Albus's Sorting
Natutuwa si Albus Severus Potter. Narito siya nakasakay sa Hogwarts Express, handa na upang pumunta sa Hogwarts. Habang nakasakay sa tren ay nagkaroon siya ng isang bagong kaibigan.
Si Scorpius Malfoy ay isang mabuting kaibigan. Hindi siya tulad ng tatay niya na mapagmataas sa mga muggleborn noong siya ay nasa Hogwarts. Si Scorpius ay mabait at gwapo.
" Kaninong bahay ba tayo ilalagay?" ang tanong ko.
"Sa tingin ko, makakapasok ako sa Slytherin. Pero sayo, baka Gryffindor, Hufflepuff, o Ravenclaw. Sa tingin ko ay hindi ka makakapasok sa Slytherin." sagot ni Scorpius.
"Hindi ako magiging Hufflepuff o Ravenclaw." Sabi ko sa kanya, "Iniisip ko na baka ako makapasok sa Gryffindor o Slytherin. "
"Huwag mo nang isipin iyan. Kahit saan tayo ilagay ay magiging magkaibigan naman tayo." sagot ni Scorpius.
"Sige na nga. Hayun na si Rose!" sinabi ko kay Scorpius.
Si Rose Weasley ay ang anak nina Ron and Hermione Weasley. Siya ay mabait, matalino at maganda. Mayroon siyang pulang buhok at asul na mata.
"Hi Al! Hi umm…" ang sabi ni Rose.
"Malfoy, Scorpius Malfoy." ipinakilala niya ang sarili.
"Hello Scorpius." sagot ni Rose.
"Dapat na tayo magpalit ng damit. Malapit na tayo sa Hogwarts."sinabi ko sa kanila "Baka mahuli pa tayo."
"Sige" sabay nilang winika.
Nagpalit kami ng damit at lumabas ng tren. Pagkalipas ng ilang minuto ay may sumigaw.
"First Years, first years! Pumunta kayo dito!" sigaw ni Hagrid.
Lumapit kami kay Hagrid at sumakay sa isang bangka.
"Apat lang sa isang bangka." sigaw ni Hagrid, "Nandito na ba ang lahat? Go!"
"Wow." Sabi ko sa kanila, "Ang ganda!"
"Yumuko ang lahat!" sigaw ni Hagrid.
Yumuko ang lahat ng bata.
Pinapasok kami ni Professor Longbottom. Sinabihan kami na pumila.
Ngayon na ang oras para sa sorting. Tumingin kami sa Sorting Hat at ito'y kumanta:
Ang isang libong taon o higit pang nakalipas
Noong bagong tahi pa ako
Mayroong apat na wizards na magaling
Na ang pangalan ay alam pa rin.
Matapang na Gryffindor, mula sa ligaw na magpugal,
Makatarungang Ravenclaw, mula sa kapatagan,
Mabait na Hufflepuff, mula sa lambak na malawak,
Matalas na Slytherin, mula sa kasukalan.
Mayroon silang isang gusto
Nagkaroon sila ng isang plano.
Upang turuan ang mga batang sorcerer
Kaya ang Hogwarts ay nagsimula.
Ngayon bawat isa sa sa nagbuo ng Hogwarts ay
Nagpatayo ng kanilang sariling bahay,
Upang maturuan ng iba't – ibang Katangian ang mga bata
Sa Gryffindor nakakapasok
Ang mga matatapang,
Sa Ravanclaw ang matatalino
Ang palaging pinakamahusay
Sa Hufflepuff, ang mga determinado
Ang karapat-dapat pumasok.
At para sa mga makapangyarihan na Slytherin,
Nakakapasok ang may magandang ambisyon.
Habang buhay, hinati nila
Ang mga bata
Pero paano mapapili ang mga
karapat-dapat doon
Kung sila'y mamatay?
Si Gryffindor ang nakahanap ng paraan.
Tinanggal niya ako galing sa kanyang ulo.
Nilagyan nila ako ng talino
Para ako na ang makapili.
Ngayon ilalagay mo ako sa iyong ulo.
Hindi pa ako nagkamali.
Titingnan ko ang inyong isip
At sasabihin ko kung saan ka nabibilang ditto.
Pagkatapos ng kanta ay sinimulan na ni Headmistress Mcgonagall ang Sorting. Si Brock Abbot ang unang Gryffindor, si Vivian Arroyo ang unang Ravenclaw, Beatrice Alonzo ang unang Hufflepuff, at si Andrei Boot ang unang Slytherin.
Pagkalipas ng ilang minute ay sumigaw si Headmistress Mcgonagall ng "Malfoy, Scorpius!"
Hindi pa nakalipas ng isang minuto ng sumigaw ang Sorting Hat ng "SLYTHERIN!"
"Potter, Albus Severus!" sigaw ni Headmistress Mcgonagall.
Nilagay ko ang Sorting Hat sa ulo ko.
"Saan kaya kita ilalagay? Mabait… Magaling… Matalino. Saan kaya?" iniisip ng Sorting Hat.
"Kahit saan po ." sagot ko sa kanya.
"Sige … Karapat-dapat ka sa SLYTHERIN!' sigaw ng Sorting Hat.
Sa sobrang saya ko ay "sorting" na lang ang narinig ko sa sinabi niya.
"Weasley, Rose" sigaw ni Headmistress Mcgonagall.
Nakapasok siya sa Griffindor.
Simula noon ay alam ko na na ito ay magiging pinkamagandang pitong taon sa aking buhay.
