Gangsters Do Fall in Love
by: MoonlightAkatsuki29.
Disclaimer: Hindi ko pag-aari ang Prince of Tennis, lalong-lalo na ang characters. Credits to Takeshi Konomi-sensei.
A/N: Please do support my new multi-chapter story, Gangsters Do Fall in Love. Ang plot ng kwentong ito ay sariling akin at kathang-isip lamang. Alternative Universe and Out of Character-ness will be found in this story. Please, bear with me! Thank you.
Language: Filipino.
Chapter Two
Halos isang linggo na ang nakakalipas ng mangyari iyon. Kapag nakakasalubong ko sila sa hallway, umiiwas na lang ako. Nararamdaman ko ang tingin nila sa akin, pero hindi ko ito pinapansin.
May isang pangyayari na hindi talaga maiiwasan. Magtatapon ako ng basura sa may likod ng building. Naka-toka kasi ako sa paglilinis noon. Nadatnan ko sila roon.
Narinig kong tinawag ako ni Tezuka pero hindi ko siya pinansin. Pabalik na sana ako sa room ng bigla niya akong hilahin papunta sa kanya. Nakasalamin siya ngayon.
"Bakit hindi ka namamansin?" tanong niya at umiwas naman ako ng tingin.
"Wala. Bakit kita papansinin?" sabi ko sa kanya at papaalis na sana ulit ako ng bigla niya ulit akong hilahin.
Napalakas ang pahila niya kaya ang nangyari, na-out of balance ako. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko para hindi ako tuluyang matumba.
"Ayos ka lang?" mahinahong tanong niya sa akin.
"A-ayos lang ako." sabi ko at kaagad akong lumayo sa kanya.
Nakita ko naman na nakatingin sa akin ang mga kaibigan niya. Nakakakilabot ang ngiti ni Yukimura. Parang mangangain ng buhay.
"Alis na ako." paalam ko sa kanila at dali-dali akong umalis.
Anong nangyari roon? Para tinatanong ko lang kung bakit hindi siya namamansin. Pagkaalis ni Sakuno, nakita ko na nakatingin sa akin sina Yuki.
"Anong tinitingin-tingin ninyo?" tanong ko sa kanila.
"Tezuka, in love ka ba?" biglang tanong sa akin ni Yuki.
"In love ka dyan. Hindi, ah. Pagdating sa love-love na iyan, madaldal ka." sabi ko kay Yuki.
"Tezuka, bakit si Ryuuzaki ang pinagtitripan mo?" seryosong tanong sa akin ni Fuji.
"Hindi ko siya pinagtitripan."
"Eh, anong tawag mo diyan sa ginagawa mo? Nakikipaglaro?" sabi ni Sanada.
"Hindi ko siya pinagtitripan at pinaglalaruan. Wala lang. Na-cha-challenge lang ako sa kanya." paliwanag ko sa kanila.
"Na-cha-challenge? Paano?" tanong ni Yuki.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako na-cha-challenge sa babaeng iyon. Kung tutuusin, ordinaryong babae lang siya. Wala siyang pinagkaiba sa nakakasalubong namin na mga babae.
Bakit ako namumula?! Porket nakasalamin lang siya ngayon, nagkakaganito na ako! Naghilamos ako ng malamig na tubig para mahimasmasan ako ng kaunti. Napatingin ulit ako sa salamin. Namumula nga ang mukha ko.
"Aaaarrrrggghhh! Badtrip!" sigaw ko at lumabas na ako ng restroom.
Napatingin kay Sakuno ang isang babae noong nasa restroom pa ito.
"Baliw ba iyon?" bulong niya.
Bigla niyang nakasalubong ang isa sa mga kinatatakutan ng school, si Yukimura.
"Kuya-"
"Huwag mo akong tatawaging kuya kapag nandito tayo sa school." napayuko na lang siya sa sinabi sa kanya ni Yuki. May kinuha naman siya sa bag niya.
"Pinapabigay nga pala ni Mama, Kuya." sabi na lang nito sabay abot ng isang lunch box.
"Nakalimutan mo raw kasi kanina." pagpapatuloy nito pero hindi ito kinuha ni Yuki.
"Hindi na dapat siya nag-abala." sabi ni Yuki at umalis na ito.
Ano ba ang dapat gawin niya para bumalik sa dati ang kuya niya? Nalaman lang niya na may ibang babae ang ama nila, naging gangster na ito.
Naglalakad si Fuji sa may hallway ng bigla niyang makita ang kapatid ni Yukimura na si Tsukimi. Umiiyak ito at may hawak-hawak na lunch box.
"Tsukimi, bakit ka umiiyak?" tanong ni Fuji kay Tsukimi.
"W-wala." sagot ni Tsukimi.
"Anong wala? Si Yuki na naman ba?"
Hindi na umimik si Tsukimi. Umiyak na lang siya kay Fuji. Marahang niyakap at inalo ni Fuji si Tsukimi.
"Syuusuke, hindi ko na alam ang gagawin ko kay Kuya. Wala na ba siyang pakialam sa amin?" umiiyak na tanong ni Tsukimi.
"May pakialam pa rin siya sa'yo." bulong ni Fuji.
Habang pauwi si Sakuno sa kanila, may nakita siyang isang pusa na nasa isang box. Madungis ito at halatang walang aampon rito. Kinuha niya ang pusa at binuhat ito.
"Hello, neko-chan. Nasaan ang amo mo?" tanong niya sa pusa pero ngumiyaw lang ito.
"Ryuuzaki."
Napalingon naman kaagad siya sa tumawag sa kanya. Si Yukimura.
"Y-yukimura-san, b-bakit?" tanong niya.
Bigla siyang kinabahan kasi sobrang seryoso si Yukimura ngayon. Lumapit sa kanya si Yuki at medyo napaatras si Sakuno. Bigla itong ngumiti pero kinakabahan pa rin siya.
"Nakita mo ba si Tezuka ngayon?" tanong sa kanya ni Yuki.
"H-hindi. B-bakit sa akin ninyo siya hinahanap?"
"Wala. Sige. Mauna na ako." nakangiting paalam ni Yuki at umalis na ito.
Makalipas ang ilang minuto, biglang natauhan si Sakuno. Kinausap siya ni Yukimura!
A/N: Thank you sa mga sumusuporta sa kwentong ito. Thank you rin sa mga nagreview. Till next chapter! Review~
~ MoonlightAkatsuki29.
