May Pers Atemp sa tagalong na fic.
Naghuhugas Kamay (Disclaimer): Hindi ko pag-aari ang mga Robot na Buto maski man ang Kapalaran ng mga Robot na Buto.
This Way To… Exit? Exit? Exit? Exit? Ang Daming Exit!
Ang isa sa mga common na stereotype attitude ng mga lalaki ay ang hindi pag-tanong ng dereksyon.
Ano b'ang masama sa pagtatanong kung saan papunta dito o kung saan papunta diyan in the pers plays?
Ang bagay na iyan ay mapailang beses nang dumampi sa kokoti ng ating bughaw na buhok na lalake na pansamantalang nananatili sa iisang posisyon. Sinusobukan niyang 'wag masyadong ipa obyus na hopelessly na nawawala na siya. Pero ilang stalls na ang nadaanan niya, ilang Hello Kitty collectibles na ang nalagpasan niya, ilang payrated na de-be-de ng Grey's Anatomy, House at Desperate Housewives ang sinuksuk sa kanyang baga ng mga singkit na babae. Desperate na talaga siyang makalabas bago pa mag zero account ang wallet niya.
"Oi, gwapo! Eto DVD 5 por 100, pwede pa tawad… pwede pa tawad."
Gusto na niya talagang makalabas sa mala-maze na ultra, shopping district na ito!
"Uy! Angry Berds na t-shirt…" Biglang napatingin siya sa isang dereksyon.
2 FOR 180. Pwede na. Papunta na sana siya at handa nang maghalungkat sa sandamukal na tambak ng t-shirt, pero nareyalays na 'he's on a more pressing situation', at nakaengles ang loko.
Kinakabahan na talaga siya, nagsisimula na siyang pagpawisan ng malamig, iyong tipong nanginginig-nginig na parang natatae pero hindi naman.
Naisipan niya i-test ang theory ng wind dynamics at air flow para makalabas sa estrukturang ito. Ang keylangan niya lang ay ang kanyang instinct at an gang pagsunod kung saan papalabas ang hangin. Instinct Athrun, instinct! Kaya mo eto, Aja!
Itinaas niya ang isang basang hintuturo, syempre galling ito sa kanyang bibig, hindi sa 'ibang' bagay. Naramdaman niya ang air current, "Doon!" At kasabay ng pagturo ng hintuturo niya, inumpisahan niya na ring maglakad patungo sa kanyang paroroonan. (hehe)
Bigla na lang siyang tumugil at sa mga pagkakataong iyon gusto na niyang pagsasampalin ang sarili niya. Pero, ika nga, ito ay isang napaka 'bad idea'. Kung ayaw ba naman na isipin ng mga tao na bagong labas lang siya galing sa loob ng Mandaluyong at dapat na siyang ibalik, ob kors not!
Sa makatuwid, itinindig nalang niya ang kanyang postura at linunok ang kanyang pagkalalake. Pero pagtingin niya sa taas, napairap siya sa nakita niya.
This way to exit.
Magandang senyales na sana ito, kung hindi pinaskilan lahat ng pasilyo neto. Saan ba ang talaga ang exit? Nawawala na ako. Oo, sige inaamin na niya nawawala na siya. Hindi na niya maca-catch up iyong huling tren sa may Recto. Mommy!
"Hindi mo ba alam…"
Sinundan niya kung saan nangaling ang matamis na boses at nakita niya ang isang blondeng babae na bumibili ng cut-off price na high heels. Napasimangot yung babae, alam mo iyong impresyon na parang hindi niya alam ang binibili niya.
Binaba niya yong high heels kasama ng napakaproblemadong buntong hinga. Sabay tingin ng mga mapupungay niyang gintong mata.
Inumpisahan niya ulit. "Hindi mo ba alam na kapag nawawala ka, na ang tamang direksyon ay…"
Hindi alam ni Athrun ang gagawin niya basta nalang siyang natameme na parang estatwa.
"… ay pabalik sa puso ko."
Well, sinubukan ko lang na magsulat sa ating tagalong na wika. Sa totoo lang mas sanay akong mag taglish keysa purong nagsasalita sa tagalog. Pero basta, eto okay, susubukan kong magsulat ng mga drabbles about Asucaga in tagalog. Let's just see, eksperiment lang eto. Hehe. Nainspayr kasi ako sa fic ni crystalline maia fanfic iyon about Maid Sama. Hehe. Patawa talaga iyon, must read kung fave niyo din ang Maid Sama… and combine with quotes and jokes eto ang resulta. hehe. Susubukan kong dagdagan pa eto.
And please Review. Tagalog, Taglish pero not in pure English. 'kay?
