Title: Accident In Love
Pairings: SendohXRukawa
Chapter 3
Nangangati na ang mukha niya kanina pa. Buti nalang at oras na ng pagtulog. May sarili silang kwarto ni Koshino at luckily, may sarili itong banyo.
Dahil sa pangangati ng mukha ay nauna na siyang naghilamos. Siya lang naman kasi ang naglagay lagay ng kung anu anong kolorete sa mukha para di siya makilala ng lalaking gusto niyang ligawan.
"Tingnan mo nga Hiroaki, kung malinis ang mga unan, kumot at kubre kama natin. Baka masurot ako nito at tuluyan akong galisin." anya sa kaibigan habang tinutuyo ng puting tuwalya ang kanyang mukha.
Inamoy amoy naman ng isa ang mga unan, kumot, kubre kama at kung anu ano pa.
"Mukha namang bagong palit. Malinis at mabango."
Biglang bumukas ang kwarto nila at iniluwa noon si Mrs. Rukawa. Buti nalang at alerto siya. Naalala niyang binura na niya ang kanyang mga pekeng bulutong. Tinanggal na rin niya ang peke niyang gilagid, ngipin at kilay.
"Masakit ang tiyan ko. Araaaay.. Sandali lang poooo." umaakting na sabi niya habang nakahawak sa tiyan ang mga kamay at nagdire diretso sa loob ng banyo.
'Kelangan palang maging maingat ako. Buti nalang at nakatalikod ako. Kung nagkataon ay baka nabuking na ako.'
Naririnig niyang nag uusap sina Koshino at Mommy Kaori kung kaya di muna siya lumabas. Ginawa niyang upuan ang trono.
…...
Mga katok ni Koshino ang gumising sa kanya. Nakatulog na siya sa pagkakayupyop sa inidoro.
'Sleeping prince na pala ako above the throne.'
Isinungaw na muna niya ang ulo sa pinto bago tuluyang lumabas.
"Wala na?"
"Oo. Naku, hinihintay ka ngang lumabas eh. Sinabi ko nalang kanina pa sira yang tiyan mo. Napakahirap ng sitwasyon natin, Akira. Ngayon nakalusot ka, paano naman ang mga susunod?"
"Basta, hindi yan. Eh di hahanap nalang ulit ako ng palusot."
"Ako ang kinakabahan sayo, gago."
"Bakit ba nagpunta si mommy dito?"
"Maka-mommy ka naman, wagas. Sinabi lang na malinis lahat ng mga gamit dito. Parang nahulaan ang mga iniisip natin. Hindi raw ito ang gamit ng dati nilang katulong. Actually, mga gamit nila ito na napaglumaan na."
"Magiging mommy ko na rin siya...soon! Pag kinasal na kami ni Kaede." wika niya habang niyayakap ang unan na para sa kanya.
"Sana, unan ito ni Kaede."
"Magsaya ka! Dahil yang unan na yakap mo ay kay Rukawa Kaede nga talaga."
"Ha?"
"Pinaglumaan na daw ng prince charming mo."
Sa sobrang saya niya ay nilundag niya si Koshino at mahigpit na niyakap. Tinigilan lang niya ito ng makitang nagkukulay ube na ang kaibigan dahil sa nahihirapan na itong huminga.
"P-peste...k-ka talaga.. s-sa b-buhay ko, A-Akiraaaa baka.. b-bakaaaa..."
…...
Paggising niya kinabukasan ay ang kitsune agad ang kanyang hinahanap.
"Psst, Hiroaki, yung girlfriend ko, nakita mo?"
"Ha? May girlfriend ka na? Sino?"
"'Baka'..Eh di si Rukawa Kaede."
"Girlfriend? Lalaki yung tao, buang ka na ba Sendoh Akira?"
"Eh basta.. Ang ganda niya eh. Ano, nakita mo nga si beautiful?"
"Hindi. Saka pwede ba, mamaya ka na lumandi? Tapusin mo muna yung mga trabaho mo dito sa bahay. Pag nakita ka ng mga boss natin ay masisante ka pa. Sasabog yang mga plano mo."
Siyang biglang labas ni Mommy Kaori.
"O, Dohsen, nandyan ka pala. Hatiran mo naman ng juice at sandwich si Kaede sa likod bahay."
"Ha? Nandoon po siya?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa ginang.
"Oo. Pag umaga ay nagpapapawis yun saka mahilig yang maglaro ng basketball kapag ganitong walang pasok."
"Sige po maghahanda na po ako ng juice at sandwich." Pumasok na siya sa loob at dumiretso sa kusina para hatiran ng meryenda ang taong mahal niya.
Natagpuan nga niya si Rukawa sa likod bahay at nagpapapawis sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball na mag isa. Idinidribol nito ang bola at saka inihagis sa ring. Walang mintis na pumasok ang bola sa loob.
'Wow. Ang ganda niya talaga at ang seksi. Di ko talaga maisip na may mga lalaki palang mas magaganda pa kesa sa tunay na mga babae.'
Natukso siyang panuorin ito. Sa malas, ay hindi naman siya napapansin ng lalaki. Hindi pa siya nasiyahan ay umupo na siya sa swing at nakapangalumbabang pinagmamasdan ito.
'Please, my baby Kaede.. Magkagusto ka naman sakin please at ng di naman masayang ang mga kabalbalang pinaggagawa ko sa buhay ko. Pag sinagot mo ako, di ako titingin sa iba at palagi kitang papaligayahin sa kama.'
Natigilan siya at umiling iling siya para iwaksi ang mga kabastusang naiisip niya. Haay! Paano ba naman kasi, kanina pa niya talaga gustong papakin si Rukawa ng mga halik at ikulong ang magandang lalaki sa kanyang malapad na dibdib at matitipunong mga braso.
…...
Ganado siya sa paglalaro ng basketball ng mamataan niya si Aki na nakaupo sa swing. Hindi lang basta nakaupo, mukhang nakatulog na ito doon.
Kasikat sikat palang ng araw ay tulog na agad itong kumag na ito. Dumilim ang mukha niya at nakapamewang na hinarap ang natutulog na si Sendoh.
Nakapangalumbaba ito. Sinipat sipat niya ang natutulog na binata.
'Aba.. Nung nakaraang araw ay naka Converse ito. Ngayon naman ay Nike ang suot na rubber shoes. Pati ang mga damit ay puro orig ang suot tapos ipinambabahay lang ng kumag na ito.'
Pinaglakbay niya ang mga mata sa kabuoan ng lalaking natutulog.
'Aba, mukhang mas macho pa ata kesa sa akin ang isang ang mga kutis sa mga braso at hita ay makinis. Parang alagang alaga nito ang kutis niya sa sarap sigurong pisil pisilin ng mga muscles niya.'
Bigla siyang napalunok at tila nakaramdam ng kakaiba ng masilayan niya ng malapitan ang katawan nito kasabay noon ay ang pag init ng kanyang pisngi.
'Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako affected sa kumag na ito?'
Napadako ang mga mata niya sa mukha ng lalaki at doon na siya tuluyang napangiwi. Lalo na ng makita niya ang mga nakausling mga ngipin nito.
'Macho nga, matangkad nga, maganda ang kutis sa katawan pero pagdating sa face value, talo. Ang sarap talagang takpan ng paper bag ang pagmumukha nito.'
Niyugyog niya ang lalaki para usisain.
…...
Namimigat ang mga talukap ng mga mata niya pero ng maaninag niya si Rukawa na nakapamewang sa harapan niya ay napabalikwas siya ng bangon.
"Kaede!" kaagad siyang napatayo.
"Ang aga naman yatang pamamahinga yan." sita nito sa kanya.
Napalunok siya. Hiyang hiya siya kay Rukawa. Saka baka napagmasdan na nitong maigi na peke lang pala yung mga pinaglalagay niyang bulutong sa mukha at ang ngipin niya.
"Sir. Pasensya na po kayo. Di na po mauulit. Napuyat lang po kasi ako kagabi."
"At bakit ka napuyat?"
Napangiti siya ng malapad.
"Nag isip po ako. Iniisip ko po ang isang magandang lalaki."
"Ano? Lalaki? May boyfriend ka?"
"Wala pa po. Pero malapit na. Di naman po kayo homophobic di ba?"
Napansin niyang napangiwi si Rukawa.
"Masyado ka naman palang ilusyonado." Parang nangungutyang sabi nito saka nag cross arms "...At hindi ako homophobic."
'Yes! May pag asa ako!'
"Hindi kayo naniniwala sakin sir?'
"Talagang hindi." napapailing na sabi nito sa kanya.
Tumawa si Sendoh na parang nang iinsulto.
"Tandaan ninyo ang ginagawa niyong yan, sir. Iniinsulto nyo ko. Masama yan. You are laughing at me."
"Marunong ka talagang mag english no?"
"Aba.. Kung di nyo lang po natatanong ay nakarating po ako ng highschool."
"Ah... Kaya lang may napapansin ako sayo na medyo kakaiba ka ngang nilalang eh." At saka siya nito tiningnan mula ulo hanggang paa na tila ba pinag aaralan siya saka huminto ang mga mata nito sa kanyang mga paa.
"Yang suot mong rubber shoes, mamahalin yan no?"
Natigilan siya. Oo nga pala. Di niya naisip na mamahalin pala ang suot niyang rubber shoes.
"Bigay lang ito ng isa sa mga dati kong amo. Pinagsawaan kaya napunta sakin."
"Ah ganon ba? Eh yang mga damit at shorts mo? Mamahalin rin yan ah?"
"Bigay lang rin yan sakin sir. Yung dati ko kasing amo, may anak din na teenager at kasing laki ko. Yung mga pinaglumaan niya ay sa akin nalang ibinigay kasi naawa sakin kaya imported lahat ng mga suot ko." palusot niya.
Sana lang ay pumasa ang alibi niya kay Rukawa.
"Sigurado ka bang hindi mo ninakaw ang mga iyan?" prangkang tanong nito.
"Naku hindi ah. Di ako magnanakaw. Ang sakit naman niyang sinabi mo."
"Nasasaktan ka pala?" napapangising tanong niya dito.
"Syempre naman. Tao ako eh."
Sa totoo lang ay nasasaktan siya sa mga paratang ni Rukawa sa kanya. Napagbibintangan siya nito ng di maganda. Kung sabagay, may point naman ito dahil sa hitsura niya ngayon ay makakabili nga ba naman siya ng mamahaling mga gamit?
"Syanga pala, napapansin ko, may katamaran ka yata. Kagigising mo palang ay natutulog ka na agad?"
"Sorry po, di na po mauulit."
"Talagang di na mauulit. Hwag mo ng isipin yung iniisip mo kagabi pa. Kawawa naman."
"Bakit naman siya kawawa?"
"Humarap ka kaya sa salamin ng malaman mo ang sagot."
"Alam mo sir, balak ko pa naman sana kayong ipakilala sa pinsan kong ubod ng gwapo pero dahil ganyan ang ugali mo ay hwag nalang."
"Pinsang ubod ng gwapo? Talaga lang ha?" nang uuyam na sabi nito sa kanya.
"Basta gwapo siya. Pero di ko na ipapakilala sayo."
"Okay lang, di naman ako interesado sa pinsan mo." at naglakad na ito papalayo.
'Ang yabang mo Rukawa Kaede. Tingnan natin kung di ka ma-fall at maglaway pag nameet mo na ang gwapong gwapong si Sendoh Akira.'
Nangingiti niyang pinagmasdan ang papalayong si Rukawa hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.
…...
Tapos na niyang na-vacuum ang sahig at mga sofa. Nasa sala na siya ngayon kasama ang kapatid ni Kaede na si Keisuke dahil nagpaturo ang bata sa kanya ng assignment nito sa mathematics at katatapos lang niya itong turuan kaya naman nililigpit na niya ang mga ginamit nilang lapis, notebook at libro.
"Kuya Aki, dwowingan mo naman ako." untag sa kanya ni Keisuke habang ibinibigay sa kanya ng bata ang notebook at hinihila ang laylayan ng puting t-shirt niya.
"Ano bang gusto mong i-drawing?" tanong niyang nakangiti.
"Kahit ano, basta dwawings."
"Ah, yon lang pala eh. Kayang kaya ni Kuya Aki yan. Magaling akong magdrawing eh." at kinuha na niya ang notebook at nagsimulang gumuhit.
Nagdrawing siya ng isang tao na may tayu tayong buhok at isang tao naman na may matang parang sa kitsune.
Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan siya ni Keisuke.
"Wow, kuya Aki, ang galing mo talagang magdwawing. Sino ba yan?" sabay turo nito sa isang tao na may nakababang buhok. "Parang si kuya Kaede."
"Si Kitsune yan." sabay turo niya dito. "Siya yung prince, tapos ito, siya naman ang knight in shining armor nung prince." Sabay turo sa may taong nakatayo ang buhok.
"Huh? Pwede ba yon, kuya Aki? Yung pwince, magkakagusto sa knight in shining awmow?" inosenteng tanong nito.
"Oo naman."
"Wow! Love team sila?"
"Ganon na nga."
"Kahit paweho silang boy?"
"Oo. Alam mo kasi, bata ka pa Keisuke.." anya sabay ginulo ang buhok ng bata. "Basta kapag mahal mo ang isang tao, wala ka ng pakialam kung mayaman man siya o mahirap o kung parehas silang babae o lalaki. Basta lahat gagawin mo para lang sa kanya…para makasama mo siya. Di mo pa maiintindihan ito sa ngayon pero pagdating ng panahon na tumanda ka na, maiintindihan mo rin ako." Saka siya ngumiti.
"Hmp. Ang dwama dwama mo naman kuya, Aki. Pawang nainlove ka na siguwo. Hula ko, si kuya yung cwush mo kasi palagi mo siya nititingnan ano?"
"Err… Ah.." di niya alam ang sasabihin sa bata. Sa totoo lang gusto niya itong tirisin. Bakit ba nahulaan nito ang nararamdaman niya?
"Uyyyyy namumula ikaw. Tama ako di ba? Hehehe.."
"Uy, hindi ah. Saka kung magkacrush man ako sa kuya mo, di naman ako papansinin noon kasi nga tingnan mo itsura ko o."
Matagal siyang pinagmasdan ng bata.
"Oo nga, Kuya Aki, pangit ka…Pewo pag wala ka siguwo galis sa mukha at wala yang ngipin mo na malaki, pogi ka."
Napangiti siya ng lihim sa sarili. Kung nalalaman lang sana ng bata na ito ang tunay na siya ay baka magpa-autograph pa ang batang ito sa kanya ng wala sa oras.
"Bakit kaya hindi ka pumunta sa pawlow (parlor) tapos ipatiwis (ipatiris) mo yang bulutong mo pawa mawala tapos pagupit mo yang kilay mo. Tapos punta ka sa dentist." Suhestyon pa nito.
"Eh.. saka nalang pag sinipag na ako, hehehe."
"Kuya Aki, mawunong ka magkawate di ba?"
"Kawate?" napapakamot ng ulong tanong niya dito. "Ah! Karate! Nagets ko na. Self defense ba yung sinasabi mo? Yung judo?"
Tumango ng mabilis ang bata.
"Tuwuan mo ako ng kawate.. Kasi lagi ako nibubully sa skul namin eh."
"Yon lang pala eh. Tawagin mo si Kuya Hiroaki mo tapos sali mo kamo siya at mag aaral tayo ng self defense." At kumindat pa siya sa bata.
Agad na tumalima ang bata at pagkabalik nito ay kasa kasama na si Koshino.
"Huy! Ano na namang kalokohan tong gagawin mo ha?" bulong nito sa kanya at hinila siya papalayo kay Keisuke.
"Samahan mo na ako.. Magpapaturo daw ng self defense tong bata na to." sabay turo kay Keisuke na kasalukuyang naglalagay ng panyo sa ulo.
"Kalokohan mo. Huwag mo ng ituloy yang binabalak mo at baka may masama pang mangyari."
Hindi na siya nakasagot kay Koshino ng biglang magsalita ang bata.
"Game na ako! Yehey!" sabi ng bata at nagtatalon ito sa tuwa.
Napailing na lang si Koshino at umupo sa isang gilid. Ayaw niyang sumama sa kalokohan ni Akira. Doon nalang siya para magbantay kung anuman ang mangyari.
"Okay! Ganito ang gagawin mo, i-stretch mo lang ang kamay mo habang nakafist ang mga daliri mo at sumuntok ka ng malakas" at nag-demo na siya sa harapan ng bata.
"At sumigaw ka ng HAAAH!"
"Haah!" ginaya naman nito ng bata.
Napapailing naman si Koshino sa isang sulok. Natatawa siya sa mga kalokohang pinaggagawa ni Sendoh sa buhay. Para itong bata.
"Ayan! Very good, mas maganda kung mas malakas kang sumigaw para matakot sila." napapatawang sabi niya.
"Okay.. okay.. Tapos kuya Aki, ano sunod?"
"Tapos sipain mo ang kalaban mo. Parang ganito.." at sumipa siya ng ubod lakas. "YAAAAHH!"
Yari ang banga.
Napatanga si Koshino sa isang sulok habang pinagmamasdan ang pira pirasong banga..
"Send….Dohsen Aki! Anong ginawa mo?!" naghahysterical na tanong nito sa kanya.
'Oops! I'm in a big trouble now, really.'
"Hala ka, Kuya Aki, favowite na banga yan ni kuya. Nibili nya pa yan sa Amewika noon."
Agad silang kumuha ni Koshino ng walis at dustpan para walisin ang mga bubog.
'Patay na talaga akong bata ako nito.'
…
Hindi niya talagang maiwang hindi tumanga sa tuwing nakikita niya si Rukawa. Kumakain itong mag isa sa lamesa dahil may pasok ito ngayon sa eskwela.
Siya ang naghain ng pagkain nito at pinagmasdan muli ang binata.
"Pwede, umalis ka nga sa harap ko. Di ako masyadong makakain eh." inis na pagtataboy nito sa kanya. Inis pa rin si Rukawa dahil nabasag ng bwisit nilang katulong ang favorite niyang banga ayon na rin sa sinabi ng kapatid niya. Ang mahal pa naman ng bili niya dito. Tss..
"Okay sir at sorry po ulit." at muli siya ngumiti bago dumiretso sa kwarto nila Koshino. Dumiretso siya sa harap ng salamin at ginaya ang pagngiting ibinigay niya kay Rukawa kani kanina lang. Maging siya ay napangiwi ng makita ang sariling repleksyon sa salamin.
'Kung ako man rin, di ako gaganahang kumain pag ganito ang makikita kong itsura habang kumakain ako.'
Muli siyang lumabas ng kwarto at pinagmasdan mula sa malayo si Rukawa habang sumusubo ito ng pagkain.
"Hoy!" bigla siyang hinampas sa balikat ni Daddy Tomo ng dyaryo.
"Hoy ka rin! Ay... sir, kayo po pala." napapakamot sa batok na sabi niya. Nahihiya sa lalaki dahil mukhang nahuli siya nitong pinagmamasdan si Kaede.
"Anong ginagawa mo dyan? Bakit di mo tulungang maglaba si Hiroaki?"
"Binabantayan ko pa po kasi si sir Kaede. Baka po may ipag uutos pa siya sakin."
"Wala ng ipag uutos ang batang yan. Sige na, tulungan mo na yung kasama mo doon."
"Sige po sir. Excuse me po."
…
"Hello Hiroaki." bati niya sa kaibigan na kasalukuyang naglalaba.
"O bakit ka andito?"
"Sabi kasi ni sir Tomo, tulungan daw kita dito eh."
"Dapat sinabi mo ng kaya ko na lahat ito."
"Di ako pwedeng tumanggi baka mahalata ako."
"May point ka."
Nagsimula na siyang magkusot ng mga damit. As usual, yung mga boxers na naman ni Rukawa Kaede ang tinira niya.
"Aghh!" nasambit niya pagkalubog nito ng mga kamay sa batya na may sabon.
Narinig naman iyon ni Mrs. Rukawa kaya dali dali itong napapunta sa kanila.
"Oh bakit, Aki, napano ka?" anya habang sinisipat sipat nito ang kamay ni Sendoh.
"Naku, puro sugat na pala tong mga kamay mo ah. Allergic ka ata sa sabon. Mabuti pa ay hwag ka ng magkusot ng damit. Magbanlaw ka nalang."
"Salamat po." Nahihiyang sabi niya saka yumuko.
"Alam mo sa kung tutuusin ay hindi ka sanay sa hirap eh. Aba'y kay ganda ng hubog ng mga kamay mo, hijo ah, kahit na makalyo. Siguro mahilig ka rin sa sports ano."
"Naku maam, sanay po ako sa hirap. Lahi lang po naming ang may magagandang mga kamay. At mahilig din po akong magbasketball. At least, kahit po mga kamay lang ay may makita namang maganda sakin."
Tumango nalang ang ginang na wari ay naiintindihan siya. Kahit man ito ay naaasiwa sa kanyang itsura.
"Mommy!" boses ni Kaede yun. Lumitaw ito buhat sa back door at lumapit sa ina.
"Aalis na po ako."
"Ingat, hijo." At humalik pa ito sa anak.
Napatanga naman si Sendoh habang tinitingnan ang ginawang paghalik ni Mommy Kaori sa anak.
'Sana mahalikan din kita, Kaede.'
Siyang lingon ni Mrs. Rukawa at huling huli siya nitong nakatingin kay Kaede.
Dali dali niyang ibinalik ang tingin sa mga labahin.
…...
Nakalipas ang buong isang linggo. Bagamat ramdam na ramdam niya ang pagkadisgusto at pang iinsulto sa kanya ni Rukawa ay naging masaya pa rin ang pakiramdam niya dahil araw araw niya itong nakakasama at nakikita.
Yun nga lang, grabe na ang pang iinsultong natanggap niya buhat dito. Kulang nalang ay takpan siya nito ng paper bag sa mukha kapag kausap siya. Pero desidido talaga siyang mapalapit sa binata kaya naman di niya magawang umayaw.
'The hell with care.'
Alam niyang inoobserbahan rin siya nito kaya naman todo ingat siya sa mga galaw niya para hindi mabuko ang ginagawa niyang pagpapanggap. Bagamat napupuna pa rin ni Rukawa ang mga mamamahaling suot niya ay wala ng iba pang nahalata ito sa kanya.
"Hoy loverboy, bakit nakatanga ka pa riyan?" schedule kasi ng uwi nila ngayon sa bahay nina Lolo Jun kaya naman nag iimpake na ito ng mga damit na dadalhin.
"Ano, suko ka na ba?" tanong pa nito sa kanya. "Tuloy paalam na ba tayo at di na babalik? Kung ako ang tatanungin mo ay nahihirapan na akong maglaba ng mga damit ng ibang tao."
He sighed.
"I admit na nahihirapan na rin ako, Kosh. But I won't give up. Eto nalang ang tanging paraan ko para mapalapit sa kanya eh." malungkot na sabi niya.
Nakaramdaman naman ng awa para sa kaibigan si Koshino so he patted his friend's shoulder.
"Hwag ka na ngang mag emo emo dyan. Bilisan mo ng mag empake. Get up, man! Sige, ipagluluto kita ng favorite mong Szechwan beef with extra hot chili pepper mamayang dinner ng sumaya ka naman."
"Really, Hiroaki?! With extra hot chilli pepper ha?" Akira's blue eyes twinkling.
"Oo na nga. Kulit."
Agad na nag empake na ng damit si Sendoh. Bigla siyang sumaya ng malamang ipagluluto siya ng kaibigan niya ng favorite dish niya although na medyo nalulungkot din dahil uuwi sila ngayon. It means, Di niya makikita si Rukawa ng isang araw.
….
Para akong kakainin ng buhay niyang si Aki na yan, 'My. Palayasin mo na nga yun at maghanap ka nalang ng ibang katulong." wika niya sa kanyang mommy ng makaalis na sina Sendoh at Koshino.
"Naku anak, pagpasensiyahan mo nalang yung batang yun. Tingin ko kasi, mukhang may gusto sayo kaya lagi kang tinitingnan."
"That's the problem, mommy. Baka mamaya ay bigla nalang akong gapangin noon pag natutulog ako."
Napahagalpak ng tawa si Mrs. Rukawa.
"You are really beautiful, my son. Tingnan mo nga, kahit lalaki nagkakagusto sayo? And hinding hindi kami tututol ng daddy mo if magkaboyfriend ka man. Hahahaha."
"I'm not beautiful, mommy!"
Kaede just rolled his eyes and gave his mother a glare before he walked out.
…
Sunday!
"Ikaw, wala ka ng ibang topic mula kanina kundi yang bago mong maid. Siguro, lihim mong minamahal yan. Nyahahahahaha!" biro ng may pulang buhok sa kanya.
Nagbonding silang magkakaibigan sa may Atsugi Base Club parang maglibang.
"Do'aho! Pag pinatulan ko yun, para namang wala ng ibang lalaki sa mundo. Kinukwento ko siya sa inyo kasi nga kakaiba yung nilalang na yun." Sabay inom ng pinna collada na inorder niya.
"Yun na nga eh, pansin na pansin mo ang kaibahan niya. Ibig sabihin ay lagi mo siyang pinagmamasdan." segunda naman ni Miyagi habang namamapak ng tacos.
"Tigilan nyo nga ako at baka bigla akong mapikon sa inyo at di ko kayo matantya." Pananakot pa niya.
"Wow! May gana ka pang mapikon after you bombarded our poor ears that your maid is blah blah blah..." nakangising sabi ni Mitsui.
Rukawa rolled is eyes. He's very annoyed with his friends suddenly he shifted his gaze into someone. And that someone is too familiar..
'Di ako maaaring magkamali. Si Koshino nga itong nakikita ko. At mukhang kasama rin niya ang pangit na kumag niyang kaibigan.'
Matiim nya itong pinagmasdan. Nakatalikod si Sendoh sa gawi niya pero nakilala nya ito base na rin sa body built, yun nga lang, nakataas lahat ang buhok nito na animoy alambre.
Napatayo siyang bigla sa kinauupuan.
"Sandali lang, mga pards. I think, nandidito ang kakaibang housemaid namin."
"Haaa?!" sabay sabay nilang sabi.
Walang sabi sabing tumayo siya sa kinauupuan at nilapitan niya ang mesa nina Koshino.
T.B.C
A/N: Hello SenRu avid fans, malapit na pong matapos ang kwento na ito, baka 2 or 3 chapters na lang ito. Thank you sa lahat ng nagbasa kahit medyo naweweirduhan kayo sa mga nangyayari kasi biglang nag apply si Sendoh na katulong. I know na hindi suit sa kanya ang character na pagiging katulong. Please lang, sa mga Sendoh lovers, huwag na kayong magalit sakin. Waaaaa! Dahil isa lang akong trying hard na author. Peace tayo.
