Selos
(Isang Kaleidostar fanfic)
Akda ni: dilang-anghel
ooooooooooooooooo
Magaang tiniklop ni Sora ang kulay puting papel matapos niya itong basahin. Pwede naman siyang tumawag, magtext o kaya mag e-mail, pero mas ginusto niya ang magpadala ng mga sulat. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Iba kasi ang dating sa kanya ng mga sulat na ito. Tila ba may halong pagkaromantiko. Kay tagal na ng huli silang nagkita. Kay tagal din niyang inasam ang makasama siya at makausap. Mas hinahanap hanap niya ang mga bagay na iyon. Yun marahil ang dahilan bakit kailanman ay di nalayo sa puso niya ang taong ito.
"Kay tagal na, Miss Layla," bulong niya sa sarili habang inaamoy ang scented paper na hawak. Nabuo sa kanyang gunita ang mukha ng retiradong trapeze artist na kulay blonde ang buhok. "Na-mimiss kita."
Tahimik naman na pinagmamasdan ni Fool si Sora habang nakaupo sa gilid ng lamp shade. Ngumiti na lamang ang munting payaso. Ngayon lang niya uli nakita ng ganito kasaya at ka-inspirado ang top performer ng Kaleido Stage. Hindi naman dahil malungkot si Sora. Sa katanuyan tila ba hindi ito nauubusan ng sigla tuwing may bagong show, o kaya kahit sa rehearsal man lang o practice. Pero pansin ni Fool ang kakaibang kislap ng mga mata ng dalagita tuwing may balita siyang natatanggap kay Miss Hamilton. Batid niya ang napakalaking paghanga ni Sora sa kanya.
"Ano sa tingin mo Fool?" biglang tanong ni Sora.
"Ang tungkol saan?"
"Nasiyahan kaya si Miss Layla para sa nagawa natin para sa Kaleido Stage sa nakalipas na taon?"
"Ikaw ang mas malapit sa kanya. Hindi ba dapat ikaw ang mas nakakaalam?" tugon ni Fool.
Ngumiti na lang si Sora na parang wala sa sarili. Pagkuway, tumayo at pumunta sa closet para pumili ng damit panglabas.
"Teka, anong balak mo. San ka naman pupunta?" tanong ni Fool.
"Makikipagkita ako kay Miss Layla," sagot ni Sora.
"Huh, sa Las Vegas?"
"Hindi, magkikita kami sa isang café shop malapit lang dito."
"Isang date?" Ngumisi si Fool. Iyon pala ang laman ng sulat. "Anong oras?"
"Mamaya, mga eight o'clock."
Lumalim ang ngisi ni Fool. Interesante.
"May sampung oras pa para maghanda."
---
Itinali ni Sora si Fool ng patiwarik at nakapiring ang mata sa labas ng banyo niya habang naliligo. Naging ugali na niya ito buhat ng malaman niya na isang dakilang mamboboso ang munting ispiritu.
May isang mahinang katok na nagmula sa pintuan. "Sora? Andiyan ka ba?"
"Nasa banyo si Sora naliligo! Aahh.. Rosetta, tulungan mo ako!" pagmamakaawa ni Fool.
Binuksan ng brunette na bata ang pinto at pumasok. "Ah, Fool?" Napatunganga na lang siya sa itsura ng kawawang nilalang.
"Ah, Rosetta ikaw ba yan? Sandali lang," boses ni Sora mula sa paliguan.
"Ah, Sora pwede bang sumabay?"
Sumabay? Halos hindi mapakali si Fool sa pagkakatali. "Pakawalan ninyo ako!"
"Nasira kasi yung tubo sa paliguan ng silid ko. Kaya kung okay lang sa iyo sasabay na ako."
Bago pa makapagprotesta si Sora binuksan na ni Rosetta ang pinto. Alam marahil ni Rosetta na sira ang lock nito. Minsan hindi maintindihan ni Sora kung bakit ganito ang kinikilos ng bata. Pero hindi niya ito masisi, marahil kasalanan din niya kung bakit masyado siyang napalapit sa kanya.
Naabutan ni Rosetta na nasa ilalim pa ng mainit na shower si Sora. Tinanggal niya ang bathrobe na tanging saplot niya ng mga sandaling iyon. Hindi na nakapagsalita si Sora sa biglaang panghihimasok ni Rosetta sa kanyang paliligo. Hindi niya rin sukat akalain na sasabay pa ito.
"Ang init! Lagi bang hot shower ang gamit mo, Sora?" tanong ni Rosetta ng ibabad ang mukha sa shower.
"Ah, hindi," mahinahong sagot ni Sora. Sa katunayan marami siyang gustong itanong sa kanya pero di niya alam kung saan uumpisahan. "Ah- Rosetta—"
Dinampot ni Rosetta ang sabon na gamit ni Sora at inamoy ito. "Ito ba ang gamit mo?"
"Malamang."
Walang anu-ano'y pinatay ni Rosetta ang shower. "Halika sasabunan kita."
"Ha?"
"Wag ka nang mahiya."
"Sandali lang Rosetta—"
oooooooooooooooooooooooo
itutuloy…
