Bakit, Sasuke?

By SoundSparrow

III.

Dobol Date

Ang pinakamagulong blind date experience ni Kiba at Hinata


-mga iniisip ng tauhan-

-pangalawang sarili ni Sakura-


Oras: 8:30 a.m. – 9:00 a.m.

"Oh brad, kamusta?"

"Teka, san ba nanggaling yang 'brad' na yan at halos lahat ay 'brad' ang tawag sa akin?" tanong ni Shino.

"Pinapausong pantawag ni Neji… weirdo na nga yun eh pati sa 'kin 'brad' na rin"

"Oh?"

"Tsaka sabi ni Sasuke, kamukha mo raw si Brad Pitt…"

"Uhh, ano?" like, hindi naman ganito si Shino pero nagiging pagwapo na rin kasi siya at dahil gwapo (na) siya… -si Sasuke, nababakla sa aken!

"Sabi ko na, nagiging magkauri na kayo ni Sasuke…" sarcastic na tono na sinabi ni Kiba.

-Anong magkauri? Hindi ako patagong bading! Nandiri si Shino at biglang naalala ang dapat sabihin kay Kiba. Iyon ay ang pagbalaan si Kiba na bakla si Sasuke.

"Kiba, may sasabihin ako sa iyong importante…" gagawin na itong diretso ni Shino, bahala hindi maniwala nang biglang nagdoorbell ang pintuan ni Kiba.

"Oy Shino, may ka-blind date ako ngayon eh. Itext mo na lang. Teka, wala ka nga palang cellphone. Mamaya pag-uwi ko mamayang alas diyes ng gabi sigurado na" nagmamadaling sinabi ni Kiba.

"Teka lang Kiba! Kiba? Kiba? Hoy!" naputol kabilang linya, nawalan ng dial tone telepono ni Shino. -Huh! Wala ng load prepaid card koh!

"Hoy Shino? Kanina pa may nagdodoorbell eh… Okey lang mamayang alas diyes? Hoy…" pero wala ng sumasagot sa kabilang linya. –pag tahimik, ibig sabihin, oo… Kaya ibinaba na niya at nagmadali sa pintuan.

"Kiba! Ano ba problema mo?" galit na tinanong ng ate Hana niya.

"Eh ate, galing kasi ako ng CR! Teka, akala ko ba kasama mo yung makakadate ko?" tanong ni Kiba at tinitignan-tignan ang paligid, expectant na may kasama ang ate niya.

"Hindi pa nagrereply si Sakura, kanina ko pa tinetext. Maghanda ka muna" balik sa kanya ng ate niya.

Tahimik na munang umupo si Shino sa sofa nila. May date kaibigan niya kaya hindi na dapat niya gambalain, pero sinabi ni Kiba sa kanya na may nagdodoorbell. Paano kung si Sasuke yung nagdodoorbell at pagtangkaan din si Kiba gaya ng ginawa sa kanya? Hindi, baka masyado lang siyang naapektuhan sa nangyari kanina. Pero iba na rin ang sigurado. Kailangan makapunta siya sa bahay ni Kiba!

Kahit na dalawang oras layo ng bahay nila.


Maliit na butas lumalake!

Konting gusot… gumagrabe…

Di mo maibabaon sa limot ang bahala

Marami na ang namamatay…

Sa maling akala!


Oras: 9:00 a.m. – 9:30 a.m.

-bwiset talaga yung Sasukeng iyon! Pati ung tahimik na si Shino, pinag-interesan!

Wala sa sariling naglalakad si Sakura sa karamihan ng mga tao. Punong-puno pa ng galit ang kanyang sarili. Asar na asar talaga siya, hindi niya aakalaing maloloko siya, at yung 'crush' pa talaga niya.

"Aray!" nakabangga si Sakura ng isang babae.

"Sorry miss, ayos ka lang?"

"Ay, oo! Pasensya na!"

Biglang naalala ni Sakura na pupunta pa siya sa bahay ni Kiba at dapat pala niya makita agad si Hinata dahil iseset-up niya silang dalawa para sa isang blind date! Madaling sinaksak ni Sakura ang kamay niya sa bulsa para itext si Hinata at pati na rin si Kiba. kinapa niya ang bulsa niya, wala ang cellphone niya pero kanina, nasa kanya pa.

Kabado. Lagot. Pano na 'to…

Nilapag muna niya ang catalog sa may mesa ng isang tindahan, binuksan niya ang maliit niyang bag, binaliktad ang mga bulsa, tinanggal ang sapatos at tinaktak. Hindi nakuntento, kinapa ang buong katawan. (take note, sa maraming tao 'to ginawa ni Sakura) Binalik niya sa dating ayos ang mga gamit niya.

Umupo muna si Sakura at tumulala.

15 minutes later…

Tumayo siyang muli at binuksan niya ang maliit niyang bag, binaliktad ang mga bulsa, tinanggal ang sapatos at tinaktak. Hindi nakuntento, kinapa ang buong katawan.

-Sakura tumigil ka na diyan wala ang hinahanap mo! WALA! YA HEAR MEH?- nakialam ang kanyang pangalawang sarili

Oras: 9:30 a.m. – 10:00 a.m.

-posible kayang nanakawan na ako?

Ano pa ba? Kung wala na sa iyo ngayon e di nakuha (ninakaw) na iyon! Tanga! Sabi ng kanyang ikalawang sarili.

-Paano na yung blind date? Hinde!

Tarantang taranta si Sakura at hindi alam ang gagawin. Nang makakita ng payphone, tumawag agad siya kay Ino. Sa mga oras na ito, ang reflex niya ay tawagan ang matalik na kaibigan (kahit ba nagka-conflict matatanggal mo ba yung friendship tie?)

"Hello? Yamanaka flower shop."

"Ino?"

"Ah, hinde ako mama niya"

"Ah! Miss Yamanaka! Gusto ko lang po makausap si Ino…"

"Iha, tumawag kasi mama ni Kiba. Hindi na raw niya muna kukunin yung package number one kasi nasa bahay siya ng kaibigan niya kaya tinext ka ni Ino para huwag muna pumunta sa bahay nila Kiba para ipaliwanag yung package, eh hindi mo ata natanggap tsaka busy yung phone mo? Niyaya nga pala ni Shikamaru si Ino sa training nila sa ninjutsu kasama yung mga ama nila kaya wala siya ngayon."

"Ganun po ba? Pakisabi na lang po kay Ino tumawag ako, nawawala po yung cel ko kaya di ko natanggap…"

"Hah? Ano yun iha? Nawawala cellphone mo? Naku ipa-block mo yan, mamaya magamit yan sa mga masasamang bagay ikaw pa masisi!"

"Salamat po sa concern tita, ipapa-block ko po"

"O sige iha. Salamat sa tawag. Sasabihan ko na rin si Ino, ingat ka ha"

"Opo, Bye."

"Bye."

Blind date yung pinoproblema mo tapos si Ino yung tinawagan… nung klaseng tao ka? Binagabag siya ng multiple niya.

-Iniisip ko kung si Ino na lang ang ipapadate ko kay Kiba… Ino… where are you?

Pero wala naman kasi si Ino, kaya ang tanging naisip ni Sakura ay pumunta na lang sa mga Hyuuga. Alas diyes pa lang ng umaga kaya pwede na lang niya hintayin si Hinata.

Oras: 10:00 a.m. – 11: 30 a.m.

Hindi na masyado inisip ni Sakura ang pagkawala ng cellphone. Kakabwiset, pero kelangan pa niya tapusin ang misyon niya para sa mga kaibigan niya.

Pagdating ni Sakura sa bahay… ehem… mansyon ng Hyuuga…

Mula sa gate ay sinamahan si Sakura ng mga lalakeng naka-itim na amerikana at pantalon at shades papunta sa loob ng bahay… ehem… mansyon. Parang gangster style na ang Hyuuga ngayon dahil sa mga PA na akala mong mga bata ng bidang babae sa My Wife is a Gangster o di kaya yung mga kasama ni Will Smith sa Men in Black.

-Parang delikado akong tao… hindi naman ah

"Magandang umaga po" yumuko si Sakura

"Sakura, magandang umaga din sa iyo." Bati ni Master Hiashi.

"Hihintayin ko na lang po si Hinata hanggang makadating siya"

"Sa totoo lang, kararating lang nila ni Neji galing sa training… maupo ka muna"

Umupo muna si Sakura sa sofa.

"Tito, kumpleto na po ang mga nakatatanda ng angkan" pumasok si Neji sa eksena.

"Sige, pupunta na ako. Neji, hinihintay lang ni Sakura si Hinata… samahan mo muna" at umalis na si Hiashi

Naiwan si Neji, Sakura at ang daga ni TenTen na nasa balikat ni Neji pati na rin ung ipis, butiki, at langgam sa pader ng bahay… ehem… mansyon. Matagal muna bago sila nakapagsalita, titigan muna. Ito'y marahil sa insidenteng nangyari kahapon.

Una binasted ni Sakura si Neji nung nanliligaw pa. Pangalawa, pagkatapos niyang mambasted nalaman niya na bakla si Sasuke at nagsisisi na hindi sinagot si Neji. So ayon, patas lang pala. Pero may samaan din naman sila ng loob (nang kaunti), ang puso ni Sakura ay para lang kay Sasuke pero ang puso ni Sasuke ay para lang din sa isang lalake, posibleng kay Neji. Yung inaakalang ginto, naging bato pa kaya ang naiisip ni Sakura na kanta ni Neji na Akin Ka Na Lang ng Itchiworms ay naging Sorry ng Teeth with matching buti nga sa iyo as background emotion para sa kanta.

"Masama pa rin ba loob mo?" tanong ni Sakura.

"Tungkol don sa kahapon? Hindi ah."

"…nung binasted kita? Neji paano kung sinagot kita?"

Napatingin na lang si Neji kay Sakura at tinaas ang kilay

-Panliligaw na pala para sa kanya yun?-

"Hindi ko alam, hindi naman kita nililigawan. Tsaka anong sinasabi mong sasagutin mo ako? Sinabi ko lang may paghanga ako sa talino mo eh, ayun konting yaya sa barbecue tapos umayaw ka na, sabi mo kay Sasuke ka lang"

Dagdag-hampas sa mukha ni Sakura. Napaka-miserable pala talaga kapag pink ang buhok at kapag nakilala ka bilang isang masugid na tagahanga ni Uchiha Sasuke.

Sa puntong 'to, pagod na si Sakura sa pagkadismaya, nambasted ng hindi pala nanliligaw, nalaman na bakla ang crush at ninakawan pa ng cellphone. Oh my Sakura, ngayon ka ba tinubuan ng balat? Pero gayumpaman, ang ninja ay hindi dinadala ang sama ng loob sa misyon. Tinuloy na lamang niya ang plano.

"Si Hinata?" tanong ni Sakura para maiba ang usapan.

"Napagod sa practice session… natutulog sandali mahabang oras kaming nag-ensayo" balik ni Neji.

"Anong oras pa ba kayo nag-eensayo?"

"Alas kwatro ng madaling araw"

"Hah? Para san ba yang training niyo?" taranta na si Sakura. -alas kwatro ng madaling araw? Makakabangon pa ba si Hinata niyan? At pano na ang blind date?-

"Makikipagdate si Hinata kay Sasuke" sabi ni Neji

-ano? Si Hinata na lang ang tanging kaibigan na kilala ko na pwede ipangblind-date kay Kiba!-

"O, ano kinalaman ng training don?" Taranta si Sakura x2

"May taga Mist Village na hinihingi ang kamay ng pinsan ko e kaso ayaw ni Hinata tsaka di namin gusto yung lalake. Trenta anyos na iyon tapos pinsan ko katorse lang, di kaya sila magmukhang mag-tatay?"

"E ano kinalaman ng edad? Si Kumiko Yamaguchi nga pinakasalan niya si Shin Sawada pero mas matanda ng 4 years si Kumiko tsaka si Shin estudyante niya" Taranta si Sakura x2x2

-Sis, teka lang, nawawala ka na sa tamang diwa, wag mo ng awayin si Neji, let's get to business na nga?-

"Wala namang sakit yung lalake o kung anong defect sa katawan pero parang pasas mukha nung matanda"

"O so? Si Mahal nga naka-tatlong boyfriend na!" Taranta si Sakura x2x2x2

-Kung may katawang tao lang ako ipapalunok ko sa'yo ang noo ko para tumigil ka, Sakura-

"Teka nga hanapin mo muna preno mo! Pwede ba akong magsalita muna?" inis na sinabi ni Neji dahil sa mabilis na bunganga ni Sakura.

"Sige." Naglie-low si Sakura sa sofa. Kumuha si Neji ng papel sa bulsa

-Haay, salamat-

"Tom Boy pangalan niya. Druglord. Tsaka bosing ng maraming gang sa Mist. Walang alam na ninjutsu o genjutsu, kahit taijutsu… Mayaman pero gusto pa ring yumaman kaya nagpropose kay Hinata kaninang alas-dose" Tinupi ni Neji ang papel at binalik sa bulsa. Mukhang may kulang sa napaliwanag niya dahil sa pinapakitang mukha ni Sakura "At kaya si Sasuke ang ipapadate ko kay Hinata dahil pupunta ngayon yung lalake at magpapakasal kay Hinata pero sinabi namin na nagmamabutihan kunyare si Hinata at Saskue para magback-out. Nag-exaggerate ang tito Master Hiashi ko na si Sasuke ay isang henyo at kilala, may Sharingan, may asta at mayabang dating. Pero mukhang lumalaban pa rin yung tanda kaya sige, no choice… wag ka mag-alala pinaghandaan namin 'to"

"Ano agad! May proposal na aayusin (tatanggihan) si Hinata tapos makikipagdate kay Sasuke!" mukhang kulang pa talaga explanation ni Neji.

-Pero may blind date pa sila ni Kiba!

"Si Hinata nagdesisyong magtraining… Naisip kasi niyang magdadala sigurado ng mga bata yung lalake kaya tinulungan ko na sa training si Hinata para mas lumakas siya, pakiramdam ko hindi na nag-eensayo si Sasuke eh, hindi namin alam gaano kadami yung dadalhin ng lalake. Hindi naman pwedeng si Sasuke lang ang makikipaglaban kung magakakagulo…

Ilang sandali pa ay may bumaba sa hagdanan at humikab ng napakahinhin, sa sobrang hinhin iisipin mong hindi talaga hikab yun "ahh… magandang umaga Sakura" nakisalo si Hinata sa kanilang pag-uusap.

"Hinata, kulang ka pa sa pahinga" pag-aalala ni Neji

"Hindi kuya Neji, ayos na ang 30 minutes…"

"Hinata! Wala kang nasabi tungkol dito!" sabat ni Sakura.

"Anong wala Sakura? Tinext kita kanina at pinaliwanag ko na lahat tapos nagreply ka" pinakita ni Hinata ang Sent Items Folder niya at ang napadalang text niya kay Sakura na pinapaliwanag bakit hindi siya makakapunta sa date nila ni Kiba tapos pinakita rin ni Hinata Inbox niya at ang message ni Haruno Sakura ng 9:30am

Ok, may nakuha na akong makakadate na iba para kay Kiba

"Pero nawawala ang cellphone ko kanina pang alas-nwebe!" nag-hysteria si Sakura

Sino kaya nagpadala ng message na iyon?

Oras: 7:00 p.m.

"Kiba, pupunta muna ako sa mga Nara para makakuha ng vaccine at immunization para sa mga aso ko, dadaan din ako kay Shizune… day-off siya ngayon at makikipagkwentuhan muna ako, mamimili din kami sa open market, may sale kasi kaya baka matagalan ako. Nagreply na si Sakura, papunta na raw kablind date mo dun sa JollyDonald"

Nagpaalam na si Hana kay Kiba na kabadong-kabado kung sino makakadate niya. Sinabi ng ate nya na ang makakadate niya ay naka-peacock style hair na may nakatusok na hair chopstick with decorations tapos dark blue kimono ang suot na may pale-sky blue flower decorations. Maputi raw, black hair and eyes at mas maliit kay Kiba.

Oras: 8:00 p.m.

Event: The Big Date

Lugar: JollyDonald

Mas naunang nakarating si Kiba sa JollyDonald, pagkakita niya sa mascot na clown na bubuyog ay pumasok na siya. Nakaka-copyright infringement ang ideya ng JollyDonald. Gaya-gaya parang yung kilala niya… sikat naman. Kelan kaya siya sisikat? Hindi siya yung tipong manggagaya… marami pa talagang kulang sa buhay niya pero bago niya isipin iyon ito munang blind date aasikasuhin niya.

"No idea…" bulong ni Kiba habang iniisip kung may nakakilala siyang ganon na babae. Hindi naman mataas ang standards niya: mabait, simple, marunong sa gawaing-bahay, inosente ang mukha, hindi allergic sa aso. Yun lang, hindi na importante kung maganda o hinde. Basta importante yung huling dalawa at maaalagaan siya at si Akamaru ayos na.

Sa kakaisip ng kanyang dreamgirl biglang may naamoy siya, napatingin siya sa bandang gilid at may nakitang babae na kaparehas ng paglalarawan ng ate niya.

"Inuzuka Kiba?" narinig niya sa mahinhin nitong boses.

-That smell… it's so familiar…

"Ah, yes, that's me. May I know your name?" he was starstruck he was able to speak English.

"Kuchiryo Sasumi"

-Kuchiryo? Kutsilyo? Huh? Hoy Kiba, umayos ka! Wag puro kalokohan!

"Sasumi…" ngumiti si Kiba pero hindi nakapagsalita, there's something with the smell.

"Kiba…" Ngumiti din si Sasumi, inosente dating ng face niya and turn-on agad si Kiba. Umupo si girl at nag-smile kay Kiba.

Inosente ang mukha. Check

"Ma'am, Sir… may I take your order?" dumating ang waiter at may dalang menu, pagkatapos nilang mag-order ay balik sila sa titigan.

"So, mag-usap tayo… hindi pa talaga kita kilala eh… allergic ka ba sa aso?" –What a question, baka di pa nakakakain basted na ako!

"Hinde, sa totoo lang gusto ko talaga ang mga aso! Nakita mo iyong aso na yun sa labas?" tumingin sila sa labas ng restaurant at may nakitang askal na sumusuka. "Lalapitan ko yon…" Tumayo si Sasumi at lumabas ng JollyDonald.

"Ahh.. hindi na Sasumi…" napatayo rin si Kiba ngunit hindi niya napigilan dahil sa bilis ng paglakad ng ka-date

"Anong hinde? Lalapitan ko nga eh!" pagsusungit niya

-Ano ba tong ginagawa ko? Bakit ko pinalabas yung babae?

Pero nakita ni Kiba na may taong lumalapit sa aso at mukhang nagagalit si Sasumi sa taong ito, nagbanta pa ang babae sa tao and made a fist with her left hand. Nang makaalis na ang tao ay niyakap ni Sasumi ang askal at ngumiti kay Kiba, mukhang sinasakal na ang aso.

Pumasok si Sasumi at hinarap si Kiba.

"Hindi ako allergic sa aso" at ngumiti.

Hindi allergic sa aso. Check.

Although he felt kind of awkward with what he saw, hindi naman niya napag-isipan ng negative si Sasumi. Tutal nasa getting-to-know stage pa naman sila at nakuha na ni Kiba importanteng data sa kanya, now's the time to go deeper, yes Kiba binata ka na!

"Ah… so Sasumi… magsabi ka naman tungkol sa sarili mo…"

-Natural maging late si Sasuke…

Oras: 8:30 p.m.

Event: The Big Date

Lugar: JollyDonald

"Neji, alam mo na ba yon?" tanong ni Sakura

"Alam na naming yon" sagot ni TenTen at sinagot para kay Neji,

"Kelan pa?" tanong ni Sakura. Hindi lang pala siya ang may alam.

"Kahapon" sagot ni TenTen. "Kasi… dumaan siya pagkatapos niyo mag-usap ni Neji, akalain mo… bumigay… "

"Pano bumigay?"

"Wag na muna kayong magbulungan… nararamdaman ko siya pero amoy lang nasasagap ko at napakahina, parating na siguro" sinabi ni Hinata.

"Hinata, paano nararamdaman ng Byakuugan mo iyon?" tanong ni Neji.

"Hindi Byakuugan gamit ko kuya Neji… tinuruan ako ni Shino gumamit ng mga insekto para makahanap ng mga tao pati na rin ang paggamit ng amoy para malaman kung sino ang taong paparating, paalis o nagkukunyare…"

"Magaling…" ngumiti si Neji.

May divider ang JollyDonald restaurant. Nasa kabilang side lang si Kiba at ang nasa kabilang side ay si Hinata. Nakapeach kimono siya at may decoration ng autumn leaves, ito paborito niyang suutin na kimono kahit hindi pa o hindi na panahon ng aki. Nasa likod ni Hinata si Neji, Sakura at TenTen na nagpalit-anyong mga babaeng nasa 20. Si Sakura pink pa rin buhok pero mas mahaba na hair hanggang waist naka-red kimono siya, si TenTen naman ay naka-dark green Kimono, nakalugay wavy hair niya at si Neji… basta naka-kimono at mahabang hair na nakalugay, humiram siya ng black contact lens para sa mata niya.

Dumating si Sasuke na naka ninja clothes lang. Black T-shirt and shorts.

"Magandang gabi Hinata…" bati niya.

"Magandang gabi rin Sasuke…" nahihiyang sinabi ni Hinata.

Umupo si Sasuke sa silyang nakaharap kay Hinata at ibig sabihin non, nakaharap siya sa mga taong nasa likuran ni Hinata. Si Sakura gusto na talagang sumabog, nagkakaugat na sa noo niya at susuntukin na ang mesa. -Yung bakla, yung bakla, yung bakla…

"Uminom ka ng tsaa…" alok ni TenTen sabay subsob ng tasa sa bibig ni Sakura. Napaso si Sakura but she regained composure, 'di dapat pahalata.

Si Hinata ay isang tahimik na tao, kaya niyang tumahimik sa harap ng isang tao ng sampung oras at hindi gagawa kahit isang ingay even a small gasp of breath. Alam naman 'to ni Sasuke at kahit tamhimik ay may iba naman siyang mga taong naiinteresang kausapin.

"Hinata, pwedeng makipag-usap sa iyo?" tanong ni Sasuke sa kanyang ma-astang boses.

"Hindi naman natin kailangan mag-usap Uchiha… kung napipilitan ka lang…" she shied away her face knowing na napakarude makipag-usap ni Sasuke.

Si Neji napapangiti na parang gustong tumawa sa pambabarang dating na sinabi ni Hinata kay Sasuke pero sinubsuban siya ni TenTEn ng kape. Lumabas ugat ni Neji sa mata pero tumingin siya palayo para hindi mahalata ni Sasuke.

"Hindi ako napipilitan, gusto ko lang ikwento si Naruto sa iyo…"

"Naruto?" hindi aakalain ni Hinata na sasabihin ni Sasuke ang pangalang iyon sa matamis na tono na para bang naging magkapatid sila.

"Alam mo bang… si Naruto ang pinakamatalik kong kaibigan?"

"Noon ko pa alam yon Uchiha…" pamumula ni Hinata.

"Tawagin mo akong Sa-su-ke, Hinata. Syempre alam mo… alam ko kasi… may malalim kang nararamdaman para sa kanya" ganun na ba naging transparent si Hinata at alam na pati ni Sasuke? Kung sa bagay, malalim at tahimik na tao si Sasuke, who knows ano na nasa isip niya? Isa pa, halata naman kay Hinata may obsession siya kay Naruto.

"Hindi mo na sana… sinabi" feeling she is crumbling away.

Kwinento ni Sasuke kay Hinata ang lahat ng mga alaala niya kay Naruto mula sa academy hanggang sa Chuunin Exam at ang iba pang mga pangyayari hanggang sa maging Chuunin sila. Yung alaala niya na una silang nagkita ni Naruto, ang pagtatanggol niya sa kalagayan ni Naruto nung narinig niya ang pang-asar at pang-iinsulto ni Sakura at pagkatapos non ay ang laban sa pagitan nila ni Gaara, nilagyan ni Sasuke ng emphasis ang kakaibang lakas ni Naruto, pagkatapos non ay yung tungkol sa isyu nila kay Itade. Kwinento ni Sasuke na nanalo si Itade sa tulong nila at lalong-lalo na kay Naruto.

Hindi na alam ni Hinata kung ano ang mararamdaman niya sa sobrang papuri na narinig niya kay Naruto mula kay Sasuke, pumula siya lalo. –Alam kong lagi silang hindi nagkakasundo, pero bakit puro magagandang bagay ang naririnig ko galing sa kanya?-

"…at isa pang kailangan mong malaman Hinata… si Naruto, ay masarap humalik" ngumiti si Sasuke sa pamumula ni Hinata and the small sweatdrops forming at her temples.

Muntik ng lumundag at mag-amok si Sakura buti nalang may handa ng mga restraints si TenTen, may mga lubid siyang binalot sa kaibigan niya nang nalingat sandali kanina, ngayon hindi makaalis si Sakura sa kinauupuan niya. Laking pasalamat ni Neji andiyan ang kagrupo niyang girl scout at laging handa

"N-Naruto?"

"Naalala mo naman siguro yon. Aksidente lang yun baka kung ano maisip mo. Alam mo kasi pag masarap humalik ang isang lalake ay simbolo iyon na isa siyang maginoo at romantiko. Swerte ka talaga." Pero nanatiling tulala si Hinata.

Minataan ni Sakura si TenTen "TenTen pakawalan mo ako!"

Tinignan siya ng mabuti ni TenTen "Uy Sakura, baka nakakalimutan mo, pwede niya tayong mahalata!"

Napatingin sa kanila si Sasuke at napansin iyon ng tatlo. Bigla silang nagfake ng scenario

"Ang iingay niyong mga babae" pabulong na sinabi ni Neji

"Ano ka ba girl! Ang landi landi mo!" at sinundot-sundot ni TenTen ang tagiliran ni Sakura, tapos tumingin din si TenTen kay Neji "Isa ka pa!" at ginawa rin sa kanya ang ginawa kay Sakura.

Si Neji, nakisakay na rin. "Hayy anong akoh? Baka ikaw!" at nakisundot na rin sa mga tagiliran.

"Hinata, punta muna ako ng CR ah" umalis si Sasuke with a slight blush.

"Oo, Sasuke… sige" natulala si Hinata, nahihilo. Naalala nga niya yun, nung araw na tumuntong si Naruto sa sandalan ng upuan at humarap kay Sasuke, may kung sinong nakatulak (accidentally) sa pwet ni Naruto at napahalik kay Sasuke. Naalala din ni Hinata, siya ang hinimatay sa nangyari at nang makita ng maraming babae ay sinugod si Naruto.

"Hinata?" tanong ni Neji. "Hinata, naririnig mo ba ako?"

"Hinata!" tinawag din ni TenTen.

"Tulungan na natin siya!" sabi ni Sakura at Pinakawalan ni TenTen mula sa pagkakagapos. "Hinata!" Tawag ni Sakura.

Pero wala ng naririnig si Hinata.

"Sasuke… tsutsugiin kita!" bulong ni Sakura na pagalit sa sarili. Habang tinutulungan niyang makabalik sa malay si Hinata

Oras: 9:00 p.m. – 10:30 p.m.

Event: The Big Show

Natulala si Kiba sa mga sinabi ni Sasumi. Nang malaman ni Kiba ang ibang bagay tungkol kay Sasumi, natahimik siya. Ang panandaliang kwentuhan nila ay nauwi sa pagmamabutihan.

-I think I'm in love… I feel like I'm in love…

"Kiba…" tawag ni Sasumi. Kiba became alert, inayos ang sarili.

"Ang bilis mo naman mag-CR?" o talagang nadala lang si Kiba sa mga sinasabi ni Sasumi.

"Hah? 30 minutes na akong nagCR!" pabalik ni Sasumi.

"Sir, your order sir… JollyDonald Fried chopped pork's ears and chopped pork's lungs sir…" sinabi ng waiter sa tono gaya ng mga waiter sa Jollibee o McDonald. Inilapag din niya ang Iced Tea na inorder nila.

"So… kain na tayo?" tanong ni Kiba.

"Sure…" nasa kutsara na nila ang pagkain nang biglang nagkatitigan.

-This Sasumi really likes to stare, huh? Wait, what's that smell in her? Nahihirapan na ako i-figure out ano!

"BITIWAN MO AKO!"

Tumayo si Kiba dahil narinig niya ang boses ni Hinata. Kilala niya syempre ang boses ni Hinata, pumunta siya sa kabilang bahagi ng divider at nakita na si Hinata ay pinipilit na sumama ng isang lalakeng mukhang kwarenta, malaki ang tyan, kalbo at bilog ang tyan.

"Neji…" tumingin si TenTen kay Neji.

"Hindi… walang makikialam…" utos niya, at siya ang lider sa misyon na ito kaya susundin dapat yon ni Sakura at TenTEn.

"SASUKE! TULONG!" sigaw ni Hinata (dahil sa script nila dapat may gusto si Hinata kay Sasuke)

"Sumama ka na sa akin beybi…" pagpupumilit ng lalake.

"Bitiwan mo ako!" at kinuha ni Hinata sa loob ng kanyang bra ang peppermint spray perfume niya at inispray kay Tom Boy, and so the other Mist ninjas flowed all over the place. Kinalaban ni Kiba ang mga ito gamit ang kanyang whirlwind technique. Sayang at wala si Akamaru, mabilis sanang matatapos ang laban.

"Beybi… nakalimutan mo yatang naka-shades ako… bakit mo ba ayaw sa akin? Sino ba yang Sasuke na iyan at parang mas gusto mo siya sa aken? Hah? Beybi come on let's ride at my ferrari and have some fun"

Parang sapak sa mukha ni Neji. Sana pala pinilit na lang niyang matulog si Hinata,

"Pa-english english ka pa diyan!" guess who came? It's Shino all right!

"Ikaw ba si Sasuke?" tanong ni Tom Boy kay Shino. "You're so gaya-gaya you also wearing shades ah!"

"Pakialam ko kung sino ako sa tingin mo… hawak mo kaibigan ko… pakawalan mo ang aking prinsesa!" galit na sinabi ni Shino.

-Lokong Shino yun ah! At lumingon si Neji with matching icy death glares kay Shino. Neji swears na nakita niyang kumindat si Shino kay Hinata sa likod ng shades niya!

"Hoy Shino! Wag ka lang puro salita! Tulungan mo ako!" at tinuloy lang ni Kiba ang pakikipaglaban.

"Kami na bahala!" bumalik na sa dating anyo si TenTen. Ubos na ang pasensya. Naki-riot na siya. Sa sobrang galit kay Sasuke ay nagbalik-anyo na rin si Sakura.

-Mga pasaway! Napilitan na lang pati si Neji na magbalik-anyo at nakipaglaban.

Nilinis ni Neji, Sakura at TenTen ang mga kaaway na malapit kanila Tom Boy at Hinata. Shino took this opportunity para mapalapit nang kaunti sa dalawa at ginamit niya ang kanyang mga insekto pero meron palang pangontra si Tom Boy dito. Nag-summon si Tom Boy ng anti-anay formula na x3 ang galing at effective kesa sa ibang anay/pest-control. Naubos lahat ng insekto ni Shino kaya di na magagamit ni Shino insekto niya. May kasing-bulas ng katawan ni Choji na humampas directly kay Shino kaya napasama siya sa riot.

"Beybi, I'm strong, kung lalaban ka with me, I will kill you!" pagbabanta ni Tom.

Tahimik si Hinata, pero sumabog na rin galit niya. –subukan mo kung kaya mo! Tinuhod niya ang ulo ni Tom sa pagitan ng binti nito. Napa-aray si Tom, dito na nagsimula laban nilang dalawa ni Hinata. Susuntukin na ni Tom si Hinata pero naiwasan ito ni Hinata, she hit his left and right arms. Nasuntok ni Tom si Hinata sa tyan, rumesbak si Hinata sinuntok niya adam's apple ni Tom. Away kalye na. kumuha ng upuan si Hinata at binasag sa ulo ni Tom, si Tom kumuha ng flower vase at binasa si Hinata. Kinuha ni Hinata ang table cover ng isang mesa at hinampas ng napakalakas si Tom. Tom gripped the other side of the cloth, yung humampas sa kanya tapos nakipag-tug of war silang dalawa pero dahil sa taba ni Tom ay nahila niya at pinsosas si Hinata gamit ito.

Mahaba ang tatakbuhin, pero libre si Shino na makapunta kanila Tom at Hinata. Nakita niyang nakaposas na kamay ni Hinata. Face to Face na si Hinata at Tom at parang sinasabi ni Tom na "Kung pumayag ka lang, hindi ka sana nagkaganito, Beybi…" Kunot noo ni Hinata,dumura siya sa mukha ni Tom sabay hinead-butt, malakas humeadbutt si Hinata sumemplang sa kabilang mesa si Tom, may hotcake na nakita si Tom, malapit na si Shino. Si Hinata, nag-ipon ng chakra sa mga daliri at kamay, bibigyan niya ng Gazelle Punch si Tom (yung parang kay Ippo Makunochi). Patakbo si Shino papunta sa kanilang dalawa. Kumuha ng sipit si Tom at pinulot ang Hotcake na kumukulo sa init. Kay Hinata dapat tumama ang Hotcake pero si Shino ay nasa gitna na ng dalawang nagkakainitan. Slow motion (matrix style) Sumampal ang mainit na Hotcake sa mukha ni Shino. Nabasag shades niya. Bagsak siya sa sahig, saka pa lang na-Gazelle punch ni Hinata si Tom. Tumapon sa kabilang restaurant si Tom, sa Green Hut at basag ang mukha.

Malapit na rin maubos ang Mist Ninjas. Pagka-double flying kick ni Neji, pagka-shuriken rain ni TenTen at pagkasugat ng tuhod ni Sakura, nakita nilang nakikipaglaban din si Sasuke sa isang banda at pinatumba ang huling ninja.

"Kanina ka pa nandito Sasuke?"

"Inubos ko yung ibang ninja sa Storage room ng JollyDonald… kalalabas ko lang…" sagot ni Sasuke. "Kamusta?"

Tapos na ang laban.

"Shino," hiniga ni Hinata ng maayos si Shino nang dumating ang tatlo pang ninja.

"Malubha ang nangyari kay Shino" sabi ni Neji. Nasunog ang kaliwang pisngi ni Shino at nakatirik ang mata.

"Hayaan niyo at ako na ang bahala sa kanya." Binuhat ni Sasuke si Shino. "O, bakit ganyan kayo makatingin?"

"Wala" sabi ni Sakura.

"NO comment…" pagtingin palayo ni TenTen.

Pero sa totoo lang naiinis na sila kay Sasuke dahil sa pakunwaring tutulungan si Shino pero may suspetya silang babaklain lang talaga ang kaibigan.

Sa may entrance ng JollyDonald ay nakahandusay si Kiba, hawak ang gamot na binigay ni Hinata bago bumalik para tignan kundisyon ni Shino. At nakita ni Kiba na naglalakad si Sasuke bitbit si Shino.

"Ako na bahala sa kanya…" tumigil si Sasuke sandali at nagpatuloy sa paglalakad.

-Teka, ang amoy na yon… siya nga yon!


A/N: Dahil sa labas-pasok ng mga tauhan, pinapayo ko sa mambabasa na balikan ang kabanatang ito sakaling maguluhan sa ibang chapters dahil napakahaba ng kabanatang ito!

-Ang chopped pork's ears ay sisig… minsan gilagid iyon ng baboy

-Ang chopped pork's lungs ay bopis

Sa tingin ko iyon ay isang paglilinaw na gagawin ko dahil sa ibang restaurant ay bibigyan nila ng kakaibang mga pangalan ang pagkain tapos yun pala bituka ng baboy o utak ng unggoy lang pala yon!

Kung sino magbibigay ng flames, ayos lang. naglagay naman ako ng warning. Patawad sa Sasuke fans… pang-humor lang 'to. Wala namang serious o mature content kaya wag kayong masasaktan!

Paki-review na lang po :)

Mga Tanong (na maaaring si Sasuke lang ang may sagot) :

Anong gagawin ni Sasuke kay Shino?

Sino ang kumuha ng cellphone ni Sakura?

Paano bumigay si Sasuke sa harap ni TenTen at Neji?

(Last update - 05-18-12)