Author's Note: My first Tagalog fic. Ang hirap din pala magsulat sa sarili mong language :D


Kung pwede ko lang ipaliwanag lahat sa kanya, gagawin ko. Pero, ayoko siyang mapahamak. Hindi niya lang alam na gustong-gusto ko ng sabihin, na si Conan at Shinichi ay iisa; na tama siya sa mga hinala niya noon. Kaunting panahon na lang, Ran. May hawak na kong matibay na ebidensya laban sa Black Organization. Ang natitira na lang - ay ang makabalik ako sa pagiging Shinichi.

"Conan! Kakainin na." Bigkas ni Ran.
"Okay, Ate Ran!" Sagot ni Conan, na nasa kabilang kwarto lang, at nagmamadaling tumakbo sa may main office para saluhan sila. "Siya nga pala, Ate Ran, sa bahay nina Professor Agasa ako matutulog mamayang gabi ah."
"Bakit?"
"Kasi, may bagong game nanaman siya na ipapalaro sa akin!"
"Haay, ang mga bata talaga ngayon, lagi na lang video games ang inaatupag." Sambit ni Kogorou matapos niyang uminom ng beer.
"Hindi naman palagi Uncle." Depensa ni Conan.


"Sige Ate Ran!" Paalam ni Conan, na mabilis tumakbo papunta sa bahay ng professor. Ngunit ang totoong dahilan niya upang magpunta kina Agasa, ay para subukan ang bagong antidote na ginawa ni Haibara.

Sana nakuha na niya ang tamang formula para makabalik na ko sa dati.

Pagdating kina Agasa, agad niyang pinuntahan si Haibara sa laboratoryo nito sa basement.

"Oi, Haibara! Nandito na ko."
"Kanina ko pa alam. Ganun ka ba ka-excited at nagtatatakbo ka na parang wala ng bukas?"
"Siyempre! Gusto ko na talagang maging Shinichi ulit."
"Pero naisip mo na ba kung anong gagawin mo sa Black Organization? Paano pag nalaman nila na buhay ka pa? Paano na yung mga magulang mo? At ang mga taong malapit sayo?"
"May dapat kang malaman..." Sabay tingin kay Haibara. "May nakuha na ko laban sa Black Organization."

Nagulat si Haibara sa sinabi ni Conan.

"Paano...?"
"Tinulungan ako ni Shuichi Akai."
"Hindi ba't patay na siya?"
"Nagkakamali ka. Si Subaru, si Akai at si Moroboshi Dai...ay iisa."
"Ha, nagpapatawa ka ba?"
"Hindi ba't ayaw kong ipapakilala sa'yo noon ang agent na yun? Kasi alam ko na ganyan ang magiging reaksyon mo. Isa siyang undercover agent ng FBI, at nais niya rin mapabagsak ang organisasyon."
"Siya din ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko."
"Alam niya yun. Kaya nga mas masugid pa siya ngayon sa pagtugis sa mga miyembro nito."
"Hindi ko siya mapapatawad."
"Inaasahan na rin niya yan mula sa iyo. Pero, may mga bagay na mas importante pa kaysa sa galit mo sa kanya."

Napabuntong-hininga na lamang si Haibara.

"Huh, hindi na rin iyon mahalaga. Siguradong matutuwa ka rin sa ibabalita ko."
"Ano 'yon?"
"Kahapon, may nagpadala ng package dito na naglalaman ng impormasyon tungkol sa APTX4869. Napasakamay ko na lahat ng data na kailangan ko upang makagawa ng antidote."
"Kung ganun..."
"Tama. Makakabalik ka na bilang Shinichi."

Hindi maipaliwanag ni Conan ang tuwang naramdaman niya nung sabihin ito ni Haibara. Sa wakas, makakabalik na siya kay Ran.

"Eto..." Inabot niya ang antidote sa kaibigan.
"Sandali... nagbago na ang isip ko."
"Ang labo mo rin kausap minsan, no?"
"Ang ibig kong sabihin, bukas ko na lang iinumin ang gamot na yan. Kailangan ko munang magpaalam ng maayos kay Ran bilang si Conan. Saka ko na lang sasabihin sa kanya ang totoo kapag naayos na ang lahat patungkol sa sindikato na yun."
"Ikaw ang bahala."
"Eh ikaw, anong plano mo?"
"Bahala na..."


Pinindot ni Conan ang speed dial 1 sa kanyang cellphone. Mabilis naman sumagot ang tinawagan nito.

"Oh, Shin-chan!" Excited na sinabi ni Yukiko.
"Ma, kailangan ko ng maliit na pabor mula sa'yo. Sa tingin mo ba makakarating ka sa Beika City bukas?"
"Kahit ngayong gabi, pwede! Ang totoo niyan, nasa Osaka ako ngayon para sa isang business trip ng Papa mo."
"Ayos! Dumaan ka bukas sa agency ni Uncle Kogorou."
"Okay!"
"...bilang Mama ni Conan."
"Sige."


Masayang bumalik si Conan sa Detective Agency ng gabing iyon. Sinabi niya na lang kay Ran na natapos na niya ang game ni Professor at ibinahagi rin ang impormasyon na darating ang mama niya kinabukasan.

"Magandang umaga!" Bati ni 'Fumiyo', ang nanay ni Conan Edogawa.
"Magandang umaga rin po sa inyo." Sagot ni Ran. "Nabanggit nga po ni Conan na darating kayo ngayon."
"Ah, oo. Gusto ko sana kayo makausap tungkol sa anak ko."
"Wala pong problema. Sandali po at ikukuha ko po kayo ng tsaa."
"Salamat!"

Matapos ihanda ang tsaa, sinimulan na ni 'Fumiyo' ang diskusyon.

"Isasama ko na si Conan pabalik ng Amerika." Panimula niya.

May halong lungkot ang reaksyon ni Ran ng marinig ang balita.

"Ganun po ba..."
"Matagal na rin namang nanatili dito si Conan sa Tokyo. Malaki ang pasasalamat ko sa inyo sa ginawa nyong pag-aalaga sa kanya."
"Kailan po kayo aalis?"
"Bukas."
"Bukas?!"
"Meron pa kasi kaming inaasikaso ng Papa niya."
"Eh, sino po ang mag-aalaga sa kanya doon?"
"Wag kang mag-alala, meron kaming mga kasambahay na titingin kay Conan. At, nagbitiw na rin ako sa aking trabaho para ako na rin mismo ang mag-alaga sa kanya. Kailangan ko lang tapusin itong huling trabaho ko."
"Ahh..."

Tumingin si 'Fumiyo' sa kanyang relo, sabay sabi "Hay naku! May kailangan lang akong kausapin na isa pang cliente ngayon. Conan, mamayang gabi, papuntahin mo lahat ng mga kaibigan mo sa Beika Hotel. Nagpa-reserve ako ng function room doon para sa isang malaking salo-salo."
"Ma, dapat di ka na nag-abala. Kahit sa bahay na lang ni Professor Agasa."
"Hindi! Despedida mo ito. Dapat kahit papaano, engrande!" Giit nito.

Mama... galit na sabi ni Conan sa kanyang sarili.

"O sige Ran, dito muna siya sa inyo ha! Pagkatapos ko i-meet yung isang kliyente, aasikasuhin ko naman ang mga records niya sa school."
"Sige po, ako na po ang bahala."


"Haay salamat, mawawala na ang makulit na batang yan." Uminom nanaman ng beer itong si Kogorou. Hindi niya man aminin, napamahal na sa kanya ang batang detective.

"Papa naman eh! Hindi ka ba malulungkot?"
"Walang dahilan para malungkot. Mabuti na rin yun para naman wala ng pakialamerong bata sa mga kasong hinahawakan ko!"
"Heh! Siya kaya ang may madalas na napapansin na maliliit na detalye."
"Huh! Kahit ano pang sabihin mo, ako pa rin ang pinakamagaling na detective sa lahat! HAHAHAHA!"

Napailing na lang si Conan at Ran sa sinabi ni Kogorou.


Kinagabihan sa Beika Hotel...

"Ehhhh!?" Sigaw ng mga kaklase niyang sina Ayumi, Genta at Mitsuhiko.
"Aalis ka na, Conan?" Sabi ng maluha-luhang si Ayumi.
"Wag kayong mag-alala. Susulat ako palagi sa inyo. Gusto ko na rin makasama sina Mama eh."
"Kailan ang alis mo?" Tanong ni Genta.
"Bukas na. May kailangan pa kasi silang ayusin sa Amerika."
"Paano na ang school mo?"
"Ah, naenroll na ko nila Mama sa isang elementary school sa Los Angeles."
"Ma-mimiss ka namin."
"Ako rin."
"Babalik ka pa ba?"
"Hindi ko alam eh. Pero pangako, susulat ako parati."


"Magaling, Kudou-kun." Pahiwatig ni Haibara. "Handa ka na ba?"
"Matagal na."