Princess Idol
ni: BEAFSTAKES
(Ehem: I don't own PoT—maliban sa ideya't mga karakter. Getch?)
(Pasakalye: Matatagalan pa bago ako makapag-upload ng isa pang chapter kase ginagawan ko pa ng English translation. Gayumpaman, sa mga kumagat sa bitag ko tulad nina sadari at firefly888 (sa English Version), salamat, salamat sa mga reviews! Anyhow, inihaw, eto na, ibibigay ko na ang susunod na kabanata! ^_^)
Stanza Zero:
THREE YEARS LATER
Kaoru Kaidoh.
Junior.
Class 7.
Seigaku Tennis Club Regular Member.
Isang dakilang...
"BIBORA!"
(Tch, nagulat ako du'n, ah! Palabas lang pala sa TV...)
Pero in fairness, weird man, na-miss ko rin iyon. Ewan. Pero parang hinahanap-hanap ko rin 'yung bansag na 'yun sa 'kin—pero mali ang iniisip n'yo, kahit kelan hindi ko mami-miss ang taong 'yon kahit konti.
Sinasabi ko 'to kase tatlong taon na rin...mula nang magbago ang buhay ko.
Nasa high school na ako ngayon, second year sa Seigaku Tennis Club High School Division. Parang hindi rin ako umalis sa Seigaku—maliban lang sa iba na ang building, iba na ang mga kaklase, iba na ang teacher, at wala na ang mga nakakasawang mukha. Pero hindi lang ako ang nanatili't sumali ulit sa tennis club. Si Arai tsaka 'yung tropa niya, hindi na umalis sa tennis club. Regular si Arai ngayon tsaka 'yung isa, si Ikeda. Yung mga sempai namin...si Sempai Fuji, kasama pa rin namin, kahit na minsan suma-sideline din siya sa Photography Club. Nagkikita pa naman kami ni Sempai Kawamura sa campus kahit na talagang hindi na siya tumuloy sa pagte-tennis para makapag-concentrate siya sa pagiging sushi chef. Si Sempai Inui, hindi dito nag-high school, pero madalas pa rin kami magkita kase malapit lang 'yung school nila dito. Angas din siya, sila na ni Sempai Naegino, mga two years na rin. Magkaklase pa rin. Uh, speaking of which, balita ko rin ke Sempai Kawamura na hinihintay na lang niya ang sagot ni Hota. Sabi ko sa kanya 'good luck', at kung sagutin man siya nuon laking suwerte na niya kase mapapakyaw ng maaga ang mga sushi niya. Sabi din niya wala pa ring boyfriend ang kapatid niya kahit na andami daw nanliligaw du'n. Wala daw balak magka-boyfriend. Talagang maghihintay at maghihintay siya ke Sempai Fuji!
Bueno, bukod sa kanila, natira rin 'yung utol ni Sempai Kawamura, Sempai Kikumaru, si Hota, 'yung apo ni Coach Ryuzaki at 'yung alalay niya, at 'yung tatlong itlog. Pati 'yung dalawang dating dama ni Amagari, natira din. Yung isa nga, si Shimau ba 'yun, Regular sa team nila, yung isa, katatanggal lang sa Regular Line-up. Lahat sila tinuloy ang pagte-tennis dito. Ang mga talagang nawala na: Si Sempai Oishi, doon na sa probinsya nila nag-high school. Sina Sempai Makihara't Echizen, nasa US na nag-aaral. Si Amagari, balik-Australia, nagkabalikan na rin ang mga magulang niya. Si Lili Chuu, balik-Shanghai, nababalitaan ko na lang siya ke Sempai Kikumaru na naging ka-chat niya sa internet. Sa ibang school na rin nag-aaral sina Sohma't Momoshiro—mabuti't hindi na siya masyadong nagpaparamdam sa akin, natahimik din sa wakas ang mundo ko (oo na, na-miss ko rin ang mokong na 'yon). Si Echizen lang 'ata ang umuuwi pa dito para magbakasyon.
Uuwi nga pala si Captain Tezuka next week galing Germany para magbakasyon. Doon na siya nag-aaral since nakakuha siya ng scholarship doon. Matagal na 'yon bago pa 'yung Regional Tournament, inaalok na siya nu'n. As usual, tuloy pa rin ang tennis career niya doon.
Ah...isang tao na lang pala ang wala pa akong balita...hanggang sa nag-email siya sa akin ngayon.
Hi, Kaoru!
How are you na? It's been almost two years. Siguro naman sa haba na rin ng taong 'yon medyo natuto ka nang makipag-interact at i-enjoy ang buhay mo. And I bet natuto ka na ring mag-ayus-ayos ng sarili mo kesa puro training na lang ang nasa isip mo. Kulang na lang ipanligo mo na ang lahat ng tennis balls sa bahay n'yo—just kidding.
Mula nang dumating siya, malaki din ang ipinagbago ko—naming lahat. Marami ang namangha, namulat, at na-inspire dahil sa mga ginawa niya sa team. Lalo na sa akin...hindi ko 'yon hiniling. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mangyayari 'yon sa akin. Iyon na siguro ang pinaka-weird pero pinakamakabuluhang Valentine's Day na nangyari sa akin, patunay lang na kahit ang isang tulad ko me karapatan pa ring lumigaya. At mula nang mangyari 'yon, naging sunud-sunod na rin ang mga suwerte't malas sa buhay ko. Kaya nang magpunta siyang Amerika mga dalawang taon na rin...parang bumalik lang ako sa dati. Kung ang paligid ko tuloy sa pagsulong nang umalis siya, ako naman... napaurong... sa sobrang lungkot ko.
...Sa lahat ng iyon...hindi ko makakalimutan ang unang-unang beses na tinulungan mo ako't kinausap. Ikaw ang una't huling playmate at friend ko. Iniingatan ko rin 'yung bigay mo sa akin, kase alam kong hindi ako malulungkot kapag lagi ko siyang dala...
Eto ako ngayon. Naging lucky fan na ako, naging captain, aksidenteng naging artista't lahat-lahat, sa bandang huli bumalik lang ako sa pagiging iritable't antisocial na bibora. Wala. Nang umalis siya, parang wala talagang nangyari...
Kaya nga... I decided to go back to Japan to see you. And this time...for good.
...Babalik siya?
Hindi ko sasabihin ang exact date dahil gusto kong sorpresahin ka. Magugulat ka na lang kapag nakita mo na ako sa Seigaku. I really miss you, guys. Gusto ko sanang mamasyal ulit at maglaro ng tennis kasama n'yo—kung kumpleto lang sana tayo... Gusto ko ulit pumunta sa Gakuland—this tme tayong dalawa lang. Yep—since alam kong you're too shy to ask a girl out at alam kong hindi na 'yon maaalis sa sistema mo, ako na lang ang magyayaya sa 'yo. Magde-date tayo pagdating ko.
D-date!?
Buwisit. Balak niya talaga akong gulatin, ah. Hindi ko ma-process sa utak ko kung ako ang nararamdaman ko ngayon... Hindi ko alam! Oo't masaya ako...pero...paano 'yung buhay na gusto niya? Pag narito siya sa Japan, tiyak puputaktihin na naman siya ng mga tao. Pero sinabi niyang...babalik siya para lang makita ako...
Salamat naman.
Gusto rin kitang sulatan, pero hindi ko alam ang address mo doon. Hindi mo naman sinasagot ang mga email ko. Pero kung susulat ako sa 'yo ngayon, malamang nasa eroplano ka na. Pero kung me pagkakataon man...gusto kong sabihing natuto na ako. Natuto din akong makuntento, dahil kahit papaano, kahit nasaan ka man ngayon, masaya't tahimik na ang buhay mo, malayo sa intriga. Pero ang sinabi mong babalik ka para sa akin, pambihira kang talaga, hindi ka na nagbago. Martir ka pa rin! Sa bagay...ako din, martir pa rin...pero naghihintay. Natutunan ko rin 'yon sa 'yo. Natuto akong maghintay dahil malaki ang paniniwala kong babalik ka balang araw...
At magagawa mo na rin 'yong tuparin. Malapit na.
I really miss you, Kaoru. I'm looking forward to see you again. Pati sila. Gusto ko pagsalubong sa akin, ngiti agad, ha?
Dahil tulad ko, alam kong hindi mo rin kayang itapon ang naging pangako mo noon...thirteen years ago... At ang pangako mo sa akin ang nagpapanatili sa aking maging positibo't maghintay sa pagbabalik mo.
I love you...!
I love you, too...
With all the smooches,
Kaoru ^_^
-*00_00*-
(Ayan, stanza zero pa lang 'yan (me stanza zero ba talagah!?). At kung mapapansin n'yo iniba ko ang spelling from BIPURA to BIBORA. Salamat kay Artemio Ricarte't History 101. In fairview ngayon ko lang 'yon napuna... Ai, utak... Basa lang! :D )
