Chapter 2
"Ohayou Oya-ji, Taka-chan. " masiglang bati ni Sakuragi sa mag-ama habang nagbubuhat ng mga kadi deliber lang na seafood para sa kanilang sushi shop.
Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang nakilala ni Sakuragi at Youhei ang mag-ama. Ilang araw lamang matapos ang graduation nila sa Shohoku High, lumipat ang magkaibigang Sakuragi at Youhei sa Tokyo, makaraang malaman nila ang resulta ng kanilang entrance exam.
Si Sakuragi na nais maging coach/teacher balang araw ay Bachelor of Arts in Education ang kursong kinuha. Samantalang si Youhei ay Bachelor of Mass Communications.
Isang umaga habang nagdya jogging si Sakuragi, na kaniyang nakagawian sa tuwing umaga. Nakita niyang nagbubuhat ang matandang Kawamura ng mga seafood at inalok ito ng tulong. Pamuhat noon ay nakagawian niyang tulungan ang matanda twing umaga.
"Ohayou Hana-nichan, Youhei-nichan. Ang aga niyo namang pumasok. Akala ko pag highgschool at middle school lang maaga ang pasok hehehe". Pahayag ni Takashi habang nagbubuhat.
Bakas sa ngiti ng binatilyo ang ligaya na makita ang kaniyang mga "kuya". Magaan ang loob niya sa dalawang binata. Hindi lamang dahil sa tinutulungan sila ng mga ito, kundi dahil na rin sa mabuting pakikitungo sa kanila.
"Ne, Taka-chan wala ka bang pasok ngayon? Senior year mo na sa middle school diba?"
"Oo Hana-nichan. Minsan sana makadalaw kayo sa school namin. Malapit na ang ranking para sa regulars. Sana mapanood nyo laban namin."
"Takashin-kun, tennis sport mo di ba? Malamang di alam ni Hanamichi yun, haha" nakangising pahayag ni Youhei.
"Tennis! Of course alam ko yun Youhei. Parang basketball lang yun! Nyahahaha!"
"Ja Takashi-kun, Kawamura-san aAlis na kami. Kailangan pa namin ayusin mga schedule namin sa University. Kita kits mamaya." Paalam ng dalawa sa mag ama.
College. Ni minsan sa panaginip ay hindi inisip ng mgakaibigan na balang araw ay tutungtong sila sa kolehiyo. Sa Tokyo nila napiling mag aral habang ang 'three stooges' na sina Noma, Oukuso at Takamiya ay nanatili sa Kanagawa. Nais man nilang magksama hanggang makapgtapos ng kolehiyo, ngunit di maari sapagkat tanging sina Sakuragi at Youhei lamang ang nakapasa sa The Unviersity of Tokyo na kilala sa tawag na Tokyo Uni.. Bukod pa roon ay inalok na scholarship ng Tokyo Uni si Sakuragi dahil sa kaniyang talento sa basketball.
Sinong magsasabi na ang pasaway at baguhang manlalaro sa kaniyang freshman year sa high school ngayon ay tinaguriang "Rebound King" at "Red Hair MVP". Ilang sikat at exclusive University ang nag scout kay Sakuragi nag-alok ng scholarship para lamang pumasok sa kanilang unibersidad.
"Sa tingin mo ba kaya mong pagsabayin ang pag-aaral, basketball at part time job."
"Kakayain ko Youhei, di ko kayang kalimutan ang basketball. Pangarap kong maging coach balang araw at ito ang magandang pagkakataon ko."
"Bakit di mo tanggapin ang alok ni Maki-san."
"Malaki na masyado ang naitulong sakin ni Shin-chan. Di ko na alam kung paano ko siya mababayaran."
"Alam mo kung paano. Ayaw mo lang subukan."
"Sinusubukan ko naman hanggang ngayon kaso hindi talaga. Parang ikaw at ako. Hanggang doon lang muna siguro sa ngayon."Sagot nito sabay akbay sa kaibigan.
"Pero payo ko lang sayo, wag kang matakot sumubok uli Hanamichi. Di pa katapusan ng mundo."
"Alam ko Youhei, alam ko."
"Bilang kaibigan mo, susuportahan kita sa lahat. Pero ayaw mo ba nun palagi kang may free cake kay Maki-san hahahaha." Pagbibiro nito sa kaibigan upang mapawi ang seryosong mukha nito.
"Hahaha, pramis naman niya isang tawag ko lang padedeliver niya, nyahahaha."
Tanging ngiti lamang ang sagot ni Youhei sa kaibigan. Natutuwa siyang malaman na kahit paano ay nag mature ang kanyang kaibigan. May mga pagkakataon na hindi maitatago ang pgiging isip bata nito. Ngunit kadalasan ay harap lang niya at ilang malapit na kaibigan.
Hindi lamang sa pisikal na anyo ito nagbago, kundi pati sa pagkilos at pananalita. Simula sa ayos ng buhok, sa pananamit at paglakad ay kapuna-puna ang pagbabago ng kaibigan. Kung dati ay palaging naka gel ang buhok, ngayon ay pinahaba niya ito at bagsak ang bangs na madalas ay tumatakip sa kanyang kulay-kapeng mga mata kaya madalas niya itong tinatalian.
Nakakatuwang pagmasdan ang buhok nito, na bukod sa kulay pula mapapansin ang pagiging maLambot na tila ba nag aanyayang hawakan. Tila ito isang silki na siyang kinagigiliwan ng kaniyang mga suki sa Danny's. Sa pananamit, natuto na rin itong pumili ng damit na naaayon sa lugar at okasyon na kaniyang pupuntahan. Madalas sa mga damit na sinusuot nito ay nagpapatingkad na hubong at tikas ng kanyang katawan na siyang nililingon ngayon ng bawat makasalubong nila. Maging siya ang nagulat nang una niya itong makita na magbihis at mag ayos.
Dahil sa pagbabagong pisikal ni Hana madali naman itong nakapag hanap ng mapapasukan. May mangilan ngilan na inalok itong maging model, ngunit tumanggi ang kaibigan sa kadahilang nais nitong mag focus sa pag aaral. Kung tutuusin kung noon pa lamang ay ganito na ang kaniyang kaibigan na mag ayos at manamit, malamang na hindi nito sasapitin ang limampung pagka basted sa mga kababaihan.
Kung dati ay madalas itong katakutan at iniiwasan ng mga kababaihan, ngayon ay nililingon ito sa tuwing sila ay dumadaan at sakay sa train. Madalas iniiwasan niyang tumabi rito upang maiwasan ang pagkukumpara sa kanila, o kaya naman ay kulitin ng ilang kababaihan kung ano ang pangalan ng kaniyang kaibigan na madalas na mangyari sa tuwing natutulog itong nakahilig sa kanya sa loob ng train.
Maging sa Danny's na pinagpapasukan ni Hana bilang waiter,karamihan sa mga customer hindi lamang mga babae kundi pati ng rin ng mga 'kalalakihan' ay nais na siya ang mag serve sa kanila.
Masaya siya na makita na maayos na at bumalik na sa dating pagkatao ang kaibigan matapos ang mga hirap na pinagdaanan nito.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Wow talaga kuya, sa Kanagawa College papasok si Rukawa-kun. Tiyak na magiging malakas ang team ngayong taon," gilalas ni Haruko habang nag aalmusal sa cafeteria ng campus.
"Oo, nasa aming team na sina Sendoh, Jin , Mitsui at Miyagi. Ngayon siguradong sasali sa team si Rukawa, magiging malakas ang team hindi lang ngayong taon." Paliwanag ni Akagi habang kumakain.
Bagamat masaya ang balita, hindi maiwasan ni Haruko na mag isip at malungkot. "Kung nag aral lang sana ng college si Sakuragi-kun, sigurado Kanagawa ang mangunguna." Buntong hininga ng dalaga.
Matapos ang graduation nila sa High school, umalis ng Kanagawa si Sakuragi at walang nakakaalam kung mag aaral ba ito at kung saang lugar ito nagtungo. Alam niya ang dahilan ng binata kung bakit ito lumayo ngunit iilan lamang sa kanila ang tunay na nakakaalam. Masakit sa loob niya na matapos niyang mag tapat kay Sakuragi na inlove siya rito, inamin nito sa kanya na may relasyon ito kay Rukawa. Nang una ay nagulat at nagalit siya ngunit kalaunan ay natanggap niya ito nang makitang masaya ang dalawa. Higit sa lahat naging epektibo ang kanilang duo na nagbigay ng tagumpay sa kanilang team.
"Walang nakakaalam kung nasan na ang gunggong na yun. Balita ko nasa Tokyo na daw siya lumipat." Sagot ni Akagi.
Ang totoo ay nanghihinayang siya sa naging desisyon ni Sakuragi na wag itong magpatuloy sa pag aaral sa Kanagawa. Naging maganda ang grades nito sa kalagitnaan ng sophomore year nito. Sa katunayan, isa siya sa honor student ng Shohoku. Sino ba naman ang mag aakala na ang isang pasaway at pasang-awang estudyante , bayolenteng manlalaro ay may itinatagong talino kung pagbubutihan lang nito ang pag aaral.
"Bilisan mo nang kumain at kaylangan mo pang hanapin ang prof mo." pagpapaalala sa kapatid.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxzxzzzzxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Akira, anong gagawin ko?" Pag aalalang tanong ni Rukawa kay Sendoh habang naglalakad ito papasok sa kolehiyo. Ang kanilang dormitoryo ay nasa likod lamang ng campus.
"Relax Kaede, wag kang matakot. Alam nilang lahat na tapos na kayo bago naging tayo. Wag mo na silang pansinin, lalo na ng mga kaibigan niya." Ngiting salaysay ni Sendoh.
Ang totoo pati siya ay kinakabahan sa magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigian at kateam mate lalo na ngayong lantad na sa lahat ang kanilang relasyon. Ayaw niya mang aminin, ay takot siya sa mga maririnig niyang salita mula sa mga ito.
Ngayong parehas na silang nag-aaral na sila sa perahong unibesidad, balak niyang opisyal na inanunsiyo sa lahat ang tungkol relasyon Nila. Ihinhanda man nila ang kanilang mga sarili, takot sila sa mga magiging reaksyon ng mga ito lalo na ng mga kaibigan ni Sakuragi.
Alam ng buong Kanagawa na maganda ang naging takbo ng relasyon nina Rukawa at Sakuragi noong panahon ng kanilang high school na nagbigay sa kanila ng titulong 'Fire and Ice Princes' Of Shohouku. Ngunit bago mag umpisa ang Winter Cup napabalitang naghiwalay ang dalawa na ikinadismaya at ikinalungkot ng kanilang mga fans.
"Hn."
Habang sa daan ay mapapansin ang mga mapagmasid at nagtatanong na mga mata ng ibang estudyanteng papasok ng campus. Bakas sa mata ng mga kadalagahan ang paghanga na ang iba ay pagtataka kanilang nakikita. Isang Kaede Rukawa, ang binansagang 'Ice Prince' ng Kanagawa at Akira Sendoh ang 'Cool Genius'. Na sa mga mata ng mga 'Yaoi fanatic' ay kanais nais na tanawin sa umaga.
"Try-out mamaya kaya humanda ka. Mapili ang Coach at ang Captain. Kailangan mong magpakitang gilas."
"You're on!"
"Rukawa-san Sendoh-senpai ohayou!." Masayang bati ni Hikoichi sa dalawa. Kasama niya si Koshino na kaway ang lang bati sa dalawa.
"Excited na ko! Kinausap ako ni Ayako- senpai na maging co manager niya. Medyo busy daw sya kaya hiniling niya na tulungan ko siya. Unbelievable!"
"Maa, maa Hikoichi alam kong masaya ka kaya pagbutihan mo ha. Tayo ang mag cha champion ngayong taon!"
"I che check ko yan Sendoh-senpai."
"Oi love birds! Ohayou!" Pabirong bati ng bagong dating na si Mitsui kina Rukawa at Sendoh. Kasunod niya sina Miyagi, Kogure at Ayako.
"Anong kaguluhan ito? Aga aga basketball pinag uusapan ninyo! Utang na loob!" sita ni Ayako sa kanila.
"Ohayou Aya-chan." Pa cute naman na bati ni Miyagi sa dating crush na ngayon ay kanya nang girlfriend.
"Okey let's go minna. Bawal ma late mamaya sa practice!"
At masayang pumasok ng campus ang grupo.
