Nararamdaman ko na magkikita tayo sa aking mga ala-ala.

"Max?" Tawag ng isang mahimbing na boses sa loob ng isang madilim na lugar lipus na wala. Dumilat ang mga pagod na mata ni Max, wala siyang nakikita kundi ang larawan na puno ng dilim sa tapat niya, sobrang dilim na sinasakop ang buong espasyo ng kintatayuan niya.

"Ikaw ba yan?" Rumesponde si Max, mukhang-nabigla sa naumulinig niyang tinig ng pananalita. Tumingin siya sa mga surroundings niya hanggat sa nagtaka siya kung nasaan siya.

"Halika Max. Sundan mo ako." Si Max ay hindi gumalaw at magwari kung totoo ba ang nang-yayari ngayon o baka nahihilo lang siya at nahimatay sa pagod, kakagaling lang kasi niya sa matagal na biyahe. Hindi niya matanggal sa isip niya ang familiar na boses na narinig niya. Malamig ang boses ng pagbigkas ng bawat tingig pag-pumapasok sa mga tenga ni Max, hinding-hinde niya ito malilimutan sapagkat minahal niya ng lubos ang may-ari ng boses nito.

"Saan ka chloe?" Hindi ni Max napigilian ang pag-luwas ng tanong niya. "Magpakita ka saakin." Hinintay ni Max kung ano man ang susunod na mensaheng ihahatid sa kanya pero wala na ang mahimbing na boses ng bughaw na buhok na dalagang babae. Sa isang sandali ay biglang may umilaw sa paningin ni Max, parang isang tuldok na ilaw sa buong karagatan ng dilim kumikislap at nag-pakita para lang sakanya.

"Halika..." Ang pabulong na tinig ay bumalik at kumiliti ito sa pandinig ni Max.

"Chloe." Bulong ni Max, nang marinig niya muli ang boses ng kanyang mahal, hindi na siya naghintay pa at lumakad na ng mabilis papunta sa maliit na kislap na may pagka-asul na kulay, parang may nahulog na bituin sa dulo ng kadiliman. Bawat tapak niya sa lupa ay pabilis ng pabilis hangga't sa hindi niya namalayan na tumatakbo na pala siya, sobrang sabik siya dahil gusto na niya mahanap ang nawala sakanya, ang hindi na niya mabalik ay biglang nag-paramdam sa kanya, hindi niya ito pag-babalewalahin kahit panaginip pa ito dahil gusto niya manlang makita siya ng personalan ulit, para yakapin siya ulit.

Malapit na siya sa ilaw, may lumagatak na luha sa kanyang mag kayumanggi na mata. Ito na ba kaya? Makikita ko na ba ulit ang aking matalik na kaibigan? Matapos siya mawala sa nalulumbay at nakayayamot na mundong tinitirahan namin? Hindi niya maiwasan umiyak sa sobrang lakas ng emosyon na nararamdaman niya.

"Chloe!" Sa sobrang matulin ang takbo niya naglagos siya sa kislap at biglang pumutok ang paligid puno ng nakakasilaw na liwanag.

Nag simula nang lumagaslas ang mga luha sa pisngi ni Max nang siya'y magising sa lwal niyang higaan. Nasa loob siya ng kwarto niya. Sumulyap siya sa kung saan na direksyon ng paligid niya, huminto na siya at niyuko ang kanyang ulo sa lungkot. Dumaing siya namay udyok ng dismaya sa inaakala niyang tunay.

"Panaginip..." Binulong niya at tuminggala siya ng mahinhin, tinititigan niya ang ding-ding na punong puno ng mga letrato na kinunnan niya. Puro kasama niya si Chloe sa mga ito. Lubos ng masasayang memories ang kanilang pinagsamahan at mga iba pa na siya lang ang makaka-alala.

Tumindig siya paalis sa kama niya at lumakad patungo sa nag-iisang letrato sa kabilang pader, kinuha niya ito at tinignan niya ng matagal.

"Magtatagpo uli tayo Chloe, asahan mo yan..."

Binitawan na niya ang letrato namay isang patak ng luha galing sa kanyang halomigmig na mata. Ang laman ng imahe ay isang 'selfie' ng wala man liban kay Max at ang kanyang mahal na kaibigan na si Chloe...

Authors note: Isa lamang itong prologue.