At dahil kasabay kong pumasok sila Mr. Bubblegum and sea urchin, yung glare ng mga fangirls nila ay nasa akin. Amp~ Fight ba gusto nila? Well, di ko sila aatrasan. Tch. Pumunta ko sa harapan at nagpakilala.
"Ohayo, Yukimura Reiko, pinsan ni Seiichi." Nag bow ako at tumingin sa Teacher.
"Yung vacant seat sa harap ni Marui-kun."
"Hai." Nag-start na ko mag-lakad papunta sa vacant seat sa harapan ni Mr. Bubble gum. Buti na lang sa bintana ko. Napansin ko yung glare sa akin ng mga fangirls ni Marui, binigyan ko din sila ng isang death glare lang naman. Sana matapos na 'to. Umupo ako sa pwesto ko at tumingin sa bintana, nag-start na din magdiscuss ang teacher pero tinatamad akong makinig kahit na math pa siya. I love math.
"Yukimura-san." Napatingin ako sa teacher. Amp~ Napansin niya yata na hindi ako nakikinig sa kanya.
"Sagutan mo 'to." Sabi na nga ba e. Narinig ko ang grins ng mga classmate ko para bang may pinapahiwatig. Kung alam lang nila. Pumunta ako sa harap, kinuha ko ang chalk at nag-start na mag-sagot. After 5 mins, nilapag ko ang chalk at nakatingin lang sila sa akin.
"Puri~" Narinig kong sabi ni Niou, at si Marui ay nakatingin lang sa akin habang pinapalobo ang bubblegum niya.
"Ok na po?" Tanong ko.
"Hai." Umupo na ko sa upuan ko at binalik ang tingin ko sa bintana. Sana matapos na 'tong araw na 'to. Sigh.
Afternoon practice ng Rikkaidai Tennis team, at dahil hindi ko pa kabisado ang lugar na 'to, kailangan kong hintayin si Seiichi para makabili ako ng sweets. Umupo ako sa bench malapit sa tennis court. Wag na kayong magtaka kung wala ako friends, tahimik akong tao at hindi ako yung tipong unang makikipag-kilala sa kanila. Ginamit ko ang earphones ko at nagpatugtog, kinuha ko din ang chocolate na baon ko (laging meron sa bag ko.) at kinain. Nag-start na ang practice nila Seiichi, si Tarundoru-man nanaman ang naghanda ng training menu nila, good luck na lang.
"Marui-sama!"
"Niou-sama!"
"Yukimura-kun!" Ayan na ang mga fangirls nila. Sigaw ng sigaw. Parang mga tanga lang ah? Hindi ko na lang sila pinansin at pinanuod ko na lang ulit ang practice pero, naiirita ako sa sobrang ingay lalo na kung nangingibabaw na yung boses nila kesa sa pinapakinggan kong tugtog sa earphones ko? Aggh!
"Ne, pwede bang tumahimik kayo?" Iritang sigaw ko sa kanila. Napatingin ang mga fangirls sa akin at lumapit.
"Ano bang problema mo?" Tanong ng isang fangirl.
"Ang ingay niyo." Sagot ko sa kanila.
"E di gumaya ka!" Payo ng isa na naiinis na din sa akin.
"Bakit naman ako gagaya sa inyo?" Binigyan ko sila ng death glare. Nainis yung isa kaya kinuha ang chocolate ko.
"Oi, bitch, ibalik mo 'yan." Nakatingin ako sa kanya ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin ko, malamang nakahiga na siya sa sahig at duguan.
"Sinong tinatawag mong bitch?"
"Ikaw tanga." Kinuha ko ang chocolate sa kanya umalis.
"Hoy!" Hinabol nila ko at hinila ang buhok.
"Itigil niyo yan!" sigaw sa kanila ni Sanada. Well, niligtas niya ang buhay ng mga fangirls na 'to.
"Dahil sa ingay ng mga sigaw nila 100% na natalo nila ang sounds sa earphones niya kaya sinigawan niya kayo. At pag inistorbo niyo siya sa pagkain niya ng sweets, pinakialaman niyo ang buhok niya at kayo ang nag-umpisa ng gulo…" Napatingin silang lahat kay Yanagi.
"100% na ibabalik niya sa inyo ang inbitasyon niyo." Tuloy ni Seiichi, my dear cousin, alam mo talaga ang ugali ko. Hinawakan ko ang kamay ng isang girl na nakahawak sa buhok ko, isinampal ko sa kanya ang chocolate ko at sinikmuraan.
"Wow." Rinig kong sabi ng tennis team.
"Lumayo na kayo kung ayaw niyong madamay." Nagmadali silang umalis at ayaw nilang madamay sa gulo. Sinama na din nila ang babaeng sinikmuraan ko.
"Ne, Rie-chan." Tumingin ako kay Seiichi.
"Dito ka na lang sa loob ng court maghintay."
"Hai." Ngumiti ako.
"Puri~" Pumasok ako sa loob ng court at umupo sa bench. Amp~ Sayang yung chocolate ko T^T. Nadamay tuloy. Aggh! Epal kasi nila e. Hay. Sana mag-uwian na para makadaan sa sweets shop. Amp~
Napatingin ako sa red haired na nasa kabilang side ng court, nakita ko na nakatingin siya sa akin. Anong problema niya? Lumapit sa kanya si Niou at nag-smirk. Amp~ May balak nanaman ba sila?
"Sa wakas." Sabi k okay Seiichi ng lumapit siya sa akin,
"Gomen Rei-chan, hindi kita masasamahan ngayon."
"E? Pero nag-promise ka diba?"
"May kailangan pa kasi akong asikasuhin e." Sabay bigay ng tingin sa akin na 'wag-ka-ng-makulit-makakapaghintay-pa-yang-sweets-mo.'
"Seiichi!" Sigaw ko. Hindi tatalab sa akin ang tingin mo na 'yan. Amp~ Nag-sigh siya at tumingin sa mga teammates niya.
"Marui." Napatingin sa kanya si Mr. Bubble gum na nag-aayos ng gamit.
"Bakit Mura-buchou?"
"Alam mo kung saan ang sweets & cakes shop diba?" Nag-nod siya.
"Samahan mo si Reiko doon." Utos ni Seiichi. Amp~ tiningnan ko ang pinsan ko, yung tingin na 'Ayoko siya! Gusto ko ikaw!'
"Bakit ako buchou?" Tanong ng red hair. Oo nga bakit siya pa?
"Ako na lang buchou." Singit ng trickster.
"Hindi Niou."
"Puri~" May balak siya panigurado.
"Fine, Seii-chan, isasama ko na lang sila." Tinuro ko si Mr. bubblegum, Sea-urchin, mr. eyeglasses, seaweed at dark man. Napatingin sa akin si Seiichi.
"alam ko namang hindi sasama si Renji at tarundoru-man dahil KJ sila. Kaya isasama ko na lang yung iba para masaya." Paliwanag ko kay Yuki. Nag-sigh siya.
"Fine."
"Thanks!"
Dahil hindi ko alam kung saan ang sweets at cake shop dito, si Marui ang nauna. Tensai daw siya sabi niya e. Pero pag kami lang naligaw, di na sisinagan ng araw 'to. Promise. Maya-maya ay nakarating na kami sa cake shop.
"Yes! Sa wakas!" Sigaw ko ng maka-upo kami.
"Hindi mo kailangang sumigaw Yukimura-san." Paalala sa akin ni gentleman.
"Hai. Hai. Pero tawagin niyo na lang akong Reiko-chan or Rei-chan, k?" Nang nod silang lahat. At dahil ako ang nagyaya syempre sagot ko sila. Buti na lang may allowance ako lagi para sa sweets :D. Tinawag ni Marui ang waiter at binigay sa amin ang menu.
"Patingin." Kinuha ko sa red haired ang menu. Ang bastos ko no? Haha.
"Anong gusto niyo?" Tanong ko sa kanila.
"ok na ang cake." Sagot ni Yagyuu.
"Ako din." Sagot naman ni Dark man.
"Ok na din ako dun." Sagot ng sea urchin, tumingin ako kay Bakaya.
"E, Reiko-senpai…" Nag-aalangan pa siyang pumili sa menu. Natawa ako amp~ ang dami siguro niyang gustong orderin.
"Akin na." Kinuha ko ulit ang menu kay Akaya at hindi na hinintay ang order niya.
"ikaw mr. bubblegum man?" Tumingin siya sa akin.
"banana split with chocolate and strawberry syrup, strawberry short cake, White chocolate 'berrymisu', Aniseed and chocolate parfait, and… yun lang."
"Ne. Marui ang dami naman ng order mo?" tanong sa kanya ng darkman.
"Ok lang. paki doble yung order ng lalaking 'yan tapos, dagdagan mo ng 5 chocolate cakes, and 4 na vanilla ice cream."
"hai." Umalis na ang waiter para kunin ang order naming.
"Bakit ang dami ng kay Senpai?" Tanong ng seaweed.
"Ang tagal mo kasing mag-order e."
"Ne, bakit mo dinoble ang order ko?" Tanong ng red haired amp~ Mas bagay na sa kanya ang nickname na sugar freak. :D
"Kasi yun din ang order ko." Nag-wink ako sa kanya. Napatingin silang lahat sa sinabi ko.
"Order mo?" tanong nila with synchro.
"Ah, mahilig din kasi ako sa sweets lalo na sa chocolate." Nakangiting sagot ko sa kanila.
"Bagay kayo ng sugar freak na 'yan. Puri~" Binigyang ko ng tingin si Niou, tingin na 'pag di ka tumigil di ka na makakauwi ng buhay.'
"Shut up, Niou." Sagot sa kanya ng sugar freak.
"Eto na po ang order niya." Nilapag niya ang orders naming. Binigyan ko sila ng tig-iisang chocolate cake at vanilla ice cream except kay sugar freak. Ang dami na niyang order no. Swerte niya ah. At syempre na sa akin ang isang chocolate cake.
"Itadakimasu!" Nag-start na kaming kumain, nakatingin silang lahat sa aming dalawa ni Marui, pano ba naman para kaming nag-uunahan sa pagkain ng order namin.
"Bagay nga sila." Sabi ni seaweed.
"Shut up, seaweed. Kung ayaw mong ikaw ang mag-bayad nito." Tumahimik siya at tinuloy ang pagkain niya. Well, ayaw nga niyang magbayad. Maya-maya ay may kumuha ng chocolate ko. Tumingin ako sa gilid ko at ang nakita ko ay si…
"Kia-chan?" Ang bunsong kapatid ni Seiichi.
