Part Three

Samantala kina Kai at Naru sa kanilang paglilibot… ay manghang-mangha si Naru sa mga nakikita at nadaraanan nya…

" Talaga palang malaki ang mansyon na ito, di sya masyadong maganda sa labas pero pagdating dito sa loob ang ganda. ", bilib na turan ni Naru.

" Hindi pa yan… Kapag nakita mo ang kabuuan ng mansyon na ito tiyak na mamangha ka. Sya nga pala, mag-aalas-dose na… tayo na muna sa sala. ", nakangiting sabi ni Kai.

" Tatlong oras ang nagugol natin sa paglilibot sa mansyon na ito… ilang oras kaya kung kabuuan ng mansyon ang lilibutin? ", tanong ni Naru.

" Hindi oras ang bibilangin kundi araw… sa tatlong oras nga eh di pa natin tapos libutin ang unang palapag, kabuuan pa kaya… ", natatawang paliwanag ni Kai.

" Araw? ", agad na napalingon si Naru sa kanya. " Sigurado ka ba? Nalibot mo na ba ang kabuuan nito? ", Tanong ulit nya.

" Oo, sigurado ako at bata pa ako ay nakumpleto ko nang malibot ang masyon na ito ", sagot ni Kai.

Tumuloy ang dalawa sa may sala. Maraming pinag-usapan ang dalawa habang patungo sa sala. Nag-iba naman ng gusto si Kai na puntahang lugar kaya sa halip na sa sala ang tungo nila ay pumunta sila sa computer room. Pinayagan nya ang bisita na gumamit ng computer ang isa at habang nagkokomputer si Naru nasa tabi lang nya si Kai.

" Hindi ko alam na marunong ka palang gumamit nyan… saan ka natuto? ", tanong ni Kai.

" Kay ama, pitong taon ako noon nang turuan nya ako… ikaw mahilig ka ba nito? ", tinanong din nya si Kai.

" Medyo, mas tinutunan ko kasi ng pansin ang tungkol sa beyblade… know that? ", muling tanong ni Kai.

" Beyblade? Not so… I'm not aware of that… ", sagot ni Naru.

Napangiti si Kai. Kinuha nya ang mouse ng computer sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay nya sa kamay ng bisita at nagbukas ng ilang site tungkol sa bagay na yun. Sinara nya ang ilang dokumento.

" I will show you ", ani ni Kai habang isang click lang nya ay bumukas ang files ng beyblade. " This is a beyblade plan. What do you think? ", pahayag ni Kai kay Naru.

" It's wonderful! Looks interesting…", manghang sagot nito sa kanya na di pa rin inaalis ang tingin sa screen.

" You're right! Dito ko lahat binubuhos ang sarili ko at interest.", paliwanag ni Kai. Pinakita pa ni Kai ang ibang dokumento tungkol doon.

Ilan sandali ay sinundo na sila para kumain. Sa hapagkainan, tanging tatlo lamang ang kumain ng tanghalian.

" Kumusta ang naging libot nyong dalawa, Naru? ", tanong ni Duke Takeshi sa bata.

" Ayos lang po… walang naging problema… ", sagot ni Naru habang tinatanggal nya ang kanyang jacket.

" Anong oras ka pala uuwi, Naru? ", tanong naman ni Kai.

" Isang oras matapos ang tanghalian na ito ", sagot niya.

" Why are you in hurry? ", nagtatakang tanong ng duke.

" Yeah, you can leave this place later… maybe 5 'o clock will do ", ani naman ni Kai na mukhang gusto pa nya na makasama at makakwentuhan si Naru.

" Sorry… I can't… I really have to go Dr. Hideaki's clinic to have my check-up ", paliwanag ni Naru sa mag-lolo.

" May sakit ka? ", nag-aalalang tanong ng duke.

" Wala po… kailangan ko lang nun para mapanatili ko po ang aking kalusugan… di po kasi kaya ng katawan ko ang klima. ", paliwanag muli nya.

Napatango na lamang si Duke Takeshi. Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain. Mabilis ang takbo ng oras, matapos kumain ay dumiretso si Kai sa sala at sinama si Naru. May lakad ulit si Duke Takeshi. Sa sala, namagitan sa kanila ay katahimikan hanggang sa makaramdam ng masama si Naru.

" Asar! Heto na naman, umaatake na naman ang kahinaan ko… bakit ngayon pa… ilang minuto na lang ba? 15 minutes bago mag 2 o' clock", sambit ni Naru sa sarili habang pinagpapawisan ng matindi. Nagbabasa noon si Kai ng mga magazine nang biglang tumayo si Naru.

" Any problem that bothers you? ", kaagad na tanong ni Kai. Umiling lang si Naru sabay sabi, " I have to go now… ".

" Are you okay? Parang namumutla ka, ah? Tell me… ", pag-aalalang tanong ni Kai.

" I'm fine… don't bother, all I want now is to go… ", nakangiting sagot ni Naru sa kanya.

" Okay, ipahahatid na lang kita sa inyo ", sagot ni Kai. Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Naru.

Sa byahe doon umatake ng matindi ang kanyang sakit… di nya alam na nakalimutan nya ang kanyang jacket sa sala dahil nga sa hinubad nya ito bago kumain. Sa may sala, napansin ni Kai ang jacket ng bisita.

" Nalimutan pala ni Naru ang jacket nya… mamaya pupunta na lang ako sa kanila para ihatid ito ", sambit ni Kai sa sarili habang hawak-hawak ang naturang jacket.

Sa halip na inihatid ni Naru ang sarili sa bahay ay dumiretso sila sa klinika ni Dr. Hideaki upang magpacheck-up.

" Salamat naman at nakarating ka na… kanina pa kita hinihintay ", pagkasabi nun ay inalalayan nya paloob ang bata.

" Maraming salamat po pala sa paghahatid mo sa kanya, ginoo ", ani ng doktor sa driver ng sasakyan na naghatid kay Naru.

" Wala po yun, sige po ", nakangiting turan ng lalake at umalis na rin.

Sa loob ng klinika, kaagad na humiga si Naru at di na nagaksaya pa ng oras si Dr. Hideaki kaya kaagad nya sinuri ang kalagayan ng bata.

" Talagang inaasahan kong mangyayari ito, dapat kanina ka pang umaga pumunta rito… may nangyari ba? ", pag-aalalang tanong nito kay Naru.

" Pasensya na po, sinundo po kasi ako ng duke, eh ", mahinang sagot ni Naru. Nabigla si Hideaki sa narinig. Di nya tuloy mapigilan na magtanong pa kay Naru. Talagang masaya sya sa nangyari…

" Totoo ba yang narinig ko? Bakit ka pinasundo ng duke? ", dagdag na tanong ng doktor.

" Totoo po lahat… nalaman ko po na gusto akong patirahin ng duke sa kanilang mansyon dahil raw po bilang pagtanaw ng utang na loob ng duke sa mga magulang ko ", paliwanag ni Naru. " Alam nyo po nagkakilala kami ng apo ng duke, si Kai, ang bait nya sa akin kahit minsan nakakainis sya. ", masayang pagkwekwento ni Naru.

" Maswerte ka talaga ", tanging tugon ng doktor. " Alam na kaya ng duke ang tungkol sa misteryo ng pagkamatay ng isa pa nyang apo? Kung magkaganun man, ito na siguro ang pagkakataon upang makilala si Naru na di talaga sya isang Roumiji ", ani ni Hideaki sa isip na napansin naman ni Naru dahil sa saglitan pagtahimik ng doktor.

" Doktor, ayos lang po ba kayo? ", takang tanong ni Naru. Parang nagising mula sa pagkakatulog si Dr. Asaba… tumango at ngumiti lamang sya kay Naru. Matapos nun ay pinagpatuloy na nya ang pagsusuri.

" Ano na ang pakiramdam mo ngayon? ", tanong ni Hideaki matapos nyang bigyan ng lunas ang sakit ni Naru.

" Maayos na po… sya nga po pala, kahit na nandoon na ko sa mansyon ng duke gusto ko po kayo pa rin ang magiging doktor ko…", masayang sambit ni Naru.

" Oo naman, mula pagkabata mo kliyente na kita… naputol lang naman yun noon pumunta ako ng Amerika ", sagot ni Dr. Hideaki.

Masaya ang dalawa sa klinika. Umuwi si Naru mga alas-singko na ng hapon. Hindi naman magawa ni Kai na ihatid ang jacket ni Naru sa bahay nito dahil may naglalaro sa kanyang isip at isa ring dahilan ay di na sya pwedeng lumabas ng mansyon.