Disclaimer: standard disclaimer applied

Ang dilema ni Naruto


Mahirap talaga maging 'POGI', mahirap talaga maging 'HEARTTHROB; iyan ang kadalasang sinasambit sa isipan nina Uchiha Sasuke at Hyuuga Neji aminin man nila o hindi.

Oo nga naman eh… nung nagsabog ata ng magandang genes ang dyos nasa unahan at nag-aagawan pa sa magandang pwesto ang mga ninuno ng angkang Uchiha at Hyuuga kaya magpahanggang sa ngayon magaganda para rin ang mga produkto nila; ang hindi nila napagisipan nung naging sugapa sila sa magandang genes eh… ang problemang kaakibat nito. Ilan sa mga iyon ay ang mga sumusunod:


1. Stalkers este fangirls.

2. Gabundok na tsokolate tuwing Valentine's.

3. Pagtataguan.

4. Mga babae.

5. Mga binabae.

6. Ang kanilang chastity, mabuti na lang ninja sila kundi lagot na.

7. Kulang na tulog.

8. Umaapaw na love letters.

9. Araw-araw na giyera sa pagitan ng mga babae at binabae.

10. Pagkabulabog ng kapayapaan ng Konoha.


At mangilan-ngilan pang dahilan kung bakit hindi na dapat naging matakaw sa magandang genes ang kanilang angkan. At ano naman ang kinalaman nito kay Naruto? Iyan ang abangan nyo sa susunod na kabanata.