Author's Note: I'm back! First Tagalog fanfic! Ahaha! I'm almost done with Wish Granted, just a few more zass of drama! But enjoy this one minna!
Disclaimer: I do not own Inuyasha and co., but if you check my Quotev, I co-own one UTAU that looks similar to him...
Guide:
Inuyasha: 19
Kagome: 15
Sango: 18
Miroku: 17
On with the story...
Halimaw (Monster)
Walang makaka-intindi sa akin.
Walang nag-mamahal sa akin.
Isa lang akong halimaw.
Unang panahon pa, marami nang kumakatakot sa akin. Pag nakikita nila ako, tumatakbo sila mula sa akin. Sa kanila, isa akong marahas na diyos.
Pinatay ko ang lahat na sumira sa buhay ko gamit ng sarili kong mga kuko, pinuno ko ang mga kamay ko ng sarili nilang dugo.
Isa akong halimaw.
May pag-asa pa ba ako?
*********LOVE ANIME***************
Ako si Kagome Higurashi.
Ordinaryong babae lang ako na nag-aaral sa Austine (A/N: wink wink nudge nudge) at wala namang masyadong nangyayari sa buhay ko.
"Kagome! Kagome!" tumakbo ng mabilis ang mama ko habang kinakarga ang baon ko. Napatigil ako sa pag-lalakad.
"Eto ang baon mo anak, muntik mo nang makalimutan."
"Ehehe, sorry Ma. Nag-mamadali lang eh." sabay kamot ng buhok.
"Hay naku, anak, sa susunod wag ka naman makalimutin, ha? O sige, pumasok ka na, kanina pa nag-hihintay ang mga kaibigan mo."
"Opo." At pagkatapos nun, agad akong tumakbo papunta sa mga kaibigan ko.
"Kagome, narinig mo na ba yung balita sa school?" Sabi ni Yuka sa akin.
"Ano yun?"
"May bagong transfer student ang class natin ngayon. Mula America raw nanggaling, pero naipanganak raw dito sa Japan." sagot niya.
"Hindi lang yun! Gwapo pa!" sabi naman nila Eri at Ayumi.
"Ewan ko sa inyo. Halika na, dalian natin!"
*class time*
"Class, as you can see, may bago kayong classmate ngayon. Mr. Takahashi, care to introduce yourself please?"
Tumingin na lang ako sa bagong estudyante sa harapan namin. Naka-hoodie pero nakabukas yung harap, kaya halata ang school uniform. Natatakpan ng hood halos kalahati ng mukha niya.
"Kamusta sa inyo. Ang pangalan ko ay Inuyasha, at ako ang bagong ninyong kaklase ngayon."
Ngumiti na lang ang prof (short for professor) sa kanya at tinuro niya ang upuan niya sa tabi ko.
Katabi ko siya.
Katabi ko siya.
Huh.
Nang lumakad siya papunta sa upuan niya, narandaman ko ang matinding titig niya sa akin. Bigla na lang akong kinabahan.
Ano ba ang nangyayari?!
To be continued
Author's Note: Soooo, I think I did well? Maganda ba? No? Promise, I will continue this, but for now, on hold. Please don't kill me!
Read and Review please! It helps to improve!
