NAMIMORI TALES: at iba pang kuwentong chuwachuchu
DISCLAIMER: Muli, at magpakailanman, KHR is not mine.
Page Two: NANG MAGTAPAT SI COLONELLO...
Inscribet: August 20, 2010
In the near future...
"Uh...L-Lal Mirch..." sa panahong iyon, bumalik na ang mga Arcobaleno sa kanilang dating mga anyo, kabilang ang pumalpak na si Lal Mirch, at balik na rin sa kani-kanilang mga trabaho. Bagamat ang former Rain Arcobaleno na si Colonello ang bagong pinuno ng Consumbin Force, itinuturing pa rin niya si Lal bilang kanyang superior dahil si Lal mismo ang kanyang naging mentor.
"Bakit?" otoritatibo pa rin kung magtanong ang ngayo'y member ng CEDEF. Pero paglingon ay napansin niya ang kanyang dating subordinate na maputla't may inililihim. Ito ang unang pagkakataong nakita niyang hindi mapakali't di-makatingin ng diretso ang inaakala niyang pinaka-walangdisiplina't pinaka-siraulong sundalong nakasama niya.
Pinipilit niyang magsalita pero ang tangi niyang bukambibig ay "Ah...eh..."
Alam ni Colonello na ipinanganak na walang pasensya si Lal Mirch, kaya tiyak babarahin at babarahin siya nito hanggang sa tuluyan siyang mamatay—este bumigay. Samantalang nawi-weirdohan na si Lal sa kung ano ang dahilan ng biglang pag-o-OOC ng kanyang subordinate. Parang there's something fishy going on here...
Hanggang sa napuna niya ang pisngi ni Colonello...namumula!
"May sakit ka ba?" tanong ni Lal.
"Wala akong sakit!" diretso nito. "Ano kase..." hindi na nawala ang pamumula ng kanyang mukha.
"Kung wala ka ngang sakit, bakit ka namumula? Imposible namang lasing ka, eh hindi ka naman umiinom, di ba?"
Nagsisimula na nga siyang mawalan ng pasensya, pero alam ni Colonello na iyon na ang version ni Lal Mirch ng pagiging 'concerned'. Pero ano ang magagawa niya, ngayon lang nangyaring napulupot ang kanyang dilang kating-kati na noon sa pagsasabi ng totoo?
"That's not like you, soldier. Hindi kita tinuruan para maging estatwa lang. Magsasakita ka o pupwersahin pa kita-?"
"Oo na! Magtatapat na ako! Magtatapat na ako sa 'yo!"
Sinabi lang iyon ni Colonello, bigla na lang kumalabog ang kanyang puso.
Pinaulit pa niya ang sinabi nito para makasiguro. Pero hindi nga nagkamali ang kanyang tenga. Magtatapat si Colonello, namumula pa! Ano ang implikasyong iyon kay Lal? At bakit parang pakiramdam niya'y nag-iinit ang kanyang pisngi pagkarinig niya doon, eh magtatapat lang naman 'yung tao...
Eh teka, ano nga ba ang ipagtatapat niya?
Lalong nagwala ang kanyang puso. Dangankasi'y tanda pa niya kung papaano noon sinubukan ni Colonello na akuin ang sumpa para sa kanya, hindi dahil babae siya (paano naman ang kanilang Reynang si Luce?), at ang dahilan niyang iyon ay hindi pa rin malinaw sa kanya. Pero imposible, imposible! Malalim nga ang kanilang samahan bilang magka-mistah, pero kilala niya si Colonello. Hindi siya 'yung tipong basta magpapakita ng emosyon kahit madalas siyang pagtripan nito noon. Pero iba ngayon. Ano ang nangyayari sa kanya ngayon?
"Ba't hindi ka pa magsalita d'yan?" hindi na siya makapagtimpi—gayung di man niya aminin, gusto din niya malaman kung ano ang ipagtatapat nito. Ni hindi na nga niya maitago ang kilig sa kanyang magtitimping puso!
"Lal Mirch!" bumubwelo na ang dating Arcobaleno. "Uh...I...I..."
Ang puso mo girl! Ang puso moh!
Nang bigla itong lumuhod at yumuko sa kanyang harapan (?). "I'm sorry!"
Nawala bigla ang kanyang kilig at pamumula.
"I'm sorry!' dispensa ni Colonello, hiyang-hiya sa sarili. "Hiniram ko kase noon 'yung paborito mong armalite pang-testing sa bagong ammunition na pinadala kahapon kase pinaayos ko 'yung akin—pero nasira 'yung loader nu'n sa unang magazine! Promise, hindi ko 'yon sinasadya! Papalitan ko na lang! Ikaltas mo na lang 'yon sa suweldo ko! Sorry talagah!"
Matagal-tagal din ang hinintay ni Colonello ang sagot mula sa dati niyang boss—na wala lang imik at nakatingin lang sa kanya.
Kinabukasan, natagpuan na lamang ni Reborn si Colonello na nakasabit sa isang puno, bugbog-sarado. Hindi na siya nangahas na itanong dito kung ano ang nangyari sa kanya. Buong araw din niyang iniiwasan si Lal Mirch na tila buong araw rin ang kanyang PMS.
(NOTA BENE: Ikli no? Bukas ulit, bahala na kung me mag-review nito o wala...)
