itutuloy
Later that noon
Dumating si Erza sa cathedral eksaktong 3pm, pero wala siyang makitang tao.
"maaga pa naman" napagpasyahan niyang maghintay saglit.
"Er-za, dumating ka" isang boses ng babae, lumingon siya sa likoran niya. Isang taong nakatayo naka hoodie.. pinagmasdan lang ni Erza ito..
"sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" matalas na tanong ni Erza. Dahan- dahan tinanggal ng babae ang kanyang hoodie.
"Lu-Lucy" hindi makapaniwala si Erza sa nakikita niya
"Erza miss na miis kita!"
"Lucy buhay ka?" naiiyak na sinabi ni Erza "ang buong akala namin patay ka na"
"akala niyo lang iyon pero ang totoo niyan hindi, iniligtas ako noon ni Loki."
"Pero paano, bakit di ka bumalik sa guild?"
"Dahil gusto ko munang, mag-isip isip. Sigurado kong alam mo na ang lahat ngayon. Kamusta na si Natsu?"
"Hmm, ang laki pinag-iba ni Natsu mula ng mawala ka, hindi na siya tulad ng dati na maingay at puro away." Sagot ni Erza
"mabuti naman haha, bibisita ako sa guild bukas ng umaga. Paalam Erza"
"Saan ka pupunta Lucy?"
"sa apartment ko"
"Pero sabi ng landlady nabili na dawn g iba iyon"
"Ah, iyon ba ako rin ang bumili"
_oooooo_
Lucy P.O.V
"nandito ka naman iho, parati ka nalang bumibisita dito" boses ni landlady iyon ah, sino kaya ang kausap niya? Hmm umalis na siya, hehe miss ko rin tong apartment ko ah..
Dahan dahan kong binuksan ang pinto para naman may trill ang pagpasok ko, nagulat ako sa nakita ko. Si Natsu nakatayo sa kwarto ko umiiyak siya?
"Lucy, patawarin mo ko hindi man lang kita nailigtas"
So ganito pala ang nangyari kay Natsu, unti unti kong lumapit sa kanya. Nakapagtataka di niya ako napansin.
Dahan dahan ko siyang niyakap, pero di siya kumibo.
"Wag ka nang malungkot Natsu, nandito na ako"
"Lu" unti unti siyang lumingon sa akin "…cy?"
Pinunasan ko ang luha niya, nakaharap na siya sa akin. "Lucy!" niyakap niya ako ng mahigpit.. "buhay ka!" ibinalik ko naman ang yakap niya "please, wag mo ng gawin ulit iyon ah"
"Im sorry Natsu, alam kong isang taon ka ring nasaktan dahil sa akin"
"Hindi, hindi. Lucy Mahal na Mahal kita, lagi mo yang tatandaan" nagulat na lang ako sa sumunod na ginawa ni Natsu, hinalikan niya ako.
Bakit ganito ang nararamdaman ko, isang buong taon akong nawala akala ko mawawala na ang nararamdaman ko, pero sa tingin ko Mahal ko pa rin si Natsu hanggang ngayon.
The End
