"Oo, payag na ako na patayin natin siya upang matigil na ang kabaliwan ito."


Chapter 3

Si Enos at si Haring Adolfo


"De…kalian ko siya papatayin ng aking pambihirang pangil Enos? Ngayon na ba? Tara na! Hindi na ako makapaghintay…"

"Huminahon ka nga, hindi pa, dusto ko na mag-usap muna kami ni ama at dusto ko malaman niya na bago siya mamatay , ako ang pumatay sa kanya"

"Ngek? Desisyon mo yan..pero pag namatay na siya ikaw na ang papatong sa lahat ng responsibilidad nya sa buong Sapiro, kaya mo ba iyon Enos?"

"Syempre naman,pinasok ko na ito at hindi na ako makakabalik. Ilang araw o oras na lang ako na ang magiging hari sa buong Sapiro, una kong gagawin ay itama ang mali." tumawa si Enos..


Kinabukasan, nadatnan ni Enos ang pagmamaka-awa ng lalake na napagbintangang pumatay sa kanyang amo. Ang hari ay nakinig sa paliwanag ng lalake..

"Hindi ko po siya pinatay. Ang totoo po'y ako ang dusto niyang patayin dahil ayaw ko po na ipakasal ang aking anak sa aking amo. Parang awa nyo na po wag nyo akong parusahan ng kamatayan!"

"Hindi na dapat pakinggan ang kanyang paliwanag. Patayin na siya para mabawasan na ang mga masasama sa Encantadia!" wika ni Enos. Pero.. pinatawad ito ng hari at pinakawalan na siya,sobrang nagpasalamat ang lalaki sa hari. Sobrang poot ni Enos sa ama..Umalis na ang lalake at mga kawal natira na lamang ang mag-ama na nagtatalo.


"Anak, malalaman mo ang nagsisinungaling o hindi sa pamamagitan ng kanilang mga mata at ikinikilos. Kailangang magpatawad dahil wala talaga silang sala at inosente sila. May mga nakagawa ng masama pero kailangan rin silang patawarin dahil may pangalawang pagkakataon pa sila upang magbago. Dusto ko na ganoon ka rin kapag ikaw na ang hari anak.."

"Pangalawang pagkakataon? Hindi na sila magbabago dahil masama na sila habang buhay! At patuloy at patuloy silang gagawa ng masama! Kaya dapat sa kanila'y mamatay! Dahil sa pagpapatawad na iyan hindi nabibigyan ng hustisya ang namatay katulad ng pagkamatay ni Ina!"

"Anak..masaya na siya sa Deva, si Clotilda, siya na ang iyong Ina" nainis si Enos sa sinabi ng ama.

"Hindi ko siya magiging ina! Tanging si Ina Veronica lamang ang aking ina! Palibhasa kasi hindi mo mahal si Ina kaya mo pinatawad ang pumatay sa kanya!" galit na galit si Enos.

"Hindi iyan totoo! Mahal ko rin siya at anak iba ang…! " hindi natuloy ang sinabi niya dahil nanghina siya… "Anak tulungan mo ako, nahihilo ako…"

"Pasensya na ama pero kailangan ko ng itama ang lahat. Ama ako na ang papalit sa iyo at hinding hindi ako magiging katulad mo...Paalam…" matapos na winika ito ni Enos nawalan na ng dugo ang Hari, namatay na siya….