Day 1

(part 1)


Dec. 26, 2010...

"*yawn*... ughhh... umaga na pala, teka, asan ako?" tumingin ako sa paligid. Nasa bahay na pala ako nakahiga sa kama sa aking kwarto. Napatingin ako sa kalendaryo.

"totoo kaya yung nangyari? O panaginip lamang iyon?" bulong ko sa sarili. "pero... masyadong imposible yun para maging makatotohanan, marahil panaginip nga lamang iyon"

"sigh..." napatingin ako sa aking palad at nagulat ako sa Makita ko. May nakasulat na numero...

"6:23:58:37"

"wat da... ano to? Ahh.. bahala na basta pupunta ako sa kompyuteran ngayon"

Tumungo ako sa computer shop sa kalye ng bonifacio. Pumasok ako sa shop at dumiretso sa counter.

"kuya, no.6, open time po" sabi ko sa bantay.

Lumingon siya sakin ang bantay, naka gray na sweater at naka-itim na baseball cap na "kamusta na bata? Sinusulit mo ba ang mga huling araw ng buhay mo?"

"woahhh! Ikaw yung... ikaw yung mamang nakilala ko kahapon. Ikaw si Grimm di ba?"

"heh... buti naman natandaan mo, ipapaalala ko lang sayo na may anim na araw, dalawampu't isang oras, labinglimang minuto, at tatlumpu't siyam na Segundo ka pang natitira."

"O_o haaa! So.. totoo nga ang mga nangyari kahapon..."

"Di ka parin ba naniniwala? Tingnan mo ang iyong palad, nakalagay diyan ang natitirang oras ng buhay mo"

Tumingin ako sa palad ko... "6:21:15:19"

"waaahh! Ano to?" sigaw ko. Napatingin sakin ang mga tao sa kompyuteran.

"Yan ang nalalabi mong oras sa mundong ito."

"...sigh... talagang wala akong takas dito..."

Di na ako naakapagsalita. Dumiretso ako sa pc ko. Mahigit dalawang oras din akong naglaro. Lumabas ako sa compuer shop.

"Subukan mong maghanap ng kaibigan, nang mabago naman ang daloy ng buhay mo." Sigaw saken nung reaper.

"..."

Kaibigan huh... Di ko kaelangan ng kaibigan. Pare-pareho lang silang lahat, nagkukunwareng kaibigan pero ang totoo tatraydorin ka lang sa huli. At sino ba siya para pagsabihan ako? Isa siyang reaper, di niya alam kung pano mabuhay ang isang tao, kung pano ako mamuhay. Nabubuhay ako nang malaya, gagawin ko ang gusto ko, wala ako pakialam sa mundo.

Naglalakad na ako patungo sa tambayan ko, ang eskinita ng Rizal. Isang lugar sa Bonifacio street ay kaunti lang ang tao. Doon ako lagi dumadaan, dahil walang istorbo. Tumawid ako sa pedestrian crossing, ako lamang ang mag-isang tumawid. Sa kabilang dako naman may isang babaeng tumatawid busy sa kakatext sa kanyang cellphone.

"tingnan mo to... busy sa kakatext di tumitingain sa kanyang tinatawiran."

Ilang hakbang nalang at makakatawid na ako nang bigla kong napansin na may isang rumaragasang jeep ang padaan, at mukhang madadale itong babaeng busy sa kanyang cellphone.

Ewan ko, pero bigla nalang gumalaw mag-isa ang aking mga paa at agad akong tumakbo sa kanyang pinaroroonan.

"Oi miss! Lumingon ka!" sigaw ko sa kanya.

"huh?" napalingon siya at nakita niya ang jeep na papalapit na sa kanya.

"beep! Beeeeeeeeeeep!"

"wAaahH!"

Sakto naman at agad ko siyang naitulak bago siya mabangga. Pareho kameng tumumba sa kalsada.

"ughh... bulag ata yung driver o baka naman lasing... talaga naman oh!" bulong ko sa sarili.

Napatingin ako sa babae na hanggang ngayon ay gulat na gulat at nanginginig sa takot.

"uhm... miss, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"huh? Ahh.. oo, salamat ah, kung di mo ako iniligtas marahil patay na ako ngayon"

"patay na ngayon..." bulong ko sa sarili. Sa mga oras na iyon, naging masaya ako. Dahil kahit papano sa huling linggo ng buhay ko ay nakatulong ako sa kapwa.

"kuya? Okay ka lang?"

"..." Napaisip ako. Gaano nga ba kahalaga ang buhay ko? Papano kung tuluyan na ako mawala sa mundong ito?

"uhm.. helloooo? Kuya!"

"ah... oo ayos lang ako" ...Kung namatay na agad ako, malamang dedz na ren tong babaeng to. Paano ko ito ipapa-alam sa mga magulang ko? Ni wala nga akong kaalam-alam kung nasang dako na sila sa mundo.

"mabuti naman. Salamat talaga ha!"

"walang anuman, sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo..." ...At... ano kaya magiging reaksyon nila?

"hehe... okay... ako nga pala si Eri, Eri DelaPaz"

"..." ...Malulungkot kaya sila? Marami kayang taong makakapansin sa aking pagkawala sa mundong ito?

"ikaw anong pangalan mo?"

"..."... At saan ako mapupunta pagkamatay ko? Langit ba? O impiyerno? Siguro langit, nakapagligtas ako ng isang babae e... ahh... wala akong panahon para mag-isip nang kung ano-anong bagay. Maka-alis na nga!

Agad ako lumakad patungo sa eskinita nga Rizal.

"woah! Teka lang san ka pupunta?"

Nakararating ako sa eskinita ng Rizal. Tumigil ako upang pagmasdan ang mga makukulay na graffiti sa pader. Isang uri ng sining na nagpapakita nang kalayaan.

"teka! Hintayin moko! ...huff..huff..." sigaw nung babae na tumatakbo papunta sakin. Anu nga ulit pangalan niya? Ernie? Erika? Edna? Hmm... Napakamot ako sa ulo.

"Wah! Bakit mo ba ako sinusundan?" tanong ko sa kanya

"Bakit kasi ang hirap mong sundan?"

"huh? Teka Ernie, una sa lahat hindi kita inutusang sundan ako. "

"Pake-alam mo ba kung gusto kitang sundan, nagpapakita lang naman ako ng utang-na-loob eh. At isa pa hindi Ernie pangalan ko, ako si Eri, as in E-R-I."

"Hay... ingay naman nang babaeng ito.."

"Huling tanong ko, ano nga bang pangalan mo? Nang makapagpasalamat ako nang maayos"

"... Ares... ako si Ares Magsumbol"

"Ayun naman pala e, ganun ba kahirap sabihin pangalan mo at di mo masabi?" bigla siyang ngumiti. "Ares.. salamat ha at niligtas mo ako"