CHAPTER 2

"Master, dalian ninyo, tinatawag na tayo ng dagat!"

"Teka muna, Shizune, ayos na ba ang swimsuit ko? Hindi na ba kita ang mga bilbil ko?"

"Ano bang sinasabi niyo diyan Master? Kakainggit nga kayo, ang sexy-sexy niyo nga sa pulang bathing suit na yan eh. Kitang-kita ang mga KURBADA ninyo sa katawan!" bulalas ng naka-two-piece na si Shizune habang pilit na tinatakpan ng itim na salbabida ang maliit niyang hinaharap.

Nagtatakbo na si Shizune papalapit sa nakakahalinang dalampasigan. Sa wakas malaya na uli siyang makakapaglangoy at makakapagtampisaw nang walang iniintinding utos mula sa nakatataas. Nilalasap niya ang hanging dumadampi sa kanyang pisngi sa kanyang bawat hakbang nang biglang may nabangga siyang matipunong katawang lumitaw nalang mula sa kawalan. Napahandusay siya sa buhanginan at napapikit sa nakakasilaw na repleksyon ng salamin nito sa liwanag ng araw.

"Aba aba, andito pala ang alalay ni Tsunade," Si Kabuto pala.

"Wa-what… si K-kabuto?!" Biglang napalingon sa kaliwa't kanan si Shizune, nag-aalalang baka lumitaw rin si Orochimaru at sugurin sila.

Napatingin si Kabuto sa buong katawan ni Shizune. "Babae ka pala?"

"A-ano?"

"O baka naman ang dapat na tanong eh, BABAE KA NA PALA?" ngiti ni Kabuto habang inaayos ang salamin at sinusuri ang mga kahina-hinalang parte ng katawan ni Shizune.

"A-aba, napakawalang-hiya mo naman! Fetus pa lang ako babae na ako!"

"Talaga lang ha? Mapapatunayan ba yan ng pawang mga salita lamang?" Naninisik ang mga mata ni Kabuto habang papalapit sa nanginginig nang Shizune.

Biglang dumating si Tsunade to the rescue. "Hinaharass mo ba ang alaga ko?! Alam mo bang bawal iyan, pwede kang makulong sa ginagawa mo!"

Napatawa at napailing nalang si Kabuto. "Oo nga naman, kung andito ang alalay, andito din ang master."

"Sabihin mo, anong pakay mo dito?"

"Porket ba kalaban ako ay wala na kong karapatan makapagbakasyon man lang kahit sandali sa buhay ko? Kayo nga ang dapat kong tanungin kung bakit kayo nandirito. Hindi ba dapat nasa opisina ka ngayon at ginagawa ang iyong tungkulin bilang hokage? Alam mo naman nasa maselang kalagayan ang inyong bayan at nakuha mo pang magliwaliw kasama ng alalay mo."

"Wa-wala namang masama kung magrelax ang hokage ah! Alam mo ba kung gaano katindi ang sakripisyo ni Master araw-araw? She deserves a break!!!" tanggol ni Shizune sa amo.

"Bahala na nga kayo. Basta wag niyo akong sisihin kung bigla uling sugurin ang Konoha habang wala kayo."

"Si Orochimaru?" Nangangamba si Tsunade na baka maraming mapahamak kung sakaling maglaban uli sila.

"Relax lang kayo. Wala si Master Orochimaru dito. Baka nalilimutan ninyong hindi mabuti ang kondisyon niya sa ngayon."

"Hay salamat…" Napabuntung-hininga si Shizune habang mahigpit pa din ang kapit sa kanyang salbabida.

"Wag ka pa rin kampante, alalay ni Tsunade." Di parin nawipe-out ang nakakapagdudang ngiti ni Kabuto.

"Wag mo nga akong tawaging ganyan! Shizune ang pangalan ko. SHI-ZU-NE!!!"

"Kung yan ang gusto mo, Binibining Shizune," swabeng bigkas ni Kabuto sa pangalan nito. "Sana sa muli nating pagkikita, handa ka nang patunayan ang pagkakababae mo…"

At umalis na nga si Kabuto.

"Eeeee… baket parang kinikilabutan ako…" Di pa rin nakarecover ang alalay sa mga salitang binitiwan ni Kabuto.

"Sira! Tumayo ka nga diyan. Kung umasta ka parang di ka ninja. Kahiya-hiya ka, naturingan ka pa namang apprentice ng isang sannin. Baka gusto mo itakwil kita bilang alalay ko?!"

"Master naman, alam mo namang napaka-vulnerable ko pag nakabikini lang ako. Di ako tulad niyo, confident na confident sa body! At isa pa, wala akong mapapatunayan sa kanya, di tulad ninyo!" Naiinggit na tinitigan ni Shizune ang dibdib ng amo. "Kung meron lang akong hinaharap nang tulad sa inyo…"

"Hoy Shizune, umayos-ayos ka nga. Di ka naman dating ganyan ah! Simula lang nang napuna ng malabong-matang iyon ang katawan mo parang wala ka na sa katinuan. Dapat patunayan mo sa kanya na higit pa sa katawan ang isang babae!"

"P-pero Master… di mo lang alam, araw-gabi ako nag-eehersisyo para mapalaki lang ang aking harap ngunit ilang linggo na ang lumipas di pa rin bumubunga ang aking pinaghirapan. Gusto ko na nga magparetoke kay Dra. Bicky Velo ngunit inaalala ko lamang po kayo! Paano ko ngayon mahahanap ang aking tunay na pag-ibig kung ako mismo hindi mukhang babae…"

"Kaya naman pala napagkakamalang ako ang nagpapatingin kay Velo dahil punta ka ng punta duon. Wag ka nang pupunta sa clinic na yun, maliwanag?"

"Master, waaaah…"

"Ay ewan ko sa iyo, tigil-tigilan mo na nga ako, Shizune. Kala ko ba andito tayo para mag-enjoy! Iwan na nga kita diyan." At nagtampisaw na nga si Tsunade sa dagat.

"Di niyo talaga ako maiintindihan dahil naturally gifted na talaga kayo. Huhuhu…"

*****

Sa kabilang banda naman, nakarating na rin ang mga genin ng Konoha sa kanilang final destination.

"HAAAAPPINESS!!!" Nauna na sa dagat si Rock Lee na nakagreen shorts at may suot pa na green dinosaur salbabida sa bewang. Iwinagayway niya ang mga kamay upang mapansin ng mga kasama.

Samantala, si Choji inuna muna ang pag-ihaw ng barbecue dahil kailangan niya raw muna kumain para magkaroon ng lakas para makapaglangoy.

"Sakura, kung ayos lang sa iyo, ako nalang ang maglagay ng sunblock sa likod mo," ani Naruto na namumula ang pisngi habang ang ngiti ay abot tenga.

"Naruto, 'lang hiya ka talaga! Magpakita ka naman ng konting hiya sa mga babae!" Sinuntok ni Sakura si Naruto hanggang maglanding ito sa kabilang isla.

Ang mga girls ay nagsimulang magtampisaw at maglaro ng beach volleyball habang nagpaligsahan naman ang mga lalaki sa paglangoy.

"Kung sino ang mananalo kanya ang lahat ng BBQ!" sigaw ni Choji.

"Choji, kahit walang paligsahan ikaw pa rin ang mauunang makakaubos ng pagkain," paglilinaw ni Shikamaru.

"Eh di kung sino ang mananalo, mapapasakanya ang puso ni Sakura!" sigaw naman ni Lee.

"Okay!!!" second emotion ni Naruto.

"Teka…" Pipigilan sana ni Kiba ang dalawang manliligaw ni Sakura ngunit pareho na itong nauna patungong isla Putingbato. "Ano ba namang contest ito, wala man lang formality!"

"Ganito nalang, kung sino ang matatalo ang siyang manlilibre ng maiinom ng lahat!" panukala ni Kankuro. At lahat ay sumang-ayon sa bagong patakaran.

*****

"Miss, pwede bang makipagkilala? Baka kasi gusto mong sumisid kasama ko?" Isang kamay ang humipo sa balikat ng dilag. Nabastusan ang dalaga kaya pinilipit niya ang kamay ng matanda.

"ARRAAAY!!!"

"J-jiraiya?"

"Nge… Ts-tsunade!!!"

"Hanggang dito ba naman umaabot ang kamanyakan mo?"

Tumawa ng malakas ang ermitanyong mahilig. "Ako pa! Magpapahuli ba naman ako, eh ang daming magagandang dilag dito!"

"Kadiri…" Hinugasan ni Tsunade ang balikat na hinawakan ng matanda. "Pagtangkaan ba naman ako…"

"Teka, diba dapat nasa Konoha ka ngayon? Tsunade, wag mo sabihing tinatakasan mo na ang tungkulin mo."

"Wala naman sigurong masama kung mamasyal ako paminsan-minsan. Nabuburo na nga ako sa opisina ko."

"Pero alam mo namang magiging malaking isyu na naman ito…"

"Eh kung ikaw kaya ang maging hokage?!"

"Alam mo namang di ko kaya iyon."

"Yun pala eh. 'Di wag mo ipagdutdutan sa akin na di ko ginagawa ang trabaho ko. Kung umasta kayo parang wala nang karapatang lumigaya ang mga hokage sa mundo!"

*****

Bumalik uli tayo sa mga kabataan. Natapos na ang laro. Ironically, sa di maipaliwanag na dahilan, ang siyang nagpanukala ng makabagong ideya ang siya pang natalo sa paligsahan.

"Kanx, tenks for da buko juice," parelax-relax na wika ni Kiba under the umbrella.

"Ba't ganito? Tubig lang ang amin?!" reklamo ni Naruto.

"Dapat nga wala kayong ganyan eh. Di naman kayo kasali sa usapan!" sabat ni Kankuro.

"Eh ba't sila meron?" tukoy ni Naruto sa mga kababaihan. "Fruit shake pa ang kanila!"

"Pasalamat ka nalang at nilibre pa kita!"

"Oo nga," tugon ni Rock Lee. "This is not just water, you know. This is VitWater!"

"Mmm… sodalicious," parinig ni Choji.

"Naku! Tigil-tigilan niyo nga ako!"

"Naruto, kung gusto mo, iyo nlang itong durian shake ko," alok ni Hinata.

"Aaa… naku, h-hindi na… nakakahiya naman sa iyo." Namula si Naruto. "Okei na okei nga itong tubig, pwedeng-pwede pambuhos sa katawan, hindi ka manlalagkit! Hahaha…"

"Dali ibaon natin si Naruto sa buhangin!" simula ni Ino.

"Madali lang iyan." Hinila ng buhangin ni Gaara ang paa ni Naruto hanggang sa mailubog ang katawan niya sa lupa at ulo nalang niya ang nakalitaw.

"Aaaarrgggh…" Si Naruto pati ang mga babae ay napasigaw sa di inaasahang responde ni Gaara sa suhestiyon ni Ino.

"Ayos na ba 'yan?"

"Gaara, di ka rin spoiler noh?" sabad ni Kankuro.

"Grabe!!! Ano ka ba! Ililibing mo ba ako ng buhay?!"

"Say cheese!" Kinuhanan ni Rock Lee ng litrato ang kanilang mga sarili kasama na rin ang tila pugot na ulo ni Naruto.

"Argh... pakawalan niyo ko dito! Teka… Akamamaru, wag! Wag kang umihi dito! Oy, Kiba, pigilan mo nga yang alaga mo!!!"

Tawa sila ng tawa nang biglang may tumilapon sa gitna ng dagat at nag-cause ng isang napakalaking tidal wave na tumangay sa kanilang lahat. Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan at bumalik uli sa normal ang alon ng dagat.

"NARUTO!!!" sigaw nilang lahat nang maalalang naiwan ang ulo niya sa dalampasigan.

"A-ayos ka lang ba, Naruto?" nag-aalalang tanong ni Hinata.

"Pwe!!!" Dinura ni Naruto ang dikyang lumusot sa kanyang bibig.

"Tignan ninyo!" turo ni Shino nang mapansin ang lumilitaw na palikpik sa gitna ng dagat.

"Pating!!! Pating!!! Pating!!!"

"Aaaarrggh… Saklolo!!!"

"Waaah… mommy!!!"

Nagsigawan ang mga taong naroon at lahat ay nag-unahan umahon mula sa tubig upang masagip ang kani-kanilang sarili.

"P-pating? Yun ba ang dahilan ng acute tsunami kanina?" Di maipagdikit-dikit ni Tenten ang logic sa pagitan ng pating at ng tidal wave na tumama sa kanila kanina.

"Diba ang pating galing sa dagat? Eh bakit parang nanggaling ata sa itaas?" Dinagdagan pa ni Temari ng isa pang komplikasyon ang palaisipang bumabagabag sa kanilang lahat.

"May naghagis…"

"Ano?"

"May naghagis ng pating sa banda roon…" tinuro ni Neji ang direksyon na kinaroroonan ng salarin. At lumitaw mula roon ang isang lalaking naka-kapang itim na may disenyong mga pulang ulap.

"Napakalakas naman niya para maghagis ng pating!" sabi ni Ino.

"Ang sabihin mo wala siyang pakelam kung mapahamak ang mga andito!" sagot ni Sakura.

"Ang sama naman niya!" dagdag ni Tenten. "Bilang mga ninja dapat natin siyang hulihin!"

"Hoy, teka, mama!" tawag ni Kiba sa estranghero. "Alisin mo yung pating sa tubig! Alam mo bang pampubliko ang lugar na ito? Bawal 'yang ginagawa mo…"

"Tama, tatawagin namin ang manager ng resort na ito!" singit ni Choji.

"Ang laki ng problema ninyo… Aalis din naman iyan," sagot ng salarin na bigla nalang nawala sa isang iglap.

"Y-yung pating… p-palapit na sa lupa!" sigaw ni Hinata.

"Aaarrrgghh… anong gagawin natin?!!! ARAY!!!" Natataranta si Naruto habang hinihila nila ang ulo nito palabas ng buhangin.

Biglang umahon mula sa tubig ang pating. Naglakad ito gamit ang dalawang paa. Bipedal pala ang mamaw! "Aaaah… I feel so rejuvenated!"

"T-teka, parang kilala ko yun ah!" sambit ni Naruto. "Have we met?"

"Aba, Uzuma-"

Di pa nga natatapos ang pangungusap ng taong pating ay biglang sumulpot sa harapan niya ang isang blonde na babaeng may malusog na katawan at sinuntok siya patungong Indian Ocean. Napanganga nalang ang mga bata habang nagpalakpakan ang audience sa likod para sa kanilang tagapagligtas.

"LECHE!!! Ang ayoko sa lahat iyong sinisira ang magandang araw ko!!!"

"M-master Hokage!!!" Napabulalas silang lahat.

"T-tandang Tsunade?! A-anong ginagawa niyo rito? B-baket…" tanong ni Naruto.

"BAKET ANDITO AKO AT WALA AKO SA OPISINA???!!! GANUN BA???"

"Ah… o-o…"

"MAY PROBLEMA KA BANG NANDITO AKO???!!!"

"W-w…wala naman p-po…" Pinagpawisan ng malamig si Naruto sa mga nakakalusaw na titig ng hokage.

"Ganyan naman kayo, pare-pareho lang kayo lahat!!! Basta tandaan ninyo hindi niyo ako nakita, maliwanag?"

"P-pero…"

"MA-LI-WA-NAG???"

"O…o-opo…"

Nakaalis na si Tsunade at lahat pero tuliro pa rin silang lahat.

Napakamot nalang si Shikamaru ng ulo. "Ang init ng ulo ng mahal na hokage, bakit kaya?"

*****

"Master, magreapply na po kayo ng sunblock!"

"Nakakainis, gusto ba nilang mabulok nalang ako sa opisina? …At kanina nakita ko si Jiraiya, napagkamalan pa akong isa sa mga tipo niyang babae! Ang matandang iyon, di na nadala!!!"

Sinimulan nang ikalat ni Shizune ang lotion sa likod ng amo. "Buti pa nga kayo, Master, kahit nakatalikod kayo, nakakabighani pa rin. Eh ako, lagi akong pinagkakamalang lalaki, nakaharap man o nakatalikod."

"Ayan ka na naman, Shizune…"

"Wala man lang nagsasabi sa akin ni minsan ng 'Miss gusto mo ba pahiran kita ng lotion sa likod?' o kaya naman 'Miss, do you want me to buy you a drink?'. O ang sakit, Master, ang sakit-sakit!!!"

"Oy, yung luha mo, Shizune, pinapahid mo na sa likod ko!!!"

"Miss, wag ka na umiyak. Kung gusto mo ako na ang magpapahid ng lotion sa likod mo…"

Lumingon ang mag-amo at tumambad na naman sa harap nila si Kabuto. Lakas-trip!

"I-ikaw na naman!!!" Nangilabot na naman si Shizune.

"Tinitiktikan mo ba kami?" tanong ng amo.

"Yun nga ba talaga o sadyang pinagtatagpo tayo ng tadhana?"

"T-tadhana daw master???"

"Pwede ba tantanan mo na kami! Ang alalay ko nawawala na sa katinuan dahil sa mga walang kwentang pinagsasabi mo!"

"Ganun ba? Akala ko kasi narinig ko na naghahanap siya ng maglalagay ng lotion sa katawan niya. Magaling pa naman ako magmasahe, sayang naman," painosenteng sagot ni Kabuto.

"W-wala akong sinabing ganun… w-wala!!!" sinungaling ni Shizune.

"Di bale next time nalang, Ms. Shizune, kung wala ang master mo…" bulong ni Kabuto sa tenga ng kausap. Kinindatan niya ito bago tuluyang lumayo sa kanilang paningin.

"Eeeeeee..." Tumaas ang balahibo ni Shizune sa likod.

Pinalo ni Tsunade ang alalay upang bumalik sa katinuan. "Anong sinabi sa iyo ng Kabutong iyon ha? Wag na wag kang magkakamaling lumandi dun at baka mahulog ka sa bitag niya. Mamamatay-tao yun, isa siyang alagad ni Orochimaru!!!"

Biglang lumitaw sa guni-guni ni Shizune ang mga sumunod na eksenang di angkop sa mga batang manonood. Nakita niya ang kanyang sarili duguan habang sinasaksak ni Kabuto ang kunai sa kanyang likuran at pinapahid niya sa buo niyang katawan ang dugo imbes na lotion. Nangatog lalo si Shizune sa naisip, nanikip ang dibdib at finally hinimatay nang bonggang-bongga.

"Shizune! Shizune!!!"

Abangan sa Chapter 3…

Mailalabas na kaya ni Shizune ang frustrations niya bilang isang single lady? Anu kaya ang mga binabalak ni Kabuto? Siguradong kahindik-hindik na naman ang mga tagpo sa huling kabanata ng Krisis,Krisis sa Konoha!