Ikalawang Kabanata

Ang nakaraan: Ang babaeng mahangin, namely Temari, ay napadpad sa bayan ng Konoha dahil sa kautusan ng kanyang pinakamamahal na kapatid na si Gaara. However, tinamaan naman sya ng sandamakmak na kamalasan ng bigla syang nagkaroon ng temporaray memory loss dahil nakalimutan nya ang address ng kanyang tutuluyang apartment at nang ma-snatch ang kanyang balikbayan box. At ngayon, sa di inaasahang pagkakataon, e mukang pinagtagpo nanaman sila ng kanyang ex… ex-enemy.

Action!

---

Isang makabuluhang pagtititigan good for 5 minutes ang ginawa ng dating magkalaban na mga ninja. Ang tensyon na pumapalibot sa kanila ay kumakapal na, sa sobrang kapal pwede mo nang hiwain 'to through the use of a kunai.

Mabuti na lang meh nag-initiate na bumasag ng nakabibinging katahimikan. "Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito sa aming abang tahanan?"

"Mabuti naman ako, ikaw?" isang sarcastic retort galing sa blonde kunoichi.

Buntong-hininga. "Hay, kung di ka magbebenta ng encyclopedia, maaari ka nang umalis." Umalis ang binata sa pagkakasandal at akmang isasara ang pintuan nang biglang iniharang ni Temari ang kanyang pamaypay sa pagitan ng nakabukas pang pintuan.

"Teka muna, ganyan ba ang isang halimbawa ng mainit na pagtanggap sa isang taong nagbigay sa'yo ng pangalawang pagkakataong mabuhay?"

Nangunot ang ulo ng shinobi habang inalala yung panahon kung saan linabanan nya yung Sound-nin, na muntikan nang pumatay sa kanya, only to be saved by the great kunoichi na nakatayo sa harapan nya ngayon. Isang mahinang ungol ng pagkairita ang lumabas sa kanyang mga labi. At sa huli, binuksan nadin nya ang pintuan, wide-open. "Ano bang kailangan mo sa'ken?" tamad na tanong ni Shikamaru habang nanununuli.

Isang ngiti (na pwede mo nading ikumpara sa ngiti ni Akamaru) ang sumibol sa maninipis na labi ng kunoichi. "Ang totoo nyan, wala naman talaga akong kelangan sa sa'yo. Pero since… tinanong mo na lang din, at narealize ko na kelangan ko nga ng tulong---

"Paki-sabi in one simple sentence." Pag-i-interrupt ni Shikamaru sa pagsasalita ng dalaginding.

Pinigilan ni Temari ang pag-ikot ng kanyang mga mata. "In short, pwedeng makitira dito sa bahay nyo?"

A long awkward pause, then…

---

"Hoy Shikamaru!!! Buksan mo tong pintuan nyo!!!" isang desperadong sigaw ng homeless kunoichi.

Samantalang sa loob naman ng Nara residence…

"Ano ba yung sumisigaw? Kanina pa yan ah." Tanong ng tatay ni Shikamaru sabay silip sa bintana.

"Baka naniningil lang ng utang jan sa kapitbahay." Kaswal na sagot naman ng kanyang nanay.

"E bakit pangalan ng anak mo ang naririnig ko?"

"Tsk, kahit mukang batugan yang anak mo, habulin din yan noh."

"Hay, just like good ol' days." Sagot ng tatay ni Shikamaru habang nag-di-drift out of space ang kanyang utak back to when he was like Shikamaru's age.

Ngunit bumalik din sa earth ang kanyang isipan nang bigla syang batukan ng babaeng Nara. "Mangarap ka. Tawagin mo na nga yung anak mo, at papasukin mo na yung babae dun, kawawa naman ang voice box nun sa kasisigaw."

Tamad na tumayo ang tatay ni Shikamaru habang hinahaplos ang kanyang batok. "Tss, nagger."

"Hoy narinig ko yun!!!"

Balik ang focus sa blonde sand kunoichi.

Humihingal na napaupo sa balikbayan box nya si Temari, habang nag-iisip ng isang strategy para mapalabas ang hinyupak na Nara at papasukin sya sa kanyang bahay. Bwiset, di ko aakaling tatanggihan ako ng batugang lalaking yun. Pagkatapos ko syang ipagtanggol dalawang taon at kalahati na ang nakakalipas??! Tsk. Pagkalipas nang ilan pang minutong pag-iisip, sa wakas ay naubusan na sya ng ideya at ipinagpasyang magtungo na lang sa Hokage. Ngunit meh nagbabadyang problema nanaman… di na nya din maalala ang direksyon papunta doon! Waaa pakingsyeeet mehn, sa'n ako matutulog ngayon? Sa gitna ng kalye ng Konoha? Hmm… di masamang ideya… p-pero! Wala na ba talagang ibang paraan? Tsk. Bahala na. Balik na lang uli sa pang-pepeste sa batugan na 'to. At akmang bobombahin nanaman nya ng sigaw ang tahanan ng Nara ng biglang bumukas ang pintuan, at mula doon ay sumingaw ang ulo ng isang ninja na kamuka ni Shikamaru.

"Oy ineng! Pumasok ka na!"

"Eh?"

---

Halos lumuwa na sa mga eye-socket ang mga mata ni Shikamaru nang madatnan nyang nasa harap ng lamesa nila si Temari, animo'y isang bisitang welcome na welcome. Isang ngiting puno nang pang-aasar ang ipinukol sa kanya ng dalaga.

"Hay, mabuti naman at naisipan mo nang bumaba mula sa bubong. Ano nanaman ang nakita mo sa kalangitan ha at di ka nanaman paawat sa pagtitig dun?" usisa ng kanyang ina.

Imbes na sagutin ni Shikamaru ang tanong, sa halip ay nagtanong pa uli sya. "Anong ginagawa nya dito sa bahay naten??" points accusingly kay Temari

"Maging gentleman ka naman anak…" tamad na suggestion ng kanyang ama.

Pinigilan lang ni Shikamaru na umikot ang kanyang mga mata. "Troublesome…" mahina na lang nyang tugon, at umupo na din sa harap ng lamesa, opposite ni Temari.

At, isa nanamang glaring contest ang nangyare sa pagitan ng dalawang ninja.

"Tsk. Sa pangalawang pagkakataon, itatanong ko uli sa'yo, anong ginagawa mo dito?" tanong ng batugang shinobi habang di padin inaalis ang intense gaze sa blonde kunoichi.

"Nakaupo at nakatitig sa'yo." Nonchalant na sagot ni Temari, as if stating the already obvious.

Ilan pang minuto ng katahimikan at pagtititigan nang magdesisyong basagin ng mga Nara ang tensyong malapit nanamang mamuo. "EHERM. Pwede na siguro tayong kumain, ne?"

But to no avail, di padin tapos ang glaring competition ng dalawa kaya naman napagdesisyunan ng mag-asawa na mabuting maiwan na lang muna nila ang mga bata para mapag-usapan ng maayos ang kung anumang problema ang kinahaharapan nila.

Naniningkit ang mga mata ng binata habang nakatitig sa smug face ng kaharap na kunoichi. "Sa huli at pangatlong pagkakaton, tatanungin uli kita, anong-ginagawa-mo-dito?" this time, meh hint of seriousness at threat na ang tono ng pananalita ng binata.

Dahil ayaw naman ni Temari na magkaroon ng gulo at away, sumakay na din sya sa kaseryosohan ng kaharap na shinobi. Buntong hininga. "Isang pabor lang naman. Payag ka bang patuluyin ako sa tahanan nyo with open arms?"

"Hinde."

"Pero bakit??"

"Dagdag ka lang sa sakit ng ulo. Tama na ang isa sa pamilyang 'to." (tinutukoy nya dito ang nanay nya na nagger)

"Kahit hanggang sa makausap ko ang Hokage!"

"…" napaisip ng saglit ang pineapple-head na shinobi.

"Please? With icecream and sugar and stick-o and cherry and strawberry and watermelon…" the list goes on.

"…" nagko-contemplate padin ang binata, not bothering to even listen sa constant talking ng dalaga.

"… and Temari on top?"

And as if on cue, nakapag-isip na din ang master strategist ng Konoha. "Hmn."

"O ano, payag ka na??" di na makayanan ni Temari ang kanyang ginagawang pagpapakababa sa harapan ng batugang shinobi na 'to. Lintik kasi, kung ba't pa niya nakalimutan yung address ng titirhan nya dapat. Humanda sya, ipapa-order ko na ma-demote sya uli sa pagiging genin!

"Payag na ako."

"Ayus! Salamat! Nang marami!"

Pero kung anong saya nya, sya namang lungkot ng susunod na mangyayari.

---

"T-t-teka! Sa'n mo ako dadalhin??!" maang na tanong ni Temari habang hinihila sya ni Shikamaru papunta sa God-knows-where na lugar.

"Ipinapasyal kita." Simpleng sagot courtesy of the lazy shinobi.

Meh instinct sya na ginagago lang sya ng lalaking ito.

---

Samantala, mapadako naman tayo sa isang certain ninja na meh hinahanap namang isang certain shinobi na may certain pineapple-look-alike na buhok.

"Animal, hayup, lintik, peste, letse, punyeta, tae, pohtah…" and the list of obscene words goes on. Ang ipinagtataka nya lang naman, bakit ba di nya mahanap-hanap ang lalaking yun samantalang 30 minutes na syang paikot-ikot sa loob ng Village. Ni ga-hibla man lamang ng kanyang buhok, wala man lang syang maka-encounter. Ang nakapagtataka, di naman sya naka-disguise pero bakit wala pang ANBU o kahit na sinong ninja ang lumalapit sa kanya para arestuhin sya for trespassing? Ganun ba talaga sya ka-discreet para di mapansin? At bakit ba sya nagrereklamo? Ba't di na lang sya magpasalamat at di pa sya nakakulong ngayon?

Pakingsyeeeet talaga. Una sa lahat, ano nga pala uli ginagawa ko dito?? …… ah, naghahanap ng katarungan. Para saan?? …… ah, para sa'ken. Bakeeet?? …… kasi tinalo ako ng gunggong na yun, ang dahilan kung bakit ako itinakwil nang pinakamamahal kong si Orochimaru. Teka—sinabe ko bang pinakamamahal kong Orochimaru?? Damn! Yun na yata ang pinaka-nakakakilabot kong sinabe sa buong buhay ko… well, minus the everyday obscenities. Madahpakin' hell, oras na makita ko kahit isang gahibla ng buhok mo… ipapakulam kita kay Sakon!

Mapapamura nanaman sana sya ng biglang meh napansin syang dalawang tao na naghihilahan mula sa malayo. Nung una, akala nya magsyota lang na naghaharutan. Pero napansin nyang parang nagta-tug-of-war na ang dalawa kaya pumasok sa kanyang isipan na baka meh tangkang gahasahin ng lalaki yung babaeng kinakaladkad. Pero habang papalapit sila, bigla uli syang nakapansin ng kakaiba. Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso, animo'y lukso ng dugo.

At true to the sense, lukso nga ng dugo ang kanyang naramdaman, lukso ng dugo sa lalaking matagal na nyang hina-hunting. At kung daanan ka nga naman ng swerte, kasama pa nya yung babaeng naging kakampi nya nung naglaban kami. Isang ngiting-aso ang sumibol sa kanyang mga labi.

---

"SINABI NANG WALANG BINEBENTANG BALOT SI SHIZUNE EH!!!" sigaw ng lasing na lasing na Tsunade sa mga bagong katok na ninja sa kanyang opisina.

Pumasok lang si Shikamaru, dragging Temari all along. "May inihahatid lang po akong bisita nyo Hokage-sama. Sige, party lang kayo jan." at akmang tatalikod na ang spiky-haired shinobi ng bigla syang pigilan ni Tsunade.

"Hep-hic-hep, san ka-hic-pupunta? Di ka pa-hic-nakakapagbenta ng-hic-balot ni Shizune." Sambit ng matandang Tsunade habang nilalagok ang isang bote ng sake na kanyang hawak. "Di mo ba-hic-alam na pampatibay-hic-ng buto ang balot? Hic… tignan mo si Jiraiya, ang takaw sa-hic-balot, ang tigas tuloy… hic… ang tigas-tigas tuloy ng kanyang… hic!"

Isang matinding pagtulo ng pawis (a.k.a sweatdrop) para sa lasenggang Hokage. Mabuti na lang at pumasok si Sakura, ang apprentice ni Tsunade, bago pa man ito makapaggawa ng isang skandalong tiyak na mapapasama sa ginagawang nobela ng matandang ermitanyo. "Tsunade-sama! Sa'n nanaman kayo nakapulot ng sake??!" bulalas ng pink-haired kunoichi habang inaayos ang upo ng naka-slump na Tsunade sa lamesa.

"Pasensya na Sakura, hindi ko kasi namalayang isang kawarimi lang ang Tsunade na binabantayan ko kanina eh…" ani naman ni Shizune, habang karga-karga padin ang baboy-na-astang-aso na si Tonton.

"Hay. As expected sa kanya. Ayos lang yun Shizune-sempai, sa tingin ko kelangan na nating alisin ang pagkalasing nya dahil mukang madami syang dapat harapin ngayon." Sabay tingin kina Shikamaru at Temari.

After some time of doing jutsus na pampatanggal hang-over, Tsunade is good as new.

"Sabaku no Temari? At Shikamaru?" ani ni Tsunade na nagtataka habang naglalakbay ang kanyang mga mata pabalik-balik sa dalawang ninja. "Anong meron?"

Isang buntong-hininga na galing sa batugang shinobi. "Sya…" yun lang ang katagang namutawi sa kanyang mga labi habang tamad na inangat ang mga kamay pointing sa direksyon ni Temari.

"Err, ako?" awkward pause, "ah, hehe, oo ako nga." Sambit ng sand kunoichi habang uncomfortably shifting her gaze from the Hokage to the floor. "Ang totoo nyan in-export ako ng magagaling kong kapatid dito para daw 'pagtibayin' ang tinatawag nilang 'bond'. Whatever."

Di naman maitago ni Tsunade ang amused look sa kanyang mga mata. "Ahahahaha, talagang pinagseseryoso na nang Kazekage ang pagpapatibay ng kanilang relasyon sa mga karatig-bayan nila."

"At ako, bilang Sand Ambassador, ay kelangang i-export ng dalawang buwan, dito sa Konoha, para makipag-bonding. Whatever."

Isang mahinang "Oh," lang ang lumabas sa mga labi ng Hokage. Nag-lean over sya, sitting her breast comfortably sa ibabaw ng lamesa, habang nakapalumbaba. "Well, well, anong maipaglilingkod ko ngayon sa'yo?" para kay Temari ang tanong.

"Kasi… kelangan ko ng matutuluyan pansamantala dito sa Konoha." Isang simpleng sagot mula sa kunoichi, pero alam nating lahat na kulang ang sagot na iyon dahil sinadya nyang wag ipaalam ang nakakahiyang 'memory loss' sa address na dapat nyang titir'han.

"At anong ginagawa ni Shikamaru dito?" again, ang tanong na iyon ay directed kay Temari.

Napaisip ang dalaga, habang si Shikamaru naman ay naghahanda nang sumagot. "Hinaha---

"Ang totoo nyan nasolusyonan na ang problema ko tungkol sa paghahanap ng matutuluyan." Pagsasabat ni Temari sa mga sasabihin pa ni Shikamaru.

"Oh?" si Tsunade.

At ang mga sumunod na salitang namutawi sa bibig ni Temari ang muntikan ng maging dahilan ng pagkahimatay ni Shikamaru. "Sa bahay ako nila titira. Nag-volunteer sya!" at isang satisfying grin ang ipinukol sa binata na sa kasalukuyan ay naghahanda nang tumalon sa bintana at magpaalam sa mundo. (as if meh magagawa ang pagtalon nya)

"Aba, ang dami mong bagong haousemates ah." Sabay pukol ng Hokage nang isa nanamang amused gaze sa isang nilalang na nakaupo sa isang corner.

Slowly and dramatically ang paglingon ni Shikamaru sa itinuring ng Hokage. At paglapat na paglapat palang ng kanyang mga mata sa nilalang na yun, nagproduce ng isang expression ang kanyang muka ng isang silent scream, in an anime-listic style. Samantalang busy naman tong si Temari sa pag-alala kung sa'n at kelan nya na-encounter ang nilalang na ito.

At para basagin nadin ang tensyong namumuo, pinili ng Hokage na magsalita. "Uh, sya nga pala si Tayuya ng Sound Village. Wag nyo kong tignan ng ganyan, maski ako nagtataka din kung bakit sya napdpad dito. Teka, bakit ka nga pala napadpad dito? Eniwei, ang sabi nya, wala naman daw syang balak maki-gulo. Err, pero sa nakikita ko ngayon it tells otherwise. Eniwei uli, sabi nya, si Shikamaru lang daw ang pakay nya, gusto nya yatang makapaghiganti? Huh? Bakit naman? Anong ginawa ni Shikamaru sa'yo? Eniwei, dahil isa syang kriminal at alagad ng emong ahas na nagngangalang Orochimaru, kelangan nya ng at least isang watchguard, at napili nya si Shikamaru. Uh, syempre pumayag ako, si Shikamaru ay isang magaling na ninja, isang matalinong strategist, at alam kong di sya maiisahan ni Tayuya. Kaya naman, simula ngayon, hanggang maabsuwelto ang kasalanan ni Tayuya, kelangan syang bantayan ni Shikamaru. Teka nga, bakit kami ang gumagawa ng trabaho ng mga pulis???"

Isang malaking sweatdrop nanaman para sa Hokage, at isang over-satisfying smirk mula sa Sound-nin. At isang weary sigh mula sa isang certain shinobi na kilala sa pagiging batugan.

"Ah, so without further ado, let me go on with my drinking session! Hala, alis! Go forth and multiply!" sabay labas ng sake na galing sa ilalim ng kanyang lamesa.

Umalis ang mga ninja dahil kapag kinontra nila si Tsunade, alam nila ang maaaring mangyare sa kanila. At umalis silang nagke-kwentuhan at masaya---not.

---

Si Shikamaru na ba ang Big Brother ng Konoha dahil sa dumadami nitong housemates? Bakit sa dinami-dami ng pwede nyang maging housemates e sina Temari at Tayuya pa? Totoo nga kayang mahilig sa balot si Jiraiya? At pa'no nalaman ni Tsunade na matigas ang t… tuhod ni Jiraiya? At sa'n kumukuha ng balot supply si Shizune? Sa tingin mo meh kwenta ang storyang ito para basahin? Ang lahat ng iyan at iba pang katanungan sa susunod na kabanata ng It Won't Let You Down, from UniLitter production.

Quickie lang: Uhm, pasensya na sa late update? Kanunuod ko lang kasi ng Shippuden eh!!! Waaa! Gusto kong ikwento pero bawal dahil baka patayin nyo ko!!! Waaa! Err, eniwei, isang big-bone-breaking-hug para kay anna-chan sa pagtatama ng mali kong spelling ng Suna. Tenchu! I will kiss you for that! o