Disclaimer: Sugarfree po ang kumanta nitong Kwarto.
A/N: Madalas ay mahirap i-let go ang mga bagay na nakasanayan natin. Pero minsan, upang madaling makalimot sa kahapon, ay kailangan nating gawin ito. EriolxTomoyo po tayo pero mostly ay si Eriol ang makikita ninyo.
Kwarto
Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punong-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban
Oohh… Oohh…
Alam naman ni Eriol Hiiragizawa na dapat ay ginawa niya ang bagay na ito matagal na. Hindi katulad ng inaabangan na gagawin niya ang kanyang ginawa noong nangyari ang isa sa mga trahedya ng buhay niya.
Mataas na ang araw nang simulan niya ang paglilinis ng kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang gawin ang bagay na iyon ngayon. Siguro ay pagod na siya sa maulan na mga araw. Siguro ay ayaw na niyang pumasok muli sa kwarto niya na punong-puno na ng kahapon.
At first, he was slightly apprehensive. Takot pa rin siyang maalala ang nakaraan. Maaring hindi niya kayanin ang kanyang makikita sa loob... Mga bagay na patuloy na ipaalala sa kanya ang kahapon ...
Pero hindi niya maikakaila na kailangan niya ng linisin ito. There was always time for a fresh start.
Saan pa ba pinakamainam magsimula?
Siyempre, sa kwarto niya. They lived together and shared a bedroom together. Magkasama sila ng kanyang nobya ng halos sampung taon. She lived like a wraith in the house but his essence still existed inside his room.
Huminga ng malalim si Eriol. At binuksan niya ang binatana. Pinuno nang init ng araw ang buong kwarto niya. He smiled.
Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayo'y kailangan nang itapon
Lumapit siya sa dresser. Binuklat niya ang pinakailalim na drawer at inilabas ang mga pinakaiingat-ingatang bagay.
Maraming mga sulat. Mga pictures nilang dalawa. Ilang mga regalo sa kanya. Mga bagay na itinago niya matagal na.
Hindi niya mapigilan ang pagsikip ng kanyang dibdib. Masakit pa rin ang kahapon. Nanginginig ang mga kamay niya habang pinulot niya ang mga bagay na iyon at inilagay sa loob ng isang magandang box.
Kung may itatapon man siya, uunahin niya na ang magandang kahon na ibinigay sa kanya. (Sabi kasi sa kanya na lagyan raw niya ng mga importanteng bagay--- ngayon ay hindi na importante ito at ang mga liham, larawan at regalo. Ano pa bang saysay nito sa kanya?)
Binuklat niya ang isa sa mga sulat at binasa ang unang paragraph. Eriol, mahal ko. Ganoon rin ang nakasulat sa iba. Mahal ko, tunay kong pagibig... Ibinalik niya sa sobre at tinapon pabalik sa loob ng kahon.
Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon
May jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan
Itinaas niya ang kahon sa mesita at nagsimulang magwalis ng sahig. Malinis naman ito noong una ngunit nagsimula na itong magdumi noong nakalimutan niya ito sa kanyang paghihinagpis. Winalisan niya lahat ng sulok na para bang gustong-gusto niyang tanggalin ang lahat ng gabok na pwedeng may dalang alaala ng kahapon.
Binuksan niya ang kanyang aparador at napansin ang isang jacket sa sahig. Maganda ang tela, itim ang kulay at naalala pa niya ang mga gabing sinusuot ito ng may-ari... Ito ang pinakamagandang jacket at sinusuot lamang kapag may okasyon. Katulad ng engagement nila.
Pinulot niya ito at pinagpagan. Magabok na ito. Nahulog ito sa hanger nito noong nagmamadaling iniwanan siya. Hindi na ito babalikan. Hinaplos niya ang malambot na tela at tiningnan ang mga bulsa.
May isang panyong nahulog sa sahig. Kilala ni Eriol ang disenyo. Mga rosas na nakaburda sa puting panyo... Ito rin ang paboritong panyo ng babeng minahal niya noon. Ito rin ang ginagamit niya upang punasan ang mga luha nito.
Gently, he picked it up and slipped it on the pocket. Saya at lungkot sa dalawang bagay na espesyal sa kanilang dalawa. Inilagay rin niya ito sa kahon.
Mula ngayon…
Ala-ala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto't naroon siya
Pagkatapos noon ay tinapos na niya ang kanyang paglilinis. Wala nang gamit pa na nakita na maguugnay sa kanilang dalawa.
Umupo siya sa kama at ikinandong ang irinegalong kahon. Tinitigan niya nang mabuti ang eskultura ng rosas at ang ganda ng pagkakayari.
Akala niya noon ay magpakailanman ang kanilang pag-ibig. Parang ang mga rosas sa panyo at kahon na mga paboritong bulaklak.Minahal niya ang babaeng may pulang buhok at ngiting parang mga rosas ng kanyang buong puso.
Ngunit parang mga rosas ring nalanta ang pagmamahalan at iniwan na siya upang maghanap nang isang hardinerong magmamahal sa kanya. Nawalan ng kwenta ang buhay ni Eriol.
Ngunit hindi na ulit siya mangungulila sa babaeng ito. Tapos na siya.
May kumatok sa pinto niya. Nagitla siya sa kanyang pagiisip at tumayo upang pagbuksan ang kumakatok.
Lumabas siya at napangiti sa kanyang nakita. Nandito na rin pala ang babaeng kanyang mamahalin ngayon at hanggang bukas.
Yinakap niya si Tomoyo Daidouji nang mahigpit. Sa kanya nakita ang tunay na ligaya. Ito ang tumulong sa kanyamakalimot sa masakit na unang pagibig. At sa kanya nakita ni Eriol ang tunay na pagtanggap sa kanyang buhay.
"Halika na," ngiti ni Tomoyo sa kanya "kukunin na natin ang mga gamit ko."
"Sandali lang..." Pumasok ulit si Eriol at kinuha ang kahon na may rosas sa taklob. Itatapon niya na ito at tunay na ngang nagpaalam ang kwarto sa kanyang kahapon.
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa 'yo
Magpapaalam na sa 'yo
Magpapaalam na sa 'yo
Magpapaalam na sa 'yo ang aking kwarto
