CABRERA STUDIOS
In cooperation with
REBORN FANFICTIONS
and
BRIGHT LIGHTZ PRODUCTIONS
Proudly present…
RUNWAY RYOHEI
(A Glamorous [daw] Fic by BEAFSTAKES)
NIHIL OBSTAT: I don't own Reborn Nor I'm a fashionista. Ayoko ring idamay sina Bob Ong at Manix Abrera dito.
IMPRIMATUR: FINALLY DECODED NA SA ! WOOH! Magdiwang, pagkat ito ang unang handog ko ngayong Bagong Taon (although technically I wrote this nung September pa). Nagsimula ang lahat sa panonood ko ng America's Next Top Model at bigla na lang ito pumasok sa pag-uutak ko. And so I thought hindi ko ito seseryosohin sa takot na baka iwan ko na naman 'to sa ere, pero what the heck, umaapaw na ang lamang-loob sa utak ko! I also got inspiration from an old manga I just discovered recently habang nasa trabaho entitled 'Fashion Fade' (hanapin n'yo na lang 'yon sa MangaFox) pati na rin sa Kell on Earth at Paradise Kiss. Setting's on an Alternative Universe, ibig sabihin wala kayong mababasang mafia or dying will flames dito. Hango ito sa Kapamilya dub, isinulat sa bobongismo't Kikomachine na pananaw. Rating may change without prior notice. And also, BEWARE OF OOC-NESS GALORE. O siya…rampa na!
EDITOR'S NOTES
Siguro maninibago kayo sa column ko kung ipi-feature ko dito ang isang taong pinahanga ako ng husto kahit bago pa ako pumasok sa trabahong ito. Isa siyang taong itsura pa lang alam ko nang hindi siya iyung tipong patitinag sa kahit na ano. At nakilala ko siya ten years ago.
Sa unang tingin aakalain mong siga siya sa school. Nakaka-intimidate ang itsura niya. Kahit sino sigurong makakakita sa kanya, lalayo na agad. May aura siyang napakalakas, hindi ka pa lang nakakalapit, gusto mo nang umatras. Pero sa oras na makilala mo siya, sinasabi ko sa inyo, nakatagpo ka ng kaibigan sa katauhan niya. Iyan na iyan din ang nangyari sa akin.
Huling taon ko na noon sa middle school nang una ko siyang makita. Madalas siyang nagdya-jogging sa buong bayan ng Namimori tuwing umaga't tuwing hapon. Araw-araw niya iyong ginagawa. At sa araw-araw niyang pagdya-jogging nakabisado na niya ang buong bayan, nagagawa pa niyang mag-jogging na nakapiring ang mga mata! Grabe, sa isip-isip ko, may third eye ba ang taong ito?
Kung minsan kasama niya ang kapatid niyang babae't ilang kaibigan niya sa eskwelahan nila, lahat sila mga isang taon ang bata nila sa kanya. Napaisip tuloy ako kung meron din ba siyang mga kabarkadang sing-edad niya, pero sila ang madalas kong makita. At may pagka-warfreak din ang mga kaibigan niya. Pero sa kabuuan, masaya sila lagi. At least may panahon siya para sa sarili niya.
Pero mas nakilala ko siya ng husto nang maglaban ang school namin at school nila sa Interschool Boxing Tournament. Siya pala ang pambato ng team nila sa lightweight. Isang round pa lang, tumba na agad ang pambato namin! Ganun siya kalakas. Tao ba talaga siya? Paulit-ulit ko iyong tinanong sa sarili ko. Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataong malaman kung sino talaga siya mula sa ka-batch ko sa school organ namin: captain pala siya ng Namimori Middle School Boxing Club—pero imposible dahil second year pa lang siya! Lalo pa nang malaman kong maraming tournament na pala siyang sinaliha't pinananlunan simula noong Grade Six siya. Iyon ang tinatawag kong utmost dedication.
Kaya nagdesisyon akong sumali sa Journalism Club ng eskwelahan namin, kahit na medyo huli na ako, para lang makita ko siya ulit at magkaroon ng pagkakataong interbyuhin siya kahit isang beses. Gusto ko pa siyang makilala ng husto, kung papaano't saan niya nakukuha ang lakas niyang iyon. Gusto ko siyang gawing inspirasyon—kahit na masyadong malayo ang boxing sa journalism.
Pero ni isang beses noong panahong iyon, hindi ko siya na-interview.
Minsan isang araw hindi ko na siya noon nakikitang nagdya-jogging sa umaga. Pati sa hapon. Bihira ko na rin siyang nakikita kasama ang mga kaibigan niya. Dumaan na lang ang ilang taon na hindi ko maiwasang mag-alala kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi kaya lumipat na iyon ng bahay? O kaya nagkasakit ng matagal? Tuluyan ko na siyang hindi nakita nang lumipat ang buong pamilya namin sa Tokyo nang ma-promote ang Papa ko sa trabaho, pero patuloy ko iyong iniisip habang tinuloy ko ang buhay ko. Kahit ganoon, hindi na ako nawala sa Journalism Club, mula middle school, high school, nang pumasok ako sa isang multimedia university hanggang sa makatapos ako ng Journalism at nakuha sa Hare-Hare Daily na kilalang diyaryo sa Tokyo, sa referral na rin ni Papa. Sa ngayon ako na ang associate editor pero nagsusulat pa rin ako sa sarili kong column, patuloy na nangangalap kung ano ang bago't napapanahon…
Hanggang sa isang di-inaasahang pagkakataon, nakita ko siya ulit.
Two years ago inimbitahan ako bilang representative ng dyaryo namin sa isang Hero's Welcome and Party para sa noo'y WBF International Bantamweight Champion na isang kilalang athlete-model na hindi ko nakuha ang pangalan. Seven years na siya noong gumagawa ng pangalan sa larangan ng boxing at bukod doon isa rin siyang sikat na model. Ang nakakatawa doon, hindi ko na nga nakuha ang pangalan niya, hindi ko pa nakikita ang itsura niya. Sa sobrang busy ko kasi sa trabaho kaya hindi ko na napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid ko.
Nang tinanong ko si Boss kung ano ang pangalan ng boksingeron iyon, binatukan lang niya ako, sinabihan pa akong hindi nakikinig sa meeting. Ni hindi ko daw kilala si Ryohei Sasagawa? Nang narinig ko ang pangalan niya, ganoon na lang ang laki ng mata ko. Kaya nga nang una kong makita si Ryohei Sasagawa, ganoon na lang ang gulat ko. Hindi kasi ako puwedeng magkamali. Buhok pa lang, tindig, at mukha, siya nga ang batang lalaking madalas kong nakikita noon sa daan tuwing umaga't hapon. Siya iyung batang madalas mag-jogging sa umaga't kasama ang mga kaibigan niya sa school. Siya rin ang dating Captain ng Namimori Boxing Club na kinatatakutan na noon ng buong Kantou Prefecture. Hindi talaga ako makapaniwalang sadyang ang liit ng mundo, lalo na nang makipagkamay ako sa kanya after almost eight years—grabe ang pagka-starstruck ko! Parang dream come true na makadaupang-palad ang noo'y pinapanood mo lang sa daan na nagte-training. Unang pagkakakilala ko pa lang sa kanya, grabe, sobrang down-to-earth, palatawa, feeling niya matagal ka na niyang kaibigan. Nagawa ko noong makipagkuwentuhan sa kanya't inamin kong nakita ko na siya noon. Nahiya pa siya sa lagay na iyon, hindi niya kasi inakalang matagal na palang may sumusubaybay sa kanya simula pa noong middle school.
Dahil sa nangyaring iyon, ako na mismo ang nakiusap sa Editor-in-Chief namin na ako na ang mag-i-interview para sa feature namin, pero dalawang taon pa bago ako pagbigyan dahil busy na ulit si Ryohei sa trabaho niya. Kaya nang manalo siya ulit, naisip ng Editor namin na gawan siya ng isang special feature na nakahiwalay pa sa weekly magazine namin—at ako ang inatasang mamuno sa Feature Committee. Ganoon na lang ang tuwa ko't nagsimula na ako sa pangangalap ng data pagka-assign sa akin. Mahirap sa umpisa, kailangan mo pang hagilapin ang lahat ng mga nakasalamuha't kaibigan niya, pati pamilya niya, para makakuha ng datos para sa feature. Sa pangangalap ko, marami akong natuklasan sa kanyang hindi ko alam, hindi ko inasahan, nakakagulat at nakakatawa. At nang ma-interview ko siya sa unang pagkakataon, may mga bagay na nakalap ko na kinumpirma niya. Katunayan, siya pa ang nagkuwento tungkol sa sarili niya. Kung saan-saan na kami nagkikita, basta sa kung saang gusto niya para magpa-interview—na ang totoo ayaw niya iyong tawaging interview lang kundi simpleng kuwentuhan lang kahit alam niyang ilalabas din ito sa magazine.
Kaya ipinagmamalaki ng Hare-Hare Daily ang feature na ito dahil pinaghirapan namin ito't pinaghandaan sa loob ng dalawang taon. Hindi lang ako ang naghirap para rito, pati ang staff ginawa ang lahat para mapaghandaan ito bago man lang ang kaarawan ng Japan's Lion Puncher sa August 26. Maituturing ko na rin itong aking magnum opus bilang isang mamamahayag at miyembro ng Hare-Hare Family sa loob ng anim na taon. Alay ito sa taong naging dahilan para maging positibo sa buhay at magpatuloy sa gitna ng unos. Ang araw na mananatiling sumisikat at tumatatag sa paglipas ng panahon...
Sana magustuhan ninyo ang aming special feature para sa buwang ito. Kung meron kayong mga tanong, puna't suhestiyon sa kung ano ang nabasa n'yo dito, puwede kayong sumulat sa amin o mag-email sa akin sa irieminieminymo (at) yeahbah (dot) com (dot) jp. Malugod naming tinatanggap ang mga reaksyon ninyo. Salamat!
(HWOPYA: Mapapansin ninyong iba ang format nito sa ibang kuwento, ginawa ko siyang editorial kuno. Malalaman n'yo rin kung bakit. Anyway, kung nabasa n'yo na ito, salamat. Magsisimula na ang totoong kuwento sa susunod na chapter! Syangaps, available din ang English Version nito, just check it out na rin! :D)
