a/n:inspired ako gumawa ng tula ngayon eh, mejo naisip ko si hinata kaya eto..eto ang kinalabasan..naalala ko kasi yung laban nila ni neji sa prelim ng chuunin exam eh…sana magustuhan nyo..at sana mag review kayo para alam ko naman ang tingin nyo sa gawa ko!

AKO

Nang magsimulang sumikat and araw para sa akin,

Pinangarap kong maging isang klaseng tao

Taong inisip kong maaring maging ako

Mula sa kanan tanging sigaw,

"kailangan mong maging ganoon"

mula sa kaliwa ang tanging sigaw

"kailanagn mong maging ganyan

ngunit lumipas ang mga araw

parang papel na unti-unting nalalagas

hindi ko pa ring magawang maging ganoon,

tila isang ibong dinidiktahan at walang kakayahan

hindi ko nagusto pang maging isang taong

kalianman ay hindi magiging ako

hanggang sa nasulyapan ko na ang buwan

hindi ko pa rin magawang maging ganoon

lumitaw na ang mga bituin

wala na ang sigaw,tuluyan ng nawala

sawakas, tapos na ang laban

ako ang nagwagi, sinunod ko ang aking puso

at ako ngayo'y kuntento

aking naisip,mabuti pang maging ganito

kaysa sa umasa na maging isang taong

na kailanman hinding hinding magiging ako

o,basta mag review kayo ah……mahalaga kasi ang mga review para sa akin eh….