Disclaimer: Balik sa unang kabanata. (Refer back to Chapter 1.)

A/N: Kaya mo iyan Tasha!

WARNING: OOC, ANGST, WAFF

Kabanatang 2: Naririnig Mo Ba Ako

Bago ka dumating sa aming mga buhay, ako ang pinakabata sa amin. Dahil doon, ako ay nag-asal bata.

Naging kontento na ako doon...

Masaya ako sa piling ng aking mga kaibigan. Ang kanilang mga biro sa akin ay tinnanggap ko ng walang masamang pahiwatig.

At ako…ay ngumiti.

Ako ay tumawa lamang.

Oo…Masaya ako.

Ngunit, nang dumating ka, nagbago lahat sa amin. Hindi lamang ang aming mga anyo, kundi ang aming pagkatao…

Doon ko na tuklasan ang ibig sabihin ng mahiya…

Oo...aaminin ko. Nahihiya ako...noong una kitang makita.

"Sino ba siya…?"

Yuun ang itinanong ko sa aking sarili. Sino ka ba na nagbigay sa akin ng pakiramdam ng hiya...? Sino ka ba na bigla na lamang bimihag sa aking puso...?

Tumingin ako sa aking kaliwa...doon, nakita ko si Serph. Tumingin ako sa kanan at doon ko naman nakita si Heat.

Dalawa silang nasa paanan mo...naghihintay na mabigyan ng pagkakataon na mahalin ka...Oo...Minamahal ka nila...Alam ko ito. Hindi ako bulag...Hindi ako bata...Hindi ako ignorante dati ng sabi nila sa akin para hindi ko malaman...

Nakita ko sa kanilang mga mata...ang kanilang pangarap na mahalin at pagsilbihan ka...

Sera...

Hindi mo ba alam...na ako ay isa rin sa kanila...na nagaasam-asam sa iyong pagmamahal...? Kapag ang mga mata natin ay mag-iisang landas, nararamdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso...

Kapag ipinakita mo sa akin ang iyong matamis na ngiti...ang dugo ko ay umaagos sa aking mga pisngi...

At sa sandaling iyon, hindi ko na malaman ang aking gagawin. Sa sandaling iyon, isa lamang ang alam kong gawin...at iyon ay ngumiti...

Pinagmamasdan kita minsan, at makikita ko ang lungkot at takot sa iyong mga mata…Alam mo ba, na nasasaktan ako tuwing nakikita kitang ganoon…?

Hindi ko gustong makita yon sa iyo...Kaya nga, napag-isipan ko, na gagawin ko ang lahat para mapasaya ka.

Kaya ngayon...na pag-isipan ko...na kahit matapakan ang aking dangal, magtitiis ako. Para lang makita kang tumawa...

Kaya ngayon, ako ay nagtatangahan...Ako ang naging inutil ng grupo...Ako ay naging isang utusan...

Ako ay naging isang taga pang-aliw sa ating mga kaibigan, lalong lalo na sa iyo...para lamang sa iyo.

Naging masaya ako nang nakita at nirinig kitang tumawa...Sapagkat sa tawa mo...ay napapawi ang aking pagod. Sa tawa mo, gumagaan ang aking loob...

At nalalaman ko na ang aking sakripisyo ay hindi nauwi sa bigo.

Kaya nga simula noon, ako ay nagpapatawa...Ang dibdib ko ay nakakahinga ng mabuti kapag naririnig ko kayong lahat na tumatawa...

Tuwing sasayaw ako, naririnig ko ang inyong mga hiyaw at saya...

Sapat na sa akin yoon…

At habang tumagal iyon, natuklasan ko, na ako rin pala, ay tumatawa na rin...

Salamat Sera...

Pero, kapag lumabas na ang buwan...at ako ay nag-iisa...at wala nang tao na makikinig sa aking mga katawa-tawang kwento o manonood sa aking mga sayaw...at doon...wala ka...Wala ka para pasayahin ko...

Doon ulit bumabalik ang bigat sa aking kalooban. Doon ulit bumabalik ang pananakal na nararamdaman ko sa aking puso…

Dahil sa iyo…

Doon, sa hating gabi, ko malalaman na ako ay nag-iisa…

At maiisip kita...

Doon ko itatanong sa aking sarili, naririnig mo kaya ako...?

Ngayon na ako ay lumuluha...narirnig mo kaya...?

O kaya naman...mga tawa ko lamang ang iyong nadidinig...?

Ito ba ay dahil sa aking pagka-bata...?

Dahil ba ito…sa aking kakulangan sa aking anyo…? Dahil hindi ako katulad ni Serph...? O ni Heat...?

Kapag dumating na ang umaga...muli tayong tatawa ng sabay...At ako naman, habang kasama mong tumatawa, ay sasaya muli...

Ngunit, kapag lumubog na ang araw, itatanong no muli sa aking sarili...

Naririnig mo ba ako...? Naririnig mo ba ako sa gabi...? Na lumuluha at lumuluksa habang natutulog ang lahat...?

Bata...

Ignorante...

Katawa-tawa...

Ito lang ba ang tingin mo sa akin...?

Mga ngiti ko lang ba ang nakikita mo...?

Mga tawa ko lang ba ang naririnig mo...?

At ang mga luha ko…?

Hindi…

Hindi mo ito malalaman…Hindi mo ito maririnig…

Kahit masakit sa akin na ako ay walang dangal sa harap mo, tatangapin ko...tumawa ka lang...

Ngumiti ka lang Sera...Huwag kang malulungkot. Kaya ako naandito...

Para tumawa ka...

Tumawa ka lang...

Sa tunog ng tawa mo...nalulunod ang pag-luksa ko.

xxxxx

WAKAS