Chapter 2- Islep Ober
Pagkatapos ng kanilang klase, sila'y sabay sabay na naglunch. Nagkakilala na silang apat and the boys helped the girls around the campus. Masaya naman silang lahat at lumipas ang mga araw at silang lahat ay naging close sa isa't isa lalo na sina Ino at Shikamaru, Naruto at Tenten, Sasuke at Hinata at ang huli ay sina Sakura at Neji. Lagi silang namamasyal kapag walang mga gawain sa school.
Isang araw…
"Hooy… mag sleep over naman tayo…" sabi ni Naruto habang kumakain sila sa isang ice cream parlor.
"Wow, magandang ideya yan!" sabi naman ni Hinata.
Sumang-ayon naman ang lahat at napagdesisyonan nilang ganapin ito sa bahay ni Sasuke since malaki naman ang kanilang bahay. Wala doon ang parents ni Sasuke kaya okay lang.
"Kita-kita tayo sa bridge sa may ilog mamayang mga 3. Kunin muna natin lahat ng dapat dalhin." Sabi ni Neji.
Umalis na ang lahat para kunin ang mga gamit nila. Pagsapit ng 3 ng hapon, nagkita-kita na sila sa bridge. As usual sa kanilang magbabarkada, late nanaman si Shikamaru. Pano ba naman kasi, kung maglakad eh daig pa ang pagong sa kabalan. Yung tipong ang gusto niya eh yung kalsada na ang magdala sa kanya sa kaniyang patutunguhan. Pagdating ni Shikamaru, sumalubong sa kanya ang sunod-sunod na suntok mula kay Ino.
"Ikaw lalaki ka!! Sabing 3 eh anong oras na!! 5?? Wow... hindi ka late... promise!! Naburo na kami dito!" sabi ng galit na galit na si Ino.
"Para kang si Sir Kakashi. Yun nga lang, hindi sa klase nalalate. Sa meeting lagi natin…" sabi naman ni Neji.
"Teka… Asan nga pala si Sakura at Tenten?" Tanong ni Shikamaru.
"Bumili sila ng mga pagkain natin para sa sleep over." Sagot naman ni Hinata.
"Ahh.. teka, alam na ba nila ang bahay ni Sasuke?"
"Oo, tinuro na ni Naruto kay Tenten." Sabi ni Ino.
"Close na talaga kayo no??" sabay tingin kay Naruto.
"Bakit? May masama? Ha??"
"Wala naman… Masamang magatnong?? If I know mamaya nililigawan mo na siya…" biro ni Shikamaru kay Naruto.
"Oo nga… Yikeee…" biro din ni Ino.
"Manahimik kayong dalawa diyan!!" sigaw ni Naruto.
Nagapasya na silang pumunta sa bahay ni Sasuke. Hindi na pumunta si Sasuke sa bridge para makapag ayos ng kanyang bahay. Alam naman ni Naruto kung nasaan ang bahay ni Sasuke.
"Hinata? Okay ka lang?" tanong ni Ino sa kanyang kaibigan na kanina pa nananahimik.
"Ha? Okay lang ako Ino. Huwag ka mag-alala… hehe…" sagot ni Hinata.
"Sure?"
"Oo naman!" masiglang sagot nito at biglang na lang nabanga sa isang malaking poste sa harap niya at napatumba siya.
"HINATA! Wala ka ata sa sarili mo!" sigaw ni Ino habang tinutulungang tumayo si Hinata. Worry to the max ang pinsan niyang si Neji. Neji offered a piggy back ride kaso madami itong dala kaya hindi pumayag si Hinata. Kaya na daw ni Hinata maglakad. Si Shikamaru naman hindi din makapagbubuhat sa kanya dahil dala niya ang mga gamit ni Ino na mas madami pa kaysa sa kanyang gamit. Nag-offer na si Ino kaso naunahan siya ni Naruto.
"Tara Hinata, buhatin na lang kita. Mukha talagang hindi mo kaya maglakad eh."
"Maraming salamat Naruto…" ngiti ni Hinata and she tried to hide her blushes. Kaso, kilalang kilala na siya ni Ino kaya napansin niya na iba na ang ngiti at pamumula ni Hinata.
Sa kabilang ibayo, nasa counter na si Sakura at Tenten.
"Hindi ba masyadong madami ito?" tanong ni Sakura.
"Hindi no! ang lalakas kumain ng mga lalaki lalo na si Naruto eh. Tama na ito." Sagot naman ni Tenten.
"Close na kayo ni Naruto ha.."
"Ah yun? Medyo… May pinapalakad kasi siya kaya close kami… eh since close kami nung taong pinapalakad niya… kaya ayun.. gets mo naman diba??"
"Talaga?? Sino??"
"Hindi pwede sabihin eh… Gusto niya siya magsasabi…"
"Sige na Tenten!! Please!!" pilit ni Sakura sa kanyang kaibigan.
"Hindi pwede talaga Sakura…"
"Baka matulungan ko kayo?"
"Hindi talaga…"
"Sige na nga…" disappointed na sabi ni Sakura.
"Wait nga Sakura, Kamusta naman kayo ni Neji? Close na din kayo ha?"
"Si Neji? Okay naman… may sekreto din kami!"
"Oh? Ano yun??" maligalig na tanong ni Tenten.
"Oooops… Hindi pwede… bawal… hahaha!!"
"Daya…"
"Bakit kayo ni Naruto?? Hmmmm??"
"Ok payn!"
Nakarating na rin sa wakas sa bahay nila Sasuke sina Naruto, Hinata, Shikamaru, Ino, at Neji. Sinalubong sila ni Sasuke na sobrang inip na inip na sa kakahintay sa kanila.
Napansin niya si Hinata na buhat buhat ni Naruto.
"Anong nangyari kay Hinata?" tanong nito kay Naruto.
"Nabangga siya sa poste eh… Saan ba sala niyo para maiupo ko na itong si Hinata?"
"Hatid ko na kayong lahat sa sala. Tara na…"
Pumasok na sila at pinaupo na sa sofa si Hinata.
"Saan nga pala sila Sakura at Tenten?" tanong ni Sasuke sa kanila nang mapansin niyang wala yung dalawa.
"Bumili sila ng mga pwede nating makain…" sagot ni Neji. "Susunduin ko na sila… Nagtext na kasi si Sakura." Dagdag nito.
"Uuy… close talaga sila ni Sakura!!" biro ni Naruto.
"Nagtext lang naman ha…"
"Bakit sayo pa?" tanong ni Ino with matching kislap-kislap the eyes. "May cellphone naman ako…"
"Hn…" ang sagot lang ni Neji. "Sunduin ko na sila. Ayoko na marinig yang mga joke nyo…" at nagsimula na siyang lumabas sa pintuan.
"Sama na ako. Gamitin natin yung kotse ko para hindi na kayo gumastos." Offer ni Sasuke kay Neji.
"Okay… sige, thanks. Para makatipid naman ako kahit papano. For sure ako magbabayad ng pamasahe nila."
Umalis na ang dalawa leaving Ino, Shikamaru, Naruto and Hinata. They just agreed to play cards while waiting for the others.
Nakarating na sa wakas sila Sasuke at Neji sa Konoha grocery. Nakita nila sila Sakura at Tenten sa harap ng door na sobrang daming dala. Nagpark lang sila sandali at pinuntahan na ang dalawang girls.
"Bakit ang dami nyong binili?" tanong ni Neji.
"Si Tenten kasi sabi okay daw ito lalo na para kay Naruto. Baka maubusan tayo ng pagkain kapag sakto lang ang binili namin." Sagot ni Sakura.
"Oh siya sige, tara na… akin na yang mga dala mo."
Naglakad na sila Sakura at Neji papunta sa kotse. Si Sasuke naman offered his help to Tenten kahit na isang plastic bag lang ang dala nito.
"Tenten, okay ka lang? Parang wala ka sa sarili mo ha? Para kang si Hinata." Tanong ni Sasuke.
"Ah wala… Ano nangyari kay Hinata??" gulat na gulat na tanong nito.
"Nabunggo sa poste… Hindi kasi tinitignan ang daanan."
"Naku, kawawa naman si Hinata."
"Wooooiii!! Ang tagal niyo namang dalawa!" sigaw ni Sakura.
"Hn." Sabay na sagot ni Sasuke at Tenten. Nagtinginan sila at nagtawanan.
"Cute nila no?" bulong ni Neji kay Sakura. Ngunit, mukhang hindi narinig ni Sakura ang sinabi ni Neji. "Sakura? Okay ka lang?"
Ngunit, wala pa ding sagot mula kay Sakura.
"Ano iniisip mo?" Tanong ulit ni Neji na humarap na ito kay Sakura na halos sobrang lapit na ng mukha nya dito. Nagulat si Sakura kaya nasuntok niya si Neji.
"ARAAAAAAAAAAAAY!!" sigaw ni Neji.
"AY!!! Sorry Neji!! Sorry!!" sabi ni Sakura habang hinahawakan ang parte ng mukha ni Neji na nasuntok niya.
"Sakura, huwag mo naman suntukin yang boyfriend mo…" biro ni Tenten.
"Anong boyfriend!!! Eeeew!"
"Tara na!" simpleng sagot lang ni Sasuke at dumeretso na lang siya sa driver's seat. Naupo si Sakura sa likod para maalalayan si Neji. Si Tenten naman sa harap. On their way to Sasuke's house, si Sakura at Neji ay sobrang ingay. Tawa sila ng tawa. Samantalang si Sasuke at Tenten naman, di makabasag pinggan ang katahimikan. Nakarating na sila sa bahay ni Sasuke. Nakita nila na nakatulog na ang apat. Nakasandal si Ino sa shoulder ni Shikamaru habang si Naruto naman ang nakasandal sa shoulder ni Hinata.
"Hoooy… kayong apat diyan! GISING!!!" sabay na sigaw nila Sakura at Tenten.
Nagulat ang apat sa sigaw ng dalawa.
"Ha? Ano? May sunog? Mamatay na ako??" nalilitong sabi ni Ino.
"May himala at gumanda na si Ino?" sabi naman ni Shikamaru na sa paggising niya eh sumalubong ang suntok mula kay Ino.
"Ang sweet niyong apat matulog." Sabi ni Sakura.
"Oo nga… bagay kayong apat…" dagdag ni Tenten.
"Anong bagay!!!" sabay sabay na sigaw ng apat. Nagtawanan sila Sasuke, Neji, Sakura at Tenten.
Nagsimula na ang kanilang sleep over party… nagkainan sila, nanood ng movie, naglaro ng cards at nagkulitan. Sa kanilang pagkukulitan, lagi na lang nasusuntok ni Ino si Shikamaru. Si Naruto naman eh laging nasusuntok ng tatlong babae. Hindi kasama si Hinata sa kanilang torture activity laban kay Naruto.
"Pagod na ako… Gusto ko na matulog." Sabi ni Tenten.
"Huwag muna!!!" sabi ni Naruto habang tintry niyang makawala sa cross-face na ginagwa ni Sakura sa kanya.
"Eh pagod na ako… Inaantok na din ako…"
"Tenten!!!" dagdag ni Naruto.
"Pagod ka na? Huwag muna kayo matulog." Sabi ni Neji habang nakatingin sa ceiling.
"Sige na nga…" bumigay din sa wakas si Tenten.
"Alam ko na para mabuhayan tayo! Laro tayo ng Truth or dare!" yaya ni Naruto.
"Naruto! Ano ba naman yan! Pambabaeng laro!" sabi ni Shikamaru.
"Hn" Sagot ni Sasuke at Neji.
"Sige na!!" yaya ni Naruto. Nakisama sa ka niya ang mga babae. Pinipilit nila ang tatlong nagmamatigas na boys at sa huli, na-give up din sila. Sinimulan siyempre ni Naruto.
"Shikamaru, truth or dare?"
"haay, how troublesome… truth."
"Ano masasabi mo kay Ino??"
Nanahimik ang lahat lalo na si Ino.
"Si Ino? Panget, magulo, sadista." Natatawang sagot ni Shikamaru. Nagtawanan ang lahat maliban kay Ino. Hindi ito napansin ng iba ngunit si Sakura, napansin niya ito.
"Ako na magtatanong…" sabi ni Shikamaru at tumingin kay Naruto. "Ikaw pasaway, truth or dare?"
"DARE!!"
"Akbayan at titigan mo si Hinata at sabihin mo mahal na mahal mo siya."
Napatunganga ang lahat at tumingin kay Hinata na namumula na. Hindi nag atubiling lumapit si Naruto at ginawa ang dare.
"Si Hinata naman susunod na magtatanong." Sabi ni Shikamaru.
"Ako? Okay… Ino, truth or dare?"
"Dare!" sagot nito na medyo malamya ang boses.
"Tanggalin mo yung ipit ni Shikamaru."
Napatunganga ulit ang lahat sabay tingin kay Shikamaru na nagpunta na sa garden para magtago. Hinabol ito ni Ino at nawala na ang dalawa.
"Since wala si Ino… ang susunod na magtatanong ay si Tenten!" sabi ni Naruto.
"Ay! Wait lang, punta muna ako sa kusina… Yung niluluto ko baka masunog…" sabi ni Hinata.
"Samahan na kita…" sabi Naruto at sabay na silang pumunta sa kusina. Naiwan sa sala sila Sasuke, Sakura, Neji at Tenten.
"Tuloy pa ba natin? Wala na sila eh…" tanong ni Tenten.
"Tinatamad na nga ako eh…" sabi naman ni Sakura.
"Kwentuhan na lang tayo…" yaya ni Tenten.
"Sige, pero halika Sakura, May tatanong lang ako sandali sayo…" sabi ni Neji.
"Okay…" lumapit si Sakura at hinila naman siya ni Neji palabas ng pinto.
"Alam mo Sasuke, may hinala na ako sa dalawang yan…" sabi ni Tenten.
"Hn…" sagot lang ni Sasuke habang nakatingin sa pintong nilabasan ng dalawa.
"Bakit naging masungit ka ata bigla??" tanong ni Tenten.
"Wala lang. Tara, laro tayo UNO stacko…" (lam niyo naman nay un 'di ba?? Search niyo na lang. hirap explain. Basta bawal bumagsak yung tore na made out of blocks… ganun…:D)
"Sige!'
Pagkalipas ng 15 minuto, bumalik na ang mga umalis sa sala. Nakita nila na sobrang saya nila Sasuke at Tenten.
"Ang saya niyo ha! Ang pogi pala ni Shikamaru kapag walang ipit!" sabi ni Ino.
"Talaga? Daya niyo! Hindi niyo pinakita!!" sigaw ni Naruto.
"Anyway, tapos na lutuin ni Hinata yung pagkain natin para bukas. Ginawa na niya para hindi na tayo maagang gigising bukas…" dagdag ni Naruto.
Nagkayayaan na ang lahat para matulog. Nagsama sama ang mga lalaki sa isang kwarto at sa isang kwaro naman ang mga babae. Actually, hindi pa sila natulog dahil nagkwentuhan pa sila.
Sa kwarto ng mga lalaki…
"Pare, bakit mo naman sinabi kay Ino yun kanina?" tanong ni Naruto kay Shikamaru.
"Hindi naman ako serious dun. Joke lang yun."
"Eh hindi mo ba alam na nasaktan siya kanina?"
"Alam ko… kaya nga ako tumakbo sa garden para makausap siya ng maayos."
"Wow! May gusto ka ba sa kanya?"
"Troublesome…"
"Sabihin mo na… iba kasi kinikilos mo kapag siya na kaharap mo eh…" sabi ni Neji.
"Sige na nga, aminin ko na… kami na ni Ino…"
"TALAGA???????????????????" sabay sabay na sigaw nila Sauke, Naruto at Neji.
"Ang bilis mo pare…" sabi ni Sasuke.
"Congrats!" sabi ni Naruto.
"Eh ikaw Naruto, musta na kayo ni Hinata?" tanong ni Shikamaru.
"Kami?? Ahhh… Kami na din!" masayang masayng sagot ni Naruto.
"WHAAAAAAAAAT????" sigaw ni Sasuke at Neji.
"Matagal na… Tinulungan ako ni Tenten. Kaya close kami… Ayaw lang pasabi ni Hinata. Alam ko this week pa niya balak sabihin kaso hindi na ako makapaghintay ipagyabang na kami na ni Hyuuga Hinata!" sabi ni Naruto.
"Ingatan mo pinsan ko ha Naruto!" ani ni Neji.
"Oo naman future cousin-in-law!" sagot ni Naruto. "Eh kayo ba ni Sakura musta na?"
"Walang namamagitan sa amin ni Sakura. Friends lang kami."
"Ows???" biro ni Naruto.
"Oo nga!! Wala talaga! WALAAAAAAAA!!" sigaw na ni Neji.
"Bakit masyado ka defensive?" sabi ni Shikamaru.
"Defensive ka dyan!"
Napansin ng tatlo na wala na si Sasuke sa kwarto.
Sa kwarto naman ng mga babae…
"WHAAAAAAAAAAT?? Kayo na ni Shikamaru??" gulat na gulat na tanong ni Sakura.
"Yep!" namumulang sagot ni Ino.
"Wow… buti pa ikaw niligawan ka na ng gusto mo…"
"Bakit kayo ni Neji, wala pa din bang progress?"
"Wala akong nararamdaman para kay Neji no… As if!"
"Weeeh? Di nga?"
"Oo nga!" sabi ni Sakura at sabay tingin kay Hinata. "Eh kaw Hinata, alam ko gusto mo si Naruto… tama ako no?"
"Pano mo nalaman??"
"Sinabi sa akin ni Ino kanina… Nakita ka niya na iba ang kilos mo kapag kausap mo si Naruto."
"Umamin ka na! kayo na no??" usisa ni Ino.
"Oh sige, hindi na ako magsisinunglaing sa inyo. Kami na ni Naruto…" namumulang sagot ni Hinata.
"Wow… grabe kayo ni Ino, may mga bf na… buti pa sila no Tenten?" sabi ni Sakura habang paharap sa kinanalulugaran ni Tenten. Ngunti wala na ito sa kwarto nila.
Nakatayo si Sasuke sa balcony nila. Nakatingin sa kawalan.Nagulat siya na may bigla na lang may nagsalita sa likod niya.
"Malalim ata iniisip mo?"
Hinarap ni Sasuke ang babae sa likod nya.
"Ikaw pala Tenten…"
"Bakit nandyan ka? Hindi ka pa matutulog?" sabi nito habang lumapit sa tabi ni Sasuke.
"Hindi ako makatulog eh…ang iingay lasi nila… eh ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?"
"Hindi din ako makatulog eh…"
"Sige, dito muna tayo… Oo nga pala Tenten, may tatanong sana ako sa iyo…"
Lumabas ng kwarto si Neji para hanapin si Sasuke. Naiirita na kasi siya sa mga pagyayabang ng dalawang may girlfriend na.
Sa kabilang hallway naman, bumukas ang pinto ng mga babae at lumabas din si Sakura. Hinahanap niya si Tenten para sila naman ang mag bonding. Naiingit din kasi siya sa dalawang kasama niya. Nagkasalubong sila Sakura at Neji.
"Neji! Bakit nandito ka pa?" tanong ni Sakura.
"Hinahanap ko kasi si Sasuke. Nakita mo ba siya?"
"Hindi eh… eh si Tenten nakita mo?"
"Hindi din… Saan kaya yun? Haaay… tara, dun muna tayo sa balcony… malamig dun…" yaya ni Neji kay Sakura.
"Tara…"
Pumunta na si Sakura at Neji sa balcony. Pagdating nila dun, nakita nila ang dalawang hinahanap nila na naguusap. Natulala si Sakura at napatingin si Neji sa kanya. Tinignan ni Neji ulit sila Sasuke at Tenten. Bigla na lang tumakbo palabas si Sakura.
"Sakura!" sigaw ni Neji.
Nagulat sila Sasuke at Tenten nang makita nila si Neji. Nilapitan ni Neji si Sasuke.
"Sasuke! Nandito ka lang pala! Walang hiya ka! Sinaktan mo si Sakura!"
"Anong ginawa ko??" sigaw din ni Sasuke.
"Akala ko ba!!! Sinabi sa akin ni Hinata ang lahat!! Tapos ganyan lang gagawin mo! Niloloko mo lang ata si Hinata eh!!"
"Neji, ano bang ginawa ni Sasuke?" tanong ni Tenten na gulat na gulat sa kilos ngayon ni Neji.
"Ikaw! Mamaya ka na!" nasigawan ni Neji ang babae.
Nagulat si Tenten sa sigaw niya kaya tumakbo na din ito palabas ng bahay.
sorry talaga ha.. very ooc.. hehe.. anyway, i really like sasuxsaku, naruxhina, shikaxino (gusto ko din ung shikaxtema) and nejixten... ayun... chap 3 is up! ..cysuke
