Naisayos na ang tutuluyan ng mga kapanalig ni Amihan, at sila ay nakagayak na rin ng ayon sa kanilang katungkulan.

Napansin ni Danaya na hindi pa rin mabitiwan ng kanyang kapatid ang avatar na pagmamay-ari ni Lira.

"Nasan na kaya sya, Danaya?"

"Sigurado akong ginagawa ng Prinsipe ng Sapiro ang lahat ng kanyang makakaya upang matagpuan ang inyong anak."


Sa kabilang banda naman, si Lira ay naabutan ni Ether.

"Bakit mo ba ko sinusundan, ahas ka! Tantanan mo na ko. Wala naman akong ginawa sayo."

"Wala pa sa ngayon, ngunit sa hinaharap ay magbubuklod ang mga sang'gre at magkakaroon nanaman ng kapayapaan sa encantadia. Hindi ko ito papayagang mangyari!"

"Alam mo, bitter ka lang. Para kang si Ashti Pirena, bitter sa lahat."

"Hindi ka makakabalik sa iyong ina pagkat sa oras na ito, ikaw ay sinusumpa kong makalimutan ng lahat. Walang makakaalala sayo sa encantadia."

"Yan ang akala mo, ahas ka!"

Ginamit ni Lira ang evictus sa pagtatangka niyang makaalpas kay Ether, ngunit siya ay nabigo sapagkat tinamaan siya ng kapangyarihan nito.

**
Sa Sapiro…

"Napakagandang sandata nito. Alam mo ba kung sino nagmamay-ari nito, Danaya?"
"Hindi Amihan. Ngayon ko lang rin nakita yan."

**
"Ano ba ang nangyayari dito Lira? Akala ko ba'y maaalala ka na nila kasabay ng pagpapakita ng iyong angking kapangyarihan at marka ng sang'gre?"
"Yun din ang akala ko. Pero, hindi nila nakikita ang aking marka. Marahil ay binura rin ito ng ahas na yun sa kanilang mga alaala."

"Ngunit ikaw ang nararapat na tagapagmana."
"Okay lang bessy. At least alam ko na magiging successful ang Encantandia sa iyong pamumuno. Ipinapangako ko na poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya."
"Salamat, Lira."

Dumating si Amihan at binigkas ang katagang "anak", na pareho namang nilingon ng dalawang sang'gre.

"...Mira." Pagpapatuloy ni Amihan, na muli nanamang ikinalungkot ni Lira. Ngunit tinatagan nito ang kanyang loob at tumango sa kanyang pinsan na animo'y basbas na nagpapahintulot sa kanya upang gawin ang nararapat.

Binigyan naman nng makabuluhang tingin ni Amihan si Lira habang yakap nito ang kanyang hadia, bilang tanda ng pasasalamat.


Isang linggo na ang lumipas mula ng ibinalita ng reyna ang susunod na tagapagmana. Sila ay naglalakad sa kakahuyan habang sinasanay ni Amihan si Mira upang bigyang pansin ang bawat sulok ng kanilang kaharian.

Bigla na lamang nagpakita si Hagorn at ilang mga hathor at nagsimula ng gulo. Hindi rin naman hahayaan ni Amihan na masaktan ng hadia o sinuman sa kanilang pangkat kaya't sila'y naglunsad ng opensa. Dahil nakatapat ng reyna ang gabay diwa ng ikalimang brilyante, nawala sa kanyang paningin si MIra. Kahit alam niya na kaya nitong ipagtanggol ang sarili, ay hindi pa rin maibsan ang kanyang pag-aalala dito.

Nahuli ni Hagorn si Mira at panandaliang natigil ang labanan. Ngunit hindi nagtagal at may biglang sumaksak sa likuran ni Hagorn at nabitiwan nito ang diwani ng Lireo. Si Lira pala ang dumating na nakagayak pandigma. Tulad sa kanyang binitiwang pangako, palagi lamang siya sa malapit upang ipagtanggol ang pinsan.

Subalit sadyang malakas at mahusay sa pakikidigma si Hagorn at agad na binaling ang kanyang atensyon kay Lira at ginantihan ito ng saksak.

"Pashnea kang diwata. Ssheda dini luna!" Galit na galit na sabi nito at muling itinusok ang espada kay Lira.

"Lira!" sigaw ni Mira at agad namang sumaklolo si Amihan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang nakapalaking buhawi at agad namang umatras ang mga hathor.

"Lira?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni MIra.
"O di ba, bessy? Natupad ko na ang promise ko sayo."
"Lira naman."
"Ikaw na ang bahala sa kanila ah?"
"Hindi Lira. Hindi ka maaaring umalis. Ina, tayo ng bumalik sa Lireo."

Agad na naglaho ang mga sang'gre kasama ang mga natitirang kawal. Sa bulwagan muli sila nagpakita at sa pagkakataong ito, tuluyan ng nalagutan ng hininga si Lira.

Kasabay ng pagkawala nito ay ang mabilis na pagbabalik ng alaala ng lahat.

Nanlumo si Amihan at agad nitong binitiwan ang espada at nilapitan ang wala ng buhay na anak. Hindi nawala ang mga bagong alaala bagkus, ito ay naghalo at naalis lamang ang mga bagay na hindi totoo.

"Lira!" Pagtatangis ni Amihan.


"Maligayang pagdating sa Devas, Lira." Bati sa kanya ng isang nilalang na hindi maaninag ang mukha.

"Avisala po."
"Malungkot ka ata."
"Kasi po, hanggang sa huli, hindi pa rin ako nakilala ng pamilya ko."
"Nagkakamali ka. Pagmasdan mo."

Isang parang malaking screen ang lumabas at nakita ni Lira ang pagdadalamhati ng ina. Ngumiti ito.

"Mabuti naman po at naalala na nila ako. Ayos na po sa kin yun. Sya nga po pala, kayo po ba si Emre?"
"Ako nga."
"Maraming salamat po sa lahat ng tulong at paggabay nyo sa kin. Patnubayan nyo po sana ang lahat ng nasa Encantadia."


Agad na nagtungo si Ybrahim sa Lireo nang bumalik ang kanyang alaala. Hinanap nya agad si Lira at halos gumuho ang kanyang mundo ng nakita ito.

"Anong nangyari sa ating anak, Amihan?"
"Ipinagtanggol nya si Mira mula kay Hagorn/"

Naluha na lamang si Ybrahim at galit na sinabing "Pashnea ka Hagorn! Papaslangin ko sya Amihan. Ipinapangako ko, ipaghihiganti ko si Lira."


"Hindi mo na ba nais bumalik sa Encantandia? Sa piling ng iyong ama't ina?"
"Makakasagabal lang po ako sa kanila. Alam ko po na ang misyon ko ay pagkasunduin ang magkakapatid, ngunit sadyang nagmamatigas po si Ashti Pirena."
"Sumusuko ka na, Lira?"
"Sa aking palagay po, may mga laban na hindi talaga mapagtatagumpayan. Paminsan-minsan po, kailangan natin piliin yung mga battles na susuungin natin. Kaya sa pagkakataon pong ito, tinatanggap ko na po ang aking kapalaran, ang aking pagkatalo. Hindi po ako karapat-dapat na ituring na tagapagligtas."

"Nauunawan ko ang iyong damdamin. Ngunit, hindi mo ba naisip na hindi ko kayo bibigyan ng pagsubok na hindi nyo kayang lampasan? May mga bagay na dapat mangyari, Lira. Ito ay upang mas maging matatag ang isang nilalang."
"Paumanhin po, Emre. Ngunit nais ko na lamang pong manatili dito."
"Pag-isipan mong mabuti. Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon."


Dumarami na ang retre sa himlayan ni Lira nang magpakita si Ades.

"Avisala, mahal na reyna."
"Ades. Narito ka ba upang sunduin ang aking anak?"
"Narito ako upang maghatid ng magandang balita. Pagalingin ninyo ang sugat na natamo ni Lira, at magbabalik ang pagtibok ng kanyang puso. Muli siyang babalik kung magtatagumpay sya sa pagsubok ng Bathalang Emre."
"Salamat Ades." Tuwang-tuwa si Amihan sa narinig na balita.

Agad na inutusan ni Danaya ang kanyang brilyante upang pagalingin ang anak ni Amihan. At tulad ng nabanggit ng namayapang pinunong dama, muling nagbalik ang tibok ng puso ng tunay ng nawalay na anak ng Hara.

Mahigpit ang hawak ni Amihan sa kamay ng anak, punong puno ng pagsisisi kahit hindi naman nya kasalanan ang pagkawala ng mga alaala dito. Pumasok si Ybrahim sa silid.

"Mahal kong reyna, magpahinga ka na muna, at ako na ang hahalili sayo upang magbantay sa ating anak."
"Ayokong umalis sa kanyang tabi hangga't maari. Nais kong ako ang una niyang masilayan sa kanyang paggising."
"Nauunawaan ko, Amihan. Ngunit sana'y alalahanin mo rin ang iyong sarili. Gugustuhin ni Lira na makitang nasa maayos ang iyong lagay."

Tumango si Amihan. Hinalikan ni Ybrahim ang noo ng anak at isinunod na halikan ang kamay ng kanyang pinakamamahal na reyna. Lumabas na rin ng silid ang prinsipe upang bumalik pansamantala sa Sapiro.


Marahil na rin sa pagod at agad na nakatulog ang reyna sa tabi ng anak.

Sa kanyang panaginip, nakita nya si Lira na papalayo sa kanya. Tinawag nya ito ngunit tila hindi siya nito narinig. Tumakbo si Amihan at pilit na hinabol ang anak. Muli nya itong tinawag at sa wakas ay nilingon na siya nito. Napakalungkot ng wangis ni Lira ng ito'y kanyang maabutan.

"Lira, anak."
"Inay. Patawad po ngunit hindi ko na po nais bumalik sa inyong piling. Alam ko po selfish yun dahil sarili ko lang ang aking iniisip. Ngunit, simula po kasi ng dumating ako dito sa Encantadia, puro karahasan at digmaan na lang po ang aking naranasan. At kayo na rin po ang nagsabi, na mas mainam nga po kung ako ay napatay ng inyong kapatid nung ako'y sanggol pa lamang at ng wala na kayong aalalahanin. Nakakasagabal lang po ako sa inyong tagumpay, inay."
"Kailanman ay hindi ka naging sagabal, Lira. Wag mong isipin yan. Pakiusap, bumalik ka na sa amin ng iyong ama."

"Pasensya na po talaga at hindi ko kayo mapagbibigyan. Gusto ko na lamang pong manatili sa Devas, kung saan payapa ang lahat. Walang paghihirap, at may katahimikan."
"Yan ba talaga ang iyong nais, anak?"

Naluluha na si Amihan sa pasya ng anak, ngunit anupaman ang mangyayari ay tatanggapin nya ito. Hindi nya rin ito masisi sapagkat pawang katotohanan lamang ang kanyang tinuran.

"Joke lang po, inay." Ngumiti si Lira at nag peace sign. "More than anything po, gustong-gusto ko bumalik sa inyo kahit na mapasabak tayong muli sa digmaan. Gusto ko lang po makita yung reaksyon nyo kung sakaling mag decide ako na huwag na bumalik."

"May pagka-sutil ka talaga, Lira. Hindi nakakatuwa ang birong ito. Ganunpaman, nagagalak akong makita at makausap ka."
"Hehehe. May kailangan lang po akong tapusin para kay Emre. Antayin nyo po ang aking pagbabalik. Promise po."
"Panghahawakan ko yan, anak."
"Makakaasa po kayo."


Sa Devas..

"Nakapagpasya ka na ba Lira?"
"Opo. Nais ko pong bumalik ng Encantadia. Na-realize ko po na hindi pa tapos ang papel ko bilang tagapagligtas. Kahit na sa tingin ko po ay hindi ako karapatdapat. Salamat po sa pagkakataon. Sa muling pagkikita po ulit, Emre."
"Ikinagagalak ko ang iyong pasya. Maaari ka ng bumalik sa iyong ina."


TBC...