note:
dahil sa ipinagbabawal pala ang pagsulat (pero sa kasong ito..
pagtype) ng pa-script... eh... binago ko ang aking likha... at ito ay
ayon narin sa payo ng isang kababayan ko.. (naks naman!) si Razgriz89
thanks pare sa advice!
hehehe...
---- well sana magustuhan niyo...
Hindi pag-angkin (Disclaimer): hindi akin ang prince of tennis! at hindi ko naman yon inaangkin!
Kapitulo 1: Unang diskusyon
Isang araw nakita ni Eiji si Ryoma. Nilapitan niya ito upang magtanong.
"Hoy bunsoy!" Ang wika ni Eiji.
Lumingon si Ryoma "Bakit Kikumaru-senpai?"
Ngumiti si Eiji sabay sabing "Anong ginagawa mo dyan?"
Tinitigan ni Ryoma si Eiji ng hello-obvious-ba? na titig "Bumibili ng ponta" ang sinabi niya.
Napanganga ang senpai "Ha? ponta nanaman? Di ka ba nagsasawa?" ang nasabi ni Eiji.
"Oo, hindi" ang tugon ni Ryoma sabay lagok sa ponta.
Kumunot ang noo ni Eiji sa sagot ni Ryoma. 'umoo tapos hindi... ang labo!' "Ano ba talaga?"
Humigop muna bago sumagot.. "Oo, hindi ako nagsasawa" ang sabi ni Ryoma.
Lalong kumunot ang noo ni Eiji habang nilalapitan niya si Ryoma.."Kahit araw-araw kang umiinom niyan di ka nagsasawa?" 'di kaya mapurga ka ng ponta?'
"Oo" Ang simpleng sagot ng first year regular.
"Eh bakit?" ang urirat ni Eiji.
Natigilan si Ryoma... 'ano bang paki-alam mo?' "Um...kasi masarap."
Nagdulot ng isang malaking ngiti sa mukha ni Eiji ang sinabi ni Ryoma... "Talaga! Sige nga tikman ko!" Ang sinabi niya habang tinatangka niyang kunin ang ponta sa kamay ni Ryoma.
Nang makita ni Ryoma ang papalapit na kamay ni Eiji agad niyang nilayo ang kanyang ponta..."Ayoko nga!"
"Sige na bunsoy!" Ang ingit ni Eiji habang patuloy parin ang pag-abot sa ponta ni Ryoma.
Upang hindi maabot ng kanyang senpai, nilipat ni Ryoma ang ponta mula sa kanang kamay papunta sa kabila... "Ayoko senpai! Akin 'to! Bumili ka ng sa'yo!" Gawin daw bang racketa ang ponta.
Pero sadyang makulit si Eiji (alam kong hindi na nakapagtataka) "Patikim lang eh... sige na!" at pilit parin niyang inaabot ang ponta.
Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mga mata palang nag mamasid sa kanila.
Lumapit ito---- si Momo
Napansin ni Momo na hindi namalayan ng dalawa ang kanyang pagdating.
"ehem"
Pero deadma parin ang dalawa kayat nagsalita na sya."Eiji-senpai, Echizen anong pinag-aawayan niyo?"
"Yung ponta!" ang sabay na sagot nina Eiji at Ryoma.
Nagsalubong ang kilay ni Momo."Para inumin lang eh pinag-aawayan niyo na! Ano bang meron dyan? juice lang naman yan ah!"
Agad na sumagot si Eiji."Eh kaya nga eh... kaya gusto kong ma-inom 'to kasi na-ko-curius ako.. kasi naman lagi 'tong iniinom ni bunsoy!diba? gusto ko lang malaman kung anong lasa.."
"ahh"
Napatingin si Ryoma kay Eiji "Ayoko nga senpai! Bitiwan mo na yang ponta ko!"
"Oo nga ano, bakit nga ba ang hilig mo sa ponta! Lagi ka nga bumibili niyan tuwing uuwi tayo." Ang pa-inosenteng tugon ni Momo sa eksplanasyon ni Eiji.
"Oo tama! Lagi lagi kitang nakikitang umiinom nito!" tumango ng isang matinding tango si Eiji.
Ngunit wa-epek kay Ryoma ang pinagsasabi ng dalawa. "Bitawan mo na nga senpai! Akin 'to eh!"
"Alin ang sayo Ryoma?"
Ayan... ni-bago ko
na!
pls review po! Thanks and God Bless!
