Nagpramis ako sa friend ko na magsusulat ako ng isang Filipino fanfic so heto na.

Teh, huwag maarte basa na lang. Walang basagan ng trip. Enjoy!


Si Lin at Tenzin ay magkasama sa lahat ng bagay. Sa tawanan, sa kuwentuhan, sa kulitan at sa iba pang mga bagay-bagay na nagdulot ng masasaya at malulungkot na alaala. Magkaibigan na sila mula't sapul at sa kanilang pagsasama, ang dalawa ay naging magka-ibigan.

"Ten, kung tayo ba hindi lumaki ng magkasama tapos ngayon lang tayo nagkakilala, sa tingin mo, liligawan mo 'ko?" tinanong ni Lin isang araw habang naglalakad sila sa dalampasigan.

Napatingin si Tenzin sa kanyang syota at ngumiti. Ang ganda niya kapag nagseselos siya o kapag nagkakaroon siya ng kanyang "insecure moments." Huminto siya sa paglalakad at si Lin ay hindi natigilang huminto din. "Nakita mo 'yon?" tanong ng lalaki habang tinuturo ang abot-tanaw.

"May mga mata ako," hirit naman ni Lin.

"Mabuti naman," ani Tenzin. Pumulot siya ng bato at inihagis niya sa dagat. "Kita mo, di ko abot."

"Di mo talaga maabot yan, ang layo kaya."

Tumango si Tenzin at tumingin nang malayo. "Hindi na kita mamahalin kung sa paghagis ko ng pinakamabigat na bato na makikita ko ay aabot sa abot-tanaw."

Ngumiti ang dalaga at namula sa matamis na wika ng binata. "Pangako?"

"Pangako," sagot ni Tenzin.

Tumingin si Lin sa dalampasigan at isang luha ang dahan-dahang tumulo dahil sa lungkot na naramdaman habang ginugunita ang masasayang panahon nang silay masayang nagmamahalan. Dumating nang bigla si Tenzin at agad-agad niyang pinunasan ang mukha.

"Lin, ayos ka lang ba?"

Humarap siya sa nagtanong at tumango. "Oo."

"Umiiyak ka ba?"

Tumango na naman si Lin at tumingin sa dalampasigan. "Naalala ko lang kasi yung sinabi mo dati sa may dalampasigan." Tumahimik ang kanilang palibot at napasinghap ng hangin si Tenzin habang tumakbo sa kanyang utak ang mga nangyari sa araw na sinasabi ni Lin. Syempre naman naalala niya. Paano niya makalimutan na hanggang ngayon, ang pangako niya kay Lin ang pinakamalaking pagsisisi niya.

"Pasensya ka na, di ko natupad," bulong niya.

"Ayos lang," paiyak na sagot ni Lin. "Kaso, di ko makalimutan eh. Ang sakit."

Tinabihan ni Tenzin si Lin at kinanta ang isang kanta na tila nakalimutan na ng panahon. Napangiti si Lin sa kanilang kanta.

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig
Ikaw parin
Ang buhay ko.

"Tandaan mo," sabi ni Tenzin. "Hindi pa rin nagbago ang tingin ko sa'yo kahit kami na ni Pema ang magkasama ngayon. Hindi man tayo nagkatuluyan sa buhay na to, ipapangako ko sa'yo, sa susunod na buhay natin, hahanapin kita."

Pinunasan ni Tenzin ang mukha ni Lin at ngumiti ang dalaga. "Maghihintay ako."


Song:
Buko by Jireh Lim

Nagustuhan ko kasi nung pagkanta ni Vice Ganda sa Showtime kahapon. I hope you enjoyed. Translation in English later. :D