A/N: Wala lang, gusto ko lang mag-sulat ng isang fanfic na Tagalog.
Oo nga pala, hindi ibig sabihin na walang English dito ha. Tag-lish halos lahat. Kung Tagalog lang kasi, baka maging mabulaklakin at matamis ang mga salitang gagamitin ko.
Alternative-Universe pala ito, kaya kung nag review kayo diyan at sinabi na walang kwenta 'to dahil mali-mali ang mga data tungkol sa mga characters, naku! Babatuhin ko kayo na Pinat Baterr! Yah, Pinat Baterr.
Disclaimer: Di akin 'to noh! Ang anime na ito, kasama ang lahat ng mga produktong base dito ay hindi sa akin. Kung sinabi ko na akin 'to, siguradong pinapunta na ko sa korte.
Ang Munting Prinsipe
(Ng N-G Records!)
Isang araw, sa isang harding nakapaloob sa munting palasyo na tinatawag ng mga taong N-G Records Building, isang binatang lalaki na may fluffy, pink hair, ─Oo, tama, BINATANG LALAKI─ ay nagsisitalon habang siya'y kumakanta at sumasayaw.
Kanta siya nang kanta kung kaya't hindi niya pansin ang tao sa likod niya. Sige pa si Shuichi, kanta lang nang kanta, sayaw lang nang sayaw.Tapos, biglaang napaikot ang binata at─
BOGOINK!
Napasalpak siya sa muscular body nung lalaki!
"Aray! Ano ba iyan! Hoy, kung sino ka man, mag-ingat ka nga sa susunod! 'Wag ka lang patayu-tayo diyan. Nakaharang ka sa dinadaanan ng tao eh. Ok ba yun?"
Lahat 'yun, sinabi niya habang sinisikap niyang tumayo kung kaya't hindi niya napansin ang hitsura ng lalaking nasa harap niya. Ngunit, nang napatingin ang binatilyo, laking gulat niya nang makita niya ang napaka guwapong anghel na nasa harap niya! Hindi tuloy siya makapagsalita. Inakala kasi niya, na baka maglaho ang anghel na nasa harap niya. Kanyang inantay na bumukas ang bibig ng anghel at magsalita. Yun nga lang, hindi niya inakala na para pala siyang tanga kasi, inisip niya na porket maganda ang hitsura ng tao, mabait rin ang kalooban. Hay naku! Ang LAKI ng pagkakamali mo Shuichi!
A/N: Maikli siya, oo, obvious 'yun. Kung bakit, kasi ganito 'yan: Ayaw ko lang magsayang ng oras ko sa isang bagay na hindi naman maappreciate ng iba. Kaya, kung gusto ninyong i-continue ko'to, mag-review lang kayo. If you want to read this, but can't really understand, I'll post it again but in English. Just review, review and FLAME! It's ok, I don't get offended by flames. You can say that this is just pure horse crap, and I won't get offended, no. I will just throw spoiled chicken in your face and have the Teletubbies sing songs for you.
Please review!
7/17/05Labradoodle
