ANG WEIRD LANG

TheSilentReader


Sulat para sa mga mambabasa: Isang malaking AU sa lahat ng nangangarap na ang buong mundo ay nasakop na ng mga OFWs at iba pang migrants dahil tinuturuan nila ng wikang Filipino ang kanilang mga kasamahan sa ibang bansa. O ang kanilang mga alaga. Maikli lang naman, pa-eksperimento lang kung me a-agree na kunwari si Sei ay . . . "one of us. Just a stranger on a bus," na wala palang aircon at may colorum ang tambutso, at na-trapik sa mahabang daan ng EDSA "trying to make her way home".

Para sa mga sumusubok na sana naiintindihan tayo.

At para na rin sa manunulat na unang sumubok, si strikien.

Crackfic? Hindi ko sigurado kung ano ang tamang termino para dito. Basta ALTERNATE UNIVERSE.

Babala: HUWAG GAMITIN ANG GOOGLE TRANSLATE. Pakiusap.


Ang Weird Lang

Sei. Pangalang akala mo ay short-version lang ng sobrang mahahabang pangalan tulad ng Seraphim, o ano pa mang maisip mong pangalang galing sa sobrang pagtangkilik ng mga Pilipino na mapa-westernize ang pangalan ng kanilang mga anak. Kung tutuusin, ang mga pangalan ngayon ay napapahalo narin sa mga pa-jejemon tuwing nakikita ang "h" at "z" na inisisingit dito. Tulad ng Jhazmhine. Kung 'di ka pa naman mawalan ng hininga sa pag-utal nito.

Pano pa kaya ang Sei. Halos 'di sila makapaniwalang yun lang ang pangalan nya.

Beyon-sei? Pakiusap, pakibaon po sa lupa.

Sei. Pangalang Hapon. Sei Satou. Isang pangalang ipinilit ng kanyang inang minsan nang namalagi sa bansang iyon, at pag-uwi nito sa Pilipinas ay may dala-dala nang sanggol sa kanyang sinapupunan. Bigo man sa pag-ibig, siya ay nag-simulang muli sa bayang kanyang minsang iniwan.

Ngunit nahanap din siya ng kanyang ex-jowang hapon, umaasang magkabalikan, dahil, kahit papano, may pananagutan parin siya . . . sa pag-gawa sa bata. Mahirap, pero kapag sinuyo ng maayos ang dalagang Pilipina, titiklop at titiklop parin ito dahil sa panunuyo. Masipag ang mga Hapon sa ganon. Hindi man kaya ng ama na tumira sa Pilipinas, sinigurado naman niya na lagi siyang bibisita. At doon, nagsimula ang buhay ni Sei na pabalik-balik mula sa Pilipinas at Japan.

Mahirap makibagay. Mahirap makibagay lalo na kung ang unang akala sa iyo ng mga kaklase mo noong high school ay isa kang Chinese. "Are you Chinese?" ang unang iuutal ng mga kaklase, sa inaakala nilang bagong lipat ka sa paaralan. (Lahat kasi ng Asian, Chinese. Walang distinksyon. Asar, men.)

At dahil medyo dinumog na ang Pilipinas ng mga Koreano at K-pop, nasama na rin ang Korean sa kanyang pseudo-nationalities.

Ang iba, kabado sa pag-Ingles. Ang iba nagpapapansin (dahil first time makakita ng banyaga) kaya todo naman sa English speaking—may pa-formal-formal pang nalalaman na "How do you do?" dahil ang pagturo ng English sa mga foreigners sa Pilipinas ay masyadong pormal.

"Half-Japanese. Nakakaintindi naman ako ng Tagalog."

Japanese. Unang lalapit ay ang mga anime-addicts, nagmimistulang mga langaw sa isang basurahang puno ng bulok na pagkain.

"Really? Do you know anime?"

"Of course, I do. Pero, seryoso, marunong akong managalog." Mamaya't maya'y may makikita ka nang references sa kung saan mang anime tulad ng, "Let's be friends!"

Fanservice.

Sa bawat taon ng pag-aaral sa elementarya, nasanay na siyang napapaiba, nag-iisa. Marahil dahil 'di naman talaga siya ganong ka-generic—kayumanggi, itim ang buhok. Isa s'yang malaking whitehead sa linyada ng mga estudyanteng nakapila sa harap ng estatwa ni Rizal at ng watawat ng Pilipinas, habang kinakanta ang Lupang Hinirang.

Sanay na siyang mag-isa.

Sanay na rin akong pinag-uusapan. Sanay na rin bumebengga sa polls sa classroom sa kung sino man ang pinakamagandang babae sa klase. Siya raw. Kasi maputi. Kasi singkit. Kasi, mukha daw Chinita.

Sabing hindi Chinese, e.

Kung sino ang naiiba, 'yun ang unang nakikita.

Napasabi na lang s'ya ng "Please, take care of me," animo'y pa-joke na sinabi, habang tumatango. Buti nang may kausap kesa sa wala.

Na-gets nila ang sinabi ni Sei. Sa sobrang tuwa nila sa kanya, pinasabi nila ang mga katagang iyon sa wikang Hapon.


College.

Nanggaling siya sa isang prestihiyosong science high school, kung saan sikat ang mga mag-aaral sa kanilang husay at talino sa larangan ng siyensya at teknolohiya. Ang paaralang nababasa sa dyaryo. Hindi man siya ganoong matalak kung saan siya nanggaling, pero napipilitan s'yang sabihin tuwing simula ng semestre at may pakinlanlan sa klase. Pangalan, nick name, batch, course, high school kung saan nanggaling, you know the drill. Kapag naririnig ang buong pangalan ng HS, gusto n'yang tumiklop at sabihing:

"Hindi naman big-deal. Lahat naman tayo pantay-pantay dito."

At para namang may lakas siyang sabihin yun. Isa lang ang maririnig mo mula sa upperclassmen: bibokid.

'Wag na lang. Isang simple at tahimik na college life. Isang pagkakataon upang magkamali, uminom, mag-bulakbol.

Hindi kasama dito ang pakikipag-away sa upclass na maaring ilibre ka sa susunod na inuman tuwing Huwebes ng gabi.

Maliban sa Asian look ko, heto dumagdag naman sa listahan kung bakit napapaiba s'ya sa karaniwang mamamayan ng pamantasang ito ay dahil sa kung saan ako nanggaling. Sana sinabi n'yang, nanggaling s'ya sa isang 'di kilalang paaralan para lang 'di ako tingnan ng matagal ng kanyang mga kaklase kahit na s'ya'y nakaupo na at ang katabi n'ya na ang nagpapakilala.

Minsan, akala ng isang guro sa isang Social Science subject na foreign exchange student si Sei, na kahit na Kasaysayan I ang kurso, ay napapa-Ingles tuloy si Prof ng wala sa oras. Minsan na s'yang natatawag kung naiintindihan ko ba yung pinagtatatalak nya sa unahan, ngunit tinanong nya na si Sei sa ikatlong session. Ngayon lang daw nya napagtanto na may foreign exchange student pala siya sa halos dalawang daang estudyanteng nagsisiksikan sa lecture hall para dumalo sa kanyang klase. Tinawag si Sei gamit ang mikropono. Hindi siya sumasagot dahil sa sobrang inis. At pagkatapos ng klase, pinuntahan niya ang prof at sinabing, "Nakakaintindi po ako ng Tagalog."

"Edi sana sinabi mo nung tinawag kita."

"Ma'am, nakakahiya po, e."

Pero pakdisshet, bakit nya kailangang ipaliwanag? Sana 'di na nya sinabi para tuloy lang ang paghihirap ni Ma'am sa kakapiga ng English mula sa kanyang utak hanggang sa maubusan siya ng maipupurga. But no, that's because I am a conscientious student of this University. Kung ayaw mong gumapang ang grade mo, be nice.

Pagkatapos noon, 'di n'ya akalaing mas maganda pala ang lecture nya kapag full force siya sa pananagalog.


Freshman

Stereotyping ang tawag noong napagkamalan siyang foreigner noong block orientation at naisama s'ya sa grupo ng mga tunay na foreign exchange students. Siya naman kasi si tanga na 'di umiimik tuwing kinakausap s'ya ng Ingles—puro tango lang ang ginagawa—at 'di sinabing hindi nga po ako exchange student; normal ako, normal! sa mga volunteers na upperclassmen na wagas sa pagaasikaso sa mga bagong mag-aaral ng pamantasan. Nagmistulang lost sheep, isinama siya sa grupo ng mga Koreanong exchange students, sa pag-aakalang doon s'ya makakahanap ng kasama.

Koreano? Kumusta naman ang kanyang pakikipag-hand signs sa kanila—ang alam n'ya lang ay tumango at tumango sa pangangarap na maintindihan nila. Nabuhay si Sei sa henerasyong usong-uso sa mga kabataang pagpantasyahan ang mga artistang Chinito at Chinita na kung tutuusin ay naiiba sila sa kanilang kalahi dahil mas malaki ang kanilang mga mata.

Gusto mong makakita ng unique at gwapong artista mula sa ibang bansa? Ang unang pagkakaiba nila sa pangkalahatang mamamayan ay ang kanilang mata. Hindi sila singkit, pero may feel na Asian sila.

At sa mismong orientation na 'yon, doon n'ya nasubukan ang natutunan n'ya sa tatay n'ya noong nagbabakasyon si Sei sa kanila. Nihongo for the win. Pilit man at pa-utal ang kanyang bigkas, naintindihan ng erpats si Sei.

Nakilala ko si Eriko, isang arts student sa kanyang sariling bansa at pumunta lamang sa Pilipinas upang mag-aral ng Ingles. Sa kanyang mga mata nakita ni Sei ang pilit niyang maintindihan ang banyagang inuutal ng mga nakapaligid sa kanya. Kung tutuusin, madaling matutunan ang Tagalog. Ang pagbigkas ng bawat salita ay kasing parehas lang sa Nihonggo. Mapunto nga lang. Bawat pagbigkas ng silaba ay nagmumukha silang galit.

Ngunit ang language barrier ay walang epekto kung wala ka nang magagawa. Si Sei ang una nyang nilapitan dahil si Eriko rin lang ang tila out-of-place sa grupo ng exchange students. Nabasa ni Eriko sa kanyang mga mata ang interes—napansin nya bang mukha si Sei na Hapon? Na nagmumukha siyang tanga sa mga Koreano na parang pinagtatawanan siya? Hinawakan ni Eriko si Sei sa balikat at biglang nagsalita sya sa wikang Nohongo. Napasagot si Sei ng hai. Dun na ang simula ng pagdikit ni Eriko sa kanya.

Kasalukuyang naghahanap si Sei ng dormitoryo sa loob ng campus. Naramdaman n'ya kay Eriko ang paninibugho dahil sa kaba—wala pa siyang masyadong kilala sa campus maliban sa kanyang adviser at ang head ng Foreign Exchange Dept. Marahil nahihiya siya na lumapit sa kapwa niyang di man lang maintindihan ang kanyang mga sinasabi—

Kasi, sa totoo lang, 'di pa sa conversational level ang kanyang Ingles. Maaring naiintindihan niya kung ano ang ibig-sabihin ng isang termino, ngunit kapag humalo-halo na ang mga 'to upang gumawa ng isang kumplikadong pangungusap . . . ibang usapan na 'to.

Try mo ngang umintindi ng Nihonggo. Kung di lang lumawit ang utak mo at nagmamakaawa kang may subtitles sa pinapanood mong anime.

Useless kung ang alam mo lang ay kawai, arigato, konichiwa, o sugoi. O di kaya naman ay teme—kung 'di ka pa naman sampalin dahil sa pagiging bastos.


Foreign country

Niyaya niya si Sei na tumira kasama kay Eriko sa dormitoryong tinutuluyan niya. Wala sa isip niya na wala pala siyang makakasamang galing sa kanila—buti nalang napansin niya siya sa bumubulusok at umaarangkadang sangkatauhan na nagtipon-tipon sa school oval ng unibersidad na pinapasukan ni Eriko. 'Di aakalaing sa kumpol ng mga Koreajin nya matatagpuan ang isang taong masasabi n'yang loner. Tulad niya, nagkamali ang mga Filipino facilitators na i-grupo siya sa kanyang katulad.

Ngunit, si Sei ay isang half na lumaki sa Pilipinas at nagkataong bihasa sa Nihongo. Lucky. Mahirap maghanap, pero nagpapasalamat siyang nakita niya ang bulaw nyang buhok habang iniiwasan nya ang mga matatangkad na Koreano.

"Would you . . . ano . . . like to live with me . . . in dormitory?"

Pilit ni Eriko habang pinipilit nyang huwag ipagpalit ang "r" at "l". Bagalan lang ang pagsasalita. Hindi kailangang ipunin ang hiya.

"Pwede mo akong kausapin sa Nihongo. Basta, bagalan . . . eh . . . mo lang sa pagsasalita, ugh, ne?" Utal niya sa wikang Hapon. Ngunit 'di nya parin sinasagot ang tanong ni Eriko.

"Pero, di mo pa sinasagot yung tanong ko . . . okay lang ba kung sumama ka sa apartment? Sino pa ba ang mag-sasama sama kundi ang nagkakaintindihan?"

"Huh?"


First Classes

Heto ang sikreto para sa mga freshmen upang 'di ka ma-OP sa pag-pasok sa klase: wag tratuhing bacteria ang mga upperclassmen. I-friends. I-close. Kung tutuusin, sila na ang nabababad sa kultura ng unibersidad—alam nila ang pangit, ang maganda, ang bawal, at ang pwede. Sila ang naturuan ng mga mas matanda pang estudyante—nahubog sa gitna ng pagsubok at tagumpay. Sila ang mga hari at reyna ng conformity.

Kaya kung e-epal ka, at freshman ka pa, sa utak ng mga taong ito ay kasalukuyang binabaon ka na sa lupa. Kahit saang institusyon naman ganun ang simoy ng hangin. Kailangan makibagay.

Pero, wala namang problema kung magmistulang bato si Sei sa kanyang upuan sa isang large class—walang imik, walang ingay. Isang estatwang nagmamasid sa mga pabibong freshmen at sa mga naiinis na upperclassmen. Note-to-self: Don't mess with the upclass. Sila ang daan sa madaling buhay sa unibersidad. At kasama sa kanyang mga balak ang foreign exchange student na si Eriko.

Minaliit nya ang kakayahan ng hapon na 'to. Hindi nya aakalaing kaya nyang palitan ang schedule nya ayon sa daloy na tulad kay Sei. Lahat ng kanyang General Education courses ay kinopya ni Eriko, pati na rin sa oras, section at guro. It's official: buong semestre ko siyang ipapakilala sa kulturang Pilipino—pati na rin ang Filipino time, Filipino food, Filipino college student culture ng pagdi-ditch sa mga propesor na ansakit sa ulo kung magturo dahil para silang human incarnate ni Ibong Adarna. Onti nalang iputan kami upang tumigas kami sa sobrang antok. At ang tunay na sining ng pag-dadahilan—ang pag-gamit ng mga pang-existentialist na konsepto para lang makalusot sa di pag-gawa ng takdang-aralin. Dahil minsan, pinapatulan din ito ng mga prof.

Pero tulad sa kulturang Hapon—na natutulad din sa kultura ng isang Pinoy college student, mahilig din silang magloko. Pero si Eriko, iba ang peg.

Biology teachers.

Isang instructor sa Zoology division, isa rin sa pinaka-ermitanyong manamit sa Biology Institute, isang pa-absent-absent dahil sa kanyang mga research trips at bird watching ang natipuhan ni Eriko. Nakita naming siyang halos pagapang na sa pagsipot sa una nyang klase. Hindi nya na masabing bigla siyang kinilabutan sa itsura ng mga mata ni Eriko sa habang pinagmamasdan ang guro.

Tila lumalangoy sa paghanga. Ano ang nagustuhan niya kay Prof? Ang kanyang balbas sa parang dalawang linggo na niyang 'di inaahit? Ang kanyang caveman na postura? Ang kanyang maiitim na mata?

"Mukhang malakas ang kanyang mga balikat, diba?" Pabulong niyang sinabi habang kandaugaga siya sa pagtala ng lectures sa kanyang papel.

Pwedeeee.

But no. I don't swing that way.

Nabasa yata ni Eriko ang utak ni Sei. "Ikaw, meron ka bang kasintahan?" ang sabi nya sa Nihongo.

"Ang ibig mong sabihin, yung nilalandi?" Ang tanong ni Sei sa wikang Hapon, habang taas-baba niyang nalalaro ang kayang pilik-mata.

"Well?" Ini-English na siya ni Eriko—ito ba ang senyales na desperada niyang malaman ang love life ng kaibigan?

"Childhood sweetheart, I did have one."

Marahil hindi naman masama kung sabihin ko sa kanya ang tungkol kay Youko.

Hindi niya naman siguro kilala, no?


Buddy

Pakshet.

Kilala niya si Mizuno Youko. Naging kaklase n'ya si Mizuno Youko. Kasama n'ya sa student council si Mizuno Youko. Rosa Chinensis—? What? Come again? Is that a scientific name of the China Rose in binomial nomenclature? Anong kalokohang tawag—ooooh, ang ibig niya bang sabihin ay sa bansag niyang iyon si Youko nakilala?

"Hinde, iyon yung title ng kanyang posisyon sa student council." Sambit ni Eriko habang naglalakad sila pauwi ng dormitoryo.

"Ah, siguro mas maganda kung masanay kang magsalita sa English para mas masanay ka." Dahan-dahang sabi ni Sei.

"You are correct."

Natapos na rin ang usapan, ngunit paulit ulit na tumatakbo sa utak ni Sei kung ang mukha ni Youko. Huli n'ya s'yang nakita halos sampung taon na ang nakakaraan. Wala pang internet sa Pilipinas noon, at sa kasawiang palad ay 'di n'ya man lang natanong kung saan siya nakatira para man lang sulatan siya. Seriously, di pa siya marunog gumamit ng telepono—ni international call, takot siyang gumamit noon. Pa'no niya pa kaya siya makikita?

First love? Maari. Hindi naman kasi mahirap tukuyin kung ano ang nararamdaman ko sa kanya dahil . . . madali e. Alam mong siya ang unang taong gusto mong makita kapag pupunta s'ya ng Japan upang bumisita kay Otou-san (ang gustong tawag ni Erpats sa kanya).

Pero 'di na sila nagkita.

Hindi. Hindi niya kilala si Mizuno Youko. Maraming Mizuno Youko sa Japan. Sa sobrang dami ng kanji names, di nalalayong iba ang tinutukoy ni Eriko. Nope. May pag-asa pa.

Pero tila isang nakatiwangwang akong aklat para kay Eriko. Tiningnan nya si Sei ng malalim, at bigla akong kinilabutan nang ngumiti ang kanyang mga labi. May masama siyang balak. Shet. "If you want, we can chat with her. We can use my laptop to reach her. Or we can use the videocall."

Parang pinaghandaan at pinag-isipan n'ya ang mga suhestiyon. Okay . . . okay.

"No, it's fine."

"Are you sure?"

"No, really, it's fine. I mean, the Mizuno Youko that you know may not be the Mizuno Youko that I have met before." Napabilis ata ang English ni Sei. Dahil nakita na niya ang pag-ngurot ng balat sa noo ni Eriko.

Kelangan ko bang ulitin?

"Oh. Okay. If that is what you want." Ang sabi n'ya sabay ng peace sign. At natapos na rin ang topic.

Teka. Antimano? Antimanong bale wala nalang?

Mahaba haba rin ang lakaran papuntang dorm. At sa mahabang lakaran ay ibinaon na nila sa lupa ang Youko topic. Diba, marami naman talagang Mizuno at Youko sa Japan?

Nung nasa apartment na sila, 'di niya na pinansin si Sei. Umupo na lang si Eriko sa kanyang study table at binuksan ang kanyang laptop.

Biglang naisip ni Sei: May nasabi ba akong masama? Mali bang tumanggi ng tulong? Magalang naman ako sa pagsabi ng "wag na"? Diba?

Matapos ang ilang sandali, tinawag ni Eriko si Sei. Kumuha siya ng isa pang upuan at itinabi sa kanyang upuan sa harap ng laptop. Binuklat niya ang kanyang bag at inilabas ang isang maliit na photo album at hinanap ang gusto niyang ipakitang litrato. Habang ginagawa nya ito, tumutunog ang kanyang laptop—may paulit-ulit na buzz na inilalabas ng speakers.

Ang tahimik ni Eriko.

Nang nakita na niya ang hinahanap na litrato, ibinigay niya kay Sei at itinuro.

Itinuro ang kilala niyang Mizuno Youko.

Pagkatapos, may narinig si Sei na click ng mouse.

Si Mizuno Youko na kilala ni Sei Satou mula sa pagkabata ay kamukha ni Mizuno Youko na itinuro ni Torii Eriko sa kanyang mga larawan.

/ Satou . . . Omaie . . . Satou Sei—? /

Si Mizuno Youko na kilala ni Torii Eriko ay ang kasalukuyang nasa videocam na nasa screen ng laptop ni Eriko, nakatingin pabalik sa screen na nanlalaki ang mga mata.

Sumusumamong naririnig siya ng Sei na tinatawag niya.


THE END?

AAA