25 Minutes

by: MoonlightAkatsuki29.

Disclaimer: I do not own Prince of Tennis especially the characters.

A/N: This is a One-Shot. Hope you like the story.

Pair: FujiSaku.

Habang papunta ako sa isang tindahan or store ng mga cds or dvds kung saan makakahanap ka ng mga kantang magugustuhan talaga ng bawat inspired na tao, marami nang tumatatak sa isipan ko na mga kanta na gustong-gusto ko na makinig ng aking mga tenga. Especially love songs. Nasa may tindahan na ako, pagkapasok ko, may ngumiti sa akin at nag-greet.

"Magandang hapon po." sabi sa akin ng tagapagbantay/cashier ng tindahan. Hapon na kasi ako nagpunta dahil may practice pa ako na dapat na puntahan kanina at dumiretso na ako sa tindahang ito pagkatapos kong mag-practice.

"Magandang hapon din." bati ko naman sa kanya.

Pagkatapos noon ay pumunta na ako sa isang section kung saan makikita mo ang mga cd ng love songs. May kinuha akong isa at tiningnan ang nakasulat na pamagat ng mga kanta. Napaisip ako. Napakinggan ko na ang mga nilalaman ng cd na hawak ko. Binalik ko na ulit sa pinaglagyan ng cd at kumuha ulit ako ng isa at sinuri ito. Napaisip ulit ako.

'Mukhang maganda itong mga kantang nakalagay dito. Ma-i-testing muna ito.'

Nagpunta ako sa isang tester kung saan pwede mong i-testing ang cd na gusto mong mapakinggan ang nilalaman. May tester din para sa mga pelikula. Pagkatapos kong buksan ang tester, isinabak ko na ang cd. Nagsimula na itong mag-play.

*~After sometimes I've finally made up my mind

She is the girl and I really want to make her mine

I'm searching everywhere to find her again

To tell her I love her

And I'm sorry 'bout the things I've done

I find her standing in front of the church

The only place in town where I didn't search

She looks so happy in her wedding dress

But she's crying while she's saying this~*

Habang pinapakinggan akong kanta, may napukaw ang aking mga mata. Isang babae. Isang magandang babae. Nakikinig din siya sa tester na katabi ng tester na ginagamit ko. Nakatirintas sa dalawa ang kanyang kulay tsokolate na buhok. Malalaki ang kanyang mapupugay na mata. At may napakagandang kutis na parang porselana. And she is cute.

*~Boy I missed your kisses all the time but

This is twenty-five minutes too late

Though travelled so far

Boy I'm sorry you are

Twenty-five minutes too late~*

Patuloy pa rin ang pagkanta ng tester. Wala na sa kanta yung atensyon ko, nasa babaeng cute at maganda na ang atensyon ko. Pero parang may hinahanap pa rin siya na kanta.

*~Against the wind I'm going home again

Wishing me back to time when we were more than friends

But I still see her in front of the church

The only place in town where I didn't search

She looked so happy in her wedding dress

But she's cried while she was saying this~*

Binaling ko na ang atensyon ko sa kantang pinapakinggan ko, pero parang ang lungkot ng pahiwatig ng kantang pinapakinggan ko. Makaraan ang ilang segundo ay may kumukulbit sa akin. Iyon iyong maganda at cute na babae! Tinanggal ko yung headset na nakalagay sa mga tenga ko at tiningnan siya. Bigla syang nagsalita at nagtanong.

"Pwede po bang magtanong?" nahihiyang tanong niya sa akin.

"Pwede naman. Ano ba iyong itatanong mo?"

"Uhmm. Pwede pong matingnan yung case ng cd na hawak mo?" tanong niya sa akin habang itinuturo niya ang hawak ko na cd case.

"Oh, sige. Heto." ini-abot ko sa kanya ang cd case.

"Maraming salamat po." nahihiya niyang sabi sa akin at tsaka niya tiningnan ang cd case. Nandoon kasi ang listahan ng pamagat ng mga kanta. Nakalimutan ko na tumutugtog pa nga pala ang tester.

*~Boy I missed your kisses all the time but

This is twenty-five minutes too late

Though travelled so far

Boy I'm sorry you are

Twenty-five minutes too late~*

Nang maalala ko na natugtog pa pala ang tester ay kinuha ko ang headset at nang hawak ko na ang headset para isuot ulit ito, may kumulbit nanaman sa akin. At iyon ulit ang cute at magandang babae.

"Gusto mo bang pakinggan ang mga kanta ng cd na ito?" tanong ko sa kanya ng nakangiti. Nahihiyang tumango siya sa akin.

"Oh, heto." sabi ko sa kanya habang binigay ko sa kanya ang headset ng tester na ginagamit ko.

"Maraming salamat po ulit." sabi niya sa akin at sinimulan na niyang pakinggan ang kanta. Ang sarap niyang titigan. Tinitigan ko lang siya habang nakikinig siya ng kanta. Bigla siyang ngumiti. Ang ganda ng kanyang ngiti. Tinanggal na niya ang headset pero nakangiti pa rin siya.

"Ang ganda talaga ng kantang 25 Minutes ng Michael Learns To Rock." sabi niya habang nakangiti.

"Pakinggan mo, oh." sabi niya sa akin habang inaabot niya sa akin ang headset. Kinuha ko naman ang headset at sinuot ito.

'Ito pala yung kanta na kanina ko pang pinapakinggan. Maganda nga.' sabi ko sa isip ko.

*~Out in the streets

Places where hungry hearts have nothing to eat

Inside my head still I can hear the words she said

Boy I missed your kisses all the time but

This is twenty-five minutes too late

Though travelled so far

Boy I'm sorry you are

Twenty-five minutes too late

Boy I missed your kisses all the time but

This is twenty-five minutes too late

Though travelled so far

Boy I'm sorry you are

Twenty-five minutes too late~*

Natapos na ang kanta. Tinanggal ko na yung headset sa mga tenga ko. Napangiti ako bigla.

"Ang ganda, hindi ba?" tanong niya sa akin nang nakangiti pa rin.

"Oo. Maganda nga."

"Favorite ko iyan, eh. Kaya naghanap ako ng cd ng Michael Learns To Rock dito. Kaso iyan na lang yata ang nag-iisa." sabi niya sa akin at biglang lumungkot ang mukha niya.

"Oh, eh di, bilhin mo itong itinesting ko." sabi ko sa kanya para naman mag-cheer up siya kahit papaano. Natamaan ako, eh. Natamaan ako sa kanya.

"Eh, di ba, bibilhin mo iyan?"

"Hindi. Sa'yo na 'to." sabi ko sa kanya habang inaabot ko sa kanya yung cd case na may laman ng cd na iyon.

"Sigurado ka ba?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Oo naman." sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Maraming salamat, ha. Ako nga pala si Sakuno Ryuuzaki." pagpapakilala niya sa akin.

"Ako naman si Syuusuke Fuji." pakilala ko naman sa kanya.

"Sakuno na lang ang itawag mo sa akin, ha? Ito nga pala ang number ko. Lilibre kita bilang pasasalamat dito sa cd." sabi nya sa akin habang binibigay niya sa akin ang number niya.

"Wag ka nang mag-abala pang ilibre ako. Ikaw na lang ang ililibre ko. Itext mo na lang ako sa number na ito." sabi ko sa kanya habang binigay ko rin sa kanya ang number ko.

"Tsk. Syuu-kun naman eh. Basta. Ililibre kita. Sige na, bye na. Baka hinahanap na ako eh." napangiti naman ako nang tinawag niya ako na Syuu. Tatawagin ko na lang siya na Saku-chan. Pagkatapos noon ay tumakbo na siya papunta sa may counter at binayaran na ang cd.

"Bye, Syuu-kun!" sigaw niya sa akin habang nakangiti at kumakaway.

"Bye, Saku-chan!" sigaw ko naman sa kanya habang nakangiti rin at kumakaway. Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng tindahan.

Ang ganda ng araw ko ngayon. Sinuwerte ako. Sakuno Ryuuzaki. Ang ganda ng pangalan niya. Hindi ko makakalimutan ang pangalan na nagpatibok ng aking puso.

- End -

A/N: Read and Review! Thanks for reading this story! ^_^

~ MoonlightAkatsuki29.