Unang Kabanata
Ang unang pagtatagpo namin ni Kuneho ay naganap sa isang hindi mapagkaraniwang sitwasyon, nahuhulog ako sa ere habang may hinahabol ako na mga kriminal at iniligtas niya ako sa bingit ng kamatayan. Utang ko sa kanya ang aking buhay at puspusan sana ko siyang pasasalamatan kung hindi lang niya ako pinagsungitan na ikakamatay ko daw ang katigasan nang aking ulo at dahil tumatanda na daw ako sa aking ginagawa, mas nararapatan na siya na lang daw umaako ng responsibilidad na ito.
Kami ni Kuneho ay nagtratrabaho sa...isang distrikto sa sternbild bilang masusugid na mga...mambabatas. Baguhan pa lamang si Kuneho sa trabaho at malugod na siya agad na sinalubong ng aking mga katrabaho at gayun din sa mga nakakataas dahil sa pagligtas niya sa akin. Pormal kaming pinakilala sa isa't isa at sa hindi katagalan ay nalaman ko na kaming dalawa pala ay ang magiging mag-partner.
Sa umpisa pa lang, ay nagkakatalo na kami ni Kuneho, Xerex. Nagmamatigas siya sa kanyang sariling paniniwala sa batas at umaasa siya sa makabagong teknolohiya para maglapat ng hustisya. Higit isang dekada ang agwat ng edad namin ni Kuneho, kaya siguro masasabi natin na 'generation gap' din ang dahilan ng aming hindi pakikipagsunduan. Dahil matagal-tagal na ako sa propesyon na ito at madami-dami na din ako napagdaanan sa buhay, pinapagpasensyahan ko na lang siya. Totoy pa si Kuneho, may gatas pa siya sa labi, at sa mga susunod na araw na magkakasama kami ay madami pa siyang kakaining bigas.
Xerex bago ko malimutan, si Kuneho pala ay isang binata, hindi lalagpas ng bente-singko anyos. Siya ay may konting katangkaran sa akin, matipuno ang kanyang pangangatawan na mapapansin mo agad sa kanyang hapit na pananamit. Yun yata ang uso sa mga lalaking kabataan ngayon. Katerno lagi ng suot niya ay antipara na kulay rosas, na meron siyang apat pang pares. Madali mo mapapansin si Kuneho dahil sa kanyang malambot at umaalon na ginutaang buhok, na mahahambing mo sa mga babaeng modelo sa mga komersyal ng shampoo. Maputi at makinis ang kanyang kutis at may dating sya na kakaibang uring...'kagandahan'. Hindi ko mai-lugar ang kanyang hitsura Xerex, dahil hindi naman siya brusko, mabalbon o makisig para sa isang binata tulad ng mga aking mga kasamahan. Siguro kung siya ay isang babae, si Kuneho ay isang guwapa at makisig na babae...na may malalim na boses.
Hindi katagalan at aming relasyon bilang mag-partner at masusugid na mambabatas ay dumaan sa maraming pagsubok at dahil dito naging mas matatag aming samahan. Hindi ba may kasabihan na "Don't judge a book by it's cover"? Totoo sya sa sitwasyon namin, Xerex. Ung pagiging isnabero at kasungitan ni Kuneho ay isang balat-kayo lamang. Sa totoo, malungkot sya at madalas mapagisa, nagigising sa bangunguot at umiiyak sa kung saan wala nakakakita sa kanya. Nalaman ko na naulila sa maagang edad si Kuneho, nakita niya paano pinatay ang kanyang mga magulang at hanggang ngayon ang kaso ay hindi pa nareresolba. Yun daw ang rason bakit naging siyang mamababatas, para matugis nya ang mga kriminal na elemento at mabigyan husitya ang kanilang pagkamatay. Ako din ay nag-bukang loob sa kanya, naikuwento ko ako ay isang balo at pansamantala nakatira malayo sa aking pamilya dahil nga sa aking trabaho.
Sa aming dalawa, mas matindi ang pressure ng trabaho kay Kuneho, Xerex. Mula sa araw na linigtas niya ako, siya ang naging mas kilala sa mga mamamayan. At bakit hindi? Bata pa siya, matipuno, masigasig at itinuturing na magandang halimbawa sa mga batang gusto maging mambabatas tulad niya balang araw. Ginawa din siyang pampubliko na tagapagpasalita ng distrikto namin at dahil sa kanyang 'kagandahan' ay naging patok din siya sa mga kababaihan. Kinuha pa nga siyang modelo ng swim wear na pang-lalaki. Hindi ako nag-e-exag kung sabihin ko na may sarili na siyang fan club. Ganun kasugid ang kanyang mga tagapaghanga.
Meron naging insidente, habang bumibisita kami sa isang establisyemento para sa isang seminar ay nagkakagulo ang mga kanyang mga tagahanga na karamihan ay mga dalaga. Nagkatulukan, nagsisigawan at mistulang mga nababaliw para lang makasulyap lang sa kanilang idolo. Meron pa nga nagbato ng namamasang saplot nila na aking ikinadiri at agad kong iniwasan at dahil dito muntik na akong madulas sa binababaan naming hagdanan. Siguradong basag buto buto ko nun, Xerex, dahil nasa ika-bente siyete kaming palapag ng gusali na yun at wala pang harang ang mga riles ng hagdanan. Mabilis ako nailigtas ni Kuneho sa pagkahulog at binuhat nya ako sa kanyang matipunong mga braso.
Hindi ko alam kung mabwibwisit ako o ikakagalak ko ang nangyaring pagligtas ni Kuneho. Ikakagalak ko dahil linigtas niya ako sa pagkahulog o nabwibwisit dahil imbes na matakot para sa aking buhay ay kinilig pa at lalong naghihiyawan ang mga nababaliw nyang mga tagahanga. Hindi nakatulong na bumulong ang nakangising Kuneho sa aking tenga, "Ito yata ang pangalawang beses na kinarga kita, Tigre." sinabi niya na pabulong, "Parang bumigat ka yata." Sumimangot na lang ako at bumaba sa kanyang buhat, nakangiti para rin siya nun at nagumpisa umiinit ang mukha ko sa kahihiyaan. Napakamot ulo nalng ako, habang kinakalma niya ang masusugid niyang mga tagapaghanga. Hindi ko alam napapansin niya ang maliliit na mga bagay na ganun.
Medyo matagal rin bago ko napagtanto na ang nararamdaman ko sa kanya ay pag-ibig na. Yun bang tipong, pag nakikita ko sya ay nanlalamig ang aking mga kamay at para bang ang boses nya lang ang naririnig ko. Minsan, aaminin ko, Xerex, tinitingnan ko siya mula ulo hanggang paa at ang lahat ng dugo na dumadaloy sa aking ugat ay bumababa sa... doon na nga.
Alam kong nahuhulog din ang loob niya sa akin, pero di niya lang maamin. May pagka masikreto kasi siya at bihirang magtiwala sa tao. Maraming beses din na muntik muntikanan ko nang masira yung tiwalang yon. Pero nakababawi rin ako.
Meron maiikling panahon na naiiwan kaming dalawa lamang na magkasama sa opisina. Yun lang ang tanging pagkakataon naipararating namin ang aming pag-mamahalan sa maliliit na bagay, tulad ng paghahawak kamay, at ang pagsandal nya sa aking balikat, at pagsambit ng "Mahal na mahal kita, Tigre". Tuwing babanggitin nya ang aking pangalan ay mayroong kakaibang liga sa aking puso. Alam kong ganun din ang nararamdaman niya.
Dahil sa sobrang abala kami pareho sa trabaho, wala na rin kaming mahabang oras para sa isa't isa. Madalas ko tuloy maisip na, 'Kuneho, kahit ba Mr. Quickie hindi pwede?' at isang araw hindi ko man lang napansin nasabi ko ito ng malakas habang nag-e-eksersiyo kami sa treadmill. Huli na nang mapansin ko na nakatingin sa akin si Kuneho na akala mo ay aagawin ko sa kanya ung Peppermint Java Chip Frappuccino na binili niya kaninang umaga sa istarbaks. Halos mamula mukha ko nun Xerex, kasi hindi lang kami magkasama nun, nandoon din mga kapwa ko katrabaho na nag-e-eksersiyo din at itinawa na lang nila ang aking sinabi.
"Hindi puwede." Pahingal na sumagot si Kuneho na nakangiti na ikinagulat ko. Madalas kasi pikon yun. "Mas nababagay sa iyo ang mag-mister donut na lang."
Buti nalang walang naka-gets ng joke na yun, Xerex. Kasi naman, kainan yun. Pero nakita ko ang lagkit ng kanyang tingin at nang biglaan nyang hinaplusan ang aking kamay, muntik na ako tumalsik at madulas sa treadmill. Pinagtawanan ako ng mga kasamahan ko, nasobrahan daw siguro ako ng kape. Tumawa na lang din ako at natawa din si Kuneho. Tumatawa kaming lahat pero sa loob-looban ay doon ko din na-isip: Si Kuneho din ba ay may pagnanasa sa akin? O di kaya'y nakikipaglaro lang siya? Kasi minsan pakiramdam ko ay nahuhuli niya ang aking mga patagong mga sulyap sa kanya.
Dumaan mga araw at nahalata ko ang kanyang medyo nakakaibang pagkilos. Hindi ko alam kung siya ay nagpapahiwatig ng pisikal na pagnanasa o masyado lang ako nag-iisip. Ganoon pa rin ang relasyon namin, Xerex, mga simple na pag-hawak ng mga kamay papunta sa opisina, nagbubuntong hininga siyang sumasandal sa aking balikat kung siya ay nanlulumbay, nagkukuwento kami sa isa't isa aming mga ambisyon sa buhay, nag-aasaran... pero yun nga may mga sitwasyon na kung saan lalo siya nagiging agresibo. Kung kami ay nag-tra-training, maghahanap ng paraan si Kuneho na maitulak ako sa sahig o isubsob sa pader at ipitin ako sa ilalim niya, mga binti namin nagdidikit, mga katawan namin nagpapawis. Susumbat siya nang "Bumabagal ka na, tanda." at nararamdaman ko ang ngiti niya at bigat ng kanyang hininga sa aking leeg. Lalo na kung break sa opisina, kung ako ay nagpapahinga, bigla na lang siya lalapit para mag-abot ng kape at maghanap ng dokumento, magugulat na lang ako at nakatapat na lang pundya niya sa akin. Dati kasi tatapikin lang ako nun sa balikat kung may kailangan siya. Sinabihan ko ganun na lang gawin niya, kaysa naman aatakihin ako sa puso.
Hindi ko alam kung siya ba ay nanadya dahil nang isang beses, busy ako sa pagawa ng report sa trabaho nang tinapikan niya ako sa balikat. "Tigre." Sabi niya, at sinabi ko maghintay muna siya ng saglit. "Kailangan ko makigamit, importante lang..." pinagpilitan niya, at nainis na ako at inikot ko ung upuan para harapin siya nang... muntik sumubsob nanaman ang mukha ko sa kanyang pundya.
"Ano ba yan, Kuneho!" Sumbat ko, nanginit ang mukha ko at sa gulat nanikip agad dibdib ko. "Sinabi ko na huwag mo ako biglain! Ang lapit mo pa!"
"Bakit?" Tukso niya, at nakita ko tinangal niya ang kanyang antipara at dinaan niya ang kanyang mga darili sa kanyang gintuaang buhok. Hindi man lang gumalaw ang mokong sa kanyang pagkapuwesto at bumukaka pa nang konti, kulang na lang ilabas niya ari niya at ipasubo ito sa akin."Gusto mo ba ang iyong nakikita?"
"Ano?" Muntik akong mapasigaw at iniwasan ko ang aking tingin sa kanyang pundya. Siya naman ay muntik na mapatawa.
"Haha, hindi ka naman mabiro," sabi niya. "May dumating sa iyo na parsela, galing sa inyo." At linabas niya isang maliit na kahon na nakabalot sa kanyang likuran. "Nakalimutan mo kunin sa baba kanina, ako nang kumuha."
Napaupo siya sa katabing mesa, matahimik na inoobserbahan ang aking kilos habang binubuksan ko at tinitigan ang laman nang parsela. Nang matapos ako doon lang siya nakapagsalita.
"Tigre" sabi niya, nakatupi ang kanyang mga palad, mistulang tinitignan niya ang itim niyang singsing. "Nagyaya ang ating mga kasamahan sa isang bagong kainan na hindi kalayuan sa siyudad, mamayang uwian." sabi niya, at dahan dahan siyang tumayo. "Kung wala ka na ginagawa at kung gusto mo makahabol mamaya, sabay na tayo pumunta."
Tumango na lang ako, itinabi ko ang parsela na aking hawak. "Sige, i-text na lang kita mamaya kung makakasunod ako."
"Sige..aasahan ko yan..."
Parang may gusto pa sabihin si Kuneho nun, Xerex, pero tumungo na lang siya at umalis. Lingid sa aking nalalaman, heto na pala ang gabing sadyang hindi namin malilimutan...
ipapagpatuloy...
A/N: Ang kabanata na ito at ang mga susunod pa ay magkakaroon ng pananaw ni Barnaby. Abangan! Dumudugo na ba ilong niyo, mga mambabasa :D ?
