Chapter 2
"Naruto, akin na!", sigaw ni Inuzuka Kiba sa kaibigan niyang kasalukuyang may hawak ng bola.
"Oh, eto!", ipinasa naman ni Uzumaki Naruto ang bola ngunit.. hindi nasalo ni Kiba, sa halip ay naagaw ito ni Hyuuga Neji.
"Kiba naman!", sigaw ni Naruto habang tumatakbo papunta sa harap ni Neji upang bantayan ito.
"Ah.. sorry."
"Dali, Si Shikamaru, bantayan mo!", sigaw uli ni Naruto.
Pero huli na ang lahat. Ipinasa ni Neji ang bola kay Nara Shikamaru at whoossh, pasok sa basket.
Score, 0-10.
"Sabi ko sa inyo eh, no-match kayo.", pabirong sabi ni Neji kanila Kiba at Naruto, pero parang hindi siya narinig ng mga ito dahil masyado silang abala sa pag-aaway.
"Kasalanan mo 'to Kiba!", sigaw ni Naruto, na parang world championship ang nawala.
"Sorry na Naruto! Ano ba tingin mo sa kin? Robot na sobrang galing sa basketball!?!", sagot naman ni Kiba.
"Hindi ka kasi nakikinig!"
"Ako nanaman ang may kasalanan!! Ano ba?! Alam mo, hindi ko nga alam kung bakit pumayag akong maging ka-partner mo eh!! Wag mong hanapin sa kin yung galing ni Sasuke!!"
"Wag na wag mo ngang babanggitin yung pangalan niya!!"
"Bakit? Di ba totoo naman?!! Natutunan mo lang mahalin ang basketball dahil sa dakila mong best friend, ipinasok tayo sa isang school tapos bigla nalang siyang mawawala na parang bula! nasan ba siya ha?!! ni hindi nga natin alam kung buhay pa siya eh!!!"
"Tama na!!"
"Aminin mo na kasi!! Kapag wala si Sasuke, wala kang kwenta!! wala kang magawang tama!!"
"Tama na guys.", natigil ang pag-aaway ng dalawa nang biglang magsalita si Shikamaru. "Tama na. okay?".
Isa't kalahating buwan na matapos ang graduation. Ang mga natirang araw ng barkada bilang mga high school students ay napuno ng katahimikan. Kapansin-pansin na iniwasan ni Sasuke ang kahit anong contact sa kanyang dating barkada. Tuwing susubukan ni Naruto na kausapin si Sasuke, umaalis na lamang si Uchiha. Hindi nagtagal, sumuko na ang barkada kay Sasuke, at si Sasuke, umasta na parang walang pakialam. Nagtapos sila ng high school na hindi man lang nagpapansinan.
"Wag na nating pag-usapan si Sasuke, tapos na yun. Isipin niyo nalang na papasok tayo sa Kiri, dahil gusto natin, dahil gusto nating magkasama-sama. Okay?", mahinahon na sabi ni Neji.
"Hindi na sa Kiri si Sasuke?", bigla na lamang sumingit ang isang pamilyar na boses sa kanilang usapan.
Tumingin si Naruto sa likod at doon, nakita niya si..
"Gaara?"
"Oh, ba't parang nagulat ka, Naruto?", tanong ng red head, at nagsimula itong maglakad papalapit sa tropa.
"Gaara? Ikaw ba yan?", ulit na tanong ni Naruto.
"Makulit ka din no?", naiiritang sagot ni Gaara.
"Kailan ka pa bumalik?!", lumiwanag ang mukha ni Naruto, ganun din ang iba, masaya sila at bumalik na si Gaara.
"Kanina lang. Kayo ang una kong pinuntahan."
Walang senyasang nangyari, basta na lamang yumakap ang lahat kay Gaara, group hug ba.
"Oh, ano yung nangyari kay Sasuke? Ba't wala siya?"
"..." natahimik ang lahat.
"G-gaara.. wag na muna nating pag-usapan si Sasuke..", bulong ni Shikamaru.
Tumango na lamang si Gaara.
Pilit na ibinaling ni Naruto ang kanyang tingin sa ibang bagay, upang maalis sa isip niya ang kaibigan niyang nawala.
"Gaara! Ano yang envelope na hawak mo?"
"Ah, eto? Application form ko, para sa university."
"Saan?"
"Sa Konoha U."
"..." katahimikan nanaman.
"Oh, bakit? May problema ba? Sabi ng parents ko maganda daw kung doon ako mag-aaral..", tuloy ni Gaara.
"G-gaara, wag na muna nating pag-usapan ang Konoha U.", bulong ni Shikamaru, uli.
Tumango na lamang uli si Gaara.
"Teka, patingin nga!", inagaw ni Naruto ang envelope at inusisa ang laman.
Habang abala ang lahat sa pag halukay sa mahiwagang envelope ni Gaara, sa isang hindi nalalayong lugar, may mga matang nagmamasid sa kanila.
"Hinata! Wag ka ngang malikot!", pabulong na sigaw ng isang brown haired girl sa katabi niya.
"P-pasensya na Tenten.. hindi lang kasi talaga ako komportablenf pinapanood si Naruto mula sa malayo.. feeling ko stalker ako..", sagot naman ng dalagang nagngangalang Hyuuga Hinata.
"Ah, basta, wag ka nalang maingay.."
"Ok.. Teka, sino nga ba pinapanood mo dito?"
"A-ah.. E-eh.."
"Si Kuya Neji no?"
"A-ah!! Si Neji!?! HIndi ah!!", sigaw ni Tenten, sa sobrang lakas ng boses niya ay napansin na siya ng mga binatang nag-ku-kwentuhan sa ilalim ng basketball ring.
"Tenten! Dali! Tago!", bulong ni Hinata, at nagtago ang dalawa sa kung saan man.
sa kabilang dako..
"Neji, parang may nanonood sa tin..", bulong ni Shikamaru kay Hyuuga.
"Hn. Sina Hinata nanaman...", sagot niya.
"Ano bang problema nyang pinsan mo..."
"Aba ewan ko, may gusto yata kay Naruto.."
"Oh! Bakit parang narinig ko ang pangalan ko dyan!?!", biglang singit ni Naruto.
"Wala. Pinaguusapan lang namin yung pagka-no match mo.", malamig na sabi ni Neji.
3
2
1
.
.
.
"Hoy!! Hindi ako no-match ah!!", pabirong sigaw ni Naruto.
Humagalpak ng tawa ang lahat..
Parang sa mga oras na iyon, nalimutan nila ang lahat ng lungkot ng pagkawala ni Sasuke, parang bumalik muli sa dati ang lahat.
"Oh. baka gusto nyong kumain muna? Halatang gutom na kayo eh!", alok ni Gaara.
"Libre mo?", tanong ni Kiba.
"Oo ba.", sagot naman niya.
