Author's Note: Itong storyang ito ay naganap after 3 years mula nung timeskip. Ibig sabihin, kung ano yung age nila ngayon sa manga ay +3 na. Gets? Kung Gets nyo na (at kahit kung hindi nyo pa gets) sisimulan ko na yung storya.

Atsaka nga pala, I don't own Naruto ok?

Side-notes: Dito po sa fic na ito, ang mga pairings ay NaruHina, ShikaIno, NejiTen, at SasuSaku. Opo, Si Sasuke ay nakapaghiganti na kay Itachi at ngayon ay isa na siyang mamamayan ulit ng Konoha. Yun lang po. Enjoy!!!!

Italics Iniisip

-------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 2: Tuloy Ang Paglalakbay

Habang naghahanda ang mga ninja escorts ni Shimeji, napagisip-isipan niyang kausapin si Tsunade-sama. "Um Tsunade-sama, hindi naman po sa pinagdududahan ko po kayo, pero bakit po ang mga pinag-escort nyo po sa akin ay dalawang Jounin (Neji at Sakura), apat na Chuunin (Shikamaru, Tenten, Ino, at Hinata), at dalawang Genin (Naruto at Sasuke)? Ang alam ko po kasi ay kapag ang misyon ay isang S-Rank, kadalasan ay mga tatlong hanggang limang Jounin ang inyong ipinapadala." Tanong ng daimyo.

"Ah yun ba, wag kang mag-alala kasi yung mga yon ay napakagagaling na mga ninja lalo na yung dalawang genin na nandoon. Ang lahat na nandoon ay mga magagaling na ninja." Sabi ni Tsunade.

"Eh kung magaling po yung dalawang Genin at yung apat na Chuunin, bakit ayaw nyo pa pong i-promote sila sa pagiging jounin?" tanong ng ngayon ay curious nang daimyo.

"Kasi yung dalawang Genin ay pinagbabawalan kong sumali sa Chuunin exams kasi masyado silang malakas at lugi yung ibang Genins na sasali dun. At kelangan ko rin ng permiso ng mga matatandang councilors dito para mai-promote sila at maging Jounin. Kaya para sila ay maging Jounin, kelangan nilang matapos ang misyon na ito at makabalik dito sa Konoha ng ligtas. Ganun din ang kalagayan ng apat na Chuunin, pag-naipasa din nila ang misyon na ito ay magiging ganap na Jounin na sila." Wika ni Tsunade na parang walang alinlangan na nadarama.

"Mukhang sigurado na po kayo na makukumpleto nila itong misyo na ito na walang problema ah. Ganun ba sila kagagaling?" tanong ulit ni Shimeji.

"Oo, napakagagaling nila. Yung dalawang genin na nandun ang pinakamagaling sa grupo nila. Hanggang nanduon sila sa grupong nagbabantay sa iyo, ni hindi makakalapit yung mga kalaban sa iyo." Sagot ni Tsunade. "At kung nagtataka ka kung bakit sing-lakas nilang lahat ang mga Jounin tapos walo pa ang ipinadala ko, yun ay para makasigurado akong ligtas kang makakarating sa Iwa. After all, isa kang daimyo."

"Salamat po." Sabi ni Shimeji.

------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos na isang oras, handa na silang umalis ngunit wala pa rin si Shikamaru.

Makalipas ulit ng forty-five minutes, ay sa wakas, dumating na si Shikamaru.

"Good morning guys." Ang bati ni Shikamaru.

"Anong good morning ha? Ang usapan ng pag alis ay 10:45, hindi 12:30!!!!" Malakas na sigaw ni Ino sa kanya.

"Yeesh, sorry na. Mga babae talaga oh, how troublesome." Wika ng bored na si Shikamaru.

"Ok. Ngayong kumpleto na tayo ay handa na tayong umalis. Ang tantya ko ay mga tatlong araw ang ating kakailanganin para maabot ang Earth Country." Sabi ng walang emotion na si Neji.

"Ipagpaumanhin nyo po Mr. Tagakuchi, palagi lang po talagang late yang si Shikamaru." Sabi ni Tsunade.

"Ok lang yun, kailangan din naman mag-pahinga ang mga bata kahit paminsan-minsan lang. Atsaka Shimeji na lang po ang itawag nyo sa akin." Masayahing reply ni Shimeji.

"Salamat sa pag-iintindi, Shimeji." Wika ni Tsunade. "Ngayong nandito na kayong lahat, ipagkakatiwala ko sa inyo ang seguridad ni Shimeji. Bantayan nyo siya ng mabuti." Utos ni Tsunade.

"Opo" Sabay-sabay na sinabi ng mga ninja.

"Yun lang. Dismiss."

"Hai"

At sabay-sabay na umalis ang mga ninja at si Shimeji.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Nakaraan na ang isang oras at wala pa rin silang nakakalaban na ninjas o kahit man lang mga magnanakaw.

"S-Rank na misyon ba talaga ito?" Tanong ng inip na inip na si Naruto.

"Yan nga rin nasa isip ko eh, hanggang ngayon wala pa tayong ninjas na nakakalaban." Pabulong na sinabi ni Tenten kay Naruto.

"Malapit na mag-alas dos. Magpahinga muna tayo at kumain." Sabi Neji.

Lahat naman ay nag-agree sa sinabi nya.

Ayos ang kanilang bonfire na gagamitin sa pagluto. "Sasuke-kun, pwedeng pakisindihan ang bonfire?" Tanong ni Sakura.

"O sya sige." Tsaka niya ginawa ang seals ng 'Katon: Goukakyuu no Jutsu'. Laking gulat ng daimyo hindi dahil sa technique, kung hindi dahil sa seals. Isang kamay lang kasi ang ginamit ni Sasuke sa pag-gawa ng seals.

"Ang galing mo naman. Walang ninja sa Iwa ang nakakagawa ng seals na gamit lang ang isang kamay. Kahit yung aming mga Jounin ay hindi kayang gawin yun eh." Papuri ng daimyo kay Sasuke.

Walang imik naman si Sasuke dahil matagal niya nang kayang gumawa ng jutsus gamit lang ang isang kamay. Sa katunayan, lahat ng ninja sa kanilang grupo ay kayang gumawa ng mga jutsus gamit lang ang isang kamay.

"Teka po Mr. Tagakuchi, kung merong Hidden Village of Iwa eh di may Kage kayo dun?" Tanong ni Naruto.

"Oo, ang tawag sa kanya ay Dotokage (A/N: Wala po talagang Dotokage, imbento ko lang po yun). Ang pangalan niya ay Shibire" Sabi ng daimyo.

"Ah, bakit kayo ang ipinadala dito kung hindi naman po kayo isang ninja." Tanong ni Naruto na parang atat malaman ang sagot.

"Ako kasi ang kapatid ng Dotokage, kaya ako yung pinaka-pinagkakatiwalaan niya." Wika ng daimyo.

"Handa na ang pagkain, kainan na." Sigaw ni Ino.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Tapos na ang labinlimang minuto ngunit si Neji at Sasuke pa lang ang tapos kumain.

Masarap ang kainan nila ng bigla na lang silang pinatigil ni Neji.

"Ano ba problema mo, gutom pa ako ah." Sabi ng galit na galit na si Naruto.

"Napapalibutan tayo ng kalaban, mga 20 sila." Sabi ng kalmadong si Neji habang naka-activate ang kanyang byakugan.

"Kalaban? Ayos, atat na ako eh." Sabi ng atat na si Naruto.

"Shikamaru, Hinata, at Ino, bantayan nyo si Shimeji. At Tenten, pagbilang ko ng tatlo, tumira ka ng kunai sa 3 o'clock, 7 o'clock at 12 o'clock, maliwanag?" Utos ni Neji.

"Oo" Wika ng apat na nautusan.

"Isa...dalawa...TATLO!!!! Ngayon na!!!!" Sigaw ni Neji.

Sapul nga ni Tenten ang tatlong nakatagong ninja at dead-on-the-spot sila.

Dahil dun sabay-sabay sumugod ang 17 na natitirang ninja. Ngunit sa isang pikit lang ng daimyo, namatay na ang lahat ng kalaban. At nakita niya na lang sina Naruto, Sasuke, at Neji na may hawak na duguan na kunai.

"Tapos na ba? Anak ng...pinatigil mo ako sa pag-kain ko para lang dito?" Sabi ng isang galit na galit na Naruto.

'Tama si Tsunade-sama, talagang napakagagaling ng mga batang ito.' Ang nasa isip ni Shimeji.

"Um Mr. Tagakuchi, ganun lang po ba kahihina yung mga kumakalaban sa iyo?" Tanong ni Sakura.

Ngunit bago pa nakasagot si Shimeji ay nagsalita na si Shikamaru, "Hindi naman pala ninja ang mga toh eh, mga magnanakaw lang sila."

"Mag-ingat na tayo simula ngayon, swerte tayo at mga magnanakaw lang ang ating kalaban. Baka sa susunod ay mga ninja na. Kaya don't let your guard down." Sabi ni Neji.

"Nakana, English yun ha." Natatawang sinabi ni Naruto.

Hindi na lang pinansin ni Neji si Naruto at inutusan nya na lang ang lahat na mag-ayos na dahil aalis na ulit sila.

To Be Continued...

----------------------------------------------------------------------------------------------

Walang masyadong lovie-doie ngayon noh...hayaan nyo, sinisigurado ko sa inyo na sa susunod na chapter ay meron ng mga nakakakilig na mangyayari. Enge ng reviews ha.