Kabanata II :

First Day High

First day of school laging may kaba,

Sinu ba naman gustong mag-isa,

Sana may cute na makatabi,

May bagong kaibigan pagtapos ng klase

Lakas loob hanapin ang katropa

Sumabay sa saya,

Let's do the first day high.


Notes:

mikachan: Tagalog na.

PS: Ang karibukan ay kaingayan


"Shit , male-late na ako !" Sigaw ng blue eyes, blue hair at maliit na si Ciel Phantomhivehabang pinipilit na tumakbo pa ng higit na mabilis ang kanyang mga paa at binti. Nakahinga lamang ng maluwag ang kawawang bata ng makapasok sa gates ng Weston.

"Cieeeeeeeeeelllllll~!" Matinis na tili ng isang babaeng may ginintuang buhok at berdeng mga mata na si Elizabeth Middleford at agad na dinambaan si Ciel at binigyan ng napaka higpit na yakap.

" E-lizabeth …. hi…..hindi…..HINDI AKO MA KAHINGA !" Biglang pag-evolve ng una'y bulong lamang ni Ciel ngunit ngayo'y galit at mala-tigreng sigaw na. Natakot ang cutesy na blonde kaya't binitawan nya ito at sa mabuting palad ay nakahinga pa ang batang lalaki at siguradong mabubuhay pa para makita ang liwanag ng susunod na umaga. Yun ay kung hindi sya sasakalin ng ganon ulit.

Natahimik ang buong campus sa karibukan ng batang Phantomhive, tila pinindot ni God ang pause button sa video na kung tawagin ay buhay. At ng mai-play muli ang video nay un ay nag ala- World War II dahil sa pagbombard kay Ciel ng mga sinasabi ng mga estudyante. Si Ciel ang Pearl Harbor, sila yung mga takteng Hapon. Si Elizabeth ay nagpadagdag lang sa pressure dahil sa pagumpisa nyang humikbi, nakakapressure dahil para syang timetable ng mga Hapon. Oo , yung timetable na listahan nila kung kalian babaksak ang isang bansa, yun ang dahilan kung bakit din sila galit nag alit sa atin noong WWII, kasi di tayo sumuko on schedule na late tuloy i-regalo sa hari.

'May Y yan, sigurado !'

'Di bawal sigawan ang mga babae ?'

'Patay siya sa P4 !'

'HALA ! Na kakalurqui !' (Grell ikaw ba iyan ? O_0)

Nang hina si Ciel sa kinatatayuan nya. 'Ano ang mangyayari ?' napaisip sya, ng may isang napasigaw: "Ang P4 !"

Agad na umihip ang hangin at pinasayaw ang mga nalalagas na dahon , nag pakita out of thin air ang isang grupo ng mga nag-gwagwapuhan at matitipunong mga lalaki. Nag lakad sila papalapit na parang mga gangsta sa runway ng fashion show. Ang isang naka braid ang buhok ay biglang tumakbo na parang yung Jamaican daw na runner palapit kay Ciel at kinapitan na parang wala ng bukas ang necktie ng bata, sa point of view ng iba, parang ibinibigti na sya.

Hinaplos nya ng isang daliri ang pisngi ng bata at itinaas ang ulo nito.

Ngumiti sya. "Di maayos ang necktie mo." Sabi nya habang ibinababa si Ciel at inayos ang uniform nito.

At nag patawag pansin ang isang mala-William Spears na KSP." Bawal sigawan ang mga babae." Sabi nya, at in-adjust ang salamin sa mata."Estudyante tayo ng isang tradisyonal na paaralan kaya't di maaaring palampasin iyan pagkat di iyan gawain ng isang English gentleman. Alamin mo naman sana ang rules ng paaralan."

"Opo , hindi na po mauulit." Pangako ni Ciel at tumango pa.

"Mabuti naman. " Sabi nung naka-violet na waist coat at nagsialisan na silang apat.

Hinarap ni Ciel ang kanyang pinsan/fiancé at nagpatawad.

"Buti na lang wala dito si kuya, kundi ay siguradong galit na iyon !" Matamis na tawa ng binibini.

"Oo nga" Napatawa din ng kaonti si Ciel. Sa di kalayuan ay may isa pang pa-cute din na blonde na tumakbo ala-ferari papalapit kay Ciel habang sinusundan siya ng isa pang 'pankarerang tao'. Tinackle ng blondie na iyon si Ciel ngunit kinounter niya ang blonde namay icy na eyes.

"Yeay ! Nagkita din tayo muli Ciel at Elizabeth !" Tili niya habang nag-rerecover sa pagka 'faceground' sa kanya ni Ciel at kinawayan pa si Lizzy.

"Eto nag pala si Arista, 3rd cousin ko sya !" Tili ni Alois, kapit-kapit si Arista at pilit ipinipresenta ay Ciel na parang tuta.

"Oo ,alam na ! Tigilan mo na ako !" Angal ni Ciel at sinampal ang lalaking kaharap. Ibinagsak ni Alois an parang manika si Arista sa daan.

"Eh di sige ! Antaray mo eh! Leche !" Girling-girly at galit na sabi nya kay Ciel at nag walkout. Habang paalis sya'y tinulugan ni Elizabeth na tumayo si Arista.

"Ayos ka lang ba?" Matamis na tanong ni Lady Middleford.

"Oo, maraming salamat." Sagot ni Arista."Ako nga pala si Arista Kallistenne." Ipinakilala niya ang sarili at inalok ng hadshake si Elizabeth.

Agad din tinanggap ng binibini ang handshake na iyon." Ako naman si Elizabeth Ethel Coredlia Middleford , pero tawagin mo na lang akong Lizzy !"

"Ako nga pala si Earl Ciel Phantomhive." Ipinakilala nya ang sarili at hinalikan ang kamay ni Arista.

"Magkita na lamang tayo mamaya, kailangan kong sundan si Alois." Pa-excuse nya at namaalam at tumakbo na habang kumaway sa kanya ang dalawa.

Naabutan nya si Alois at napansin na tila malungkot ang binata kaya't ito ay yinakap nya. Sa pagdikit ng kanilang katawan ay gad na dumaloy sa isipan ng binata ang mga alaala ukol kay Luca, lalo na dahil sa pagasa at liwanag sa kanyang mga mata na tulad din sa namatay na nasi Luca Macken. Yinakap niya ang dalaga ng mas mahigpit sa pagkayakap nito sa kanya.

Biglang tumulo ang luha niya. "Ipangako mong di mo ako iiwan." Pagmamakaawa nya.

Di alam ang nangyayari , sinagot nya ito ng basta basta ng matamis na "oo".

"Mabuti naman." Huminga ang lalaki ng malalim at biglang hinawakan ang kamay ni Arista , kinaladkad siya papunta sa dorm. Eto ang dorm ng Violet Wolf para sa mga nag-e-excel sa sining.

"Iiwan nakita sa dorm mo ! Goodluck !" Awit ni Alois habang tumakbo na paalis na parang isang psycho maniak na tumatakas sa pulis.

Pinasok ni Arista ang loob ng dorm at agad na nakita si Elizabeth. "LIZZY !" Sigaw nya at biglang lumapit sa kaibigan. "Wow , parehong dorm pala tayo !" Natutuwang sabi ni Lizzy.

"Maaari ko ba kayong i-escort patungo sa dorm nyo ?" Sabi ng sexy na boses mula sa kadiliman at kung sino yun tapos di mo alam , haynaku ! nauntog ka ata !

Ipinakita niya ang sarili, gwapingz, matipuno, maangkad, may pulang mga mata, at ultra dreamboy.

"Ako si Dorm supervisor Michaelis" Bati nya at sinamahan ang dalawa hanggang sa pintuan ng dorm room nila. Kinindatan ni Sebastian si Lizzy….


"Dahil ie-enrol ka ng mga magulang mo sa Weston , kailangan naming sabihin sa iyo ito, pagkat kundi sasabihin ay baka mabuking mo kami at para din sa kaligtasan mo" Sabi sa kanya ng hot na hot na impaktong butler mula impyerno.

"Nababatid ko ang lahat." Sagot ni Elizabeth.

"Maraming Salamat" Nakangiting sabi sa kanya ni Ciel.


"Takte ! Room mate pa kita !" Reklamo ni Ciel habang sinisipa papasok sa higanteng cabinet ang bag niya."Masaya nga iyon eh , mag-ka-sa-ma-ta-yooooo!" Pakantang sabi ni Alois.

"Pwes ako di masaya ! Bakit ba nandito ka ?" Galit na sigaw nya at binato and dati'y suot na coat sa katabing kama na hinihigaan ni Alois Trancy.

"Collaboration nga daw eh ! Sabi ng reyna !" Sigaw din nung isa. "Makulet kah ? UNLIMETED TAYO ? UNLI ?"

Lumabas si Phantomhive para makahinga ng kaonti dahil kulob ang cuarto.

"AYYY ? Walk-out ? BEST ACTOR ?" Tili ni Alois mula sa loob ng cuarto.

"Bwisit ! Manahimik ka na nga !" Sagot ni Ciel sabay kamot sa ulo.


(Class 1A , first year highschool : Dahil 13 si Ciel at Arista, at 14 si Alois at Lizzy, sabi nila: )

Nagsulat ang guro sa blackboard ng mga kung ano anong formula at equation habang si Ciel ay di nakikinig at PTL lang na nakatitig sa ere.

"PHANTOMHIVE ! Sagutin mo ang (x+5) (x+9) gamit ang FOIL method !" Sigaw ng guro ng mapansin an di nakikinig si Ciel.

'Ah ? Eh? Ano daw ? patay !' Worried na sabi ni Ciel sa isipan. Magagalit nasana ang guro ngunit biglang lumindol at nayanig ang kalupaan. Magkatabi si Arista at Alois kaya ng mahulog ang babae sa upuan ay sinalo sya ni Alois at prinotektahan sa ilalim ng mesa.

Pag katapos nun ay tumingin si Arista pataas kay Alois habang tiningnan din sya ng lalaki , at nang mag aftershock may nangyaring di inaasahan.

Tinamaan ng lintik. Aksidente na halik !

Si Elizabeth na ansa kabilang upuan lang katabi ni Ciel ay naka kita nito, napansin din sya ni Arista kaya para walang gulo , bago pa man maka-react si Lizzy ay tinakpan an nya ang bibig nito."Aksidente lang iyon dahil sa lindol, OK ?" Tanong niya at inalis lang ang kamaya ng tumango si Lizzy.


Nakahiga sa kama at di mapakali , nag pakot ikotsi Aristahabang ang room mate ay nahihimbing sa pagtulog. Napahawak sya sa nga labi, tumibok ang puso.

"May crush naba kaagad ako sa kanya ?" Tanong nya sa sarili at inalog ang ulo.


Biglang nagtanong si Trancy "Ciel may crush kaba kay Elizabeth ?" Sa tanong na iyon ni Trancy ay nagblush si ciel at napadilat ang mga mata.

"Wa-wala ah !" Depensa nya" tumigil ka na nga't matulog ka !"

'Hmm' Sabi ni Alois at sinubukan nalang matulog


REVIEW KA NAMAN BEH !

Favor na , please !

Pasensya na sa writing style ko ! Di ko kasi hilig yung masyadong malalalim dahil nalilimutan ko tuloy minsan kung anong sinusulat ko !

REVIEW KA PLEASE ! :)

Lovelots,

Hana ( add mo ko sa facebook !)