A/N: PROUD TO BE PINOY! Konting Tribute lang para kay Gamma at Yuni o 5701~! (Katekyo Hitman Reborn)

Declaimer: Hindi ko pagmamay-ari ang anumang bagay na hindi sa akin.


Anak ng Langit

Katulad ng liwanag ng Araw na naghahatid ng kasayahan sa lahat;
ikaw and nagdadala ng ilaw sa bawat araw ko.
Kahit alam ko na hindi na magtatagal ang pagsasama natin sa mundong ito,
hindi ako natatakot; dahil hindi kita bibitawan kahit anong mangyayari.

Sana, balang araw, makikita ko ulit ang napakagandang mong ngiti.
Na nagdadala ng saya sa bawat araw na tayo ay nagkasama.
Pangako; katulad ng mga bituin, lagi ako nagbabantay sa 'yo.
Hindi kita iiwan mag-isa, yun ang pangako ko sa 'yo.

Hindi ko makakalimutan ang masayang pagsasama natin, habang buhay kitang mamahalin at ipagtangol sa kahit anong panganib.
Tapos na ang oras, kailangan na tayong umalis.
Pakiusap lang; wag kang bibitaw, kasi ayaw ko na mawala ka ulit sa akin.


[A/N:] O eto, para sa fellow kong mga Pinoy!
Sa totoo lang, assignment namin ito sa Filipino. Sabi kasi kami ni Ma'am na dapat ang topic ng drawing o tula na gagawin namin ay "Pag-ibig", at dahil doon; c Yuni at Gamma ang una na pumasok sa isip ko! XD