PAALALA: HINDI KO PAG-AARI ANG IDEYA AT KWENTO NG HARRY POTTER AT MGA KARAKTER NITO. ANG LAHAT NG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG, ANUMANG HALINTULAD NITO SA TOTOONG BUHAY AT SA IBANG KWENTO AY DI SINASADYA AT NAGKATAON LAMANG.
"Pag-ibig, 'pag na'sok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang". Francisco Baltazar
Ikalawang Kabanata
Mataas na ang araw ng magising si Draco sa kanyang pag tatantiya alas-nuebe na ng umaga. Tinignan niya ang sariling repleksiyon sa salamin kapansin pansin ang lubog niyang mga mata, mayroon na rin siyang tumutubo na dirty strap na balbas at ang kanyang buhok na dati'y makintab at laging malinis at maayos noon ngayon ay magulo na at bagsak tulad ng buhok ng nasirang Harry Potter. Mabilis siyang naligo at nagtungo sa hapag-kainan kung saan naghihintay ang kanyang mga magulang.
"Tanghali na Draco, hindi ba may bagong iniatang na responsibilidad sayo si panginoong Voldemort?" Malamig na tanong ni Lucius.
"Hindi ko sinasadyang gumising ng tanghali papa, alam mo naman kung gaano kahirap para sa akin ang makatulog at kapag naktaulog na ako hindi ko na napapansin ang oras." Sagot ni Draco bago sumubo ng tinapay at kapirasong karne.
Ipinatong ni Narcissa ang kanang kamay niya sa balikat ng asawa, "Lucius pagpasensiyahan mo na ang anak natin alam mo namang minsan lang siya nakakatulog ng mahimbing."
"Pero ngayong lang ito Draco, inaasahan kong hindi na ito mauulit muli nagkakaintindihan ba tayo?"
Tumango lamang si Draco at nagpatuloy sa pagkain ng agahan kasama ang kanyang pamilya.
"Hoy mudblood! Ito na ang pagkain mo!" Wika ng deatheater na gwardiya sa Azkaban pagkatapos nitong ilapag ang isang basong tubig at kapirasong lumang tinapay.
Nang makalayo na ang gwardiya at hindi na naririnig pa ni Hermione ang mga yapak nito saka lang niya nilapitan ang rasyon niya at kinain ang kapiraso ng tinapay at uminom ng kaunti kaialangan pa kasi niyang pagkasiyahin iyon hanggang gabi. Nang magkalaman na ang kanyang sikmura kinuha niya mula sa loob ng kanyang unan na gawa sa dayami ang isang notebook , sa naturang notebook nakasulat ang lahat ng mga nalalaman niya sa kahinaan ni Voldemort at mga plano na kanyang isasatuparan kung sakaling makawala man siya sa piitan ng Azkaban.
"Konting tiis pa Hermione, matatapos din ang lahat ng mga pagdurusa, huwag kang susuko kailanman marami pa ang umaasa sa iyo." Kanyang winika sa sarili.
Nagpatuloy siya sa pagbabasa at pag babago ng iba niyang naisulat katulong ang uling bilang kanyang panulat nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa hanggang sa makarinig ng mga yapak palapit sa kanyang piitan, at tulad ng mabilis na kidlat agad niyang naitago ang kanyang sinusulatan at naupo sa dulong sulok nakatitig sa pintuan.
Nag bumukas ang pinto ng kanyang piitan kanyanag nakita ang lalaking hindi niya inaasahang makitang muli, ang lalaking minsang naging kaklase niya at unang tumukso ng terminong mudblood sa kanya si Draco Malfoy.
"Draco kung may kailangan ka o kung may gawin sayong di kanais-nais ang mudblood na iyan huwag kang mag atubiling gamitan siya ng mahika, basta tandaan mo lang ang inutos sa iyo at magiging madali ang lahat para sa iyo. Iiwan na kita anak ikaw na ang bahala, siyangapala kung nais mo nang lumabas pindutin mo lang ang death mark mo at agad na darating ang gwardiya para pagbuksan ka." Ibinilin ni Lucius sa anak.
"Oo naiintindihan ko."
Nang isara ni Lucius ang pinto at nakalayo na sa naturang piitan, nag conjure ng upuan si Draco mula sa mga dayaming nakaipon sa gilid at naupo dito.
"Granger, nasa sa iyo kung gusto mong pabilisin o patagalin ang trabaho ko dito."
Hindi umimik si Granger nanatili siyang nakatitig sa mga mala abong mata ni Draco mula sa kanyang kinauupuan sa sulok ng piitan. Inismidan siya ni Draco at nagpalumbaba bago ikinindat ang isang mata.
"Alam kong gwapo ako Granger at dalawang taon na rin ang nakalipas mula nung huli tayong magkita doon sa Hogwarts, pero di mo naman na dapat ipakita sa akin na may gusto ka sa akin." Pang-kukutya ni Draco na dinagdagan pa niya ng tawang mapang kutya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Hermione dahil sa pang-iinsulto ni Draco sa kaya at tumayo mula sa pagkakaupo sa sulok at lumapit kay Draco nakaduro ang kanang hintuturo sa mukha niya.
"Ang kapal ng mukha mo Malfoy, sino ka para husgahan akong may gusto sayo? Pagkatapos nang lahat ng mga ginawa mo at ng mga ka-alyado mo sa tingin mo ba magugustuhan kita? Sino ba ang nasa tamang pag-iisip sa atin Malfoy ikaw na Malaya o ako na kapaiit at pinapabulok sa Azkaban?" Nagagalit na wika ni Hermione.
"Aba tlagang mainitin ka pa rin hanggang ngayon mudblood."
Tuluyan nang di na anapigilan ni Hermione ang galit at sasampalin sana si Draco pero agad itong tumayo at hinawakan ng mahigpit ang maliliit nitong mga braso. Nang mga sandaling iyon sa tulong ng konting sinag ng araw na pumapasok mula sa maliit na bintana ng piitan saka lang nakita ni Draco ang kondisyon ng dating kaklase.
Si Hermione Granger na natatandaan niyang may mahabang kulay tsokolateng kulot na buhok na nagiging tila ginto sa tuwing masisikatan ng araw, balingkinitan na katawan na may mestisang balat at tila nag-aalab na mala tsokolateng mga mata ay wala na sa Hermione Granger sa harapan niya. Ang Hermione sa harapan niya na sa sobrang payat ay tila makikita na ang mga buto, ang dating kulot na buhok nito bagamat kulot parin ay wala ng buhay at ang balat niya dahil na rin sa mga uling sa kanyang piitan ay nadungisan na nito ngunit ang kanyang mga nag-aalab na mga mata ay nananatili paring nag-aalab.
Kahit hindi na niya ituloy pa ang pangu-ngusap kay Granger alam na ni Draco na si Hermione Granger na tulad ng isang leon, kailanman hindi padadaig sa kahit sinong gustong kumalaban sa kanya. Nasisiguro niyang hindi niya kayang sirain ang pag-iisp ng naturang babae dahil kung ang ama niyang eksperto sa naturang Gawain ay hindi nagawa ano pa kaya siya, pero tulad ng laging sinasabi ng mga kasamahan niyang mga death eater siya ay nagkaraoon ng pag-asa.
"May mga wand tayo silang mga rebelde kung mayroon man sa konti nila at dami natin kailangan pa bang ipamukha kung sino ang mananalo?
Itinulak ni Draco si Hermione sa sahig at dinuro ito mula sa kinatatayuan, "Makinig ka mudblood Granger at tandaan mo ito, alamin mo kung saan ang lugar mo kung gusto mo pang makita ang kinabukasan."
Dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Draco sa kanyang mga payat na braso nasaktan ng husto si Hermione pero hindi niya ito ipinakita, bagkus kinagat na lang niya ang loob ng kanyang labi para pigilan ang sarili sa pagsigaw dahil sa sakit at tinitigan ng masama si Draco ng mga nag-aalab niyang kulay tsokolateng mga mata.
Habang tinititigan niya ng malalmig niyang mala-abong mga mata ang mga mata ni Granger, sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa ipina-pakitang katapangan namangha siya sa isang hamak na mudblood na si Hermione Granger.
Suportahan natin sarili nating wika!
*Ang bilis ng bagong kabanata no? Mahaba kasi ang bakasyon hanggang lunes pa kaya habang ako ay nasa bahay lang nagsusulat lang ako nitong Dramioneng nobelang tagalog na ito, pero kapag may pasok na ulit toxic na naman sa trabaho kaya magiging tuwing weekends na lang ang update.
Salamat pala sa mga nagbasa, magbabasa pa lang, nag komento at mag ko-komento pa lang.
dmlainey alam mo ba na isa ka sa mga tinitingala at sinasaludo ko sa Dramione Fanfiction dahil sa husay mong mag-ingles at mag-kompo ng kwento buti na lang at hindi ka nagno-nosebleed (epistaxis) sa paggawa ng mga naturang estorya, salamat pala sa pagbibigay ng komento at pagbibigay ng oras sa pagbabasa ka mag-alala tatapusin ko ito medyo matagal nga lang dahil mahaba ito. xD
Alam ko tila matindi nag mga emosyon sa naturang nobela na ito kaya lang naisip ko kung hindi siya ganito ka-emosyonal hindi ito nobelang tagalog dahil ang mga nobelang tagalog ay puno ng malalakas na emosyon.
