front of her. Pero natigilan siya nang hatakin ni Fuyumi ang bandehado ng isda from her grasp at pinahawak kay Kyouya. Walang atubiling hinila ni Fuyumi and kawawang dalaga sa loob ng magarang sasakyan.
---
A/N: Starbuko-for copyright purposes. So, ano sa tingin niyo? Gago ba? May potensyal? Ano sa palagay niyo ang magyayari kay Ross pagkatapos ng insidenteng iyon? Magbabago na kaya ang pananaw ni Kokoy na hindi niya kaboses si Dennis Trillo? At anong gagawin ni Fuyumi kay Toni? Bakit niya kinidnap ito? Mangangamoy isda na ba si Kyouya habang-buhay? Abangan sa susunod na kabanata!
