Kasulatan ng Pagtanggi: Hindi akin ang Glee at ang "Sukob Na" ng 17:28.
A/N: Ang fanfic na ito ay para sa lahat ng Pilipino at may dugong Pilipino sa buong mundo. Kasama ka rito, Darren – bawal umangal. LoL.
o-o-o-o-o-o-o-o-o
Tuwing umuulan ay naaalala tayong dalawa.
Kay sarap isipin na may kasama sa buhay pag bumaha.
Kakatapos lamang ng Valentine's Day noon, at kakatapos lang nilang haranahin si Jeremiah sa The Gap. Tila umayon ang panahon sa kanyang nadarama - makulimlim at may mga nag-iitimang mga ulap sa kalangitan. Likas na masinop sa pangangatawa't pananamit, agad na inilabas ni Kurt ang isang naititiklop na payong mula sa bag nyang Salvatorre Ferragamo. Sakto namang bumuhos ang malakas na ulan pagsilong nya rito.
Akmang lalakad na sana siya papunta sa kanyang sasakyan nang makita nya si Blaine na mag-isang nakasandal sa isang poste ng ilaw. Nakatungo siya, hinahayaan ang sariling mabasa sa ulan. Nagulo na ang karaniwa'y maayos nyang buhok at paminsan-minsa'y pinapahid nya sa manggas ng kanyang jacket ang kanyang mga mata. Napahigpit ang kapit ni Kurt sa payong nya. Binigo sya ni Blaine. Pagkakataon nya na itong lumayo; lumimot. Pero hindi, hindi nya kaya. Hindi nya ito matitiis, kahit ilang bagyong Jeremiah pa ang dumating. Lagi syang darating na may payong. Lagi syang darating.
Hinding-hindi ka pababayaan na mag-isa sa ulan.
Aalagaang pagtatawanan, wala na 'tong iwanan.
"Blaine?"
Pinahid muli ni Blaine sa manggas nya ang mga mata bago ito tumingin sa kaibigan. "Kurt..."
"Sukob na. Halika na, sabay tayo sa payong ko," wika ni Kurt.
Umiling si Blaine, at ngumiti ng pilit. "Mababasa 'yang McQueen mo."
Kumapit si Kurt sa braso ni Blaine at hinatak si Blaine palapit saka niyakap ng mahigpit. "Wala akong pakialam. Mas importante ka sa akin kaysa sa jacket ko. Mas importante ka sa akin kaysa sa lahat ng gamit ko."
Sa sandaling iyon bumigay si Blaine at hinayaan ang sariling lumuha at humikbi ng walang pagtitimpi. "Ano ba ang wala ako, Kurt? Bakit 'di nya ako gusto?"
Hinimas ni Kurt ang batok ni Blaine at inayos ng kaunti ang nagulong buhok nito. "Hindi ko alam, Blaine. Kasi kung ako lang -" kinagat ni Kurt ang labi bago pa sya madulas ng tuluyan. "Kung ako ang tatanungin mo, kawalan nya."
Binitiwan sya ni Blaine pero nakangiti na ito ng tunay nang humarap ito sa kanya. "Thank you, Kurt."
Sukob na, halika na.
Sabay tayo sa payong ko.
Hawak ka, kapit pa.
Umula't bumagyo, magkasama tayong dalawa.
o-o-o-o-o-o-o-o-o
Kurt's eyes flew open. Beside him was his husband as usual, sleeping soundly. Kurt sighed in relief and snuggled closer. Blaine stirred.
"What is it, Kurt? Something the matter?" Blaine said a little worried, his eyebrows furrowed as he tried to focus on the beautiful brunet's face.
Kurt chuckled and just nuzzled against Blaine's neck with his cheek. "I think I'm gonna have to stop listening to those Tagalog language training CDs before bed."
The former Warbler, now first openly-gay Senator Blaine Anderson wrapped his arms around his Broadway sensation spouse. "I keep telling you: you don't have to do that to impress my mother. She's plenty impressed with your French as it is." He then cupped Kurt's cheek and brought their lips together in a deep, loving kiss. "The same way I'm pretty impressed with your... French."
"Your idea of French and your mother's idea of French are two different things." Kurt countered with a raised brow.
Blaine grinned. "As it should be. So, tulog na tayo?"
Kurt smiled and kissed his husband goodnight. "Oui."
