DISCLAIMER:
Bishojo Senshi Sailor Moon is created by mangaka Naoko Takeuchi. I only wrote this for school and posted it here for entertainment purposes.
Kaligayahan ng Isang Gradeschool
Minsan sa paaralan, aking nakita,
ang pencil case ng katabi ko na bata.
Pansinin ang character, nakakatuwa.
Sa aking isipan ay ayaw mawala.
Sailor Moon pala itong kanyang pangalan.
Mabuti naman at akin nang nalaman.
Pinag-uusapan itong kagandahan.
Sa TV parati ay inaabangan.
Sa panonood, ako ay nasasabik.
Lahat ng impormasyon sinasaliksik.
Sa sobrang excitement ay namimilipit.
Sa tuwa ay biglang natuto't napa-guhit.
Tandang tanda ko ang makulay nyang suot
at ang sobra-sobra naman yatang buhok.
Sa kabila non, guhit ay di maudlot.
Karir kung karir ang batang nahahayok.
Sa pagdating ng araw na hinihintay,
pagkanood, parang pwede na mamatay.
Kitang kita ang galak sa aming bahay.
Super idol ko si Usagi na kikay.
Lahat ng damit nya ay na-memorize ko.
"Sailor Moon!", "Power make-up!" nakakaloko!
Asa pa kong magagaya ang bangs nito,
paper wand na drowing, pwede pa siguro!
