Disclaimer: All the characters are all work of fiction. Everything about this story is a product of the writers imagination. This story is not meant to copyright.

Chapter 2:

Pagkauwi na pagkauwi ni Theo ay nag-practice agad siya at nagpaturo siya sa kanyang mama. Tuwang-tuwa naman ang mama niya dahil first time na sumali si Theo sa school activity.

Kinabukasan ay sinabi agad ni Ms. Audrey na matutuloy ang play nila na ikinagulat ng lahat.

"Talaga po ma'am? Sino po ang papalit kay Trevor?" tanong nila.

"Malalaman niyo sa araw ng play. Siguradong magugulat kayo" nakangiting sagot ni Ms. Audrey.

Sa kabila ng magandang balita ng kanilang teacher, makikita a rin sa mukha ni Amber ang lungkot dahil sa nag-away nga sila ni Theo sa pangungulit nito sa kanya.

"Galit siya sa akin kaya hindi siya pumasok" sabi niya sa sarili habang nakatingin sa upuan ni Theo.

Hindi naman pumasok si Theo ng araw ng iyon at alam yon ng kanyang teacher. Nagpa-practice kasi siya sa bahay nila para sa play.

"Kaya ko ito! Magagawa ko to, Amber hintayin mo ako" sabi ni Theo sa sarili.

At sa wakas, dumating ang araw ng play at marami ang nagpunta para manood. Isa kasi ito sa mga main event ng Cultural Festival. Punong-puno ang school auditorium at lahat ng upuan ay okupado, may mga standing pa nga.

Nagsimula na ang program at talagang todo bigay ang mga kasali sa pag-arte. May mga umiyak, tumawa, nagalit at parang nagbaliw-baliwan.

Sa backstage naman ay nakahanda na ang Section 3 dahil pagkatpos ng nagpeperform ngayon ay sila na ang susunod. Nakabihis na ang lahat at hinihintay na lang nila na matawag sila.

Sa kanilang lahat, si Amber ang nangibabaw. Sobrang ganda niya ngayon at bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot ng costume. Isa kasi siyang prinsesa na magaling makipaglaban, bagay na bagay sa kanya.

Napansin nilang wala pa sa backstage ang bagong gaganap sa role ni Romeo.

"Ma'am, yung gaganap po na Romeo nasaan na?" tanong ni Amber.

"Hindi ko alam, wala pa siya eh. Nako baka nagkaproblema pa siya" nag-aalalang sagot ni Ms. Audrey.

"Hala paano na yan ma'am? Nandito na tayo?" sagot naman ni Alice.

"Okay lang yan, matagal pa naman bago papasok sa eksena si Romeo. Basta magpe-perform tayo ngayon okay? Kaya niyo yan" sabi ni Ms. Audrey sa mga estudyante niya.

Maya-maya lang ay tinawag na ang Section 3-1

"Please welcome our next performers coming from Section 3-1, with their play entitled: Romeo x Juliet" sabi ng announcer. Lumabas na sila at nag-perform.

Naging smooth naman ang bawat eksena at tulad ng iba ay todo-bigay rin ang kanilang performance. Talagang pinapanood din sila ng mga tao.

Di rin katagala'y ang eksena na ni Romeo ang susunod.

Nagulat sila nang makit't malaman nila kung sino ang gumanap sa role na iyon, si Theo. At sa lahat ng nabigla sa nakita nila, si Amber ang pinaka-nasopresa. Hindi siya makapaniwalang si Theo ang umaarte ng mga oras na iyon. Pero nakaramdam siya ng saya at parang naiiyak pa siya at dahil doon, ay lalo pa niyang ginalingan ang kanyang pag-arte ganun din ang iba.

"Ju-Juliet? Okay ka lang ba? Juliet? Juliet!" tawag ni Romeo habang pinipilit niyang tumayo at inaalis ang mga nakadagan na bato sa kanila. Nakita naman niyang walang malay si Juliet na nasa tabi niya.

"Hoy Juliet! Sumagot ka naman *sad face* pansinin mo ako" dagdag niya habang nakahiga si Juliet sa mga braso ni Romeo. Maya-maya'y napaubo si Juliet at bumalik ang kanyang malay, dahilan para magkaroon ulit ng pag-asa ni Romeo sa sarili.

*cough* *cough* "R-Romeo…" sabi ni Juliet.

"Juliet! Ohaking Juliet! Sa wakas nagising ka na, akala ko iniwan mo na ako" naluluhang sumagot si Romeo. Dahan-dahang itinawid ni Juliet ang braso niya at hinaplos ang maduming mukha ni Romeo na nakuha niya dahil sa pagguho ng tore kung nasaan siya ikinulong ni Tybalt.

*smile* "H-Hindi no, hindi kita pwedeng iwan. Baka maghanap ka ng iba eh" pagbibiro ni Juliet.

*giggle* "Kahit ano pang mangayri, kahit sino pa ang dumating hinding-hindi ako maghahanap ng iba dahil ikaw lang ang mahal ko, Juliet" sagot agad ni Romeo at natawa si Juliet. Nakuha pa nila magbiruan sa kabila ng mga galos na nakuha nila dahil sa pagguho.

"Magsasama na tayo habambuhay, oh aking Juliet" seryosong sagot ni Romeo habang nakatitig sa mga mata ng pinakamamahal na kasintahan.

"Oo Romeo, at ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil ikaw ang makakasama at makakasama ko sa buong buhay ko" seyosong sagot din ni Juliet.

"Mahal na mahal kita, Juliet"

"Mahal na mahal din kita, Romeo"

Kissing scene ang huling parte ng palabas. Bumilis ang tibok ng puso ni Theo dahil dito. Sobra na ang nararamdaman niyang kaba, hiya at nerbyos dahil inilapit na ni Amber ang mukha nito sa kanya para sa kissing scene. Pero parang save by the bell and nangyari, bago pa man maglapat ang labi nila ay ibinaba na ang telon ng entablado kaya hindi na natuloy ang halik na iyon.

Nang makababa na ang telon ay grabeng palakpakan ang narinig nila galing sa mga audience. Sobrang kinilig at nadala sila sa bawat eksena nila lalo na sa huling parte ng play. Nagustuhan nila ang ginawa nila at sobrang saya nila dahil doon.

"Ang galing natin!" sigaw nila habang tuwang-tuwa na nagtatatalon. At habang nagdidiwang ang mga kasama nila sa likuran nila ay heto na ang pagkakataon para mag-usap sila.

Hindi naman akalain ni Theo na magagawa at matatapos niya ang play. Napayakap si Amber sa kanya at medyo naiiyak na sinabi…

"Ang galing mo Theo, nagawa mo. Nagawa natin!" naluluhang sabi ni Amber at sa unang pagkakataon ay tinaggap ni Theo ang tugon na iyon sa kanya ni Amber.

"O-Oo Amber, nagawa natin" medyo nahihiyang sagot ni Theo.

"Nagulat ako sayo, di ko akalain na pupunta ka at gagawin mo ang sinabi ko" dagdag ni Amber.

"G-Gusto kong makabwai sayo eh. Saka gusto kop ala mag-sorry sayo, kung nasigawan kita nun. I'm sorry" nakayukong sabi ni Theo pero nakakuha siya ng isang malambing na tapik sa mga braso niya.

"Okay lang yun no, kalimutan mo na iyon. Tara tumayo na tayo dito, makigulo rin tayo sa kanila" sagot sa kanya ni Amber at tumayo siya. Natuwa din at nasopresa ang iba niyang mga kasama at kaklase dahil sa taas ng performace level niya.

Hinding-hindi makakalimutan ni Theo ang pangyayaring iyon, lalo na si Amber. At dahil doon…

18 years later, present time

*laugh* "Mantakin mo, naalala ko pa ito" sabi ng babae habang hawak ang isang photo album na may litrato noong nasa high school pa sila ng asawa niya.

"Mommy talaga, throwback tayo dito?" sagot naman ng lalaki sa kanya habang pinapanood ang mga anak nila na naglalaro.

"Oh bakit? Cute ka naman dito eh at saka ang galing mo kaya umarte. Dahil doon, na love at first sight ako. Ikaw kaya first love ko, daddy" *wink* nakangiting sagot niya at biglang nag-blush ang lalaki.

"M-Mommy naman eh, nakakahiya yang nangyari na iyan sa akin. Sobrang nerbyos ko kaya that time habang nagpe-perform" namumulang sagot ng lalaki.

"Mommy! Daddy! Sigaw ng dalawang bata habang patakbong lumapit sa mga magulang nila na nakaupo sa may garden table.

"Oh bakit? Anong meron tayo diyan?" sagot ng mommy nila.

"Here! This is for you mommy! And this is for you daddy!" sagot ng dalawa sabay abot ng tig-isang bulaklak sa mga magulang nila.

"Aww, how sweet! Here let mommy and daddy give a sweet kiss" sagot naman ng kanilang daddy at binigyan naman nila ng halik sa cheeks ang kanilang mga anak. At bumalik na ulit sa paglalaro ang dalawa.

"Haaay ang kulit ng mga kambal natin no" sabi ng babae.

"Oo nga eh, nagmana sayo" sagot naman ng lalaki.

"Oo ah, mahiyain kasi ang daddy nila eh, kaya sakin sila nagmana" pagbibiro ng babae sa kanya.

"Tanggap ko na yan mommy. Saka wag mo na nga i-open ulit yan. Naalala ko lang yung kaba at hiya ko nun eh, lalo na't ikaw ang kaharap ko non" namumulang sagot ng asawa niya.

Natawa naman ang babae at nilapitan siya nito.

"Hindi ka pa rin nagbabago kahit lumipas na ang maraming taon. Ikaw pa rin yung nakilala ko, at ang pinakamamahal ko ngayon, Theo" sagot ng babae.

"Bakit naman ako magbabag0? Dahil sa pagiging mahiyain ko, na-inlove ka sa akin di ba? Amber" sagot naman ng lalaki.

*laugh* "Oo na Theo, nainlove ako sayo. Sobra-sobra. Naging totoo ang ending ng play na iyon no" sabi ni Amber.

"Oo nga eh hinsi ko akalain na ikaw ang magiging Juliet ko" sabi ni Theo.

"Lalo naman ako, hindi ko akalain na ikaw ang magiging Romeo ko" *laugh*

Pagkagraduate nila sa high school ay nagkasama rin sila sa college. At pagka-graduate nila ng college ay naghanap na agad sila ng trabaho, nag-ipon at napagdesisyunan na magpakasal. Ngayon ay may anak silang fraternal twins, si Kyle at Alex, lalaki at babae. Majority ng physical features ng mukha ay nakuha nila sa daddy nila at ang ugali naman ay sa mommy nila. Magaganda't gwapo ang mga anak nila gaya nila.

Ngayon ay nagsasama na sila, 4 years na silang kasal at kung ano ang turingan nila dati ay ganun pa rin sila hanggang ngayon.

Cute pa rin silang tignan na dalawa *hehe*

And they live happily ever after.

* end *