Author's Notes: Ito po ang aking pangalawang Filipino na fan fic. Kung itong fan fic na ito ay nagustuhan niyo, sana basahin niyo rin ang isa ko pang Filipino na fanfic. Ang title ay: Sana Mapansin Mo Ako… Harry Potter ang basehan. Sana po magreview kayo. Ako'y lubusang matutuwa kapag nagreview kayo.

Disclaimer: Pag-aari ng CLAMP ang mga characters dito…

Si Syaoran ay kinukuha ang feather na nakasabit sa isang puno. Sina Fai at Kurogane ay naglilibot kasama si Prinsesa Sakura. Sila ay naghahanap ng mga taong posibleng magsabi sa kanila kung nasan na sila.

Si Syaoran ay pinalad na mahanap ang feather ni Sakura sa puno. Kadalasan ang mga feathers ng puso ni Sakura ay nasa kamay ng mga masasamang tao.

"Nakuha ko na!" Sa tagumpay na nakuha na niya ang feather, may naalala si Syaoran.

Ikaw na ang may sabi
Na ako'y mahal mo rin

At sinabi mong

Ang pag-ibig mo'y di magbabago

"Syaoran…" wika ni Sakura. "Kahit kailan, di kita makakalimutan."

Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit

Ika'y lumalayo

Puso'y laging nasasaktan

'Pag may kasama kang iba

Walang masabi si Syaoran dahil ngayon, madalas kasama ni Sakura sina Fai at Kurogane. Itinanong ni Syaoran sa kanyang sarili, "Natatakot ba siya na baka, dahil sa hindi niya ko matandaan, magalit ako sa kanya?"

Di ba nila alam

Tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa iyo
At ika'y akin lamang

"Syaoran… Ikaw ay kaibigan ko na. Sana mas maging malapit ako sayo." wika ni Sakura.

"Oo, Sakura…" wika ni Syaoran.

Kahit anong mangyari

Pag-ibig ko'y sa iyo pa rin
At kahit ano pa

Ang sabihin nila'y ikaw pa rin

Sabi ni Syaoran sa kanyang sarili, "Kahit na nakalimutan mo na ako, Sakura, ikaw ay mahal ko parin."

Ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y
Nasa langit na

"Kahit na mawala ang lahat ng ala-ala mo ng ating nakaraan, pwede natin ito ulitin…"

At kung 'di ka makita
Makikiusap kay Bathala

Na ika'y hanapin at sabihin

Ipaalala sa iyo

Ang nakalimutang sumpaan

Na ako'y sa iyo
At ika'y akin lamang

"Makikiusap ako kay Fuuko na ibalik ang lahat ng ala-ala mo, kapalit ng buhay ko…"

Ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y
Nasa langit na

Umasa kang
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y
Nasa langit na

"Kaya kong maghintay kahit kailan…" Nagbuntong-hininga si Syaoran.

"Hoy, Syaoran!" Sigaw ni Kurogane. "Kanina ka pa naming pinanonood."

Si Fai ay nakangiti. "Naririnig pa naming lahat ng sinasabi mo! Ang sweet mo naman…"

Si Syaoran ay di makakibo. Nakatingin lang siya kay Sakura. "Narining mo lahat?"

Sagot ni Sakura, "Oo."

Nanigas si Syaoran sa kinalalagyan niya. Bigla siyang nahulog na nasalo ni Kurogane.

"Sa susunod, magingat ka." Galit na sagot ni Kurogane.

Kinuha ni Sakura ang feather niya at nilagay niya it sa puso niya. Bigla na lang siyang hinimatay tulad ng dati.

"Sakura." Tamang-tama, nasalo siya kaagad ni Syaoran bago tumama ang ulo niya sa lupa.

"Syaoran, mahal mo talaga siya noh?" Tanong ni Fai.

"Oo. Ako ay sa kanya lamang. At siya ay akin lamang din." Sagot ni Syaoran.

Sila ay pansamantalang nanatili doon hanggang sa gumising si Sakura. Noong gumising siya, sila ay umalis na sa lugar kung saan nag-babalik tanaw ng nakaraan si Syaoran.

Author's Notes: Ok lang ba ang Filipino ko? Di kasi ako sanay na gumagamit ng Filipino sa pagsulat ng mga story. Sana ay nagustuhan niyo ang aking kwento.

Sana din po magreview kayo.

Salamat!