Kangkungan???

Kabanata 3: Masarap Ba Ang Dinuguan?

Ang nakaraan:

Sa kangkungang minahal ng aking ama, may labanang naganap sa pagitan ni Sakuragi at Rukawa. Si Sakuragi ay napahamak dahil nakisali ang kilalang (??) awtor na si Mikara, na linuto siya gamit ng kanyang hiniram na pantapong-apoy. At dahil nasira ni Mikara ang hapunan nila ni Rukawa sila'y lumabas na lamang para kumain. Doon ay kanilang nakita ang natatanging basketbolistang si Sendoh Akira na kumakain ng dinuguan. Lumutang sa langit si Mikara at iniwan si Rukawa para bumalik mag-isa sa kangkungan…



Kogure: O, naging masarap ba ang dinuguan?

Rukawa: Hinde. Yung mabaho kasing hininga ni Uozumi, nalipat sa dinuguan niya.

Kogure: Ano na nga pala ang nangyari kay Mikara? Hindi ba't kasama mo siya kanina lamang?

Rukawa: Nandoon. (hintuturo ay nasa langit) Nakita niya kasi si Sendoh (1) kanina, kumakain din ng dinuguan.

Kogure: Akala ko ba hindi na kaaya-aya ang dinuguan ni Uozumi?

Rukawa: Aywan ko ba. Siguro sanay na siya dun.

Kogure: Sandali lang—marunong ba si Sendoh kumain ng dinuguan? Hindi naman siya naturalized na Pilipino tulad mo.

Rukawa: Hindi nga e. Puro dinuguan ang bibig niya. Tapos yung malaking puto, sinasawsaw niya ng buo sa dinuguan, kaya marami ring dinuguan sa kanyang mga daliri. Ang mga maliliit naman na puto, hindi na niya nakukuha mula sa ilalim ng lalagyan ng dinuguan pagkatapos nilang malubog. Pero sa tingin mo ba may pakialam siya? Hinde. Patuloy pa niyang hinahabol ang mga lumubog na puto, kaya lumagpas na sa kanyang mga pamulso ang sabaw ng dinuguan. Pangiti-ngiti pa diyan.

Kogure: Mukhang naobserbahan mo siya nang masusi a…

Rukawa: …

Kogure: (nagpapatuloy) …akala ko ba'y hindi na kayo ni Sendoh?

Rukawa: …

Kogure: Rukawa?

Rukawa: …

Kogure: Rukawa? Hel-looo…

Rukawa: …

(siguro mas nakakatawa kung nagsasalita si Rukawa ano? Gusto niyo ba pasalitaan ko siya ulit? O sige!)

(pumapasok si Sendoh)

Sendoh: Magandang araw.

Kogure: Sendoh?

Rukawa: Hindee…

Sendoh: Magandang araw, Rukawa.

Rukawa: …aho.

Sendoh: Aray. Ang sakit mo naman magsalita.

Rukawa: Dapat lang.

Kogure: Bakit ka ba nandito, Sendoh?

Sendoh: Nabalitaan kong may kangkungan kayo dito.

Kogure: Talaga? Ganun na pala kasikat ang kangkungan natin…o, umupo ka na lang doon. (tumuturo sa mga hanay ng upuan sa gitna ng kangkungan) Malapit na malapit nang magsimula ang kangkungan.

Sendoh: Salamat. Sasama ka ba, Rukawa?

Rukawa: Ayoko.

Kogure: Bakit naman Rukawa??

Rukawa: Ayoko sa kanya.

Kogure: Bakit naman?

Rukawa: …

Kogure: (nagpipilit) Bakit?

Rukawa: …

Kogure: Dahil ba…

Rukawa: Tumahimik ka diyan o sasabihin ko kay Mitsui ang pinaggagagawa ninyo ni Akagi. (2)

Kogure: Eep! (tumatahimik na)

Sendoh: Wala ka na rin namang pagpipilian e. Tignan mo o, dalawa na lang ang natitirang upuan.

Rukawa: Kogure, ikaw na lang ang sumama sa kanya.

Kogure: Pero…si Mitsui…seloso…papatayin ako…

Rukawa: Ako na bahala sa kanya.

Kogure: Hindi ko nais itaya ang aking buhay para lamang sa yo. Ay, diyan na nga kayo. Pagpalain sana kayong dalawa. Paalam! (Tumatakbo patungong kangkungan)

Sendoh: Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin dun?

Rukawa: Ang ibig mong sabihin, hindi mo nakuha?

Sendoh: Medyo lang…Sa tingin mo, anong ibig sabihin niya dun?

Rukawa: Ewan ko sa yo.

Sendoh: Umupo na lang kaya tayo?

Rukawa: Ang sabi ko, ayokong umupo sa tabi mo.

Sendoh: E di hindi mo na mapapanood ang kangkungan.

Rukawa: Wala akong pakialam. Pumunta ka na dun at pagtripan ang unggoy.

Sendoh: Wala akong gusto sa mga unggoy. Lobo lang.

Rukawa: …

Sendoh: (nilalambing si Rukawa, as in, yinayakap) O, ano, lalabas ba tayo mamaya pagkatapos ng kangkungan?

Rukawa: …

Sendoh: (nakasimangot ng kaunti) Kausapin mo naman ako, o, humihingi na nga ng tawad ang tao e.

Rukawa: … (pero medyo yumayakap na rin siya)

Sendoh: Ibig mo bang sabihin magkabati na ulit tayo?

Rukawa: …

Sendoh: (ulo'y nakapatong na sa ulo ni Rukawa) Saan mo gusto mamaya?

Rukawa: …

Sendoh: (tumitingin sa ibaba) Akala ko ba hindi ka na galit sa kin?

Rukawa: …

Sendoh: Huy! Ikaw! (ginigising si Rukawa) Tulog ka ba't ayaw mo ako sagutin?

Rukawa: Ang tanga mo talaga ano?

Sendoh: Anong ibig mong sabihin, tanga?

Rukawa: Sa tingin mo may taong nabubuhay na makakapagsalita habang binibigay mo sa kanya ang iyong yakap ng kamatayan?

Sendoh: Oo nga ano…sori a.

Rukawa: Ba't naging text?

Sendoh: Mas cute kasi tignan kapag text e.

Rukawa: …

Ayako: (mula sa entablado) Magandang araw sa inyong lahat. Welcome to Kangkungan 2002! Kung ang dalawang ginoo diyan sa may likod ay maari nang umupo ay magsisimula na tayo.

(lahat ay tumatawa)

Sakuragi: NYA HA HA HA HA! BUTI NGA!

Rukawa: Ikaw at iyong mga lambing…

Sendoh: (may malaking pawis sa noo) Eh…



ITUTULOY



Oo, oo, alam ko, ang tagal bago magsimula ang kangkungan. Pinili kong i-una muna ang pagpapahirap kay Sakuragi at ang relasyon nina Rukawa at Sendoh dahil, sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ba dapat ang kangkungan. Hindi sa wala talaga akong ideya kung ano ito, pero hindi pa ganoong kalinaw ang kangkungan sa aking imahinasyon. Ang dapat kasi, one- shot fic lang dapat ang Kangkungan???, parang…wala lang, hindi ko talagang inibig na ituloy…pero nagkataon, maraming tao ang nagustuhan ito, kaya, sige, ipagpapatuloy ko na lang…ang dalawang huling kabanatang ito ay ang aking paraan ng pagpapasalamat at (sana'y) pagpapasaya sa mga naghihintay ng pagpapatuloy ng Kangkungan???, at sa parehong oras, pagbibigay ng mas maraming oras sa aking sarili para mag-isip ng ilalaman ng kangkungan. ^^;;; At kung hindi kasing ganda nito ang unang kabanata ay patawad din—hindi ako sanay na gumawa ng akdang may higit sa isang kabanata. Sana po'y maintindihan ninyo…

Kung mayroon kayong mga ideya para sa kangkungan maaari niyo akong mai- contact sa aking email address, suna_no_hoshi@hotmail.com. Ikikilala ko ang mga magbibigay ng ideya sa susunod na kabanata, kahit na hindi ko gagamitin ang mga ito. Isa na namang paraan para mapasalamat kayong lahat…

Sa tingin niyo ba'y dapat maglagay ako ng mga karakter galing sa ibang mga anime dito? Kung oo, sino at galing saang anime? Hindi ko pinapangako na maisasama ko silang lahat. Yung mga mababagay lang sa istorya ang mga maisasama ko siguro, at yung mga galing lang sa anime na alam ko. Pero kung napakita na ang anime na iyon sa Pilipinas ay may malaking chansa na kilala ko ito. Hindi ko rin maipapangako na lahat ng mga karakter ay lalabas sa isa o sa susunod na kabanata kaagad. Depende talaga sa istorya…

"Sendoh"—Isa akong nasiraang taga-hanga ni Sendoh, hindi naturalized, orig na orig. ^^

"Akagi"—masama ako e ^_~

"Masarap Ba Ang Dinuguan?"—galing sa titulo ng isang pelikula, "Masarap Ba Ang Bawal?"

Patawad sa mga mahal si Sendoh kung si Sendoh ay hindi tulad ni Sendoh sapagkat sinadya kong di siya maging tulad ng kilala nating Sendoh ^^ Pero kung tutuusin hindi naman OOC (out of character) siya bagama't wala naman talaga tayong nalalaman sa mga iniisip niya o ang kangyang mga dahilan para sa pagiging kung sino siya ngayon. Pero alam ko na kahit ganun pa man ay hindi dapat napakalayo ng aking karakterisasyon ni Sendoh sa ating napapanood sa Slam Dunk. Pero hindi naman ganun kalayo si Sendoh sa Kangkungan??? sa Sendoh sa Slam Dunk hindi ba? Pinagawa ko lang kay Sendoh ang sa tingin ko'y dapat ginawa niya sa mga sitwasyon na iyon, sinasama na sa konsiderasyon ang nalalaman natin sa kanyang pagkatao mula sa Slam Dunk. At kung ang Sendoh na lumabas ay nag-aasal Hisoka, ano ba ang problema doon?

Patawad din nga pala sa limitado kong Pinoy, hindi lang talaga ako sanay sa paggamit ng wikang ito, sa pagsusulat o pagsasalita, kaya sa mga medyo di- magandang pakinggan na bahagi ng lathain na ito, kung mayroon kayong mas mainam na gamitin na salita o pangungusap, pakisabi na lamang po sa inyong review. Maraming salamat po.



~Mikara-shirei ng Samahan ng R.O.W., na gumagamit ng diksyunaryong pilipino- ingles, libro man o tao, sa kanyang mga gawaing pang-araw-araw.