Chapter 2: Striked Three. Plus One
Disclaimer: Nabaon na si Crystal Bundalian sa hukay dahil hindi na nagparamdam. Alam ko. Hindi n'yo siya kilala.
-+-
Ni minsan, hindi pa pumasok sa napakagulong isipan ni Toni na mag-e-end-up siya sa isang sitwasyong tarantang-taranta siya sa kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi niya malaman, habang nakaupo siya sa mahabang sasakyan ng dalawang weird na magkapatid, kung makikinig siya sa dada nang dada na babae sa kaliwa niya o kung matatakot ba siya sa masamang tingin ng nakasalamin na lalaki na katapat niya, o kung iisipin niya kung saan na napunta ang bandehadong isda na pinapadeliver ng tiya niya kay Aling Toyang.
"...ah, s'ya ng pala," tuloy ni Fuyumi na ngumunguya ng Voice Combo buskwit na nabili niya sa isang sari-sari store dahil namamangha ito sa pagkaing pang-mahirap. Nabibili daw pala ng retail ang mga pagkain dito. "Pwede mo bang ituro kung sa'n yung bahay ni Aling Nena dito?"
"Ang t'yahin ko po?" biglang tanong ni Toni, quite surprised na may kakilala palang mayaman ang tiya niya.
"T'yahin mo siya? Kaibigan siya ng nanay namin ni Kyouya," reply ni Fuyumi habang ngumiti sa direksyon ng kapatid na lalaki. Kyouya scoffed. May pinagmanahan nga talaga ang ate nito. Sa nanay niya. Buti na lang, hindi siya natulad sa kapatid, kundi, mababaliw na 'to tulad ng kaibigan niyang si Tamaki. Ano bang nakikita nilang interesante sa mga mahihirap na tulad nila?
Kung hindi lamang siya binlack-mail ni Fuyumi, hindi naman sasama ito para manatili ng ilang araw sa isang uncivilized na residential area. Ang problema nga lang, ibebenta daw ng ate niya kung saan siya nagkukuta sa ex-girlfriend niyang 'Kano na ubod ng lagkit at dikit ng dikit sa kaniya. Kung hindi lamang siya anak ng isang malaking kumpanya sa Amerika, hindi niya papatulan ito. Honestly.
---
Maayos na pinark ng driver ang kotse sa tapat ng munting bahay nina Aling Nena. Pagkatapos nito, sabay sabay na lumabas ang tatlo (hindi kasama ang driver) and made their way to the gates.
"Kokoy! Buksan mo nga ang pinto!" sigaw ni Toni and moments later, Kokoy came rushing down the staircase and hinilang bukas ang pinto.
"Oi, alam mo bang kinukulit ako kanina pa ng bestfriend mong bading?" pareklamong salubong nito. Hindi man lang niya napansin ang magkapatid, one guy in a long-sleeved polo-shirt, despite ng pag-kainit-init na panahon sa Pilipinas dala ng global warming at isang magandang babae na may flowing black hair na naka-summer dress. "Alam mo naman na allergic ako sa mga walang kasarian kaya pwede? Atsaka, naliligaw yung isa mong bra sa drawer ko. Kunin mo na--teka, sino mga to?"
Sa wakas, tumahimik din ang mokong at napansin ang mga kasama ng pinsan. Pumasok si Fuyumi sa loob ng bahay with a goofy look on her face, obvious na nababana na naman sa isang commoner's home, leaving Kyouya outside, na still, may mantsa sa dress suit at nangangamoy malansa.
---
"Wala ka bang t-shirt diyan?" tanong ng isang bad-trip na Kyouya kay Toni. Naiwan silang dalawa sa sala habang umalis si Kokoy para tawagin ang nanay niya. Ito namang si Fuyumi, naisipan ng sumama. Hindi pa daw kasi siya nakakapunta sa isang palengke.
"Uh--"
Nangangatog ito sa takot sa kakaibang negatibong aura na inilalabas ng binata. Shet. Rolling his eyes in dismay, he slowly unbuttoned his shirt, revealing ang isang white na sando, perfectly clinging on his well-toned muscles. Buti na lang, natutong mag-work-out si Kyouya at napanatili niya ang sarili niyang fit and right. He even lost twenty-eight pounds in just three weeks©.
"Teka," sabat ni Toni, alarmed sa biglang paghuhubad ng isang mukhang nangmamassacre na estranghero sa harapan niya. "Anong ginagawa mo?!"
"Tinapunan mo ko ng malansang God-knows-what. Sino ba naman ang magnanais na suotin ang isang mabahong damit?" he replied coolly, smirking with the mere look on her face. Ang cute niya pero he wouldn't give a damn. "Green minded ka pala."
"Hinde no!" defensive na sigaw ni Toni habang tumayo ito at umakyat para ikuha siya ng extrang t-shirt mula sa de-oro ni Kokoy.
Pagkababa niya, wala nang damit si Kyouya at nasa kusina ito, with a damp towel at pinupunasan ang six-packed abs nito. Blushing, Toni looked away, feeling slightly violated at tinapon ang blue na t-shirt over his head. "Pwede ba, mahiya ka naman!"
Aba, Kyouya mused. Sino ba tong babaeng to para tapunan ako ng damit? At sigawan ako?
Tossing the towel on the sink, pinuntahan niya si Toni with a growing intent to strangle her to death. Lumunok ng namuong laway ang dalaga at nag-back away, cursing nang bigla niyang na-feel ang dingding sa likod niya. He pinned her against it while hissing.
"Strike three ka na," ani Kyouya habang yumuko ng kaunti. Toni closed her eyes, ang legs niya, feeling niya, natutunaw na at nag-jejelly dahil sa takot. "At hindi ko—"
"Shokla!"
Patay. Nandito na ang bakla at katapusan na ng mundo.
Napahinto si Ross sa nakita niya. Isang half-naked na Adonis, towering over his--este 'her' pala--a flushing best friend. Nag-freeze si Kyouya, nabigla ata sa sight ng isang bading na naka-pink na shorts at bright yellow spaghetti-strap na top, with a large artificial fresh flower na nakasabit pa sa tenga for the finishing touch.
"Oh My God, Antoinette! BUNTIS KA!!!"
Double dead. Triple shit.
Alam ni Toni na mahirap mag-explain kay Ross dahil lalo niyang pinapalala ang sitwasyon dahil sa kitid ng kokote nito.
Toni smacked her head in disbelief when Kyouya pulled away, hastily putting on the shirt, habang iniisip niya kung paano nabuntis ang aso ng best friend niyang si Tamaki.
---
Malalaman ba ni Kyouya na kapangalan lang ni Toni ang aso ni Tamaki? Gaano katagal pa mananatiling walang kasarian si Ross? Kelan titigil si Fuyumi sa pagkulit kay Kokoy na gusto niya din ng artificial fresh flowers (c) Bob Ong? Malalaman ko ba kung kailan ako tatantanan ng mga insekto sa pag-aakalang patay na ko? Abangan sa susunod na kabanata!!!
A/N: Ahem. Alam ko na na cute talaga ako. Di niya na kailangang sabihin yon. Mag-iwan na lang kayo ng review kung nagustuhan n'yo ang scratch paper ko sa kagaguhan. 'Til then!
