Twin Quest
Casts:
Kai of Beyblade As Kai Hamazaki
Nataku of Soul Hunter As Naru Roumiji/ Nataku Hamazaki
&
Hideaki Asaba of His and her Circumstances As Roumiji 's family doctor
Aya of Weiss Kreuz, Belldandy, Urd & Skuld of Oh! My Goddess! As part of Hamazaki Family with
Takao, Max, Rai & Kenny of Beyblade as the Team Blade Breakers
Original characters: Duke Takeshi, Natsumi & Kenji Roumiji, Bladers of Team Russia, Chiaki Sakibara, Miara & Yazumi.
Beyblades used here are all fictional and never exist in real anime series.
Part One
Sa Okinawa-Jima, Ryukyu Islands ang angkan ng mga Hamazaki ang naninirahan doon. Malawak ang nasasakupan ng mga ito. May apo si Duke Takeshi na nagngangalang Kai… isang blader ng Blade Breakers at leader ng Shell Shark Gang.
Sa may masyon… nag-usap ang maglolo sa may terasa.
" Kumusta? Anong balita?", tanong ni Duke Takeshi sa kanyang apo.
" Mabuti… pero wala akong hatid na balita sa inyo…", ang sagot nito.
" Ganon ba?", pagkasabi ng duke na agad naman tumahimik saglit. " Kai, bakit ayaw mo maglibot sa mga nasasakupan natin?", aniya.
" Salamat po, pero gusto ko lang mag-isa…", sagot ni Kai.
" Bahala ka. Sya nga pala may lalakarin pa ako. Mag-enjoy ka sana at magkaroon ng interest sa mga lupang yan.", ani ng duke na umalis din agad.
Tuluyan nang nakaalis si Duke Takeshi nang lingunin sya ni Kai. Pinagkibit balikat lang nya ang narinig. Agad syang naghanda upang makaalis na sya nang maaga. Samantala sa pamilyang Roumiji na nakatira sa labas ng teretoryo ng duke ay nag-usap naman ang mag-ina.
" Naru, aalis kami ng ama mo… hwag mong kalimutan ang pumunta sa lab. Kailangan mo yon para mapanatiling maayos ang sensores mo…", turan ni Natsumi sa anak.
" Opo, di ko yun kalilimutan…", sagot ni Naru.
" Mabuti kung ganon, hwag kang lalabas ng bahay dahil di pa kaya ng katawan mo ang klima… Sige na, aalis na kami. ", huling habilin nya kay Naru.
Tumango lamang si Naru. Halos araw-araw ang alis ng magulang nya. Inis at lungkot ang nadarama ni Naru sa mga oras na yun. Sa pagkakataong yun si Kai ay pumunta sa labas ng kanilang teretoryo. Naglibot sya hanggang sa mapahinto sya sa tapat ng mga Roumiji. Nagkataon nun na nakatingin sa may terasa si Naru. Parehong nagkatinginan ang dalawa. Nagulat si Kai subalit agad na nagtanong sa sarili at ganun din si Naru, " Sino kaya sya? ". Matagal na nagtitigan ang dalawa. Ilang sandali pa'y tinawag na si Naru ng katulong…
" Master, nandyan na po ang manggamot… naghihintay po sya sa lab.", ani ng katulong.
" Hah? Oo, salamat susunod na ako ", agad na sagot ni Naru na bago lumisan sa may terasa ay muling sinipat ang lalake sa labas.
" Paalam na, kita tayo ulit kung sino ka man", sambit ni Naru sa isip. Ngumiti lang si Kai habang nakatingin pa rin sa may terasa at nasambit din sa isip " Magkikita pa tayo".
Unang umalis si Naru bago si Kai. Sa board Meeting sa Naha, ang kapital ng Ryukyu Islands… ang lolo ni Kai at ang magulang ni Naru ay parehong nandun. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga cyborgs.
" Ano na? Ang mga cyborgs ay kailangan mawala dahil maaring silang magdulot ng kaguluhan ", payo ni Chenou, isang scientist rin subalit agad na nagbigay ng pahayag ang ina ni Naru, si Natsumi, " Hindi ako sang-ayon!! Hindi lahat ng mga cyborgs ay masama at purong bakal."
" Paano mo nasabi yan? May cyborg bang tao? ", agad na tanong ni Leayo na isa rin scientist.
" Meron… sa ibang lugar… Malaki ang halaga ng buhay ng tao doon at syempre di rin naman nila hahayaan na may basta mamatay… ang pagkakaroon ng parteng bakal sa katawan ay sa kagustuhan nila na magawa ang mga bagay na nagagawa ng mga normal na tao. Ang cyborg ay maaring kalahating tao at makina subalit isipin natin na may kakayahan pa rin sila na makahalubilo sa mga tao.", paliwanag ng ama ni Naru na si Kenji.
Dahil sa patuloy na diskusyon, agad naman nagbigay ng pahayag si Duke Takeshi Hamazaki at maging sya ay tutol din sa pag-implementasyon ng mga cyborg sa mundo.
" Wala na itong patutunguhan… marami ang tutol sa mga cyborg kaya walang rin saysay ang anumang mga pahayag nyo Mrs. At Mr. Roumiji…", ani ni Duke Takeshi.
" Tama nga naman si G. Hamazaki… walang patutunguhan ang usapin na ito pero di naman sa kinikilingan ko ang kabilang panig pero bakit hindi na lang natin hayaan na munang mabuhay at makasama ng mga tao ang mga cyborgs.", payo ng chairman ng Board Meeting.
Wala pa rin sagot sa debateng ito ngunit sa isang panig na mga tutol ay may isang tao ang may masamang hangarin sa magulang ni Naru. Sa bahay ng mga Roumiji, hinarap na ni Naru ang manggagamot sa kanilang lab.
" Magandang umaga po… kayo po ba nag magchecheck-up sa akin?", tanong ni Naru.
" Magandang umaga rin. Oo, ako nga… ako pala si Dr. Hideaki Asaba ang pinadala ng mama mo…", pagkilala nya sa bata.
" Si mama talaga ", sambit ni Naru sa sarili at agad na yumukod sa harap ng doktor. " Kinagagalak ko po kayo makilala at maging doktor ko…".
" Maging ako rin… halika na para simulan na natin", nakangiting sagot ng doktor.
Ilang oras din ang pagsusuri sa katawan ni Naru at mukhang maayos naman ang kalagayan nya…
" Ayos naman ang mga sensores mo… sya nga pala… natry mo na ba ang suit ?", tanong ni Hideaki.
" Opo, naalala ko noon isang araw na nabanggit sa akin yan ni ina… sya nga po pala para saan po yun?", tanong ni Naru.
" Gagamitin mo lang yan kung kinakailangan… upang pangalagaan ang sarili mo at maging ang ibang tao..", sagot ng doktor habang inilalabas ang lahat.
Sinuot na rin ni Naru ang nasabing suit at kaagad na tinest yun sa VR. Maayos naman ang lahat hanggang napagpasyahan ni Hideaki na dagdagan ang level.
" Itataas ko pa ang level sabahin mo kaagad kung may naging problema ", paalala ng doktor.
" mmmm… ayos lang naman po ako… ", masayang sagot ni Naru.
" Good! Medyo sanay ka na nga… itataas ko ng kaunti. ", paalam ng doktor sabay hinay-hinay na itinaas ang lever subalit ilang saglit pa'y halata na sa mukha ng bata ang sakit na ibig sabihin ay di yun kaya sa ganun level, kaya kaagad yun binaba at cheneck-up ang bata.
" Tao ka nga talaga… nakakaramdam ka ng sakit at napapagod din… alam mo ba na di ka matuturing na isang cyborg nyan? ", sambit ni Hideaki.
" Talaga po? Kahit na papaano may improvements na ako. He-he ", nakangiting ani ni Naru.
