Hello ^_^ another Filipino fan fiction po, kay Kise naman… Sana suportahan niyo :) maraming salamat… one shot lang to dapat eh ba't parang humaba?
Ilang buwan na mula ng mag-umpisa ang school year at maayos naman ang lahat. Tahimik kong tinahak ang daan papuntang Teiko. Nasa gate na ako ng school ng makita kong nagkulasan ang mga tao papasok ng building. Mga babae to be exact. Nagkakagulo ata sa loob ng makalapit ako sa entrance ng building. Pumunta ako sa locker ko upang magpalit ng sapatos. Tumingin ako sa umpukan ng tao at napabuntong hininga.
Paki erase na lang ng sinabi ko. Mukhang hindi na magiging payapa ng pagpasok ko. Andun nanaman siya. Sa may hagdan at pinapalibutan ng mga babaeng may heart ang mata. Sa dami nila mukhang mahuhuli ako sa klase kong nasa second floor kung doon ako dadaan, at baka magkalasog-lasog pa ako pagnagkataon. Wala naman akong paki alam kung may gusto silang lahat sa kanya ang sa akin lang WAG SANA SILANG HUMARANG NG HINDI SILA NAKAKAISTORBO SA IBANG PAPASOK. Tupang kinilaw naman oh. Dapat siguro agahan ko pa ang pagpasok para maunahan ko 'tong mokong na 'to at hindi ako malate sa klase ko. Kaya lang nakakatamad sa room -_- isang buwan ko na siyang namamataang tumatambay o naiistock up jan dahil sa mga fan girls. Dapat kasi ikinulong na lang ng mga fangirls si Kise at dun nila gawin ang gusto nila. Paano kaya ako papasok nito sa room ng hindi mahahaggard sa bulto ng mga babaeng may heart ang mata. Nakatingin lang ako sa sapatos kong pamalit. AHA! *insert light bulb here* at inilagay ko sa bag ang sapatos na pamalit at patakbong lumabas habang nagda-dial sa phone ko.
Kise's POV
Tapos na ang morning practice, oras na para pumasok at as usual tatambay muna ako dun sa may hagdan baka sakaling makita siya, ngayon ko na rin siya balak kausapin. Hindi ko inaasahan ang pagdagsa ng mga fans para magpa-autograph. Pero napagtanto ko na isang buwan na palang ganito, inaabangan ko siya pero nauuwi lang sa pagdagsa ng mga fan girls ang nangyayari. Namataan ko na siya sa my locker. Nakatingin siya rito, pero parang malungkot siya. Lalapit sana ako kaya lang ang hindi ko magawa dahil sa mga fan girls. Nginitian at binigyan ko sila ng autograph, nagsumulyap ako ulit sa pwesto niya kanina, wala na siya. Siguro pumasok na siya. Pero teka, ito lang ang daan paakyat paano siya makakarating sa room sa taas. Maya maya nagpaalam na ako sa mga fans at umakyat na papunta sa room namin.
3rd person POV
"Himiko, ano ba yang nasa isip mo delikado 'yan." Sabi ni Megumi habang kausap niya si Himiko sa kabilang linya.
"Basta buksan mo na 'yang bintana." Sabi ni Himiko na nasa kabilang linya. She hung up the phone.
"Ano nanaman bang pumasok sa isip mo?" sabi Megumi sa pagbukas niya ng bintana sa corridor. Maya maya ay may lumipad na bag papasok ng corridor, pinulot iyon ni Megumi at tumabi palayo sa nakabukas na bintana. Maya maya ay si Himiko na ang lumipad papasok ng corridor lumanding siya ng nakaluhod at nakalapat naman sa sahig ang isa pang paa.
"Ano nanamang bang kalokohan 'yang pumasok sa isip mo at umakyat ka pa ng puno at sa bintana ka pa dumaan para makapasok ha?" pasigaw na sabi ni Megumi sabay sa pagbato sa kanya ng bag na pinulot niya kanina.
"Hindi kasi ako makaakyat kasi maraming tao sa hagdan kaya naisip kong diyan dumaan." Sabi niya habang nagpapalit ng sapatos panloob.
"Maraming tao?" tanong ni Megumi.
"Bakit hindi mo tanungin si Kise-kun?" sabi niya pagkatayo. Lumingon si Megumi sa likod at nakita ang papalapit na si Kise. Naintindihan na niya ang dahilan.
"Salamat sa tulong mo ha." sabi ni Himiko at ngumiti, napatingin naman si Megumi sa kanya. "Sige pasok na ko sa loob Megumi-chan. See you around." Masayang pagtapos nito saka pumasok sa room niya.
"Megumicchi!" bati ni Kise ng makalapit kay Megumi.
"Oh Kise-kun ikaw pala." Sabi niya.
"Anong ginagawa mo rito sa tapat ng room namin?" tanong ni Kise.
"Wala, may tinulungan lang na kaibigan. Sige una na ko." sabi niya.
"Mabuti pa nga baka magselos pa sa akin si Akashi." Biro niya.
"Sayo? Hindi rin." Sabay tawa ng narahan. At pumasok na sa kani-kanilang room.
Kise's POV
Pagpasok ko, siya ang unang hinanap ng mata ko. Madali ko siyang nakita dahil ang upuan niya ay nasa tabi ng bintana. Nakasalubsob ang mukha niya sa desk kaya hindi ko makita ang maganda niyang mukha.
"Ohayou, Kise-kun" bati ng mga kaklase kong babae nginitian ko na lang sila bilang ganti. Sana batiin niya rin ako, siguradong kumpleto na ang araw ko nun. Naupo na ako sa upuan ko sa bandang gitna. Kung ako lang, gusto kong tumabi sa kanya o kahit sa likod o sa harap niya basta malapit sa kanya. Kaya lang ganito ang naisip ng sensei para hindi magkagulo ang mga babae dito sa room T.T Naalala ko kanina nung nakita kong pumasok siya sa corridor mula sa bintana. Ang cool niya *o* kaya pala siya biglang nawala kanina. Gusto ko siyang maging ka-close, mukha kasi siyang mabait, cool at masarap kausap. Lagi siyang masaya at nakangiti kapag kausap ang mga kaklase namin pero ni minsan eh hindi pa kami nakakapag-usap at sa tuwing tatangkain ko ay laging may kumukontra o may nangyayari para hindi kami makapag-usap.
Himiko's POV
May pumasok na estudyante sa room tapos sabi niya mag self study daw muna dahil may meeting ang mga teachers. Pagkaalis niya ay nagkanya kanya nang isip ang mga kaklase ko kung paano magpapalipas ng oras. Kinuha ko ang isang libro sa bag at saka lumabas ng room. Pero may pumigil sakin sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. pagtingin ko si Ayame lang pala.
"Bakit Ayame-chan may kailangan ka?" sabi ko.
"Hindi ka rin makakalabas." Sabi niya na may seryosong mukha. Isa lang kaya ito sa mga biro ni Ayame? Maloko rin kasi siya at kahit seryosong mukha ay mukhang nakakaloko.
"Bakit naman?" tanong ko. Binulungan ako ni Ayame. Napabalikwas ako. Pero binuksan ko parin ang pinto sa likod ng room.
O_O
Lumantad sa akin ang mga babaeng nagsisiksikan sa pagsilip sa pinto. At mukhang alam ko na ang dahilan o sino ang dahilan. Nakakatakot dahil mukhang masisira na ang pinto sa sobrang pagsisiksikan nila.
"Kise-kun, timingin ka naman dito." Sabi ng isang babae. At ang loko tumingin nga. Biglang tumahimik ang mga babae. Mukhang tumigil sila sa paghinga sandali. Napaatras ako dahil kinakabahan ako sa susunod na mangyayari. At ito na mga ang kinatatakutan ko…
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA" sigaw nila halos mayanig ang buong room o baka buong campus sa sigaw nilang iyon. Buti na lang at kahit papaano ay nagawa kong takpan ang pinakamamahal kong tenga para makaiwas sa eardrum damage. T.T utang na loob mahal ko pa ang tenga ko. Napasandal naman ako sa pader nang hindi na mapigilan ang mga babae at pumasok na sila sa room. Pagkakataon na ito para makalabas kumuha ako ng tyempo na makalabas ng pinto nang marami nang nakapasok sa room. Yahoo! Success ang mission exit ko. ^O^
Naglibot ako para maghanap ng magandang lugar para magbasa. Maganda ang panahon kaya sayang kung sa library lang ako tatambay. Sa school garden ay may puno na pwedeng pwestuhan. Umupo ako sa ilalim niyon at nag-umpisang magbasa. Maya maya, may narinig akong tunog huminto ako sa pagbabasa at pinakinggang mabuti ang tunog.
"Meow, meow" malakas na iyak ng pusa. Ibig sabihin malapit lang ito. Iginala ko ang aking paningin sa paligid pero wala akong nakikitang pusa. Patuloy ang pag-ungol ng pusa. Tumingin ako sa paligid hanggang sa napatingala ako.
"Hala! Anong ginagawa mo riyan?" nasambit ko ng makita ang pusa sa itaas ng puno. Napatayo ako at tinitignan ang pusa. Kinabahan ako ng maglakad ito palayo sa matibay na sanga o sa pinaka katawan ng puno. Patuloy pa rin ang pag-iyak nito.
"Shhhh, wag kang matakot tumalon ka sa akin at sasaluhin kita." Sabi ko as I am welcoming it with open arms and calling it with cat sounds.
Biglang may umakyat ng puno. Lalaking may dilaw na buhok at dilaw na mata, may hikaw sa kaliwang tenga at… Teka! S-si… K-Kise 'to ha. I clench my fists at inilagay iyon pareho sa dibdib ko. Kinakabahan ako pareho para sa pusa at kay Kise. Pero naisip ko basketball player naman siya at hindi naman masyadong mataas ang puno para sa kanya dahil matangkad siya.
Nakaupo siya sa sanga habang tinatawag ung pusa. Nakatingin lang ako sa kanila ng pusa. Biglang naglakad ang pusa palayo sa sanga, sinundan ko ung pusa. Bigla itong tumalon sa akin at sabay ang pagkalabog sa may puno. Nalaglag si Kise. Nagulat ako at lumapit sa kanya.
Kise's POV
Biglang tumalon kay Himiko ung pusa nawalan ako ng balanse at nalaglag buti na lang at hindi ganoon kataas ung puno. Nang makaupo ako ng pa-indian sit nakakita ako ng pair ng sexy legs sa harap ko, ng tignan ko kay Himiko 'yun at nakakunot ang noo niya. Umupo siya sa harap ko na parang naka-squat at kinausap ang pusa.
"Oh ligtas ka na, sa susunod wag ka nang aakyat ng puno kung hindi mo kayang bumaba." Parang tinamaan ako sa huli niyang sinabi. At pinakawalan na niya ang pusa.
Pagtingin ko sa kanya, nakatingin na siya sa akin. Nakakunot ang noo na parang nagtatakang disappointed.
"Akala ko ba basketball player ka? Pero pagbaba lang ng puno hindi ka marunong." Sabi niya. Napatitig lang ako sa kanya hindi ko alam na ganoon pala siya ka prangka.
"Hindi inuuna ang mukha sa pagbaba. At diba puhunan mo yan kaya wag mong sirain." Sabi niya sabay labas ng panyo at pinunasan ang sugat sa may kilay ko. Kinausap niya ako… kausap ko na siya…
"Baka pwede mo namang hawakan ung panyo." Sabi niya habang hawak parin ang panyo na nakalagay sa may sugat ko. Hinawakan ko naman ang panyo at tinaggal niya ng kamay niya. Tumayo siya at tumingin ulit sa akin.
"Uupo ka na lang ba jan? Wala kang balak pumunta ng clinic?" tanong niya. Tumayo na ako at sinamahan niya akong pumunta ng clinic.
"Salamat sa pagsama sa akin dito ha." sabi ko pagkakataon ko na 'to hindi ko na palalgpasin.
"Walang anuman." Sabi lang niya. Parang hindi naman siya masayang makasama ako OUCH! Parang may kumirot sa puso ko. to be continued...
