Himiko's POV

P.E class at basketball ang nilalaro ng mga lalaki as usual dumadagundong nanaman ang gym dahil sa isang lalaking naglalaro ngayon. Magaling siya, matangkad na isang advantage pero kaya lang naman siya magaling dahil nagagawa niyang mangopya ng moves ng iba. Pero nakakabilib din ang kakayahan niyang iyon mahirap 'yon lalo na habang naglalaro ng basketball.

*whistle*

At syempre nanalo ang team nila. Hindi naman na nakakapagtaka 'yon.

"Ok, Himi-chan tara tayo naman." Sabi ni Ayame habang nag-uunat.

"Excited ka ata." Sabi ko.

"Bakit bawal?" sabi niya. Volleyball ang laro ng girls, sports ito ni Ayame. Wala naman kasi ako talagang sports na masasabi kong magaling ako, may alam siguro pero hindi magaling. Kahit basketball minsan nilalaro ko kahit board games basta may kalaro at nasa mood ako ay ayos lang.

Ako ang unang magse-serve. Huminga ako ng malalim at saka inihagis pataas ang bola.

"Go! Himikocchi galingan mo!" biglang sigaw ni Kise from out of the blue. Hindi ko napalo ang bola dahil nadistract at nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw at napunta ang point sa kalaban.

"Pwede ba manahimik ka jan." sigaw ko sa kanya at nagconcentrate ulit sa laro. Naging maganda ang laro nanalo kami. Salamat sa magandang net play ni Ayame. At sa mga combo namin.

"Sports mo talaga 'to Ayame." Sabi ng mga kaklase namin.

"Salamat sa mga assist ni Himi-chan." sabi ni Ayame. Napangiti lang ako sa kanya. ^_^ hiiiiii nakakatuwa naman.

Lunch break, mag-isa lang ako sa may garden dahil hindi sumabay si Ayame sa akin, hindi rin naman sasabay si Megumi dahil sabay sila panigurado ni Akashi. Napabuntong hininga na lang ako. Malungkot din palang kumain mag-isa.

"Himikocchi ^_^" sigaw ni Kise habang papalapit sa akin. Simula noong nangyari sa may puno noong nakaraang linggo. Eh naging ganyan na siya. Sa umaga ay mas uunahin niya pa akong lapitan at batiin kaysa ilagay ang gamit niya sa upuan niya. At "Himikoccchi" ang tawag niya sakin. Anu ba yun ang korni. Hindi na siya tumatambay sa may hagdan pero bigla bigla na lang siyang sumusulpot kung nasaan ako. At lagi siyang nagkukwento ng kung ano ano para may mapag-usapan kami.

"Ano nanaman bang problema mo?" sabi ko at umupo siya sa bench na inuupuan ko.

"Wala naman, mag-isa ka lang kakain? Sasabayan na lang kita para hindi ka malungkot." Sabi niya ng tuloy tuloy.

"Sino naman nagsabi sayo na ikasasaya ko ang pagsabay mo sa aking kumain?" sabi ko ng nakataas ang isang kilay.

"Mou~ malungkot kumain mag-isa." He said as he pouts. Oo na cute ka na pagnakapout kaya itigil mo na yan pwede.

"Sinong nagsabi sayong mag-isa lang ako. Marami kaya, hindi mo sila nakikita?" pananakot ko. At kinilabutan nga siya.

"H-Himikocchi w-wag mong s-sabihing…" natatakot na sabi niya. Hindi ko mapigilang tumawa. Tumawa ako habang sapo ang tiyan ko. Hahahahahaha

"Hindi magandang biro yan Himikocchi." Sabi ni Kise medyo galit.

"P-pasenya hahahaha nakakatawa ka kasi eh." Sabi ko habang pinapahupa ang tawa. He smiles and stares at me.

"Bakit may problema ba?" tanong ko.

"Wala masaya lang akong masaya ka." Nilapit niya ng mukha niya sakin. "Pero mas masaya ako dahil ako ang dahilan kaya ka masaya." Dagdag niya bumilis tibok ng dibdib ko.

"Ok ka na sa drama mo? Pwedeng ilayo mo na yang mukha mo sakin." Sabi ko pero hindi niya agad ginawa.

"Mas maganda ka pala kapag ganito kalapit." Sabi niya habang nakatitig sa mata ko. nag-init ang mukha ko.

"Ganyan ba ang mga linyahan mo sa mga babae mo? Ang korni naman." Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Hindi noh sayo ko lang sinabi 'yon." Sabi niya.

"Sinong niloko mo?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Totoo yun noh." Sabi niya.

"Ewan ko sayo. Mauuna na ako." Sabi ko. Pagtayo ko may humawak sa braso ko.

"Bakit may kailangan ka pa?" tanong ko kay Kise nang hinarap ko siya. Seryoso ang mukha niya nakatitig lang siya sakin.

*blink* *blink*

"Gusto kita Himikocchi…" O_O parang nabingi ako sa sinabi niya… gusto niya raw ako?

"Gusto kita noon pa" sabi niya. Mula sa braso pinadulas niya ang kamay niya papunta sa kamay ko. O/O ano? wala na akong maintindihan.

"Wag mo kong pag-practice-an ng pagtatapat mo." Sabi ko hindi ako makapaniwalang sinabi niya yon. Ako? Imposible. Ang daming babae jan oh.

"Hindi ako nagpa-practice, nagtatapat ako. Ngayon. Sa'yo." Sabi niya tinignan ko siya seryoso ang mukha niya, pero bakit ang sinasabi niya eh hindi. Binawi ko ung kamay ko at nagmamadaling umalis. Naiwan lang siya doon.

Sabi sa akin ng pinsan ko, kung ayaw ko daw ng gulo, wag daw akong lalapit sa mga sikat na tao sa school. At higit sa lahat wag daw akong mahuhulog sa mga ganung tao dahil mas malaking gulo yun. Noong middle school kasi siya eh may nagkagusto sa kanyang preskong lalaking famous sa school nila. Lagi siyang umiiwas sa lalaking yon pero lapit yon ng lapit at dahil sa sports nila pareho ang tennis na siyang naglalapit sa kanila. Inaaway siya ng mga fan girls pero lagi rin siyang nililigtas ng lalaki. Ayun sa huli nagkatuluyan din sila.

Masakit sa ulo yun… boyfriend na sikat… teka teka bakit ko ba iniisip yon. Arrrrgh dapat kasi hindi ko na lang siya pinansin noon ee. Eh di sana tahimik buhay ko.

Pumunta na lang ako sa room namen. Nakatulala lang ako sa bintana.

"Gusto kita Himikocchi…"

Whaaaaaa ba't bigla kong naalala. May kumakalabit sa akin. Nairita ako kaya sinigawan ko.

"Ano ba ha?" sigaw ko at nagulat ako nang makita ko si Kise sa tabi ng table ko nakatayo. Siya pala ung kanina pa kumakalabit.

"Himikocchi… pwede ka bang makipag-date sa akin?" sabi niya as he bows.

O/O ano bang plano ng mokong na 'to… ipahiya ako… nakatingin na silang lahat sa amin. Si Ayame nakita kong nakangisi ng nakakaloko.

"Ayoko." Sabi ko.

"Himikocchi sige na." pakiusap ni Kise habang nakasunod sa akin na naglalakad sa corridor.

"Ayoko nga sabi ee." Pagmamatigas ko. "Sa iba ka na lang makipag-date." Dagdag ko habang patuloy na naglalakad.

"Ayoko sa iba, gusto ko sayo." Sabi niya.

"Eh problema mo na yun." Sabi ko lang.

"Kukulitin pa rin kita at hindi ako titigil hanggang hindi ka pumayag." Sabi niya.

"Bahala ka." Sabi ko at umakyat na ng hagdan.

"Himi—" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Oopps tigilan mo ko sa mga pick-up lines mo. Umay na umay na ko." sabi ko at tumungo naman siya. At pumasok na kami sa klase.

to be continue...