Babala: si Kubo Taito ang may-ari ng BLEACH.

Uhurm… Bago ang lahat… gagawin ko na itong kwento tungkol sa Anime na ito. Ito ang kauna-unahang kwentong Tagalog sa BLEACH.

Ihinahanda ko na ang sari-sari at nakakatuwang kuwento tungkol sa Lahat ng Characters na ito.

Sino kaya ang mabibiktima… Ang unang mabibiktima sa istorya na ito… ay walang iba kundi si Ikkaku Madarame.

Shinigami All-Filipino Cup GOLDEN!!! Presents…

Magwig ka na lang, Ikkaku.

Characters: Ikkaku Madarame, Kenpachi Zaraki, Yumichika Ayasegawa at Yachiru Kusajishi,

Genre: Comedy

Rated: For Kids Only!

Isang araw sa Soul Society, isang kalbong Shinigami na si Ikkaku Madarame ang naglalakad sa maiiinit na daan habang dalang-dala ang kanyang buslo na may tofu sa loob na ito. Habang naglalakad ang skinhead na ito ay kumislap ang kanyang ulo ay naging sadya ng malalaking aksidente sa mga tao (este mga pluses) nang dahil sa liwanag ng isang alopecic, nagkaroon ang kaguluhan na ito.

"Hoy kalbo, 'wag kang kumislap ang ulo mo!" bulyaw ang isang tao.

"Mag-sombrero ka naman, shiny!" sumigaw pa naman ang isa 'to.

"Hoy Boy Abunda wannabe, doon ka kay Homeboy at mag-kwento naman ang napakasaklap na kwento mo tungkol sa pagiging alopecic mo!" binulyaw pa ang isa pa to.

Nang dumating sa kanyang bahay ni Kenpachi… binigay ni Ikkaku si Kenpachi ng Tofu at bigla siyang napaasar sa kanyang sinapit ng buhay niya… ang pagiging kalbuhin at nang dumating si Yachiru… sinadyang kinagat niya ang ulo ni Ikkaku at napa-aray siya sa sakit.

"WAAAH! Suko na 'ko, Yachiru, parang awa mo na!" tili ni Ikkaku sa nananakmal na batang Shinigami. Pero hiniwalay ni Kenpachi ang magkatunggali na ito.

Pinayuhan ni Kenpachi si Ikkaku para magkaroon siya ng buhok habang kumakain sila ng masasarap na pagkain na ginawa ni Yachiru.

"Ganito kasi, Ikkaku… Mag-wig ka na lang" pinayuan ni Kenpachi "para magmukhang astig ka."

"Ganito ba iyon?" nagtanong si Ikkaku habang nag-iisip siya na kung magmukha siyang astig sa bago niyang peluka este… new hairdo niya.

"Oo nga pare kong hairilly challenged, kasi kung kay Ricky Reyes ba o kay Fanny Serrano ang magpapaalaga sa buhok mo eh 'di magmukhang Beatle." Aniya ni Kenpachi sabay tawa na tawa na ito kasama si Yachiru na walang pigil sa kakatawa.

"Awright! Magpupunta na ako sa salon!" Sigaw ni Ikkaku.

Nang pumunta sa salon, biglang na ma-shock si Ikkaku sa nangyayari. Maraming wigs sa Department store na ito. Excited siyang makita niya ang mga wigs nito.

"WOW! Andaming mga peluka! Bibili na ako!" excited na si Ikkaku nang makita ni Toushirou na may bitbit ng tsitserya at mga kendi na para siyang handang-handa sa Picnic.

"Oy, Ikkaku, anong ginagawa mo?" tanong ni Toushirou.

"Bumibili ako ng wig" sagot ni Ikkaku.

"Ah gan'on? Wokey, Good Luck. Ilalagay ko na lang yung bigay ni Juushirou sa compartment ko." Aniya ni Toushirou.

"Oy, Kapitan Toushirou, penge ako ha?" aniya ni Ikkaku.

"Ng ano?" tanong ni Toushirou.

"Yung k…" habang sinabi ang kendi kay Ikkaku, dinumog ng mga magagandang babae si Toushirou at initsapuwera si kalbo. Meron pang isang babae ang nagpa-autograph at isa pa naman eh may nagpapahalik sa kanya.

"Matsumoto!" bulyaw ang isang whitey.

Kaso… wala pa siya rito. Nasa bar siya kasama si Kira Izuru at si Shuuhei Hisagi. Napahatsing na naman itong vice captain ng ikasampung dibisyon sa pagtataka.

"Oy, Shuuhei… napabahing na naman ito." Aniya ni Kira

Sumang-ayon si Shuuhei habang dalang-dala ang kanyang ukulele at kakanta siya ng 'inuman na' na wala sa tono.

"Iba na lang yung kantahin mo, Shuuhei, Ordertaker na lang." nag-suggest si Kira.

"Gan'on ba?" tanong ni Shuuhei.

Nag-snicker ang dalawa at gumawa sila ng ingay na para sila ang may sira sa pag-iisip. Kumanta pa naman si Shuuhei na may C-minor.

Samantala… nang si Ikkaku ay nag-abala sa anong gagawin niya ay pumunta siya kay manong Funnie para bumili siya ng wig. Kaso pag pasok niya sa Parlor nito ay wala kahit isang wig ay nakikita niya.

"Punyemas na naman ito! Wala na naman ang wig. Aalis na lang ako!" sigaw naman si Ikkaku the cue ball of the Volcano.

Kaso nang makita ni Yachiru, ni Yumichika at ni Kenpachi, Pinagtatawanan siya ng mga labing-isang lupo ng Shinigami at pinasyalan sila sa bilyaran at… hinulma in literally ni Yachiru si kalbo bilang isang cue ball ng mga nagbibilyar sa tabi.

"Oy Yachiru, tigilan mo na iyan!" paawa na sinasabi ni Ikkaku.

"Ayoko, mas may fun ang mag-bilyar dito gamit ang cue ball mo, kalbo!" aniya ni Yachiru.

"Astig tayo mag-bilyar dito." Aniya ni Yumichika.

Sumang-ayon si Kenpachi.

"SAKLOLO!" sigaw ang isang kalbong shinigami.

TAPOS-OWARI-KULTOPINISH!

Eto ang unang Kwentong Sidapa ng Bleach at Pinoy ang salita ang ginamit ko.

Next Story: Ang lupo ni Byakuya Kuchiki, pero hindi si Byakuya ang bibiktimahin ko kundi ang dakilang freeloader na Vice Captain si Renji Abarai.

Renji: Bakit naman ako?

4HIK: eh s'yempre mas deadly akong magpatawa! Kaya inutos ako ni Ichigo para mahirapan ka!

Renji: sinasabi ko na nga ba may connivance kayo ni Ichigo eh.